Share

Sampal ng katotohanan

Author: BlueFlower
last update Last Updated: 2025-11-06 16:06:33

“Ihahatid ka na namin—”

“Hindi na po kailangan,” ngumiti ang dalaga at umiling.

“Sigurado ka ba?”

“Mauuna na po ako maraming salamat po ulit.” Umalis na kaagad siya sa pulisya at nagmamadaling tumungo sa bahay nila. Pagka apak palang niya sa pinto ay kaagad na bumungad sa kanya ang mga naka empakeng gamit niya.

Patakbo siyang pumasok sa loob ng mansiyon at nakita niyang umiiyak si Danica habang naka upo ito sa silya de gulong habang pinapatahan ni Ginang Linka.

“And speaking of her, narito na ang magaling mong ampon Antonio.” Matigas na bungad ni Ginang Linka sa kanya.

“Ilang beses ko bang uulitin sa iyo Saphira na huwag kayong lumabas kapag wala kayong kasamang yaya?” umalingawngaw sa kabahayan ang boses na iyon ni Ginoong Antonio. Ayaw nilang tinatawag niya itong Mama at Papa.

Napa yuko si Saphira at hindi maiwasang tumulo na naman ang kaniyang mga luha. Kaagad niyang pinahid iyon.

“P-Pasensya na po, pinabili lang po kasi ako ni Danica ng kwek-kwek tapos—”

“Sinungaling!”

Napa angat kaagad ng tingin si Saphira dahil sa boses na iyon. Tumayo si Danica mula sa silya de gulong nito.

“Ikaw ang may gustong bumili ng kwek-kwek kaya iniwan mo ako. Sinabihan kitang natatakot akong mag-isa ngunit iniwan mo parin ako!”

“Pero ikaw—”

“Tama na!” malakas na sigaw ng Ginang at sabay turo ng mga naka empakeng gamit sa ibaba ng hagdan.

“Bumalik kami kaagad mula sa trabaho dahil may maganda sana kaming balita sa iyo, susunduin ka na ng tunay mong mga magulang. Ngunit ito ang madadatnan namin?”

Kumunot ang noo ni Saphira. Pakiramdam niya ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig.

“I-Ibibigay niyo nalang po ako ng ganon ganon lang?” umiwas ng tingin si ang Ama niya sa kanya. Pinahid niya ang natitirang luha sa kaniyang mga pisngi.

“Huwag ka ng mag reklamo pa at kunin mo na ang mga natitirang gamit mo sa kwarto mo. Palalampasin namin itong ginawa mong pagpapabaya kay Danica ngayon ngunit hinding hindi na ito mauulit!”

Hindi na nakipag bangayan pa si Saphira sa mga magulang niya at patakbong tumungo sa ikalawang palapag ng mansiyon at pumasok sa ika tatlong kuwarto kung saan siya naka pirme.

Ilang minuto na ang nakalipas…

“Tapos na po ba siyang mag impake Inay? Kailan siya uuwi sa kanila?”

Napa hinto sa paghakbang si Saphira sa kalagitnaan ng hagdan dahil sa narinig.

“Mamayang hapon Anak, uuwi na siya sa kanila. Mabuti nalang din at malapit na operasyon mo, hindi na natin siya kailangan.” Malumanay na saad nito kay Danica ngunit para iyong isang malaking hampas sa pagmumukha ni Saphira.

Napa higpit ang hawak niya sa hawakan ng hagdan nna gawa sa marbol gayundin sa laylayan ng suot-suot niyang itim na bag.

“Kaya nga Ina, bakit pa kasi kayo nag ampon? Mabuti nalang nakita niyo orihinal na mga magulang niya. At nalaman ko rin na mas mahirap pa raw sa daga ang tunay niyang pamilya.” Sabay tawa pa ni Danica.

“Ang Papa mo kasi, gustong gusto siya. Pabida kasi sabahay ampunan si Saphira kaya wala na ako nagging pagpipilian kundi sumunod sa gusto ng Papa mo,” Nagtawanan kaagad ang mag Ina kasabay rin nito ang pagpasok sa eksena ni Antonio kaya natahimik kaagad sila.

“Bumaba naba si Saphira?”

“Hindi pa nga hon, eh. Napaka bagal talaga na bata,” reklamo ni Linka at dinig na dinig iyon ni Saphira mula sa hagdanan ng mansiyon.

Inangat ni Saphira ang kaniyang paningin sa kisame upang hindi tumulo ang kaniyang mga luha.

“Oh Saphira, nariyan ka na pala,” simpleng ngiti lamang ang natanggap ni ng kaniyang Ama mula sa kanya.

Dati pa niya nararamdaman na hindi talaga siya tanggap sa pamamahay na ito ngunit wala siyang pagpipilian kundi pikit matang lunukin lahat ng pang-aalipusta ni Danica sa kanya.

Pikit mata niyang ininda iyon lahat.

“Mauna na po ako,” napa tingin si Saphira sa naka ngisi na mukha ni Danica habang naka upo ito sa mahabang sofa na kulay krema.

“Huwag ka munang umalis,” bumunot si Antonio sa bulsa niya ng pitaka “Heto pera, magagamit mo ito kapag meroon kang kailangan na bilhin—”

“Papa naman,” malambing na putol ni Danica sa Ama niya at inalalayan ito ng kaniyang Ina upang maka punta sa gilid ng kaniyang Ama.

“Hindi na kailangan ni Ate niyan, marami kang pera sa kuwarto mo Ate hindi ba? Akala mo hindi ko alam?”

Nagsalubong naman kaagad ang makabilaang kilay ng dalaga at hinarap si Danica. Hindi niya mawari kung ano ang ibigsabihin nito.

“Ano bang pinagsasabi mo, Danica?”

“Akala mo dahil lang hindi ako nakakakita ay hindi ko na alam na kinuha mo ang kuwintas na diamond ni Mama?”

“Ano? Totoo bai to Saphira!?” halos mabingi ang dalaga sa lakas ng boses ng Ina.

Kaagad na umiling ang dalaga, naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ni Danica.

“Hindi po, kahit na kailan ay hindi ko magagawa iyon sa inyo—”

“At paano mo mapapaliwanag kung anong laman ng bag mo? Mama, Papa, tingnan niyo ang laman ng bag niya!” walang pasintabing kinuha ng mama niya ang black niyang shoulder bag at kaagad na ibinuhos sa sahig ang laman non at napa singhap nalang si Saphira nang makita naroon nga ang nawawalang kuwintas na diamante ng Ginang.

Isa ito sa mga regalo ng Ama noong anibersaryo nila ng asawa. Hindi maipinta ang pagmumukha ng Ina niya lalong lalo na ang kaniyang Ama.

“We adopted you, Saphira. Ganito mo ba kami pasalamatan?”

“H-Hindi…hindi ako magnanakaw!”

“Oh my god, Saphira! How could you do this to us!?” lumagapak ang walang kasing lakas na sampal sa kanang pisngi ni Saphira. Pakiramdam niya ay humiwalay ang pisngi niya sa kaniyang mukha.

“How dare you! Kami ang nagpakain sa iyo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Masked Desire    Hindi pagkaka intindihan

    "Oh? Bakit naka simangot ka na naman? Paminsan na nga lang tayo magkita tapos ganiyan pa mukha mo. Sino na naman ba kaaway mo? Si Danica na naman ba?""Hindi." marahas na itinapon ni Saphira ang kulay brown niyang sling bag sa couch at pabagsak na umupo duon. Uupo narin sana iyong lalaki ngunit itinaas ni Saphira sa ere ang kaniyang kamay.Signaling him to stop."Edward," panimula ng dalaga at walang ganang tinapunan ng tingin ang kaibigan, "Maligo ka kaya muna?"Napa tingin naman kaagad si Edward sa sarili niya. Naka lab-gown pa ito ng kulay puti na para bang pupunta ito sa isang madugong operasyon sa ER. Habang ang buhok nito ay parang ginawa ng tulugan ng langgam at may noddles pang naka dikit malapit sa tainga niya.Marahang inamoy ni Edward ang sarili."Hindi naman, kakaligo ko lang kaya noong nakaraang araw!" napa buntong hininga na lamang ang dalaga. Nakilala niya si Edward noong kasagsagan ng highschool days niya, sila ni Danica bago siya pinahinto ng mga adoptive parents niya

  • The Billionaire's Masked Desire    Anak?

    Habang tinatanaw ni Lior ang papalayong bulto ni Saphira ay kinuha niya kaagad ang selpon sa bulsa. May tinipa siyang kung anong numero doon at tinawagan ito."Yes Mr. Del Fierro? Long time no calls, ah? May ipapagawa ka na naman ba?""Yes, a million." seryosong tugon ni Lior. Kumislap naman kaagad ang mata ng kausap niyang lalaki sa kabilang linya."Iyan ang gusto ko sa'yo eh! Sige, anong ipapagawa mo sa akin Mr. Del Fierro?"Napa tingin si Lior sa hawak niyang yosi at umihip kaagad mula roon at saka tumingala sa langit. Habang ang selpon ay nasa kaliwang tainga niya."Find out about Saphira Imperial's background." bakas sa boses ng binata ang lamig. Kumunot naman ang noo ng kausap niya sa kabilang linya."Hindi ba't ito ang nawawalang apo ng pamilya Vergara na inampon ng pamilya Imperial?"Tinapon ni Lior sa lupa ang upos nang yosi at inapakan iyon."Yeah, find all about her backgrounds in ten minutes." "Alrighty!" masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya at pinutol na ang tawag

  • The Billionaire's Masked Desire    Matigas pa sa bato

    Huminto na ang sasakyan hudyat na naka uwi na sila. Tahimik lang na si Lior sa driver seat habang sila ay palabas na."Lola, Lior ko!" masiglang bati ni Elina at imbes na yakapin ang matanda ay si Lior ang niyakap nito. Napa ngiwi naman kaagad si Saphira sa nasaksihan habang ang matanda ay napa iling iling lang."Bakit ang tagal niyo? So marami pa namang lamok here outside the mansion." maarte nitong sabi.Marahas na tinangal ni Lior ang pagkaka kapit ni Elina sa braso niya at lumayo ng tatlong hakbang sa dalaga. Na para bang isa itong malalang sakit.Napa tawa naman sa isipan si Saphira dahil sa nakita niyang pandidiri sa mukha ng binata."Lior naman eh, why so distant to me? Magpapahatid ako sayo ngayon sa set okay? At hindi ako tatanggap ng 'no'." "You know I won't." walang ganang sagot ni Lior at may tinipa sa selpon nito."Elina apo, may gagawin pa si Lior. At saka, ihahatid niya pa si Saphira." kaagad na umiling si Saphira."H-Hindi na kailangan lola! K-Kaya ko na ang sarili ko

  • The Billionaire's Masked Desire    Knight in shining armor

    "Ikaw na naman?" kitang kita sa pagmumukha ni Nelson ang pagka pikon ng makita niya si Lior. Sariwa parin sa ala ala ng binata kung paano siya nito nasuntok nung nakaraan."What are you doing here?" hindi binigyang pansin ni Lior ang dalawa sa kaniyang harapan at naka pokus lamang ang atensyon kay Saphira.Marahang kumawala ang dalaga mula sa pagkakakulong sa bisig ng binata. "Hinihintay ko si Lola,""Are you ignoring us!?" doon na napa tingin si Saphira at Lior sa harapan ng marinig ang matinis na boses na iyon ni Danica. Nagtinginan kaagad ang mga tao sa paligid.Binalingan lamang silang dalawa ni Lior ng walang ganang tingin. "Danica, tama na. Hindi ako nandito para maghanap ng away--""Really? Akala ko ba farmer ang mga magulang mo, ha? At ngayon malalaman ko na isa kang Vergara? Isa ka talagang sinungaling!" dinig na dinig sa kabuuan ng food court ng mall ang sigaw ni Danica. "Danica, hindi ko din alam--""You don't need to explain yourself. Let's go," naramdaman nalang ni Sap

  • The Billionaire's Masked Desire    Prestehiyosong Pamilya

    Continuation..."D-Doña Vergara, mabuti at n-napasyal kayo dito sa lungsod." masiglang bati ni Linka sa matandang kaharap niya. Kunot noong tumingin ang matanda babae sa kaharap niyang si Linka at di kalaunan ay ngumiti ito."Misis Imperial," pormal na sagot ng lola ni Saphira. "Kami nga, kami nga Doña Vergara," malawak na ngiti ang natanggap ng matanda kay Linka at nakipag kamay pa ito gayundin naman ang ginawa ni Antonio.Habang si Nelson at Danica ay naka tayo lamang, naka tingin kay Saphira ng walang emosyon. Na para bang sinasabi nila kay Saphira na 'umalis ka diyan'."Ka liit liit naman bg mundo ano? Nagkita pa talaga tayo dito, ano po pala ang dayo niyo dito Doña?" sa pagkakataong ito si Antonio na ang nagsalita.Kahit mayaman ang pamilya Imperial, hindi parin maihahalintulad ang pamilya nila sa pamilya na napapa loob sa elite circle.Isa na roon ang mga Vergara's.May malawak na ngiti na tumingin ang matanda sa katabi niyang dalaga."Hindi ko pala napapakilala, ito si Saph

  • The Billionaire's Masked Desire    Doña Vergara

    Lahat ng gusto ni Danica ay ibinibigay ng Ina, lalong lalo na ngayon na naging matagumpay ang operasyon nito.Naka ngiting tinutungo ni Danica ang hapagkaininan. Pakiramdam ng dalaga ang gaan ng gising niya at ang aliwalas ng paligid, ganito pala ang pakiramdam kapag normal kang ipinanganak sa mundo.Iyung pakiramdam na normal mong nakikita ang lahat.Napaka ayos ng mansiyon nila, kulay krema ang ding ding nito at may malaking chandelier sa pinaka gitnang sala. Kulay ginto ang malalaking kurtina at may iilang yaya rin sila sa loob ng mansiyon."Magandang umaga Mom, Dad..." napa tigil muna sa paghakbang ang dalaga at mas lumapad pa ang ngiti niya ng makita si Nelson."Nelson!" patakbo niya itong niyakap kaagad namang tumikhim ang Ama ni Danica kaya si Nelson na ang lumayo sa pagkakayakap ni Danica sa kanya.Sumimangot naman kaagad si Danica at umarteng masakit ang kaniyang mata."Aray," napa hawak ang dalaga sa mata niya."Anak!" na alarma kaagad ang magulang ng dalaga at inalalayan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status