SIERRA’S POV
“ You will continue pretending to be Sienna,” sabi ni Dad
“Dad, hindi ako pwedeng magtagal sa ganitong sitwasyon. May trabaho ako at hindi alam ni Tita Olivia ang tungkol sa bagay na ito,” kinakabahan kong sabi. Natatakot ako dahil baka malaman ng mga Alegria ang tungkol sa aking pagpapanggap.
“Hindi niya na dapat pang malaman ang tungkol sa bagay na ito,” sabi ni Dad.
“Tinatawagan ko ang kapatid mo at hindi siya sumasagot sa mga tawag ko,” dugtong nito.
“But Dad, nakita ko siya kanina sa simbahan. Nandoon siya kanina—”
“Naririnig mo ba ako? Sinabi ko ng wala siya. Kanina ko pa siya tinatawagan but she’s not answering her phone. Paano ko hahanapin ang isang taong hindi ko man lang ma-contact? This is the only solution left to address this problem. Uulitin ko, Sierra. Walang dapat makaalam sa bagay na ito dahil sa oras na malaman ng mga Alegria ang tungkol dito ay hindi lang ako ang mananagot. Ikaw, ako at si Sienna ang mananagot. Nagkakaintindihan ba tayo? Gagawa ako ng paraan para makapagbakasyon ka kahit dalawang araw at gamitin mo iyon para ayusin ang tungkol sa trabaho mo, alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin.” Pagkasabi nito ay naiwan akong gulong-gulo ang isip.
Kailangan ko ba talagang mag-resign sa aking trabaho? Tatlong taon na ako sa trabaho ko at doon ako masaya pero kailangan ko ba talaga magsakripisyo? Pero kapag hindi ko ginawa ang sinabi ni Dad ay siguradong mapapahamak ang kakambal ko. Napadako ang aking tingin sa mababang entablado kung saan mag-isang nakaupo si Lucien. Hindi man nakakakita pero nakangiti ito siguro dahil sa saya na nakasal na ito sa kanyang pinakamamahal na nobya.
May kung anong kumurot sa aking puso, ngayon palang ay tila kinakain na ako ng aking konsensya dahil sa panlolokong gagawin namin. Wala itong kamalay-malay na ibang tao ang kanyang kasama habang nanunumpa sa altar kanina.
Nagbalik ako sa aking pwesto, sa tabi ni Lucien.
“Sienna, is that you?” tanong nito. Agad nitong hinanap ang aking kamay.
“Oo. Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?” tanong ko rito nang ginagap ko ang kanyang palad. Isang nakabibighaning ngiti ang kanyang pinakawalan na parang tumutunaw sa aking puso. Mas lalo itong gumwapo dahil dito. Siguro, kahit sinong makakakita ay hindi nila mahahalatang bulag ito dahil mulat ang kanyang mga mata at walang kang ibang makikitang kahit anong galos maliban lamang sa maliit na sugat sa gilid ng mata nito.
Hindi ko maiwasang titigan ito. He’s very handsome and has a charming smile that draws people in. Okay lang naman siguro kung sulitin ko ang pagkakataon na makasama siya. Hindi man siya maalagaan ni Sienna pero kaya ko siyang alagaan. He’s my first love at dahil sa kanya ay na-motivate akong pumasok sa klase ni Sienna kahit pa nahihirapan ako noon na pagsabayin ang thesis ko at nang kay Sienna. Bawat araw ay umaasang sana ay masilayan man lang ang kanyang mukha kahit sandali.
“Quite a bit, hindi kasi ako nakakain ng maayos simula kahapon because I'm so nervous and excited for our wedding,” anito na nakangiti at may bakas ng hiya sa mukha nito na nagpabalik sa akin mula sa pagbabalik-tanaw sa aking nakaraan. Hindi man nito kita ay ngumiti na lang ako at iginaya ko ito patungo sa lamesang nakalaan para sa amin.
Pagkatapos ng kasal ay dinala kami ni Gng. Victoria sa kanilang bahay sa isang subdivision kung saan nakatira ang mga malalaking tao sa lipunan. Bilang mag-asawa ay inilaan nila sa amin ang isang kwarto.
“Tita–” kinakabahang tawag ko ngunit mabilis naman nitong pinutol ang aking sasabihin.
“Mama, Sienna. Call me Mama Victoria. Asawa ka na ng anak ko kaya anak na rin kita,” malumanay na sabi sa akin ng Mama ni Lucien.
“M-Mama, hindi po ba pwedeng sa ibang kwarto na muna ako matulog. I mean, hindi pa po kasi ako handa sa pwedeng mangyari,” nahihiya kong sabi.
Hindi pwedeng magsama kami sa iisang kwarto ni Lucien.
Asawa siya ng kakambal ko at alam ko kung ano ang papel ko sa buhay ni Lucien.
Wala akong karapatang tumabi sa kanya sa kama dahil isa lang akong impostora.
SIERRA’S POVLabis ang galit na aking nararamdaman nang malaman ang ginawa ni Sienna sa aking anak subalit hindi ko iyon mailabas dahil sa lihim ang pagkatao ni Abi, isa pa ay si Lucien ang naghatid sa aking anak. Ang akala ko ay umalis na ito pagkatapos nitong ibalik sa akin si Abi pero nagulat ako nang humarang ito sa aking dinaraanan pagkalabas ko ng banyo. Napatitig ako sa kanyang mukha dahil sa labis na pagkagulat pero agad ko rin iniiwas ang aking tingin bago pa man ako tuluyang mahumaling sa kanyang muli. Kahit na anong taboy ko rito ay sunod pa rin ito ng sunod.“Sandali lang, have we met before? A party, gatherings or charity? Hindi ko kasi maalala pero pamilyar sa akin ang boses mo.”Napahinto ako dahil sa kanyang sinabi.Pamilyar? Ibig bang sabihin ay hindi niya naalala kung sino ako o sadyang nalilito lamang ito?Kung sa bagay, kahit na kambal kami ni Sienna ay magkaiba namin kami ng boses at personalidad.Aaminin ko na dahil saa sinabi nito ay umasa ang puso ko. Na kah
LUCIEN’S POV“Salamat sa paghatid mo kay Abi,” sabi lang nito na agad nag-iwas ng tingin. Akmang aalis na kaagad ito ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang braso. Napatingin ito sa aking kamay na nakahawak dito habang ako naman ay natitigilan. Mabilis ko itong binitawan na para bang napaso. “Sorry, I- I just wanted to ask something,” nahihiya kong sabi subalit hindi ko talaga maibaling sa iba ang aking paningin. Titig na titig pa rin ako sa kanyang mukha.“Ano iyon? Pwede bang sabihin mo na kaagad dahil baka kung ano ang isipin ng asawa mo,” sabi nito.“Kaninong anak si Abi? Sorry for the question I'm about to ask nalilito kasi ako sa sinabi sa akin ng bata. She said that you are her Mommy, but sometimes you are her Tita, what does she mean?”“Ah, iyon ba? Anak siya ni Mama Olivia pero mas madalas niya akong tawaging Mommy kaysa Tita. Iyon lang ba ang itatanong mo?” sagot naman nito na hindi man lang ngumingiti at parang nagmamadali.“Yeah, iyon lang.” Wala na akong ibang ma
LUCIEN’S POVHindi ko maintindihan kung bakit napakagaan ng loob ko sa batang si Abi. Sa edad na apat ay napakagaling na nitong magsalita, may mga pagkakataon na nabubulol ito dahil na lang sa sobrang kadaldalan. “Do you know that witch?” tanong nito sa akin habang nakakapit sa aking leeg. Binuhat ko na lang ito upang mabilis namin mahanap ang taong gusto niyang makita. Sa dami ng tao ay posibleng masaktan ito kaya napagdesisyunan kong buhatin na lang. “Abi, it's bad to call someone a witch,” saway ko rito sa mahinahon na boses. “But she looks like one. She was yelling at me. She is fierce, and she has large eyes even her nails are as long as a witch's. Not unlike my Mama and Mommy’s nail,” paliwanag pa nito. Hindi ko naman ito masisisi kung matakot ito kay Sienna, sa naabutan ko kanina ay alam kong nasaktan ang bata. Napapailing na lang ako dahil iniisip ko kung paano na lang kung nagkaroon kami ng sariling anak. Ganoon din kaya ang pakikitungo niya o magiging mas maalaga siya?
LUCIEN'S POVWala sa seremonya ang aking atensyon kung hindi sa dalagang kamukha ng aking asawa. Magkamukhang magkamukha silang dalawa pero magkaiba sila ng personalidad. Parang may nakakabit ditong bato-balani dahil hindi ko maialis sa kanya ang aking atensyon kahit pa hanggang sa makarating kami sa reception. Buong pagmamalaki akong ipinakilala ni Sienna sa mga naroroon kahit pa marami na ang nakakakilala sa akin dahil sa dalas nila akong makita sa tv at internet. "Are you listening, love? Lucien! " may himig ng pagkainis sa boses nito habang kinakausap ako."Yeah, love. Are you sure that woman is not your sister?" tanong ko ulit dito dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi na hindi niya ito kapatid. " I already told you so many times,hindi nga. Kung gusto mo malaman, bakit hindi mo na lang siya tanungin. It's so annoying," padabog na sabi nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ito ng malapitan nang lumapit kami sa baging kasal. Saka ko lang napagtantong she's m
SIERRA'S POVBiglang nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang lalaking apat na taon kong hindi nakita. Mas lalong kumalabog ang aking puso nang magtama ang aming mga tingin, parang doon pa lang ay sandaling nag- usap ang aming mga mata. Mabilis kong iniwas ang titig dito dahil alam ko na kahit makita niya ako ay hindi niya naman ako kilala. Sa panahon na kasama ko siya ay wala itong nakikita kaya malabong mangyari na mamukhaan niya ako."Tingin lang po sa camera, everybody smile," sabi ng photographer. Pilit ang ngiti at itinuon ang aking mata sa lente ng kamera."Nao, are you okay?" bulong na tanong sa akin ni Mama Olivia na tila naramdaman ang aking pagkabalisa. "Ma, ikaw na po muna ang bahala kay Abi. Huwag mo siya palalapitin sa akin. He's here, " makahulugan kong sabi. Nanlalamig ang aking mga kamay at hindi mapakali. Hinawakan ni Mama ang aking kamay at marahan iyong pinisil. Nagkaroon pa ng ilang beses na pictorial bago isa- isang lumabas ang mga tao sa simbahan upang ab
SIERRA'S POVNang makarating kami sa simbahan ay agad kong inilibot ang aking tingin sa kabuuan pati na rin sa kumpulan ng mga dumalo. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi makita kahit isa man lang sa mga taong ayaw kong makita. Kasama ko sa bridal’s car si Mama Olivia at si Abi.Agad kong narinig ang wedding song pagkababa ko pa lang ng sasakyan at pinapila na ang mga abay. Buong seremonya ay naging kampante ako dahil alam kong wala sila rito, itunuon ko ang aking atensyon sa seremonya at ginampanan ko ang aking tungkulin bilang made of honor ni Mama Olivia habang nasa tabi ko naman si Abi. Nang matapos ang seremonya ay malakas na palakpakan ang aming narinig. Sa kabila ng malakas na sigawan at ingay ay narinig ko na may tumawag sa akin. "Nao, is that you?" Napalingon ako sa aking likod."Voughn! Kamusta?" Napangiti ako nang makita ang matalik kong kaibigan. He's my childhood friend. Malapit din siya sa aking kakambal pero dahil nasa iisang field kami ng pinagtatrabahuan ay ma