Mia's POV KINABUKASAN, tulad ng dati ay nagtungo ako sa aking opisina. Sa pagbukas ko ng laptop, kumunot ang aking noo nang makita ang notification sa screen, nang buksan ko ito, nagsimulang tumaas ang aking kilay nang makita si Cedrick Cheng na nasa poster ng isang magazine. He was still the same. Bakit tila hindi tumatanda ang lalaking ito? He was still fine at hindi ko maikakaila iyon. 'Also, bakit ba nitong nakaraang araw, madalas na siyang magpakita sa akin? Hindi naman sa ayoko, but I found it annoying.' Yes it was six years, pero hanggang ngayon, sa tuwing iniisip ko siya, may kaunting kirot pa rin sa puso ko, isang kirot na hindi naman na katulad ng dati. Sa pag-scroll ko ng screen, muli na namang napataas ang kilay ko nang makita ko ang sumunod na litrato. "Cedrick and Monique, sila pa rin pala hanggang ngayon?" walang emosyon kong sinabi kahit na ang totoo, wala na akonh nararamdaman sa tuwing nakikita ko sila. "They made a perfect couple," sambit ko sa hangin.
Mia's POV SA PAGLUBOG ng araw at pagkalat ng dilim sa paligid, ang mga gusali na aking natatanaw ay tila naging bituin. Napakasarap nilang pagmasdan mula sa itaas na kinaroroonan ko at sa araw-araw, ganito ang madalas kong makita. Kasalukuyan akong nakatayo sa isang full-glass window habang namamangha sa magandang tanawin na pakiramdam ko, hindi ko yata pagsasawaan. Sa paglipas ng anim na taon, marami na ang nagbago. Marami na ang mga bagay na tuluyan ko nang binaon sa limot at ang aking puso ay tuluyan nang naging bato. Nang magpunta ako rito sa San Francisco, wala akong ideya kung ano ang mangyayari. Mabuti na lang talaga at nasa tabi ko si Marvin, ang mga bagay ay unti-unting naging madali. Sino nga ba ang mag-aakalang sa loob ng anim na taon, I will own a big company and a big name in this industry. Tama... Dahil sa pagsisikap ko at muli kong pag-aaral, nakapagtapos ako at nakapagpatayo ng sarili kong kompanya, isang kompanyang magbibigay sa akin ng lakas para lumaban. "Momm
Mia's POV"WALA bang alam ang pasiyente tungkol dito?""Ngayon ko lang din po nalaman, Doc."Kumunot ang aking noo dahil sa mga bagay na aking naririnig. Ramdam ko ang malambot na kama na aking hinihigaan at sa amoy palang ng paligid, alam kong nasa ospital ako.Marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata, dahilan upang makuha ko ang pansin ng mga tao sa paligid."Mia, mabuti naman at gising ka na," nag-aalalang wika ni nanay saka siya tumakbo at lumapit sa aking kinaroroonan at iniwan ang doktor na kaharap niya kanina."N-Nanay," hirap kong wika."Mia."Napalingon ako 'di kalayuan sa aking kinaroroonan nang marinig ang tinig ni Marvin. Marahan kong ginalaw ang aking katawan at dahan-dahang umupo at sinandal ang ulo sa headboard ng kama."A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya."Pumunta kasi ako sa bahay nyo para malaman kung bakit hindi ka na pumapasok, pero naabutan kitang nakahiga sa sahig, kaya agad kitang dinala rito sa ospital. Pero hindi ko akalain na..."Naputol
Mia's POVSUNOD-SUNOD ang patak ng aking luha habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakaupo sa swivel chair. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking paa at hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat."H-Hindi totoo 'yan, 'di ba? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" basag ang tinig kong sambit habang gumagapang ang maraming luha mula sa aking pisngi.Ngunit tahimik lang si Cedrick at hindi tumutugon sa akin."Ced, sabihin mong biro lang to. Please, sabihin mo," muli kong wika saka mariing kinuyom ang aking kamay.Isang malalim na buntonghininga ang kanyang ginawa, saka sinandal ang likod sa backrest ng upuan."It is not my fault kung bakit ka nagpaloko sa 'kin, Mia. I thought in the first place, alam mo na ang nais ko. Pero nagkamali ako," sunod-sunod niyang wika na tila hindi tinatanggap ng aking isip. "Are you serious? Do you really believe I will fall for someone like you?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Pakiramdam ko ay mas sumikip ang aking dibdib nang malamang hindi nam
Mia's POVMARIIN akong napakapit sa bedsheet nang unti-unti kong maramdaman ang pagbaon ng p*gkalalaki ni Cedrick sa akin. Halos napaliyad ang aking likod habang dinadama ang bawat paghagod nito."Aahh..." mahina kong ungol sabay sa mariing pagkagat ng aking labi.Ang lalaking ito ang unang lalaking umangkin sa akin at ngayon, siya muli ang pinagkatiwalaan ko ng aking katawan."Are you okay? Is it still hurt?" nag-aalala niyang tanong sa akin.Ibang-iba ang tinig ni Cedrick ngayon kaysa sa unang beses naming gawin ang bagay na ito. Noon ay tila isa siyang hayop na hayok sa laman, ngunit ngayon, tila isa siyang lalaking maingat sa babaeng kaniig niya.Nilapat ko ang aking palad sa pisngi ni Cedrick na ngayon ay nasa aking ibabaw. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi habang diretso akong nakatingin sa kanyang mga mata."I'm okay. Please move, Cedrick. I want you. I want more of you," pagmamakaawa ko, isang bagay na hindi ko akalaing lalabas mula sa aking labi."Uummm..."Sinimulan
Mia's POVHINDI mawala ang ngiti sa aking labi habang iniisip ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Masarap sa pakiramdam ang nagmamahal at alam kong ganoon din sa 'kin si Cedrick. Pero isa lang ang hiling ko sa ngayon, sana hindi ako nagkamali ng desisyon. Sana tama ang ginawa kong pagbigay sa kanya ng pagkakataon.Muli akong ngumiti habang nakatanaw ang mga mata sa bintana ng taxi na sinasakyan ko ngayon, patungo na kasi ako sa opisina at sa tingin ko, masiyado akong naging maaga."Ito po ang bayad," wika ko sa manong driver nang ibigay ko sa kanya ang bayad ko sa taxi.Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa gusali na ngayon ay nasa aking harapan, ang gusali ng mga Cheng.Nagsimula na akong maglakad, papasok sa loob, ngunit hindi pa man ako nakapapasok, isang babae ang humarang sa aking daraanan.Sa pag-angat ng aking ulo, tumambad sa aking harapan si Monique."M-Monique?" mahina kong pagbanggit sa kanyang pangalan."Pwede ba tayong mag-usap?" aniya habang nakahalukipkip at nakataa