Share

Chapter 5

Mia's POV

NANGINGINIG ang aking katawan habang hawak ang kamay ni nanay na ngayon ay nakahiga sa kama ng ospital. Iniisip ko kung saan ako nagkamali at kung bakit binaliwala ko ang nararamdaman niyang pagkahilo kaninang umaga.

Maya-maya lang, napalingon ako sa pinto ng silid nang makita ko ang pagpasok ng doktor na nagbabantay kay nanay. Lumakad siya at lumapit sa akin, tumayo naman ako at humarap sa kanya, saka pinahiran ang aking luha.

"Ms. Sandoval," panimulang wika ng doktor. "'Wag po kayong mag-alala, dala lang po ng pagod kaya nahimatay ang nanay nyo. Pero I just want to warn you, Ms. Sandoval. Successful nga ang operasyon ng iyong ina pero hindi ibig sabihin no'n ay fully recovered siya. Matanda na siya, Ms. Sandoval. Kailangan niyang alagaan ang sarili at hindi magpakapagod sa mga bagay," sunod-sunod niyang paliwanag.

Kinuha niya ang isang papel sa hawak niyang clip board saka ito inabot sa akin. Tinanggap ko naman ito at tiningnan. "Ito ang mga gamot na irereseta ko sa kanya para hindi na muling mangyari ang bagay na ito."

"P-Pero, Doc. Ano po ba talaga ang nangyari?" naguguluhan kong tanong.

"Over fatigue, Ms. Sandoval. At sa tingin ko, may mga bagay na iniisip ang nanay mo, dahilan upang ma-trigger ang ugat niya sa ulo."

"P-Po?"

"Siguro ang makasasagot lang ng bagay na iyan ay ang nanay mo. Excuse me, Ms. Sandoval. Kailangan ko nang umalis."

"S-Sige po, Doc."

Matapos ang pag-uusap na iyon ay agad na ring umalis ang doktor. Muli naman akong lumapit sa higaan ni nanay at umupo sa maliit na upuan sa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tiningnan ang natutulog niyang mukha.

"Nay, ano bang nangyayari sa 'yo? Akala ko ba okay na tayo?" nag-aalala kong wika. Tumingin ako kay Glenn na ngayon ay naglalaro sa kanyang cellphone habang nakaupo sa bangko na katabi ng lamesa. "Glenn? Hindi ka ba nagiging pasaway kay nanay?" kunot-noo kong tanong.

Tumigil naman sa paglalaro si Glenn at tumingin sa akin.

"Hindi po, ate. Nasa school naman po ako saka minsan nakikita ko po si nanay na umiiyak."

Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

"Bakit daw? Hindi mo ba natanong?"

"Sabi niya lang po, kasalanan daw po niya, 'yon lang po madalas niyang sabihin."

Sandali akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Glenn. Muli akong tumingin kay nanay at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.

"Ano ka ba, nay? Tapos na 'yon hindi ba?" nag-aalala kong wika.

Marahil ay hanggang ngayon, sinisisi pa rin ni nanay ang sarili dahil sa bagay na ginawa ko. Wala siyang kasalanan at ginusto kong gawin iyon. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, ito pa rin ang bagay na kanyang inaalala.

***

Nagtungo ako sa botika dala ang reseta na binigay ng doktor, ngunit nagulat na lang ako dahil sa presyo ng mga ito.

"Ang mahal naman po pala ng gamot na to?" wika ko saka tinitingnan ang ilang pirasong gamot na nasa loob ng lalagyan.

"Opo, para sa ugat po kasi ang gamot na niriseta sa 'yo ni doc. kaya medyo pricey po siya," tugon sa akin ng babaeng pharmacist.

"Grabe naman to, apat na libo agad ilang piraso palang?"

"Pasensya na po, ma'am. Hindi po kasi ito generic. Pero kahit po doon kayo bumili, halos pareho lang din po ang presyo."

"Ganoon ba?" Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko, kahit ilang beses akong magreklamo ay hindi naman na magbabago ang presyo nito. "Sige, kunin ko na to," wika ko sa babae saka binigay ang bayad.

'Kung laging ganito ang gamot ni nanay buwan-buwan, hindi na yata sasapat ang sinasahod ko. Isa pa, hindi pa rin ako nakababayad sa upa ng bahay na nirerentahan namin. Paano ba ako makaiipon nito?'

'Isa pa, nilagdaan na nga pala ni Sir Marvin ang resignation ko. Ngayon pa, kung kailan kailangan ko ng pera.'

'Pero kasalanan ko rin naman, hindi ba? Ako naman ang may gustong umalis dahil sa kaartehan ko.'

Malalim akong napabuntonghininga dahil sa mga bagay na iniisip ko. Pakiramdam ko ay nagkapatongpatong na ang aking problema.

Mariin akong lumunok at isang bagay ang pumasok sa aking isip. Kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa bulsa, saka ko pinindot ang numero ni Sir Marvin.

Sa pagkakataong ito, hindi ako maaaring magpadala sa galit at bugso ng damdamin. Kailangan kong maging praktikal para kay nanay.

Maya-maya lang, narinig ko ang pagsagot ni Sir Marvin sa kabilang linya. Muli akong lumunok bago magsimulang magsalita.

"S-Sir Marvin, about po sa resignation ko. Pwede po bang?–"

"I already cancel your resignation, Ms. Sandoval. 'Wag mo nang alalahanin 'yon. I know you will tell me that," pagputol ni Sir Marvin sa aking sasabihin, animoy alam niya ang gagawin ko at inunahan na niya ang aking desisyon.

"S-Salamat po. Pasensya na, Sir," nauutal ko pang tugon.

"It's okay. Sana gumaling ang mommy mo."

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ang bagay na iyon mula sa kanya. Ramdam ko ang pag-aalala niya at alam kong sinsero ito.

"Thank you, Sir," tugon ko saka binaba ang telepono.

Marahil ay hindi na ako makahahanap pa ng ibang mabuting boss bukod sa lalaking ito. Muli akong bumalik sa silid ni nanay dala ang nakapakong ngiti sa aking labi.

***

Noong araw ding iyon, habang ako ay nakaupo sa tabi ng higaan ni nanay, napansin ko ang paggalaw ng kanyang daliri at talukap ng mata. Maya-maya lang, tuluyan na siyang nagising, dahilan upang ngumiti ang aking labi.

"Nay, dahan-dahan 'wag ka munang tumayo," pagsaway ko kay nanay nang ito ay nagpipilit tumayo sa kanyang higaan.

"Pasensya ka na, Anak. Nag-alala ka na naman sa 'kin," aniya.

Inalalayan ko si nanay upang makaayos siya ng pagsandal sa higaan.

"Nay, ano ba kasing iniisip mo? Sabi ng doktor masiyado ka na raw stress at over fatigue. Ano bang nangyayari, Nay?" sunod-sunod kong tanong habang ramdam ang pag-aalala sa aking tinig.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni nanay. Diretso siyang tumingin sa akin na may lungkot sa mga mata.

"Hindi ko lang kasi matanggap na dahil sa 'kin, nasira ang kinabukasan mo. Hindi ko lubos maisip kung paano mo nakayanan ang bagay na iyon. I'm sorry, anak. I'm sorry."

Bumuntonghininga ako saka mapait na ngumiti.

"Hindi ba sinabi ko nang tapos na ang bagay na 'yon, nay? Isa lang ang importante sa 'kin, ikaw lang at si Glenn wala nang iba, kaya please lang, nay. Kalimutan mo na ang bagay na 'yon," sunod-sunod kong paliwanag kay nanay.

Ngumiti siya pabalik sa akin, animoy nahihiya dahil sa mga nangyari. Ngunit hindi ko siya masisisi, nanay ko siya at hindi mawawala sa kanyang isip ang pag-aalala. Sa ngayon, kailangan ko lang iparamdam sa kanya na ayos na ako at ayos na ang lahat.

Mahigpit kong niyakap si nanay at si Glenn. Ito ang kayamanan ko at wala nang makapapantay rito. Hindi ito kayang bayaran ng kahit ilang milyong piso.

***

Kinabukasan, nang masigurado kong maayos na si nanay at iniiwasan nang mag-isip ng kung ano-ano, nagsimula na rin akong bumalik sa daily routine na aking ginagawa.

Sumakay ako ng taxi at nagtungo sa opisina. Sa pagdating ko roon, naabutan ko si Sir Marvin na abala sa harapan ng kanyang laptop.

"Good morning, Sir," pagbati ko saka ngumiti.

"Good morning, how was your mom?" tanong niya.

"Maayos na po siya, Sir. Salamat po."

"Mabuti naman."

Matapos ang kumustahan na iyon, sinimulan ko na rin ang araw. Nagtungo ako sa aking pwesto at sa pagpasok ko sa aking opisina, kumunot ang aking noo nang makita ang isang bulaklak na nakapatong sa lamesa.

Napangiti ako at sumulyap kay Sir Marvin. Kinuha ko ang bulaklak at nagtungo sa kinaroroonan niya.

"Sir, thank you p–"

"Hindi sa 'kin galing ang bulaklak na 'yan," pagputol niya sa aking sasabihin habang ang mga mata ay diretso pa ring nakatingin sa screen ng laptop.

Nagtaka ako dahil sa kanyang sinabi.

"Kanino po, Sir?" tanong ko.

"Kay Cedrick. He wanted to say sorry."

"P-Po?"

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakaramdam ako ng tuwa nang marinig ang bagay na iyon. Hindi kasi ako makapaniwala.

Tiningnan ko ang hawak kong bulaklak, saka napailing na lang sa mga bagay na nangyayari. Matapos iyon ay bumalik na lang ako sa puwesto at nagsimulang magtrabaho.

***

Matapos ang isang nakakapagod na araw, inayos ko na ang aking gamit dahil handa na akong umuwi sa bahay.

Nagsimula akong lumakad at nagtungo sa kinaroroonan ni Sir Marvin upang sana ay magpaalam. Ngunit magsasalita palang sana ako ay nagsimula na siyang mag-usap.

"Ms. Sandoval, I have an important appointment sa isang client na naghihintay ngayon sa isang restaurant, but I'm going to be late, pwede mo bang puntahan sandali ang client?" sunod-sunod niyang wika habang nakatingin sa 'kin.

Hindi ko alam kung paano tatanggi ngunit alam kong hindi rin naman maaari. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumugon.

"Ganoon ba, Sir? Sige po."

Ngumiti siya pabalik sa akin saka inabot ang isang papel na naglalaman ng address ng restaurant na iyon. Binigyan niya rin ako ng pang-taxi.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa pinag-usapang restaurant. Nabalot na rin ng dilim ang paligid kaya kailangan ko na ring magmadali para makauwi.

Agad akong lumabas ng taxi at pumasok sa loob ng restaurant. Halatang mamahalin ito at tila mayayaman lamang ang mga nandito.

"Ma'am, may reservation po?" salubong sa akin ng isang babaeng crew.

"A-Ano kasi–"

Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang makita ang isang lalaking may pamilyar na mukha na ngayon ay kumakaway sa akin.

Kumunot ang aking noo nang mapagtanto kung sino siya.

"Ikaw na naman?" wika ko saka nagsimulang mabalot ng inis dahil sa lalaking ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status