LOGINSIERRA’S POV
Nang matapos ko na ang lahat ng aking mga kailangang gawin ay nagbalik ako kaagad sa mansyon ng mga Alegria.
“You’re here, Sienna,” bati sa akin ni Mama Victoria.
“Si Lucien po?” tanong ko nang mapansin na wala roon ang aking asawa.
“Nagpauna na siya sa villa, roon ka na lang daw niya hihintayin. Maganda kasi roon at sariwa ang hangin, maganda para sa kalusugan ni Lucien. Pansamantala ay doon na muna kayo titira ni Lucien habang naghihintay ng eye donor,” paliwanag ng ginang.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang ginang dahil ipinahanda na kaagad nito ang chopper na magdadala sa akin sa isang isla kung saan naroroon si Lucien.
Sa bawat araw na kasama ko ito sa isla ay mas lalong sumisidhi ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya. Alam kong bawal dahil pagmamay-ari na ito ng iba pero wala akong magagawa dahil puso ko na ang nagdikta, ang tangi ko na lang magagawa ay hayaan ang aking damdamin na mahalin ang lalaki. Bahala na kung sakaling dumating ang panahon na kailangan ko ng umalis sa kanyang tabi.
Dalawa lang kami sa bahay na iyon. May mga ipinadalang tao si Mama Victoria para mabantayan kami pero may ilang metro ang layo ng bahay kung saan ang mga ito namamalagi. Para bang sinadya ng ginang na mapag-isa kami ng kanyang anak sa lugar na iyon.
Napakatahimik ng lugar, ang samyo ng hanging amihan na nagmumula sa dagat Pasipiko ang madalas na aming kasalo sa bawat araw at gabing nagdaraan.
“Ma jolie,” wika ni Lucien. Nasa terasa kaming dalawa, ang kanyang ulo ay nakapatong sa aking kandungan at nakahiga sa mahabang upuang kahoy. Masuyo kong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri habang nakatitig sa gwapo nitong mukha.
“Hmm, Ma jolie? Anong lenggwahe iyan?” tanong ko.
“”Ma Jolie" is a French phrase meaning ‘my pretty’ or ‘my beautiful’. It's commonly used as a term of endearment. Alam mo bang ginamit din ni Pablo Picasso ang salitang iyan sa isa sa kanyang mga artwork, isinunod niya ang pangalan sa kanyang minamahal.”
“Mukhang hindi naman bagay sa akin ang phrase na iyan,eh. Hindi naman ako maganda.”
“It’s not true. You are the most beautiful person I have ever seen in my entire life and I feel incredibly fortunate that you accepted my marriage proposal, despite my flaws.” Hinaplos nito ang aking mukha na para bang tinatandaan ang bawat bahagi nito.
“Gusto kong makitang muli ang iyong mukha,” anito. Ang ngiti na nakakintal sa aking mga labi ay napalitan ng lungkot. Alam ko na kapag dumating ang araw na iyon ay kailangan ko na rin magpaalam. Parang may kung ano na kumirot sa akin puso, isipin palang na maghihiwalay kami. Masama man hilingin na sana ay manatili na lang itong bulag upang manatili ako sa kanyang tabi pero kasakiman na iyon dahil kaligayahan ko lang ang aking iniisip.
Ang pamamalagi ko sa isla kasama si Lucien ay itinuring kong isang bakasyon kasama ang aking mahal.
Hangal kung hangal,
Hibang na kung hibang pero pinanindigan ko ang pagiging asawa niya, ipinadama ko ang aking tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga ko sa kanya.
Ako ang nagsilbing kanyang mga mata sa madilim nitong paligid.
“Perhaps you regret marrying someone as useless as I am,” anito habang kami ay nasa harapan ng bahay. Maaga kami laging gumigising upang kahit papaano ay maarawan ito dahil bukod sa nagbibigay iyon ng vitamin D ay nakakatulong din ang sinag ng araw sa pagpapabuti ng kanyang mood dahil pansin ko na mas madalas itong balisa. Nabanggit na rin sa akin ni Mama Victoria ang tungkol sa bagay na iyon kung kaya naging mas maalaga ako rito. Hindi lang ang kanyang pisikal na kalusugan ang aking binantayan maging ang kanyang emosyonal. Hindi ko ipinaramdam na nahihirapan ako sa pag-aalaga sa kanya.
Dahil sa totoo lang ay masaya akong naalagaan siya dahil naipaparamdam ko ang aking pagmamahal sa kanya.
Pagmamahal na ibinibigay ko bilang si Naomi Sierra at hindi si Noemi Sienna.
LUCIEN'S POV"Nagbibiro ka lang, hindi ba,Love? Hindi ito totoo." Ibinaba ni Sienna ang papel habang umiiling-iling. "Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Well, this dinner is all about this. Gusto kong ipaalam sa inyo na gusto ko na makipaghiwalay, I had enough in this marriage," seryosong sabi ko. Tinitigan ko si Sienna sunod ay SI Daddy Simon at ang aking mga magulang na tahimik lang. "Victoria, Lucio. Anong ibig sabihin nito? May alam ba kayo sa plano ng anak ninyo? Bakit hindi kayo sumagot?" galit na sahod naman ni Daddy Simon."Wala silang kinalaman sa naging desisyon ko. Actually, I did not tell them about this and it's their first time also to hear about it."Malakas na hinampas ni Sienna ang lamesa dahilan upang gumalaw ang mga plato, kubyertos at kutsara maging ang mga baso sa lamesa saka tumayo."I knew it! it's because of that woman, tama ba ako ha, Lucien? Nakikipaghiwalay ka sa akin dahil gusto mo na makasama ang kabit mo!" histerikal na sigaw nito."Totoo ba ang sinasabi ng
LUCIEN'S POV"Nagbibiro ka lang, hindi ba,Love? Hindi ito totoo." Ibinaba ni Sienna ang papel habang umiiling-iling. "Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Well, this dinner is all about this. Gusto kong ipaalam sa inyo na gusto ko na makipaghiwalay, I had enough in this marriage," seryosong sabi ko. Tinitigan ko si Sienna sunod ay SI Daddy Simon at ang aking mga magulang na tahimik lang. "Victoria, Lucio. Anong ibig sabihin nito? May alam ba kayo sa plano ng anak ninyo? Bakit hindi kayo sumagot?" galit na sahod naman ni Daddy Simon."Wala silang kinalaman sa naging desisyon ko. Actually, I did not tell them about this and it's their first time also to hear about it."Malakas na hinampas ni Sienna ang lamesa dahilan upang gumalaw ang mga plato, kubyertos at kutsara maging ang mga baso sa lamesa saka tumayo."I knew it! it's because of that woman, tama ba ako ha, Lucien? Nakikipaghiwalay ka sa akin dahil gusto mo na makasama ang kabit mo!" histerikal na sigaw nito."Totoo ba ang sinasabi ng
LUCIEN'S POVHindi ako mapalagay pero pilit kong pinapakalma ang aking sarili habang kaharap ko ang aking magulang at hinihintay si Sienna, kasama na rin namin ang Daddy nito. "Ano ba ang okasyon at inimbitahan mo kami, anak?" tanong sa akin ni Mama."Oo nga, Lucien. Huwag niyong sabihing nakabuo kayo ulit, napakabilis naman. Tatlong buwan pa lamang ang apo ko, hahaha. Pero walang problema sa akin kahit pa taun-taon manganak si Sienna, mas gusto ko pa nga iyon," tumatawang sabi ni Daddy Simon na ikinamaang ng aking mga magulang na para bang naniwala sa sinabi nito."Wala naman po, Dad. Masyado na po kasi akong abala sa trabaho at sa pag-aalaga sa anak namin kaya sa tingin ko ay kailangan ko rin kayo i-treat for your extra hands especially when we needed you at pagdating kay Limuel," sabi ko. "Nasaan na ba ang asawa mo? She's always late everytime na may dinner tayo. Hindi mo ba siya kasama?" pagbabago ng paksa ni Mama. Napatingin ako sa aking relo, 10 minutes late na ito subalit wal
LUCIEN’S POVPagkatapos kong bigyan ng babala ang dalawang gwardiya ay agad akong sumunod sa loob ng bahay. Binilinan ko rin ang lahat ng mga kasambahay at ang personal guards gaya ng bilin ko sa dalawa kanina saka ako pumasok sa loob ng library. Agad itong napaupo nang makita ako. “Please sit down. Gusto kong malaman kung bakit mo hinahanap ang asawa ko at kung bakit sa amin mo hinahanap ang anak mo. For your information, kakapanganak pa lang ng asawa ko at walang ibang bata rito maliban sa baby ko,” sabi ko. Parang ang aking sinabi ay nagbigay ng hudyat para bumalong ang luha sa kanyang mga mata. “Anak ko ang batang hawak niyo. Baby ko ang inaalagaan niyo,” umiiyak na sabi nito. Kumabog ang aking puso dahil sa kanyang sinanbi. "W-What are you trying to say? Baby Lemuel is our child. Nanganak ang asawa ko three months ago and it's impossible that he's your son. The doctor confirmed about it also." "Huwag po kayong magagalit, Sir pero niloloko po kayo ng asawa niyo. Nilolok
LUCIEN'S POV"Sino ba iyan? Ano ba yang ingay na naririnig ko sa labas?" iritado kong tanong dahil sa malakas na sigaw sa labas ng bahay na ngayon ko lang napansin. Nakakahiya sa aming mga kapitbahay dahil paniguradong may mga nagrereklamo na, kung ako nga na nasa second floor ng aking bahay ay dinig na dinig ang malakas na sigaw ng Isang lalaki ay pihadong mas malakas ang ingay sa labas. Although, hindi ko masyadong naiintindihan ang kanyang sinisigaw. "Sir, may lalaki po kasing nagwawala sa labas. Hinahanap po si Ma'am. Kanina pa po kasi sigaw ng sigaw," sagot ng aking kasambahay. "Hindi pa ba kayo tumatawag ng guards at security? Private village ito, ah. Paano nakapasok ang isang iyan dito?" sunod-sunod na tanong ko habang pababa ng hagdan. "Tumawag na po, Sir. Kaya lang, may hawak po kasing ice pick. Itinututok niya po sa leeg niya kapag may nagtatangkang lumapit." Nakasunod ito sa akin. Diretso ang aking lakad patungo sa main door hanggang sa makita ko ang isang lalaking na
LUCIEN'S POVNang marinig ko ang mga pag-uusap na iyon ng mga kababaihan ay isang panibagong agam-agam ang tumatak sa aking isipan. Nakakausap ko naman ang taong inutusan ko upang sundan si Sienna at nag-rereport naman ito ng halos tugma sa sinabi ni Sienna kung kaya hindi ako naghinala. Napabuntong- hininga na lang ako dahil baka tama naman ang sinabi ng isang babae kanina, may mga pagkakataon din naman na lumalabas ito noon lalo na ng malapit na itong manganak at ang palagi nitong kasama ay ang kaibigan nito. Araw ng Sabado, hindi ako pumasok upang mabantayan ang aming anak na si Baby Lemuel. Madaling araw pa lang ay narinig ko na ang malakas na pag-iyak ng bata mula sa kanyang crib. Naalimpungatan ako sa lakas ng pag-iyak nito pero pansin ko na hindi bumangon si Sienna mula sa higaan. Nakatakip pa ang tenga nito ng unan na para bang naiinis sa ingay ng bata. Matiyaga kong kinarga ang bata, pinalitan ng diaper kahit na hindi ako ganoon kabihasa at saka tinimplahan ng gatas para map







