LOGINPAGKATAPOS magbihis ay humarap si Clea sa salamin. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili suot ang isang pormal na damit. Napakaiksi yata ng palda na ipinahiram sa kaniya ng kaibigan, ngunit ayos na rin naman ito dahil wala naman siyang ibang pagpipilian at wala na rin siyang oras para maghanap pa ng iba. Halos pumutok ito sa kaniyang mga hita. Naglalakihan kasi ang mga iyon datapwat hindi naman siya mataba at maliit ang kaniyang baywang. Masasabing perpekto ang kaniyang pangangatawan. “Let’s go, Cle. It’s your first day. You can do it,” pagpapalakas loob niya sa sarili. Unang araw niya sa kaniyang unang trabaho. Dapat ay maging perpekto ang lahat.
Hindi na siya nagtagal pa sa bahay at kaagad nang bumyahe. Mayroong daga sa kaniyang dibdib. Kabado siya dahil unang araw. Wala pa siyang kakilala sa loob at bago sa kaniya ang papasukin na lugar, ngunit walang kahit na anong makapagpapabago sa determinasyong mayroon siya ngayon. Ang totoo niyan ay sa kabila ng kaba ay naroon din ang excitement. “Salamat po,” wika niya sa taxi driver na sinakyan matapos mag-abot ng bayad at bumaba. Sobra pa ng bente pesos ang halaga ng ibinayad niya sa halaga ng nasa metro; tip niya na sa driver iyon. Galante siya ngayong araw.
Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa gusali na pagtatrabahuhan niya. Sa entrance ay nagsulat muna siya sa log book at nakapasok naman kaagad dahil may kung anong gate pass na ibinigay sa kaniya noong nakapasa siya at nakapagpasa ng mga requirements. Sa ika-walong palapag ang kaniyang magiging opisina, doon siya magtutungo ngayon. Habang naglalakad ay pinagmamasdan niya ang paligid at mga tao. Tila lamang siya hangin na dumadaan at walang pakialam sa kaniya ang mga tao na abala sa trabaho. Busy na busy ang mga ito, maigi na lamang at alam niya na kung saan magtutungo at nabigyan na siya ng direksyon bago ang kaniyang unang araw.
“Ikaw ‘yong bagong sekretarya ni Sir Elias ‘no?” tanong ng isang babae nang tuluyan siyang makarating sa palapag na paroroonan. Kaagad siya nitong nakilala dahil wala namang ibang bagong empleyado sa palapag na iyon.
Mabilis siyang tumango at ngumiti. “Ako nga po,” kinakabahan pa siya nang tumugon.
Ang babae ay ngumiti. “Halika, kanina pa kita hinihintay.” Nagpatiuna ito sa paglalakad. “Dito ang magiging lamesa mo. Alam mo na ba ang mga dapat mong gawin? Do you have any experience in this job?”
“M-may alam po pero hindi masiyado. T-this is my first job.” Napalunok siya ng sariling laway. Bakit ba nauutal-utal pa siya? Talagang kinakabahan siya ngunit determinado lalo na at alam niyang malaking oportunidad ang pagkapasok dito. Biruin mo at sa dinami-rami ng nag-apply ay siya ang mapipili? Malaking bagay iyon na hindi niya sasayangin.
“It’s okay, i-guide kita. Madali lang naman ang mga gagawin mo, kailangan mo lang maging focus palagi sa trabaho. Hindi pupwedeng lumipad ang isip kahit na saglit. Bawal pumalpak, or else you’ll be dead.” Tumawa ito. “Biro lang pero bawal na bawal talaga ‘yon lalo na at ikaw ang sekretarya ng presidente nitong kumpanya.”
Napahinto siya sa paglalakad. “S-Sorry? Sekretarya ako ng presidente ng kumpanya?” Namilog ang kaniyang mga mata at napangiti. Natuwa siya dahil pakiramdam niya ay achievement iyon.
Ang babae na mukhang may mataas na katungkulin ay huminto rin sa paglalakad. Humarap sa kaniya at tumango. “Yes, kaya naman dapat ay ma-impress mo sila sa unang araw na ‘to at syempre sa mga susunod mo pang araw rito.” Bumalik ito sa paglalakad at kaagad naman siyang sumunod. Itinuro nito sa kaniya ang kaniyang puwesto. Sakto lamang ang kaniyang study table at nasa labas mismo iyon ng opisina ng presidente. Tuwang-tuwa siya. Excited na tuloy siyang magsimula, kaya nga lamang daw ay hindi pa dumarating ang presidente. Habang wala pa siyang ginagawa ay iginala siya ng babae sa loob ng kumpanya at ipinaliwanag ang mga bagay-bagay. Sinimulan ding sabihin sa kaniya ang mga dapat at hindi niya dapat gawin.
“Salamat po,” pasasalamat niya sa nag-tour sa kaniya sa kumpanya at nagpaliwanag ng kaniyang magiging trabaho. Suwerte nga talaga siya kung maituturing, dahil nakapasok siya sa ganitong kumpanya nang wala pa siyang experience. Gagawin niya ang lahat upang tumagal sa trabahong ito.
Nagulat na lamang siya nang huminto sa trabaho ang lahat ng empleyado at tumayo sa magkabilang gilid ng office aisle ang mga ito. Ang mga ito ay aligaga na umayos sa puwesto hanggang sa maunawaan niya ang lahat. Mula kasi sa hallway ay kaagad niyang natanaw ang isang matangkad na lalaking naglalakad patungo sa kanilang gawi kasunod ang ilang tao na mayroong dalang mga gamit. Napagtanto niyang ito ang presidente ng kumpanya nang batiin ito ng mga empleyado.
“Good morning, Mr. President!” sabay-sabay na bati ng mga ito sa lalaki na nagpapatiuna sa paglalakad.
Namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ito. Ito ang lalaking nakatalik niya ng isang gabi noong siya ay malasing. Napatakip siya ng palad sa kaniyang mga labi dahil hindi siya makapaniwala. Tatalikod sana siya upang hindi nito makilala ngunit huli na ang lahat dahil nabaling na sa kaniya ang atensyon nito. Paano ay siya lamang ang nag-iisang tao na nasa gitna ng daanan habang ang lahat ng empleyado ay bumabati sa magkabilang hilid at nakahilera.
Dumagungdong nang labis ang kaniyang dibdib. Animo ay mayroong nagdu-drum doon. Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. Nais niya na lamang kainin ng lupa.
Humakbang ang lalaki papalapit at huminto sa kaniyang harapan. “Tell me your name.”
Napalunok siya ng sariling laway. “C-Clea... Clea Buenaventura.”
Hindi ito nagsalita.
“Good morning, Mr. President. Siya si Clea, your new secretary.” Humarap ang babae na siyang nag-assist sa kaniya kanina. “Clea, this is Mr. Elias Adamson. The president of the company. He’s your new boss.”
Sa dinami-rami ng taong pupwede niyang maging amo, bakit ang taong naka-one-night-stand pa niya? Talaga bang pinaglalaruan siya ng tandhana? Paano niya gagampanan ang trabaho kung paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ng lalaking ito nang gabing iyon? Ang bawat ungol nilang kumakawala sa buong silid?
This is hell!!
INIHATID si Clea ni Kevin sa kaniyang apartment pagkatapos nilang kumain sa labas at magkwentuhan sa isang park. Mukhang makakatipid siya ng pamasahe gayong may sarili itong sasakyan at iisa lamang ang daan nila pauwi."Thanks, Kevin, see you tomorrow."Ngumit ang lalaki habang nakapamulsa ang mga palad sa suot na trouser. "Yes, see you sa office. Thanks for joining me tonight, Clea. I enjoyed our dinner."Ngumiti lamang siya at hinintay ang lalaki na makasakay sa sasakyan hanggang sa makaalis ito nang tuluyan.Kaagad siyang pumasok sa kaniyang apartment at kinuha ang kaniyang cellphone. Pagbukas niya rito ay nakita ang maraming missed calls mula kay Elias. Kumunot ang noo niya sa pagtataka at malalim na nag-isip ng dahilan ng mga pagtawag nito. Kaagad niyang tinawagan ito pabalik."Mr. Adamson, bakit po kayo napatawag?""Where are you?" malamig ang boses na tanong nito."Kakauwi ko lang, bakit?""I will pick you up. Wait for me at your apartment---*end call*Ibinaba niya ang kaniyang
NAPAKAGANDA ng umaga ni Clea. Nakangiti siya papasok sa opisina nang makasalubong niya si Kevin sa entrance ng gusali. Nang magkatitigan sila ng lalaki ay saka niya lamang naalala ang ipinangakong dinner dito kahapon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kaagad nilapitan ang lalaki. "Kevin, I'm sorry. Something came up yesterday and... nawala sa isip ko yung dinner natin. I'm sorry." Ngumiti lamang ang lalaki at ginulo ang buhok niya. "It's okay. Marami namang next time." Nakahinga siya nang maluwag sa naging tugon nito. "I'm really sorry. Mamaya puwede akong bumawi sa 'yo." "Are you sure?" tanong ng lalaki.Mabilis siyang tumango at ngumiti. "Pasensya ka na talaga. Marami lang din akong pinoproblema ngayon kaya nawawala sa isip ko yung ibang bagay. I hope hindi ka naghintay kahapon." Nagsimula silang maglakad nang sabay papasok sa loob. "Hindi naman, pagkatapos ko sa work umakyat ako para magpunta sa cubicle mo then I found out nakauwi kana. Can I get your number? So, I can call you
HINDI PA MAN tapos ang oras ng trabaho ni Clea ay nakatanggap na siya ng text mula sa isang unknown number ngunit alam naman niyang kay Elias ito galing. Wala naman sigurong ibang makakaalam ng numero niya bukod sa kaniyang boss. Unknown number: I will pick you up at six. Wait for me on the exit of the building. Gaya ng sabi sa text message na natanggap niya ay nagtungo siya sa exit. Sinikap niyang walang makakita sa kaniya na katrabaho hanggang sa dumating si Elias. Palinga-linga ito para hanapin siya kaya naman marahan siyang lumapit at tinapik ang likod nito. "I'm here," wika niya. Humarap ito sa kaniya at kaagad kinuha ang palad niya saka siya nagmamadaling hinatak nito palabas—pinapasok siya sa loob ng sasakyan saka ito nagmaneho paalis. "Saan tayo pupunta?" tanong niya habang nasa byahe sila. Humarap na lamang siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang paligid. "Where do you want to go?" tanong nito sa kaniya. Himbis na sagot ang itugon niya ay tanong din ang ibinalik ni
"BAKIT ANG PUTLA MO NGAYON?" tanong ni Rissi kay Clea nang magsama-sama silang lima sa condo unit ni Loisa. Araw-araw namang libre ang mga kaibigan niya, hindi tulad niya na ngayon ay mas abala na sa trabaho at sa day off lamang makakapagliwaliw kasama sila. "What do you mean? Parang hindi naman?" tanong ni Clea at kinuha ang maliit na salamin sa loob ng bag niya. Pinagmasdan niya ang sarili. "H-hindi naman ah," aniya na indenial pa kahit napansin niya iyon sa sarili. "Medyo maputla kang tignan ngayon kaysa no'ng nakaraan. Ayos ka lang ba sa bago mong work? Cle, kung nahihirapan ka or pinapahirapan ka nila I can tell my dad baka may bakante pa sa company," nag-aalalang sambit ni Angie habang titig na titig sa kaniya. Mararamdaman mo ang pag-aalala ng mga kaibigan. Sobra siyang nagpapasalamat sa mga ito, dahil sa kabila ng pagbaliktad ng mundo niya ay narito pa rin sila; nakasuporta sa kaniya. "Actually, okay naman ang work ko. Nakakapagod syempre, wala namang trabaho ang hindi nak
TINITIGAN NI CLEA nang mabuti ang lalaki g nasa harapan niya. Chinito ito, matangkad at katamtaman ang kulay ng balat. Iniisip niyang mabuti kung sino ito at paanong nalaman ang pangalan niya. "Sorry, do I know you, Sir? Paano mong nalaman ang name ko?" tanong niya.Napakamot ito sa batok. "I'm sure not, pero magkasama tayo sa company. I'm from finance department, senior level. Actually, simula dumating ka sa office tinanong ko na agad pangalan mo sa ibang employees."Tumayo siya sa kinauupan at yumuko. "Naku! Pasensya na, Sir, senior po pala kita. Hindi pa po kasi ako pamilyar sa ibang kasama ko sa trabaho. Pasensya na talaga."Ngumiti ang lalaki. "No, it's okay. Wala naman na tayo sa opisina. No need to be formal. Can I sit with you?"Nagdadalawang isip man dahil gusto niyang mapag-isa ay tumango na lamang siya at ngumiti. Nakipagkwentuhan siya dito at hindi namalayang parang napakatagal na nilang magkakilala kung mag-usap. Ang gaan kaagad ng loob niya sa lalaki. Palabiro kasi ito at
MABABAIT naman ang mga kasama ni Clea sa trabaho. Wala siyang naging problema. Hindi niya naramdamang newly hired siya at kapapasok lamang. Mas magaan at madali niyang natututunan ang mga inuutos sa kaniya. Isa lamang ang kaniyang problema, kung paano haharapin ang kaniyang boss nang hindi nanlalambot ang mga tuhod. Kahit wala itong ginagawa ay para siyang matutunaw. Simula kanina ay hindi pa siya nito inuutusan o pinatatawag pumasok sa loob. Tutunog naman ang landline na nasa table niya kung may kailangan ito. Lumapit sa kaniya si Fara. Ang babaeng nag-assist at nagturo sa kaniya nang mga gagawin bilang baguhan. Napakabait nito. "Ms. Buenaventura, maaga ako mag-off today, nagpaalam na ako. May importante ako lakad today, alam mo na mga gagawin before umuwi, okay?" Ngumiti siya at tumango. "Yes po, thank you so much for everything today!" Ngumiti lamang si Fara at nagpaalam na ding umalis. Bumalik siya sa trabaho. Ilang letra pa lamang ang naita-type niya sa computer nang







