Share

Chapter 2

Ally's PoV

"Sir Ally?" untag sa akin ni Pamella, ang aking secretary na may dala ng pares ng tsinelas na nakalagay sa paperbag. "Para po kanino itong---"

"Ibalik mo na lang ulit kung kanino mo kinuha iyan, Pamella. Ano ba ang mga schedules ko ngayon?" malamig na tanong ko rito.

"May meeting po kayo sa Royal Wirings ng 8PM at may early dinner po kayo sa One Star Hotel with Miss Bianca, sir."

Hindi ko alam ko kung bakit ako napatingin sa silyang inupuan kanina. Napansin ko ang naiwang envelope ng applicant kanina.

Tumingin din si Pamella sa upuan at dinampot nito ang envelope at ibinigay sa akin.

"Naiwan siguro ito ng isa sa mga aplikante kanina, sir."

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa elevator at nakasunod si Pamella sa akin.

"Ilan ang mga applicants kanina?" tanong ko rito habang seryosong nakatingin sa elevator attendee.

"One hundred fifty three, Sir Ally. Iyong iba pong pumunta rito kanina mga fans mo, sir. May mga iniwan silang regalo para sa inyo nasa office na ninyo, sir. May mga nagbigay rin ng mga bulaklak."

Bumuga ako nang malalim. Magmumukha na namang flowers shop ang aking opisina. Ako ang CEO ng Sandoval Wirings, at isa rin akong freelance model ng sarili kong clothing brand, ang Ally's Apparel. May mga brand endorsements din ako sa ibang mga company kaya naman nakilala ang pangalan ko at naging sikat.

Madalas na rin akong magkaroon ng TV guestings at nakakapagod. Kaakibat ng pagkakaroon ko ng magandang image ay dapat ko ring ingatan ang aking mga sinasabi.

Ngunit minsan nakakapagod na magpanggap. Hindi ako ang tipong si Ally na mabait, hindi ako ganoon in real life.

Bumukas ang elevator at nandito na kami sa third floor ng building kung saan naroon ang office ko. Nakasunod pa rin sa akin si Pamella at ito pa mismo ang nagbukas ng pinto ng opisina ko.

Bumungad nga sa aking harapan ang mga kumpol ng bulaklak at mga regalo na nakahilera sa sahig.

"Ano pong gagawin ko sa mga ito, sir?"

"Kunin mo lahat ng mga bulaklak at ibigay mo sa mga staffs natin. Itong mga regalo, iuwi mo na Pamella. Ipasalubong mo sa mga kapatid mo."

'

"Sir, napakadami nito," bulalas ng aking secretary.

"Ipapatawag ko si Celso para tulungan kang maiiuwi ang lahat ng iyan. Anyway, regalo ko na rin ang lahat ng iyan para sa iyong wedding," pagbibiro ko kay Pamella. Apat na taon ko na siyang secretary at sobrang bait ni Pamella, alam na nito kung bad mood ako o hindi. Kaya naman ganoon na lamang ang lungkot ko dahil ikakasal na ito.

"Sir, wala bang cash?"

Tumawa ako sa sinabi nito sa akin. Umupo ako sa swivel chair ko at nag-cross legs. Maraming nakatambak na papers sa lamesa ko na kailmagan kong harapin. Late na ako nakapasok sa company dahil inasikaso ko pa sa hospital ang aking Lola Constancia.

Isa-isang kinuha ni Pamella ang mga bulaklak at tumawag pa ito ng janitor para may katulong sa ipinapagawa ko.

Habang pumipirma ako ng mga papers na kailangan sa Marketing Department ay nalaglag ang isang envelope na nasa tabi ko. Pinulot ko iyon at naalala na ito ang envelope ng isa sa mga aplikante kanina.

Isinandal ko ang aking likod sa upuan at nagkaroon ng interes na buksan ang envelope na iyon. Nagulat na lang ako na ang laman nito ay isang good moral ng babaeng nagngangalan na Lexi De Asis.

Natawa na lamang ako dahil ang inaasahan ko na laman ng envelope ay mga resume, certificates, character reference at kung ano-ano pa.

May picture pa na laman ang envelope, at larawan ko ang naroon. Ibig sabihin isa si Lexi sa mga fans na gustong maging assistant secretary ko. Natuwa ako sa nakalagay sa likod ng picture ko.

"To my future husband. Kung sakali man na matanggap ako sa trabaho na ina-apply-an ko, sisiguraduhin ko na papasa rin ako bilang asawa mo. Your future wife, Lexi."

Napangiti ako at napailing. Ibang klase na ngayon ang mga babae, sila na ang unang nagtatapat ng feelings. Well, ano nga ba ang aasahan ko, guwapo ako, sobrang guwapo.

Ibinalik ko ang laman ng envelope at inilagay iyon sa ibabaw ng bookshelf ko. Ipinagpatuloy ko ang aking pinipirmahan.

Ano kaya kung si Lexi ang maging assistant secretary ko. Ano nga kaya ang mangyayari?

Kinagat ko ang dulo ng ballpen na hawak ko at tinapik ang aking lamesa. Boring na ang buhay ko kaya mas maganda sigurong magkaroon ako ng secretary na madaldal.

Mayamaya ay kumatok si Pamella at pinagbuksan nito si James, ang HR head ng company.

"Good afternoon, sir. I'm sorry to interrupt you but, I'm here for some reasons."

"James, may problema ba sa interview?"

Umupo ito sa bakanteng silya sa harapan ko. Ibinaba nito ang isang envelope at inilabas ang resume ni Lexi De Asis.

"For the first time, sir. Naka-encounter ako ng isang aplikante na nakakatuwa. At alam ko na hindi iyon basehan para kumuha ng perfect para sa posisyon na iiwan ni Pamella. But I think. Kaya ni Lexi na gawin ang mga bagay na ginagawa ni Pamella."

"Mukhang malakas sa iyo ang babaeng tinutukoy mo," sabi kong hindi tumitingin dito. "Hindi ko kailangan ng nakakatuwang employe, James. Ang kailangan ko masipag na secretary."

"Sir, itataya ko ang pangalan ko. I'm one hundred percent sure. Alam mo unang kita ko pa lang sa mukha ni Miss De Asis para kong nakikita ang sarili ko. Because she is beautiful, and I think she's perfect for the position."

Napailing na lamang ako sa sinabi ni James. Tiwalang-tiwala ako sa desisyon niya dahil ito rin naman ang kumuha kay Pamella noon.

"Okay, just make sure na fit siya sa trabaho. One month is enough, James. Now you may go."

"Thank you sir." Bakas sa mukha ni James ang sobrang saya. Ipinaglaban nito si Lexi sa kaniya, ang magiging future wife daw niya.

PAGKATAPOS ng mga gawain sa company ay nagtungo ako sa One Star Hotel and Restaurant para sa dinner date namin ni Bianca. Dahil na rin sa mga fans namin kaya kami naging malapit sa isa't isa. We are friends with benefits. Ilang beses nang may nangyayari sa amin ni Bianca ngunit ganoon pa rin ang status naming pareho. Wala kaming relasyon bukod sa sex.

"Good evening Sir Ally," bati sa akin ng staff. At inaya ako nito patungo sa table na kinaroroonan ni Bianca. Isang oras na akong late dahil inuna ko ang meeting ko bago ang pakikipagkita rito.

Hindi maipinta ang mukha ni Bianca nang makita ako. Alam kong galit siya sa akin dahil isang oras ko siyang pinaghintay.

"And you're late again, Ally. Alam mo ba kung ilang beses kong tinawagan ang secretary mo para malaman ko kung nasaan ka na. I'm worried."

Hindi ko pinansin ang pagdradrama ni Bianca sanay naman na ako sa kaniya at hindi na ito bago para sa akin.

"Busy ako Bianca at pagod din ako. Kung aawayin mo lang ako at mag-pretend na girlfriend ko, please lang, marami akong mga problema."

Nilapitan ako ni Bianca at hinalikan sa labi. "I miss you. Ilang araw na kitang hindi nakikita at---"

Marahan ko siyang itinulak. Nakatingin sa amin ang mga tao.

"Bianca, this is not appropriate."

"I'm sorry." Bumalik ito sa upuan at bumuga naman ako nang malalim.

Wala akong ganang kumain. Napansin ni Bianca ang pagiging matamlay ko.

"Hindi mo ba ako na-miss, Ally?" madamdamin nitong tanong.

"Bianca, I don't need your dramas right now. Nagpunta lang ako rito para sabihin na hindi ako magtatagal. At hindi kita mapagbibigyan ngayon sa date na gusto mo. Kailangan ako ng Lola Constancia ko ngayon sa hospital. I'm sorry." Tumayo ako at iniwan ito na pinamulaan ng mukha dahil sa ginawa ko.

Sa puntong ito hindi ko iniisip ang sasabihin sa akin ng media. Hindi ko rin iniisip kung ano ang sasabihin ng mga bashers sa akin. Mas importante ngayon na masiguro kong okay na ang aking abuela at hindi na masama ang pakiramdam.

Lumaki ako sa poder ng aking Lola Constancia mula nang ikasal sa ibang babae ang aking ama. Nagdesisyon ang aking Lola Constancia na patirahin ako sa kanila kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ko sa kaniya dahil itinatago nito na may alzheimer ito.

"Ally." Hinabol ako ni Bianca mula sa labas ng restaurant. "You can't do this to me again, Ally. Kailangan mo rin ng oras sa akin. Hinihintay tayo ng mga fans natin. Matagal na tayong hindi nagpa-partner sa mga commercials at brand endorsements. Tinatanong na nila ako kung nasaan ka this past few weeks, at wala akong maisagot bilang partner mo. Ally, please!" Hinawakan nito ang kamay ko.

Marahas kong hinila iyon. "Bianca, mas mabuting mag-usap na lang tayo sa ibang pagkakataon. May kailangan akong puntahan at hindi ko kailangan na ipaliwanag pa sa iyo kung bakit. At isa pa, nagpaalam ako sa manager ko. And please Bianca, stop acting the you care! Sawa na ako sa mga fake dramas mo. Tatawag ako sa iyo kapag mag libre akong oras." Nagtungo ako sa sasakyan kong binuksan ng driver ko.

Hinabol ako ni Bianca ngunit hindi ko na lang pinansin.

"Sir Ally, okay lang po ba kayo ni Ma'am Bianca?" nagtatakang tanong ni Manong Celso.

"Yeah. I'm fine."

"Mukha po kasi kayong hindi okay, sir. Mukha po kayong dragon," nagkakamot batok na sabi ni Manong Celso.

Sinipat ko ang aking mukha sa salamin. "Hindi naman ako mukhang dragon, Manong Celso." Nakipagbiruan ako sa matanda kong driver. Halos sampung taon ko na siyang driver mula pa noong nag-aaral ako ng college at ngayon na ako na ang CEO ng kompanya namin.

"Bagay na bagay pa naman kayo ni Ma'am Bianca, sir."

"Huwag muna natin siyang pag-usapan, manong. Ayokong nababanggit ang pangalan ng babaeng iyon."

Hindi na ito nagsalita dahil sa sinabi ko. May mga araw na okay ang mood ko at may mga araw naman na para akong dragon.

Nagtungo kami sa Carlos Medical Hospital, at dumiretso ako sa nurse station para ipakita ang ID ko rito.

"Sir Ally, hinahanap po kayo ni Donya Constancia kaninang umaga," pagbabalita sa akin ng nurse ni lola.

"Ganoon ba? Kumusta na ngayon ang lola ko? Iniinom na ba niya ngayon ang mga gamot niya?"

Sinumbong kasi nito sa akin na tinatapon nito ang mga gamot na ibinibigay ng nurse kaya hindi ito gumagaling.

Nasa private room ang lola ko na inaalagaan ng mga nurse.

"Gusto na po niyang umuwi sa bahay niya. Palagi po siyang may tantrums sir."

Bumuga siya nang malalim. "Thank you sa pag-aalaga sa lola ko."

Ngumiti sa akin ang nurse. "Ako rin po ba ang magiging private nurse ni Donya Constancia sa bahay ninyo sir?" Mukhang gustong sumama ng nurse sa kaniyang bahay.

"I have no choice. Kakausapin ko na lang ang hospital director para masabi ko ang concerns ko," aniya sa nurse na ikinatuwa pa nito.

Binuksan nito ang pinto at nakita ko ang lola ko na nakikipaglaro sa mga nurse. Mistulan itong bata na tuwang-tuwa sa mga nurse na may hawak na mga unan.

Malambing din ang boses nito na mistulang isang bata. Nangilid ang luha ko at niyakap ko ang aking Lola Constancia.

"Teka, sino ka!" mabilis niya akong itinulak at binato ng unan. "Salbahe kang bata! Ikaw siguro ang umaaway sa apo kong si Ally! Palagi siyang umiiyak dahil sa iyo!" Pinagpapalo niya ako ng unan at hindi ko siya inawat. Umiling ako sa mga nurse na pigilan ang lola ko sa ginagawa nito sa akin.

"Sige na, ako na ang bahala sa lola ko," sabi ko sa mga nurse.

Umalis ang mga ito at iniwan kami ni Lola Constancia. Umupo sa sahig ang aking lola at nagpapadyak.

"Salbahe ka talaga! Bakit mo pinaalis ang mga kalaro ko! Nakakainis ka!"

Lumuhod ako at niyakap ko siya. "Hindi na kita iiwan kahit kailan, lola." Pumatak ang luha ko sa aking mga mata habang yakap-yakap ito.

"Ally... apo ko... Ally!" Paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan ko. Mukhang nahimasmasan ito at naalala na niya ako.

Sinapo nito ang magkabila kong pisngi. "Bakit ka umiiyak apo?"

Umiling ako rito at pilit na ngumiti. "Masaya lang po ako."

Pinahid ng aking lola ang mga luha ko at saka niya ako niyakap. "Huwag ka nang umiyak apo ko. Mahal na mahal ka ni lola."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status