Share

The Billionaire's Karma
The Billionaire's Karma
Author: Rhan Jang

Chapter 1

Mia's POV

MARAHAN kong tinanggal ang bathrobe na nagsisilbing takip sa sarili. Sa pagbagsak nito sa sahig, tumambad ang hubad kong katawan sa isang lalaki na ngayon ay naghihintay sa kama.

Nakangiti ang kanyang labi na animoy namamangha sa bagay na kanyang pinagmamasdan. Halos matunaw ako sa kahihiyan at pandidiri sa sarili, ngunit wala akong magawa kung hindi ang gawin ang bagay na ito, isang bagay na hindi ko ginusto ngunit kailangan.

Tumalon ang aking balikat nang magsimulang tumayo ang lalaking kanina ay nakahiga. Lumapit siya sa akin at pinahiran ang luha na tumakas sa aking mga mata. Noon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

"Don't worry, baby. I'll be gentle," he said using his bedroom voice, dahilan upang tumayo ang aking mga balahibo.

Sinimulan niyang igapang ang dulo ng kanyang daliri sa aking balat. Sa bawat paggapang nito ay tila may kuryenteng gumuguhit sa aking katawan.

Nilapit niya ang kanyang mukha, dahilan upang magtama ang aming mga mata. Ngayon ko napagtanto na isa siyang magandang lalaki. Light brown ang kanyang mga mata at ang hubog ng kanyang mukha ay tila wangis na mula sa isang Adonis

Unti-unti niyang nilapit ang labi sa aking labi, agad naman akong umiwas sa nais niyang gawin na alam kong dahilan ng pagkadismaya niya.

"What are you doing?" inis niyang sabi.

"I'm sorry, pwede bang huwag mo kong halikan sa labi," pakiusap ko.

Kumunot ang kanyang noo at nabalot ng pagtataka. Ngunit tila nirespeto naman niya ang desisyon ko dahil kinalimutan niya ang pagsakop sa aking labi, bagkus, sinimulan niyang gapangin ng halik ang aking leeg.

Noon pa man, pinangako ko na sa sarili na ibibigay ko lang ang una kong halik sa lalaking mamahalin ko habang buhay. Alam kong hindi ko na maipagmamalaki ang aking katawan kaya't kahit ang labi ko na lamang ang matira para sa sarili.

"Uh..."

Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang dila sa ibabaw ng aking dibdib. Sa bawat paggapang ng dulo nito, unti-unti akong nakadarama ng kakaibang init sa katawan.

'A-Ano to? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko?'

"Aahh... Uhmm..."

Hindi ko napigilan ang paglabas ng ungol nang maramdaman ang daliri niya sa pagitan ng aking hita.

"You're wet, baby," mahangin niyang tinig.

Noon ko lang napansin na sunod-sunod na pala ang paglabas ng kakaibang katas mula sa aking p*gkababae.

Pilit kong inipit ang aking binti dahil nakaramdam ako ng hiya, ngunit mas malalim akong napasinghap nang maramdaman ko ang pagdulas ng gitna niyang daliri sa pagitan ng aking hita..

"S-Sandali, g-ganito ba talaga to?" nauutal ko pang saad na.

Narinig ko ang impit na pagtawa ng lalaking nasa aking harapan.

"Don't play dumb, baby," aniya.

Nagulat ako nang bigla niyang buhatin ang aking katawan at ang huli kong natatandaan ay kapwa nakahiga na kami sa kama at siya ay nasa aking ibabaw.

"Hindi ako magiging mabait sa 'yo. Aangkinin ko ang katawan mo ayon sa binayad ko," nakangisi niyang wika, dahilan upang mariin akong mapalunok.

Isang bagay ang naramdaman ko sa bukana ng aking p*gkababae. Hanggang sa maya-maya lang, naramdaman ko ang unti-unti nitong pagpasok sa aking kaselanan.

"A-Ahh!" sigaw ko nang maramdaman ang pagpunit ng kung anong bagay sa loob ko.

"S-Sh*t! Virgin ka?!" gulat niya. Nagsimulang tumakas ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Now I know why you're expensive," aniya saka ngumiti.

"Matagal tagal na rin akong hindi nakakatikim ng birhen. But I'm sorry want it rough, baby."

"Ahh... ahh... U-Uumm..."

Mariin kong tinakpan ang aking bibig upang hindi lumabas ang nakakadiring ungol mula rito. Sunod-sunod ang sakit na nararamdaman ko habang gumagalaw ang baywang ng lalaking nasa aking ibabaw. Ngunit maya-maya lang, hindi ko alam kung bakit tila napalitan ng kakaibang pakiramdam ang sakit na aking nararamdaman.

Unti-unti kong nagugustuhan ang kakaibang init na pinadarama niya sa akin, isang init na ngayon ko lang naramdaman, isang init na alam kong mali ngunit ang sinisigaw ng aking laman ay tama.

'Hindi. Hindi ito maari.'

Pabilis nang pabilis ang paglabas-pasok niya sa aking p*gkababae. Naroon pa rin ang sensasyon na painit nang painit. Hanggang sa maya-maya lang, naramdaman ko ang kakaibang bagay na namumuo sa aking kalamnan.

"U-Uuhh... S-Sandali... Naiihi ako," wika ko at pilit kong pagtigil sa kanya.

"Just release it, baby," aniya na tila natatawa pa.

"S-Sandali! Uuuhh..."

Ilang beses pang paglabas-pasok niya sa akin ay tila may kung anong likido ang dumulas mula sa loob ko.

Hindi ko maipaliwanag ang bagay na nararamdaman ko. Nagsimula akong mandiri sa sarili dahil unti-unti akong nakaramdam ng sensasyon, isang sensasyong pinagsisisihan ko.

***

"Take it and leave," wika ng lalaking kasama ko habang nakaupo sa kama at hinihithit ang sigarilyo.

Tumama ang aking mata sa isang papel na nakapatong sa kama. Nakasulat sa cheque na ito ang halaga ng aming pinag-usapan.

Walang emosyon kong kinuha ang papel na iyon at marahang tumayo. Mariin pa akong napapikit nang maramdaman ang kirot mula sa pagitan ng aking mga hita ngunit hindi ko ito pinahalata, bagkus ay nagmadali akong lumakad patungo sa banyo at doon naglinis ng katawan,  ngunit alam kong kahit anong linis ang gawin ko sa sarili, hindi mawawala ang dumi at makamundong nangyari sa akin.

Wala na. Wala na ang iniingatan kong dangal. Ganoon ko lang ito sinuko sa isang lalaking ngayon ko lang nakita, isang lalaking hindi ko naman kilala.

Sabay sa pagpatak ng tubig mula sa shower ang paggapang ng maaalat na luha mula sa aking mga mata. Alam kong kailangan kong tatagan ang sarili. Kailangan ako ni nanay at ng kapatid ko. Kailangan kong bumangon at kalimutan ang lahat ng ito.

Matapos akong maglinis ng sarili ay nagsuot na ako ng damit at bago ako lumabas sa silid na iyon, isang huling sulyap ang aking ginawa sa lalaking ngayon ay nakahiga na sa kama at mahimbing na natutulog.

Hindi ko malilimutan ang mukhang ito, ang mukha ng lalaking unang umangkin sa akin.

Muli kong pinahiran ang aking luha, saka nagsimulang lumakad at lumabas sa hotel.

***

Mahigit dalawang taon na rin mula nang mangyari ang bagay na iyon. Matagal din na panahon bago ako muling nakabangon at makalimutan ang bagay na aking ginawa. Matagal din bago bumalik ang tiwala ko sa sarili at pag-iwas sa mga lalaki. Noon kasi, sa tuwing nadidikit ang aking balat sa kung sino mang lalaki, agad akong napapa-iwas na animoy may malaking trauma, ngunit masaya ako dahil nalampasan ko ang lahat ng iyon.

Sa kabilang banda, ang perang nakuha ko nang gabing iyon ay napunta sa pagpapagamot kay nanay at pag-tatapos ko ng pag-aaral.

Wala, eh. Walang-wala talaga kami at hindi ko na alam kung saan kakapit noong mga panahong iyon. Suhesyon ng gay friend ko ang pagpasok sa isang club kung saan ko nakasama nang isang gabi ang lalaking iyon.

Mabilis kong iniling ang aking ulo at malalim na huminga.

'Tama na, Mia. Tapos na ang bagay na iyon. Nangyari na ang lahat at ang perang nakuha mo ay may napuntahan naman, hindi ba?' pangaral ko sa sarili.

Mapait akong ngumiti saka inayos ang aking sarili at tumingin sa salamin na nasa aking harapan. Maya-maya lang, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa bulsa.

Kinuha ko ito at napangiti nang makita ang pangalan ni nanay sa screen. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello, Nay?"

"Anak, nasaan ka na? Nandiyan ka pa ba sa ina-applyan mo?" tanong niya.

"Opo, Nay. Nag-aayos lang ako rito sa banyo dahil ako na po ang susunod na kakausapin ng boss. Final interview na to, Nay," sunod-sunod kong wika. "Bakit po? May problema po ba d'yan sa bahay?" tanong ko.

"Wala naman, anak. Hindi lang kasi ako mapakali kapag umaalis ka ng bahay, baka kasi–"

"Nay, hindi ko na po gagawin ang bagay na 'yon. Napag-usapan na natin na hindi io-open up 'yan, hindi ba?" pagpigil ko sa pagsasalita ni nanay.

Sa loob ng dalawang taon, nitong nakaraang buwan ko lang nakuhang sabihin kay nanay kung saan ko nakuha ang perang ginamit ko upang ipagamot siya, dahil doon, madalas na siyang kabado sa tuwing umaalis ako, bagay na hindi ko masisisi.

"'Wag po kayong mag-alala, Nay," malumanay kong wika.

"May tiwala ako sa 'yo, anak. Sige na at magluluto na rin ako. Galingan mo riyan," masaya niyang wika at alam kong sa pagkakataong ito, nakangiti na siya.

Sumilay naman ang matamis na ngiti sa aking labi.

"Sige po, Nay."

Matapos iyon ay binaba ko na ang telepono. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapaganda ang buhay ng aking pamilya, kaya pinilit ko talagang makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho. Ngayon, nandito na ako sa isang malaking kompanya at sinusubukang pasukin ang isang posisyong matagal ko nang nais.

"Mia Anne Sandoval?"

Mabilis akong napalingon nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. Dali-dali naman akong nag-ayos at lumabas na rin ng washroom.

"Y-Yes, Sir," tugon ko sa lalaking tumawag sa akin.

"It's your turn for the final interview," aniya.

Ngumiti naman ako saka nagsimulang maglakad. Bago pumasok sa loob ng conference room, huminga ako nang malalim at taas noong ngumiti.

"Kaya ko to!" pagpapalakas ko ng loob.

***

"Tanggap ako, Nay!"

Masayang-masaya ako nang makauwi sa bahay at sabihin kay nanay ang magandang balita. Tuwang tuwa naman siya at halos maiyak dahil sa sinabi ko.

"Talaga, anak? Hay... salamat sa Diyos at dininig niya ang hiling mo," aniya habang hawak ang aking kamay at nakaupo kami ngayon sa sofa.

"Ate, bakit ang ingay nyo na naman?"

Sabay kaming napalingon ni nanay nang marinig ang tinig ng isang batang lalaki – ang kapatid kong si Glenn na ngayon ay siyam na taong gulang na. Pupungas-pungas ito at halatang bagong gising.

"Pasensya ka na, Glenn. Masayang-masaya lang talaga si ate," wika ko habang natatawa.

Bilang pag-celebrate, inaya ko sina nanay kumain sa labas at doon namin pinatuloy ang kuwentuhan.

Kinabukasan, inayos ko na ang mga papeles na kakailanganin ko para sa unang araw ng aking pagpasok.

Dream company ko ang CCheng Corporation, isa sa mayayamang kompanya sa Pilipinas. Bukod sa mataas silang magpasahod, maganda rin ang mga benefits nila. Masasabi kong dahil dito, maiaahon ko sa hirap ang aking pamilya.

Unang araw sa opisina. Matapos akong mag-ayos, agad na rin akong sumakay ng taxi dahil hindi ko nais ma-late sa una kong araw. Ngayon ko na rin kasi makikilala ang boss ko bilang kanyang executive secretary. Sana hindi siya strikto.

"Good morning," pagbati ko sa mga nakakasalubong kong staff na lumalabas mula sa building.

Tila napako na ang ngiti sa aking mga labi habang nakakasalubong ang mga ito. Baka nga iniisip pa nilang nababaliw na ako.

"This way, ma'am," pag-guide sa 'kin ng HR staff nang tuluyan akong makapasok sa gusali.

Sumakay kami sa elevator at nagulat ako nang pindutin niya ang forty-eight floor.

Ganoon kataas ang opisina ko?

Kung kanina ay hindi ako nakadarama ng kaba, ngayon tila naririnig ko na ang malakas na pagtibok ng aking puso, animoy nais nitong tumalon palabas sa aking dibdib.

Sa pagbukas ng elevator, tumambad sa aking mata ang green carpet na tila bermuda. Mukhang eco friendly rin ang palapag na ito dahil kada corner ng hallway ay may paso na may halaman.

Habang naglalakad kami ng HR Staff, hindi ko mapigilang hindi lumingon sa paligid. May mga station ng iba't ibang department at ang lahat ng empleyado ay abalang nakikipag-usap sa telepono, sa tingin ko ay inaasikaso nila ang mga kliyente.

Muli akong nakaramdam ng kaba.

'Napaka workaholic pala ng mga tao rito,' bulong ko sa isip.

"We're here."

Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang pagsasalita ng babaeng kasama ko.

Nakatayo siya sa isang malaking pinto at tila sinasabing pumasok na ako sa loob. Sandali akong ngumiti at huminga nang malalim, saka sinimulang maglakad.

Marahan kong pinihit ang doorknob at tumingin sa loob ng opisina.

Nanlaki ang aking mga mata at namangha sa ganda ng opisinang ito. Napakataas ng ceiling niya at may malawak na glass window.

"Come in! Ikaw siguro ang bago kong secretary?"

Diretso akong napatingin sa lalaking nakaupo sa isang leather swivel chair.

Umayos ako nang pagtayo at dali-daling lumapit sa kanya at ngumiti.

"Y-Yes, Sir. Ako nga po," tugon ko sa kanya saka pinatong sa kanyang lamesa ang mga hawak kong papeles kanina.

Sinundan naman ng tingin ng lalaking iyon ang papeles saka bumalik ng tingin sa akin at ngumiti.

"Okay! You're all set," saad niya saka inalok ang kanyang kamay.

Tinanggap ko naman ito at sandaling yumuko.

"Thank you, Sir. Pagbubutihin ko po," wika ko.

"By the way, I'm Marvin Cheng I am the adopted son of the owner and I am the CEO of this company," pagpapakilala niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ito. Dahil sa kanyang sinabi, agad kong binawi ang aking kamay at muling yumuko sa kanyang harapan.

"I-I'm Mia Anne Sandoval, S-Sir!" nauutal kong pagpapakilala.

Hindi ko akalain na ang magiging boss ko pala ay isang CEO, akala ko kasi ay head lang ng isa sa mga department dito.

"Relax ka lang hindi ako nangangain ng tao," aniya saka impit na natawa. "Anyway, that will be your office."

Napasunod ang aking mata sa direksyon kung saan nakaturo ang kanyang daliri. Mas lalo akong nawindang nang makita ang magiging opisina ko.

Glass wall siya at talagang malaki. May dalawang monitor at nandoon na rin ang mga kailangan ko sa trabaho tulad ng printer at kung ano pa.

"T-Thank you, Sir. Excuse me," pagpapaalam ko sa kanya, saka ako nagsimulang lumakad patungo sa aking magiging table area.

Nakahinga ako nang maluwag nang makaupo ako sa aking sariling upuan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mailang dahil alam kong nakikita ni sir ang lahat ng ginagawa ko rito sa loob.

Lihim akong sumulyap kay Sir Marvin at hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa 'kin. Pinilit kong ingiti ang aking labi at ganoon din naman ang kanyang ginawa, saka ako muling umiwas ng tingin.

***

Makalipas ang ilang oras, naging abala na rin ako sa pag-aaral ng bago kong trabaho. Mabuti na lang at dumating ang dating sekretarya ni sir upang mag-turn-over sa akin, dahilan upang mabawasan ang mga bagay na hindi pa ako pamilyar.

"Marvin, kapatid ko! Long time no see!"

Sabay kaming napalingon ng babaeng kasama ko nang marinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto.

"Cedrick, what brought you here?" kunot-noong tanong ni Sir Marvin.

"Nothing. Gusto ko lang magpalipas oras," tugon naman ng lalaking kadarating lang.

Umupo siya sa sofa saka tinaas ang paa sa lamesa. Sa pagkakataong ito, nakaharap sa direksyon ko ang lalaking iyon. Kumunot ang aking noo at tinitigan siyang mabuti.

'Hindi ko alam kung bakit, pero parang pamilyar ang mukha niya.'

Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang manginig ang aking katawan. Tila ang mga alaala ng gabing iyon ay bumalik sa aking isip, dahilan upang magsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi.

'H-Hindi. Hindi to maaari. S-Siya 'yong lalaking 'yon...'

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ang liit talaga ng Mundo ano
goodnovel comment avatar
nerdy_ugly
SIMULA pa lang sobrang ganda na. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status