LOGINOne night stand, ito ang tanging paraan na naisip ni Mia upang mailigtas ang nag-aagaw buhay na ina. Bagamat hindi niya nais ang bagay na ito, wala siyang magawa dahil kailangang-kailangan niya ng pera. Makalipas ang dalawang taon, tuluyan niyang binaon sa limot ang nakasusukang gabi na iyon. Napagamot niya rin ang kanyang ina at nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, dahil hindi niya akalain na ang kapatid ng boss niya sa trabahong matagal na niyang pangarap ay walang iba kung hindi ang lalaking nakasama niya sa isang mainit na gabi.
View MoreMia's POV KINABUKASAN, tulad ng dati ay nagtungo ako sa aking opisina. Sa pagbukas ko ng laptop, kumunot ang aking noo nang makita ang notification sa screen, nang buksan ko ito, nagsimulang tumaas ang aking kilay nang makita si Cedrick Cheng na nasa poster ng isang magazine. He was still the same. Bakit tila hindi tumatanda ang lalaking ito? He was still fine at hindi ko maikakaila iyon. 'Also, bakit ba nitong nakaraang araw, madalas na siyang magpakita sa akin? Hindi naman sa ayoko, but I found it annoying.' Yes it was six years, pero hanggang ngayon, sa tuwing iniisip ko siya, may kaunting kirot pa rin sa puso ko, isang kirot na hindi naman na katulad ng dati. Sa pag-scroll ko ng screen, muli na namang napataas ang kilay ko nang makita ko ang sumunod na litrato. "Cedrick and Monique, sila pa rin pala hanggang ngayon?" walang emosyon kong sinabi kahit na ang totoo, wala na akonh nararamdaman sa tuwing nakikita ko sila. "They made a perfect couple," sambit ko sa hangin.
Mia's POV SA PAGLUBOG ng araw at pagkalat ng dilim sa paligid, ang mga gusali na aking natatanaw ay tila naging bituin. Napakasarap nilang pagmasdan mula sa itaas na kinaroroonan ko at sa araw-araw, ganito ang madalas kong makita. Kasalukuyan akong nakatayo sa isang full-glass window habang namamangha sa magandang tanawin na pakiramdam ko, hindi ko yata pagsasawaan. Sa paglipas ng anim na taon, marami na ang nagbago. Marami na ang mga bagay na tuluyan ko nang binaon sa limot at ang aking puso ay tuluyan nang naging bato. Nang magpunta ako rito sa San Francisco, wala akong ideya kung ano ang mangyayari. Mabuti na lang talaga at nasa tabi ko si Marvin, ang mga bagay ay unti-unting naging madali. Sino nga ba ang mag-aakalang sa loob ng anim na taon, I will own a big company and a big name in this industry. Tama... Dahil sa pagsisikap ko at muli kong pag-aaral, nakapagtapos ako at nakapagpatayo ng sarili kong kompanya, isang kompanyang magbibigay sa akin ng lakas para lumaban. "Momm
Mia's POV"WALA bang alam ang pasiyente tungkol dito?""Ngayon ko lang din po nalaman, Doc."Kumunot ang aking noo dahil sa mga bagay na aking naririnig. Ramdam ko ang malambot na kama na aking hinihigaan at sa amoy palang ng paligid, alam kong nasa ospital ako.Marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata, dahilan upang makuha ko ang pansin ng mga tao sa paligid."Mia, mabuti naman at gising ka na," nag-aalalang wika ni nanay saka siya tumakbo at lumapit sa aking kinaroroonan at iniwan ang doktor na kaharap niya kanina."N-Nanay," hirap kong wika."Mia."Napalingon ako 'di kalayuan sa aking kinaroroonan nang marinig ang tinig ni Marvin. Marahan kong ginalaw ang aking katawan at dahan-dahang umupo at sinandal ang ulo sa headboard ng kama."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya."Pumunta kasi ako sa bahay nyo para malaman kung bakit hindi ka na pumapasok, pero naabutan kitang nakahiga sa sahig, kaya agad kitang dinala rito sa ospital. Pero hindi ko akalain na..."Naputol
Mia's POVSUNOD-SUNOD ang patak ng aking luha habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakaupo sa swivel chair. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking paa at hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat."H-Hindi totoo 'yan, 'di ba? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" basag ang tinig kong sambit habang gumagapang ang maraming luha mula sa aking pisngi.Ngunit tahimik lang si Cedrick at hindi tumutugon sa akin."Ced, sabihin mong biro lang to. Please, sabihin mo," muli kong wika saka mariing kinuyom ang aking kamay.Isang malalim na buntonghininga ang kanyang ginawa, saka sinandal ang likod sa backrest ng upuan."It is not my fault kung bakit ka nagpaloko sa 'kin, Mia. I thought in the first place, alam mo na ang nais ko. Pero nagkamali ako," sunod-sunod niyang wika na tila hindi tinatanggap ng aking isip. "Are you serious? Do you really believe I will fall for someone like you?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Pakiramdam ko ay mas sumikip ang aking dibdib nang malamang hindi nam
Mia's POVNAKATULALA ang aking mata habang ang ballpen ay nasa loob ng aking bibig, kagat ko sa aking ngipin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan ako ng babaeng iyon para lang sabihin sa 'kin na sa kanya lang si Cedrick."Ano naman ang pakialam ko roon? Saka, sa kanya na si C
Mia's POVPAKIRAMDAM ko ay may importanteng bagay ang kailangan gawin dito ni Cedrick kaya may kung ano sa loob ko ang nagsasabing huwag na siyang gambalain. Nagdesisyon na lang akong bumalik sa building at gumawa ng paraan kung paano mareresolba ang mali kong nagawa, ngunit sa huli, wala pa rin akon
Mia's POVHANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang ang pagluha ni Cedrick nang siya ay nagising kahapon. Ano kayang panaginip niya?May kung ano sa loob ko ang nais malaman ang mga bagay-bagay, ngunit ano nga ba ang pakialam ko rito?Napabuntonghininga ako saka nagsimulang tumayo
Cedrick's POVLUMAKI ako na tanging katulong lang ang kasama sa bahay. Kung may pagkakataon mang umuwi ang aking mga magulang, sandali lang nila akong hahagkan at muli nang babalik sa kanilang silid. Tanging mga laruan lang ang aking kausap kaya hindi ako na-expose sa salitang kaibigan.Kung minsan, s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore