Share

Chapter 6

Mia's POV

NAGSIMULA akong tumalikod. Lalabas na sana ako mula sa restaurant na iyon ngunit isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking kamay.

"Hey! Saan ka pupunta? Is that how you treat a client?" wika ni Cedrick na ngayon ay nakatayo sa aking likuran habang hawak ang aking braso.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at inalis sa pagkakahawak sa akin, saka Iritable humarap sa kanya at humalukipkip.

"Is this a prank? Because it's not funny. Kasabwat mo ba si Sir Marvin dito?" taas ang kilay kong sambit sa kanya.

Nagsimulang maging seryoso ang kanyang mukha.

"Pwede bang doon tayo mag-usap sa lamesa? Nakakahiya sa mga tao na dito tayo sa entrance nag-uusap," wika niya saka ako inalalayan patungo sa table na naka-reserve para sa aming dalawa. Wala na sana akong balak pang sumunod sa kanya ngunit alam kong hindi rin naman siya titigil kung gagawin ko iyon.

Sa aming pag-upo, malumanay siyang nagsalita.

"Look, I'm not here for a fight. I'm here to say sorry," aniya saka tumingin sa paligid na animoy nahihiyang ilakas ang mga bagay na sinasabi. "Yes, humingi ako ng tulong kay Marvin dahil alam kong hindi ka papayag kapag nalaman mong ako ang makikipagkita sa 'yo."

Mas lalong tumaas ang aking kilay at inirapan siya. Huminga ako nang malalim dahil kailangan kong kumalma. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa tuwing nakikita ko si Cedrick, kumukulo ang dugo ko. Noong nakita ko 'yong binigay niyang bulaklak kanina, okay naman ako.

"Kung may sasabihin ka pa, pakibilisan mo na lang dahil kailangan ako ni nanay."

Ngunit matapos akong magsalita, nakatingin lang siya sa 'kin at tila nahihiyang sabihin ang kung ano mang nais niyang sabihin. Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at dahil sa inis ko, tumayo ako at akmang aalis na, ngunit naramdaman ko ang kamay ni Cedrick na nakahawak sa aking kamay.

"I already said sorry, 'di ba?" iritable niyang wika. Nababakas sa kanyang mukha na hindi siya marunong humingi ng paumanhin o tila unang beses niya itong gagawin. Bumuntonghininga ito at muling nagsalita. "Okay, just make me apologize properly. Hindi ka naman siguro ginto para sambahin ko pa at magpa-hard to get sa 'kin 'di ba?"

Kumunot ang aking noo at tumaas muli ang kilay. Tila nahalata naman ni Cedrick na nagsisimula na naman akong mainis sa kanya.

"Okay! Okay! I just felt guilty sa mga nangyari..." Sandali siyang huminto sa pagsasalita, saka diretsong tumingin sa akin na may sinsero at seryosong mukha. Nang makita ko ito, muli akong umupo at nakinig sa kanya. "I'm sorry, Mia."

Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila may nagbago sa aking kalooban nang marinig ko ang bagay na iyon. Unti-unting nawala ang inis ko sa lalaking ito nang makita ko ang kanyang sinserong mukha.

'Nakapagtataka na marunong pala siyang humingi ng tawad nang maayos.'

"I can't believe na marunong ka palang mag-sorry, Sir?" natatawa kong wika.

"Mukha bang hindi?" aniya na tila naiinsulto sa aking sinabi. "Anyway, nasabi na sa 'kin ni Marvin ang lahat and I did my research. Yes, mali ako. I thought you're like the other prosti... I mean woman who only wants money."

"Oo, Sir. Aminado ako na kinailangan ko ng pera noon. Pero ang mga bagay na nagawa ko ay para sa aking–"

"I know, I know. That's why I'm here to say sorry?"

Nagsimulang sumilay ang ngiti sa aking labi nang hindi ko namamalayan.

"Okay. Apology accepted," wika ko.

I offer my hands at tiningnan niya ito. Matapos iyon ay muli siyang bumalik ng tingin sa aking mukha. Makalipas ang ilang sandali ay tinanggap din niya ang aking kamay bilang peace offering.

Muli kong binawi ang aking kamay at umayos ng upo. Medyo awkward lang sa aking pakiramdam, ngunit ang lalaking ito ay isa rin sa boss ko at sa tingin ko, mabait naman siya kahit paano.

"I guess crush mo na ko ngayon?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niyang iyon, saka natatawang tumugon.

"Hindi pa rin."

Nagtama ang mata naming dalawa hanggang sa maya-maya lang ay nagsimula kaming magtawanan.

Ang gabing iyon ay masasabi kong simula ng pagiging komportable ko sa kanya. Dumating na rin si Marvin matapos kaming magkaayos. Pinaliwanag niya rin sa akin ang ginawa nilang set-up ng kapatid niya.

Aminado akong naiinis sa ginawa nila, ngunit may isang parte sa akin na masaya dahil sa nangyari.

***

Kinabukasan, na-late ako ng gising, dahilan upang ako ay magmadali papasok sa opisina. Halos lakad takbo na ako sa hallway ng gusali at habol-hininga sa bawat hakbang na ginagawa.

"Sa wakas nakarating din," saad ko nang makatayo sa harapan ng pinto.

Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili upang hindi mahalata ang pagkapagod sa aking mukha, saka ko binuksan ang pinto.

"Sir, sorry po na-late ako," nakangiti kong wika nang buksan ko ang pintuan.

Ngunit natigilan ako nang makitang wala si Sir Marvin sa loob ng opisina.

"Sir?" pagtawag ko sa kawalan.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng opisina habang dahan-dahang humahakbang papasok. Sa paglibot ng aking mata, nakita ko ang isang lalaki na nakahiga ngayon sa sofa.

Kumunot ang aking noo at pilit inaninag ang mukha nito.

"Cedrick?" mahina kong bulong.

Nagkibit-balikat na lang ako nang mapagtanto kong siya ay mahimbing na natutulog. Nagtungo ako sa aking station at inayos ang gamit. Mukhang pagod na pagod siya dahil mahimbing ang kanyang pagtulog. Ano naman ang karapatan kong gambalain siya?

Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula nang magtrabaho. Hindi ko na rin napansin ang oras dahil naging abala na ako sa aking ginagawa.

Ngunit maya-maya lang, nakarinig ako ng malalalim na paghinga mula sa labas ng aking station. Sumilip ako sa kinaroroonan ni Cedrick at nakita ang paglikot ng kanyang ulo.

Kumunot ang aking noo at sandaling napaisip.

'Baka naman na-sleep paralysis na siya? O binabangungot na?' kunot-noo kong saad sa sarili.

Nagmadali akong tumayo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Lumapit ako sa sofa kung saan nakahiga si Cedrick. Agad kong napansin ang mga pawis sa kanyang mukha gayong malakas naman ang aircon.

Nilapat ko ang aking palad sa ibabaw ng kanyang noo, wala naman siyang lagnat o ano. Sa pagkakataong ito, tinapik ko ang kanyang balikat upang siya ay magising.

"Sir? Sir Cedrick?" pagtawag ko sa kanyang pangalan sabay sa pagtapik ko sa kanya, ngunit hindi pa rin siya gumigising.

"Sir Cedrick?" pag-ulit ko.

Sa pagkakataong ito, nagulantang ako nang bigla siyang umupo at sumigaw.

"'Wag!" sigaw niya na halos humahabol ng hininga.

"Sir, kumalma kayo, panaginip lang 'yon!" nag-aalala kong wika nang makita ang matinding takot na nababakas sa kanyang mukha.

Tumingin siya sa aking direksyon, noon ko napansin ang luha na gumagapang sa kanyang pisngi.

"Sir Cedrick?"

Sa pagkakataong ito, napuno ng pag-aalala ang aking puso. Ang isang lalaki na gaya niya ay marunong palang umiyak?

Nang siya ay mahimasmasan, nanlaki ang aking mga mata nang mahigpit niya akong yakapin sa aking bisig.

"Salamat! Salamat at ginising mo ko," aniya.

Nababakas ang takot sa kanyang tinig, isang takot na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jecel Batac Lim Arellano
paki unlock po plss
goodnovel comment avatar
melfred saligumba
gandaaa po
goodnovel comment avatar
Caroline Alfonso Arzadon
paunlock po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status