LOGINKinabukasan nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa pisngi ko, nakalimutan ko palang isarado ang bintana kagabi kaya dumiritso ang sikat sa akin. Hindi naman masyadong masakit pero tama lang para magising ka. Hindi ko nakita si Sam, usually kapag ganitong oras na ginigising niya ako kaya nakakapagtaka na hindi niya ako ginising ngayon. Napakunot ang noo ko habang dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Inunat ko ang katawan ko, pilit inaalis ang natitirang antok, habang napapatingin ulit sa bakanteng pwesto sa tabi ko. “Ang aga niya naman…” bulong ko sa sarili ko. Karaniwan kasi, siya pa ang nanggigising sa’kin mahina lang, minsan may kasamang biro o simpleng pagtawag ng pangalan ko. Pero ngayon… wala. Tahimik. Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Paglabas ko sa sala, wala rin siya doon. Mas lalo tuloy akong nagtaka. Lumabas ako ng bahay, agad akong sinalubong ng hangin mula sa dagat. Napapikit ako saglit, hinayaan ang sarili kong namnamin ang umaga. Hanggang sa map
Time flies so fast. Dalawang linggo na kaming nandito sa isla, malayo sa mga nangyayari sa labas. Minsan, pakiramdam ko kahapon lang nang makarating kami rito, dala ang bigat ng mundo sa likod namin, at ngayon… para bang ibang buhay na ang nararamdaman ko. Araw-araw, nagigising ako sa tunog ng alon, sa amoy ng dagat, at sa malambot na hangin na humahaplos sa balat ko. Ang simple ng lahat dito walang ingay, walang kasinungalingan, walang panghuhusga parang isang pahinga mula sa lahat ng sakit at pagkabigo na naramdaman ko. Si Sam, tulad ng dati, tahimik lang sa mga ginagawa niya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang tumititig siya sa akin, may ngiti na hindi basta-basta naiintindihan, parang may mga bagay siyang alam pero hindi sinasabi. At kahit papaano, ramdam ko na para sa kanya, that there's no lies in this place. “It’s been two weeks, Sam.” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa buhangin, hinahaplos ng paa ko ang tubig na humahampas sa baybayin. “ I almost couldn't remember ho
Nagising ako sa mahinang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Saglit akong napapikit ulit, parang ayaw ko pang gumalaw. Tahimik ang paligid walang ingay ng sasakyan, walang boses ng tao. Hangin lang, at yung mahina nitong paggalaw sa labas. Dahan-dahan akong bumangon. Napatingin ako sa paligid. Nandun pa rin kami sa rest house. At saka ko lang naalala ang lahat. Biglang bumigat ulit ang dibdib ko. Pero hindi na kasing tindi kagabi. Parang… may konting pagitan na. Napatingin ako sa couch. Wala na si Sam. Bahagya akong napakunot-noo. Tumayo ako, inayos ang sarili ko, saka lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko siya sa may veranda. Nakatayo, nakasandal sa railings, may hawak na kape habang nakatingin sa malayo. Tahimik. Kalmado. Parang walang dinadalang bigat. Naglakad ako papalapit. “Good morning,” mahina kong bati. Napalingon siya. Ngumiti nang bahagya. “Morning,” sagot niya. “Did you sleep well?” Napaisip ako. “Better,” sabi ko. Tumango siya. “Good.”
Paglabas ko ng mansion, hindi ko na alam kung saan ako pupunta, hindi ko na pinansin ang sasakyan kong hanggang ngayon hindi parin nakasara at hindi patay ang makina. Basta naglakad lang ako. Palayo. Palayo sa bahay na akala ko noon ay tahanan ko. Palayo sa pamilyang akala ko may kakampi ako kahit papaano. At higit sa lahat palayo sa sarili kong hindi ko na makilala. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad. Hindi ko na rin napansin kung saan na ako napadpad. Hanggang sa— “Ave!” Napahinto ako. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino yun. “Please… wait.” Napapikit ako sandali. Hindi ko alam kung may natitira pa ba akong lakas para harapin pa ang isa pang tao. Pero narinig ko ang mabilis niyang mga hakbang papalapit. “At least let me talk to you,” sabi ni Sam, hingal. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya ilang hakbang ang layo. Mukha siyang nagmamadali. Kita sa mukha niya na… nag-aalala. “Bakit ka sumunod?” tanong ko, pagod na ang boses ko. Hind
Pagkababa ng tawag namin ni Lianne mas gumaan na ang pakiramdam ko. Dahil alam kong hindi naman pala ako nag-iisa kahit may mga taong galit sa akin ngayon alam ko paring may taong nagmamahal parin sa akin. Naglakad ako papuntang elevator. Pagbukas nito walang tao, mas mabuti na rin kaya naman pumasok agad ako, nakita ko ang numero papuntang floor sa opisina ni Ethan. Is he here? Tanong ko sa utak. Wala sa sarili kong pinindot iyon. Naging madali ang pagdating ng elevator kesa sa inaasahan ko. Nasa 13th floor ako ng building ngayon, ang office ni Ethan. Sarado ang opisina niya pero alam kong may tao sa loob dahil bukas ang ilaw. Naglakad ako papalapit doon. Huminto ako sa tapat ng pinto. Nakatitig lang ako dito ng ilang segundo, parang may kung anong pumipigil sa akin na kumatok. Hindi ko alam kung galit ba ang mas nangingibabaw o takot. Pero isang bagay ang sigurado ako kailangan kong malaman ang totoo. Huminga ako nang malalim saka ako kumatok ng dalawang beses.
Pagpasok ko ng opisina yung mga matang dati ay puno ang respeto ngayon ay tinitingnan nalang ako na parang isang nakakadiri at karapatdapat na mahusgahan. Hindi ko nalang sila pinansin pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga sinasabi niya na parang sinasadya nilang lakasan para marinig ko. “ Grabe no, akala ko pa naman sobrang bait niya.” “ Oo nga, e. May tinatago palang kulo.” “ Homewrecker, sayang ang ganda at talino. Kung magiging kabit lang naman pala.” May iba pa silang tinawag sa akin na mga kung ano- anong pangalan. Pero pinilit ko nalang na hindi sila pansinin, dahil alam ko naman sa sarili kong may mali talaga ako pero hindi ko naman yata deserve na matawag na mga kung ano-anong pangalan. Huminga ako malamin at dumiritso na sa HR office, sinalubong ako ng mga matang nanghuhusga at mga mahihinang bulungan pero wala akong pakialam. Gusto kong umiyak nalang dahil nagsisisi ako sa mga ginawa kong tangahan pero hindi ko magawa. Hinanap ng mata ko si Lianne sa HR offi



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



