LOGINHindi patas para kay Erin. Hindi patas para kay Blake. Pero…“Walang perpektong katarungan sa mundong ito,” sabi ni Lolo Jo sa tuyot na boses, bakas ang lamig ng isang taong sanay mag-utos. “Sa posisyon ko, ang una kong tungkulin ay ang katatagan at ang kinabukasan ng buong pamilya. Ang personal na nararamdaman… kailangang magparaya kung minsan para sa interes ng pamilya.”Tiningnan niya itong muli, may huling kislap ng pag-asa sa kanyang mga mata.“Erin, alam ni Lolo na mahirap ito. Pero mas mabuti na ang maikling sakit kaysa sa habambuhay na pagdurusa. Kung aalis ka ngayon, hihilumin ng panahon ang lahat. Tungkol naman kay Jerwin, gagawa ako ng paraan para makabitaw siya. At si Blake… siya ang tagapagmana ng pamilya Gener; maiintindihan niya ang responsibilidad na dapat niyang pasanin.”Napatitig si Erin sa kanya, sa matigas na desisyon sa kanyang mga mata, at ang huling init sa puso ng dalaga ay tuluyan nang lumamig.Bigla siyang napa-isip kung gaano ito kawalang-kwenta.“Responsib
Samantala, matapos mag-almusal, nagmaneho si Erin papunta sa lumang mansyon ng pamilya Gener, sinusunod ang mga instruksyon sa text message.Nasa upuan ng kotse ang kanyang telepono, at nakalagay sa screen ang isang linya:【Miss Sandoval, gusto po kayong makausap ng Senyor.】Ang nag-text ay si Tito Boots, ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Lolo Jo. Hindi na nagpaalam si Erin kay Blake; sinabi lang niya nang maikli kay Arcel na kailangan niyang lumabas, at saka siya umalis nang mag-isa.Mabilis na dumadaan ang mga tanawin sna kanyang nadaraanan, ngunit wala doon ang kanyang isip.Matikas pa ring nakatayo ang lumang mansyon sa ilalim ng asul na kalangitan, pero ang dati nitong ganda ay nababalot ngayon ng kakaibang bigat.Naghihintay si Tito Boots sa pinto. Pagkakita sa kanya, rumespeto ito gaya ng dati, pero bakas sa mga mata nito ang mga salitang hindi masabi-sabi.“Miss Sandoval, naghihintay ang Senyor sa inyo sa loob ng study room.”Tumango nang bahagya si Erin at sumunod sa pamilyar
Pagkatapos mag-ayos at magbihis ng pambahay, pumunta si Erin sa kusina. Gaya ng inaasahan, may nakahanda nang mainit na gatas, bacon, itlog, at toasted bread sa counter. Simple lang, pero halatang pinaghandaan nang maayos.Habang kumakain, tumawag si Arcel.“Boss! Ayos ka lang ba? Pagkatapos ng nangyari kagabi…” bakas sa boses nito ang pag-aalala at takot.“Ayos lang ako,” putol ni Erin sa kanya. “Kamusta sa firm?”“Normal naman ang lahat. Pero… nabalitaan ko kaninang umaga na tapos na si Benito! Na-raid lahat ng kuta niya kagabi at may warrant na para arestuhin siya. Sabi nila, marami siyang kinasasangkutang kaso—buong lungsod na ang naghahanap sa kanya!”Napatigil si Erin sa pag-inom ng gatas.Si Blake. Ganoon kabilis kumilos ang lalaking iyon.Yumuko si Erin para itago ang kanyang emosyon. “Naintindihan ko,” mahinahon niyang sagot. “Itigil muna natin ang kaso sa East District. Maghintay lang kayo sa susunod na utos ko.”“Ha? Ititigil natin?” naguguluhang tanong ni Arcel. “Ngayon pa
Sa mga litrato, makikita ang mga suspek na pinu-pusasan. Kahit malabo ang mga mukha, kilalang-kilala ng mga tao ang mga tauhan ni Benito. Walang binanggit na pangalang "Blake" sa balita, pero ang mga nakakaalam sa totoong nangyayari ay batid kung sino ang may gawa ng lahat ng ito.Narinig ni William ang balita sa radyo habang nagmamaneho papasok sa opisina. Napahigpit ang hawak niya sa manibela.Si Benito... tapos na? Ganoon kabilis?Naalala niya ang malamig na mukha ni Erin, at ang matatalim na mata ni Blake. May kumurot sa kanyang dibdib—isang mapait na sakit. Naiisip niya kung paano planadong tinapos ni Blake ang lahat para kay Erin. Ginawa ito ni Blake nang walang pag-aalinlangan.Naitanong ni William sa sarili: Kung siya kaya ang nasa posisyon ni Blake, kaya rin ba niyang gawin ang lahat ng iyon para kay Erin?Nang dumating ang tanghali, opisyal nang naglabas ang pulisya ng warrant para arestuhin si Benito. Nakapaskil ang mukha niya sa bawat kanto at mahigpit ang bantay sa lahat
Madilim ang gabi at tanging malabong liwanag mula sa mga ilaw sa labas ang sumisilip sa makapal na kurtina. Nakasandal si Blake sa headboard ng kama, dahan-dahang humihinga habang may mga butil pa ng pawis sa kanyang katawan. Bahagyang nakatabing ang basa niyang buhok sa kanyang mga mata, pero hindi nito maitago ang dilim at lalim ng kanyang iniisip.Sa tabi, mahimbing na natutulog si Erin. Bakas sa kanyang mga balikat ang mga pulang marka mula sa mainit nilang gabi. Mukha siyang pagod na pagod pero payapa ang kanyang paghinga. Amoy sa buong silid ang halo-halong bango nila—ang pabango ni Erin at ang malinis na amoy ni Blake.Tiningnan ni Blake ang mukha ni Erin nang matagal. Akmang hahaplusin niya ang pisngi nito pero huminto siya; sa halip, inayos na lang niya ang buhok sa leeg ng dalaga. Sobrang ingat ng kanyang kilos, malayo sa bagsik na ipinakita niya kanina. Nang mapagtanto niyang kampanteng-kampante si Erin sa tabi niya, lalong tumindi ang kagustuhan niyang protektahan at kontr
Pumasok ang sasakyan sa underground parking at namatay ang tunog ng makina. Tumahimik ang mundo, at tanging ang tunog na lang ng kanilang paghinga ang narinig.Hindi agad bumaba si Blake. Humarap siya kay Erin, at ang kanyang anino ay bumalot sa dalaga. Inangat niya ang baba nito gamit ang kanyang mga daliri, na tila pinipilit itong tumingin sa kanya. Malamig ang kanyang haplos sa panga ng babae. Madilim ang kanyang mga mata—malalim at mahirap basahin.“Natatakot ka pa rin ba?” mahina at paos niyang tanong.Umiling si Erin. Gusto niyang sabihing hindi naman siya ganoon kahina—pero sa ilalim ng titig ng lalaki, parang ayaw lumabas ng mga salita. Masyado siyang naging mapusok ngayong gabi. Ngayon lang unti-unting gumagapang ang tunay na kaba sa kanyang gulugod.Pinagmasdan siya ni Blake nang ilang segundo, bago ito dahan-dahang lumapit. Isang banayad na halik ang idinampi nito sa kanyang mga talukap—malumanay, tila nagpapatahan. Sunod sa kanyang ilong. At sa huli, sa kanyang mga labi.I
Itinaas ni Erin ang kanyang ulo sa pagkabigla at agad na nasalubong ang isang pares ng malalim at malamig na mga mata— may bahid ng inis na nakatutok sa paligid.Malabo ang ilaw ng nightclub, ngunit sapat iyon upang malinaw na makita ang hugis ng mukha ng lalaki. Ang maganda nitong pangahan, at an
Halos isang oras pa ang lumipas...Sa may gate ng isang mansiyon sa isang kilalang subdivision, matagal nang naghihintay ang private doctor at dalawang kasambahay na nakatanggap ng tawag niya kanina.Nang makita nilang bumaba si Blake mula sa kotse, buhat ang isang babaeng mahigpit na nakabalot sa
Tumingin si Erin sa malayo at malamig na sinabi,“Matagal na akong hindi umiinom ng kape.”Nanatiling nakaunat ang kamay ni William, tila nagyelo sa kalagitnaan ng hangin. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay—muli na naman siyang nagkamali. Hindi na ba nagkakape si Erin?Ginawa naman niya a
KINABUKASAN, tulad ng napagkasunduan, ipinasa ni Dave kay Erin ang footages at mga naging usapan ng plano na pagpi frame up sa kliyente ng APEX law firm ng namamahala sa HAWLS Advertisement. Malinaw na malinaw ang ebidensiya. Ang mga sinasabing pangongopya ng design, ay mismong Hawls ang may kagaga







