Share

Chapter 8

Mia's POV

HANGGANG ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lang ang pagluha ni Cedrick nang siya ay nagising kahapon. Ano kayang panaginip niya?

May kung ano sa loob ko ang nais malaman ang mga bagay-bagay, ngunit ano nga ba ang pakialam ko rito?

Napabuntonghininga ako saka nagsimulang tumayo sa aking higaan.

'Tama na, Mia. Kailangan na nating simulan ang araw at mala-late ka na naman sa trabaho,' pangaral ko sa sarili.

Agad na akong tumayo. Kinumusta ko si nanay at nang makumpirma kong maayos siya, lumabas na rin ako ng bahay at sumakay ng taxi.

***

Sa pagdating ko sa opisina, naabutan ko roon si Cedrick. Kumunot ang aking noo dahil tila kinausap na naman niya si Sir Marvin na makipagpalit sa kanya. Kung minsan, hindi ko na rin talaga maintindihan kung sino ba sa kanila ang totoong boss ko.

"Good morning, sir," pagbati ko sa kanya.

Ngunit nakapagtataka na hindi man lang niya ako nilingon, abala lang siya sa pag-aayos ng papel na nasa kanyang harapan.

'Sipag, ha?'

"Good morni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status