LOGINCHAPTER 36Halos ayaw nang kumawala sa akin ni Aurora matapos kong magpaalam sa kanya. Gusto niya nga na sumama sa akin kaya lang ay ayaw siyang payagan ni Rule. Ani pa niya ay kailangan ko rin na magpahinga at bigyan ng oras ang sarili ko.Kaya naman kahit na labag sa loob ng anak ko ay pumayag na lamang siya pero sa isang kondisyon. At iyon ay ipapasyal siya ni Rule at bibilhan ng ice cream. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil iyon lamang pala ang makakapagpapayag sa kanya.Hindi ko naman siya masisi dahil bihira lamang siyang payagan na kumain ng matatamis. Masyado kasing health-conscious si Rule pagdating sa kanya. Idagdag pa si Chloe na masyadong strict pagdating sa mga kinakain niya.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awa para sa anak ko. Kung ako lamang ang masusunod ay titiyakin kong lahat ng gusto niyang kainin ay ibibigay ko. Kaya nga minsan kahit na alam kong magagalit si Chloe ay ginagawa ko pa rin. Sumaya lamang ang anak ko.Dalawang oras pa nga lang kaming hindi m
Kakatapos ko lamang liguan si Aurora at ngayon ay binibihisan ko siya ng damit na kahawig ng kay Rapunzel. Mabuti na lamang at hindi siya malikot ayusan kaya mabilis ko rin siyang nabihisan.Kumuha ako ng suklay at pamuyod bago ko siya pinaupo sa maliit niyang upuan sa harap ng kanyang vanity mirror. Gusto kasi niyang tirintasan ko siya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay marunong ako. Medyo nahirapan nga lang ako dahil makapal at mahaba ang kanyang buhok kaya ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko.Nang sa wakas ay matapos ako ay agad kong pinunasan ang pawis ko at saka parang batang pumalakpak sa harap ng salamin.“Ayan! Ang ganda mo talaga! Manang-mana ka talaga sa nanay mo—”“You mean my Mommy Chloe?” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumingit.Napakurap ako dahil sa narinig. Muntik pa akong madulas sa sarili kong sasabihin. Mabuti na lamang at iba ang akala niya, pero hindi ko pa rin napigilan ang bahagyang kirot na dumaan sa dibdib ko dahil sa isina
Tahimik ang buong pasilyo at tanging ang tunog ng matataas na takong ni Chloe lamang ang maririnig, tila bawat tapak ay may kasamang diin at matinding galit. Samantalang si Rule naman ay nananatiling tahimik at kalmado lamang na naglalakad sa kanyang harapan. Ni hindi man lang ito nagpapakita ng kaba o takot, kaya naman mas lalo lamang nakaramdam ng inis si Chloe.Pakiramdam niya ay siya lamang ang apektado sa mga nangyayari.Pagkapasok nila sa loob ng opisina ay kaagad na isinara ni Rule ang pinto. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kanyang swivel chair nang hindi man lang nililingon ang babaeng nasa kanyang likuran.“Say what you want to say.” Malamig ang kanyang boses habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa laptop. Binuksan niya iyon upang ipagpatuloy ang trabahong naiwan niya.Natawa si Chloe, pero halatang peke lamang iyon. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Para bang gusto na lamang niyang magwala, ngunit pinigilan niya ang sariling galit.“Wow!” Umiling siya kay
CHAPTER 33Halos hindi mapakali si Aurora habang nasa sasakyan kami. Panay ang daldal niya sa akin mula kanina tungkol sa ice skating. Iyon daw ang isa sa mga bonding nila ng Daddy niya kaya lamang ay hindi na nila ito nagagawa dahil naging abala ito sa trabaho.Pasulyap-sulyap siya sa bintana ng sasakyan at panay tanong siya kung malapit na raw ba kami sa mall. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na muling pisilin ang malambot niyang pisngi. Ang cute talaga ng anak ko.Abot-langit ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya. Dala-dala niya pa rin ang stuff toy na iniregalo ko sa kanya. Kahit saan yata siya magpunta ay hindi niya ito nakakalimutan. Nakakatuwa kasi sa dinami-dami ng kanyang mamahaling laruan ay iyon pa ang nagustuhan niyang dalhin.“Daddy! What if Mia falls?” pilyang tanong ni Aurora sabay tingin sa akin at bahagyang nakangisi pa.“Bakit ako?” natatawang reklamo ko sa kanya sabay gulo ng kanyang buhok. Mabilis naman niyang iniwas ang kanyang sarili sa akin.“Because y
Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Aurora habang inaayos ko ang mga laruan niya na nagkalat sa sahig. Pansin kong hindi niya ginagalaw ang mga iyon at nakahiga lamang siya sa kanyang kama habang yakap niya nang mahigpit ang stuff toy na paborito niya. Nakatulala siya sa kisame ng kanyang kwarto at tila malalim ang kanyang iniisip.Hindi ko na natiis at saglit kong iniwan ang ginagawa ko upang lumapit sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama at inayos ang mahaba niyang buhok na tumatakip sa kanyang magandang mukha.“May problema ba?” malambing kong tanong sa kanya ngunit may bahid ito ng pag-aalala.Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay malungkot na lumingon sa akin. Tumango siya at pagkatapos ay nilaro-laro niya ang kanyang stuff toy. Hindi ako sanay na ganito siya. Usually ay sobrang daldal niya at marami siyang energy. Pero ngayon ay kakaiba ang kinikilos niya kaya naman hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag-aalala para sa kanya.“Pwede mong sabihin sa akin.” Ngumiti ako sa kanya nang ma
“You have no idea what you’re doing to me, Demitria.” seryoso ang kanyang mukha pero parang hirap na hirap siya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapakunot ng noo.Ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya ma-gets. Tinutukoy niya ba ang suot ko? Dahil ba dito kaya parang hirap na hirap siya?Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko nang marealize ko ang sinasabi niya. Hindi naman ako inosente. May pagka-slow lamang talaga ako kaya hindi ko siya naintindihan kaagad. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at humigop na lamang ng mainit na kape. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang kanyang sinabi.Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang marahan niyang paglapit sa akin. Naging triple ang kabog ng dibdib ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko kahit na mainit ang hawak kong tasa. Wala din siyang ideya kung anong hatid sa akin ng kanyang presensya. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga at hindi ko nagugustuhan ang narar







