MasukRamdam ni Saphira ang init na tumatagos sa kaniyang maputla at walang kasing puting balat. Kaunting kembot nalang at magiging ka kulay niya na ang papel dahil sa kaputian niyang taglay.
“Ija, hindi ka ba talaga sasakay? Walang dumadaan dito na mga traysikel. Ikaw rin ang mahihirapan,” paalala ni manong drayber sa kanya. Nasa sengkuwenta anyos na siguro ang edad nito.
Napa tingin siya sa kanyang bulsa at hinugot doon ang bente pesos, ito nalamang ang natitira niyang pera.
“Bente pesos nalang po ang pera ko Manong,”
Napa kamot ng ulo ang drayber.
“Eh saan kaba patungo ija?”
“May kilala po ba kayong malapit na karendirya ho dito? Iyong may telepono po? Doon lang sana ako magpapalipas ng oras,” napa isip naman kaagad ang driver kasabay ang pag tango nito.
“Sige sakay na, masiyadong mainit kapag naglakad ka pa.”
Malaking ngiti ang naging tugon ng dalaga at kaagad ng sumakay.
***
Kasalukuyang tinatawagan ni Saphira ang ibinigay na numero sa kanya ng pamilya Imperial dahil ito raw ang numero ng mga magulang niya. Ngunit naka limang ulit na siya ng tawag hindi parin niya ito makontak.
“Miss, kanina ka pa tawag nang tawag diyan, may susunod pa sa’yo.” Napa lingon kaagad siya sa kaniyang likuran.
“P-Pasensya na po talaga, maraming salamat po sa pagpapagamit ng telepono.” Walang buhay na lumabas siya sa karendirya.
Halos tatlong oras na siyang naka upo sa loob kaya kung maka tingin ang babaeng may-ari ng karendirya ay parang babalatan na siya nito ng buhay. Pa ulit-ulit niyang pinadyak padyak ang kaliwang paa niya. Gawain niya ito kapag nag-iisip at kapag hindi na niya kaya ang isang bagay o sitwasyon.
“S-Sino ba kasi talaga ako?” napa kagat labi siya ng maramdaman ang kaunting kirot sa kabilang pisngi niya. Namumula parin ito at kitang kita ang hugis ng kamay ng Ginang sa pisngi niya.
Napa tingin siya sa orasan ng karendirya at alas-tres na pala ng hapon.
“Mabuti pang umalis na ako,” kailangan niyang maghanap ng masisilungan ngayong gabi. Pwede naman siguro na sa university muna siya pumunta ngayon at kakausapin niya lang ng masinsinan ang guwardiya.
***
“Bakit mo ginawa iyon kay Saphira? Hindi mo naman siya kailangang sampalin,”
“Antonio, naririnig mo ba ang sarili mo? Ninakaw niya ang diamanteng alahas ko na ibinigya mo noong anibersaryo natin. Anong gusto mong gawin ko? Tumawa?”
“Papa, tama naman po si Mama, hindi dapat iyon ginawa ni Saphira. Pwede naman po siyang humingi ng pera sa inyo, pero mas pinili niyang magnakaw.” Mahinhin na saad ni Danica habang naka kapit parin ito sa braso ng Ama.
Napa hawak sa sintido si Antonio dahil sa mga nangyayari. Hindi niya rin naman masisi ang asawa sa naging reaksyon nito na sampalin at palayasin kaagad si Saphira dahil nagnakaw nga ito.
“Pero sana tinanong muna natin siya kung bakit niya ginawa 'yon, Linka ano nalang sasabihin natin sa pamilya niya?” napa hawak sa sintido si Antonio. Ayaw niya ng gulo at kahit papaano malaki ang naging papel ni Saphira sa pamilya nila, sa pag-aalaga kay Danica.
“Nag-aaway ba tayo dahil sa inampon mong anak, Antonio? Naririnig mo ba sarili mo, ha?”
Nakaramdam naman kaagad ng pagka taranta si Danica at nagkunwari nalang na masakit ang kaniyang mata.
‘Aray
! Mama, Papa!”
“Danica!” sabay na bigkas ng mga magulang niya at kaagad na pina upo ito sa sofa
“Okay ka lang anak?”
“Okay lang po ako—”
Hindi natapos ni Danica ang sasabihin niya dahil may kumatok sa pintuan nila.
“Yaya,”
“Opo Ma’am,” kaagad na tumungo ang Yaya sa pintuan at kaagad na bumalik sa sala.
“Madam, may naghahanap po kay Miss Saphira,”
Nang marinig iyon ni Danica ay kaagad na umayos ito ng tayo. Nagkatinginan naman kaagad ang mag-asawa at tumayo na kaagad si Antonio.
“Ako na ang haharap sa kanila, alalayan mo nalang muna ang anak natin.”
Inayos niya ang suot niyang puting polo at tumungo sa pintuan.
“Kayo ho ba si Ginoong Antonio Imperial?” may ngiti sa labi na tanong ng binata sa kaharap nito.Kung titingnan siguro nasa edad senkuwenta na ito. Hindi maiwasang mapa tingin ni Antonio mula ulo hanggang paa sa kaharap niya na binata.
Inilahad ni Andrus ang kaniyang kamay upang makipag kilala ngunit tiningnan lamang iyon ng kaharap niya na para bang nandidiri ito.
Paano ba naman kasi, kagagaling lang ni Andrus sa talyer at wala siyang pagpipilian kundi tuparin ang hiling ng kaniyang lola. Na sunduin ito sa mansion ng mga Imperial. Nasa edad bente-tres na si Andrus kaya medyo maligalig pa kung gumalaw ito.
“Ako nga, anong maipag lilingkod ko?”
“Ako pala ang pinsan ni Saphira—”
“Akala ko ang susundo sa kanya ang mga magulang niya?”
Napa kamot kaagad sa ulo si Andrus. Daming satsat ng matandang kaharap niya, gusto na niyang makita pinsan niyang nawawala ng halos labing-siyam na taon.
“Naka sakay pa kasi sila ng tren kaya medyo matatagalan—”
“Pinalayas na namin siya.” Biglang sabad ng isang babae sa tagiliran ni Antonio.
Nagsalubong naman kaagad ang kilay ng binata at tumawa ng mahina.
“Marunong din pala kayong mag biro Madam,”
“Hindi kami nagbibiro. Ninakawan niya ako ng diamond na kuwintas at dapat lang iyong sa kanya. Kami ang nagpalaki sa kanya—”
“Tama na Linka,” Pagputol ni Antonio sa gusto pang sabihin ng asawa. “Pasensya na at sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkita, ngunit totoo ang sinabi—”
“Bwisit!” malakas na mura ni Andrus at patakbong lumabas ng subdibisyon. Napa tingin siya sa kaniyang relo at mas napa mura pa ng mapagtantong alas-sais na nang gabi.
Siguradong mawawalan siya ng kinabukasan sa lola niya kapag hindi niya nakita ang kaniyang pinsan. Tagaktak ang pawis na sumakay siya sa driver seat ng isang kulay black na kotse.
“Kamusta?” biglang singit ng isang baritonong boses mula sa backseat. Madilim ang kabuuan ng kotse sa loob. Ngunit kahit gaano paman kalakas ang aircon ay ramdam niya ang mainit at nakakapasong titig na nagmumula sa likuran.
Napa lunok naman ng sariling laway si Andrus.
“N-Nawawala siya,”
Narinig niya ang marahas na buntong hininga nito kaya napa pikit kaagad si Andrus. Parang nabanggit niya na lahat ng santo sa isipan niya maka ligtas lang sa lalaking nasa likuran.
“Find her then,” malumanay ngunit may awtoridad na sabi nito. Pinaharurot na kaagad ni Andrus ang sasakyan palayo sa subdivision at tiningnan ang posibleng bawat kalye na mapuntahan ni Saphira.
"Oh? Bakit naka simangot ka na naman? Paminsan na nga lang tayo magkita tapos ganiyan pa mukha mo. Sino na naman ba kaaway mo? Si Danica na naman ba?""Hindi." marahas na itinapon ni Saphira ang kulay brown niyang sling bag sa couch at pabagsak na umupo duon. Uupo narin sana iyong lalaki ngunit itinaas ni Saphira sa ere ang kaniyang kamay.Signaling him to stop."Edward," panimula ng dalaga at walang ganang tinapunan ng tingin ang kaibigan, "Maligo ka kaya muna?"Napa tingin naman kaagad si Edward sa sarili niya. Naka lab-gown pa ito ng kulay puti na para bang pupunta ito sa isang madugong operasyon sa ER. Habang ang buhok nito ay parang ginawa ng tulugan ng langgam at may noddles pang naka dikit malapit sa tainga niya.Marahang inamoy ni Edward ang sarili."Hindi naman, kakaligo ko lang kaya noong nakaraang araw!" napa buntong hininga na lamang ang dalaga. Nakilala niya si Edward noong kasagsagan ng highschool days niya, sila ni Danica bago siya pinahinto ng mga adoptive parents niya
Habang tinatanaw ni Lior ang papalayong bulto ni Saphira ay kinuha niya kaagad ang selpon sa bulsa. May tinipa siyang kung anong numero doon at tinawagan ito."Yes Mr. Del Fierro? Long time no calls, ah? May ipapagawa ka na naman ba?""Yes, a million." seryosong tugon ni Lior. Kumislap naman kaagad ang mata ng kausap niyang lalaki sa kabilang linya."Iyan ang gusto ko sa'yo eh! Sige, anong ipapagawa mo sa akin Mr. Del Fierro?"Napa tingin si Lior sa hawak niyang yosi at umihip kaagad mula roon at saka tumingala sa langit. Habang ang selpon ay nasa kaliwang tainga niya."Find out about Saphira Imperial's background." bakas sa boses ng binata ang lamig. Kumunot naman ang noo ng kausap niya sa kabilang linya."Hindi ba't ito ang nawawalang apo ng pamilya Vergara na inampon ng pamilya Imperial?"Tinapon ni Lior sa lupa ang upos nang yosi at inapakan iyon."Yeah, find all about her backgrounds in ten minutes." "Alrighty!" masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya at pinutol na ang tawag
Huminto na ang sasakyan hudyat na naka uwi na sila. Tahimik lang na si Lior sa driver seat habang sila ay palabas na."Lola, Lior ko!" masiglang bati ni Elina at imbes na yakapin ang matanda ay si Lior ang niyakap nito. Napa ngiwi naman kaagad si Saphira sa nasaksihan habang ang matanda ay napa iling iling lang."Bakit ang tagal niyo? So marami pa namang lamok here outside the mansion." maarte nitong sabi.Marahas na tinangal ni Lior ang pagkaka kapit ni Elina sa braso niya at lumayo ng tatlong hakbang sa dalaga. Na para bang isa itong malalang sakit.Napa tawa naman sa isipan si Saphira dahil sa nakita niyang pandidiri sa mukha ng binata."Lior naman eh, why so distant to me? Magpapahatid ako sayo ngayon sa set okay? At hindi ako tatanggap ng 'no'." "You know I won't." walang ganang sagot ni Lior at may tinipa sa selpon nito."Elina apo, may gagawin pa si Lior. At saka, ihahatid niya pa si Saphira." kaagad na umiling si Saphira."H-Hindi na kailangan lola! K-Kaya ko na ang sarili ko
"Ikaw na naman?" kitang kita sa pagmumukha ni Nelson ang pagka pikon ng makita niya si Lior. Sariwa parin sa ala ala ng binata kung paano siya nito nasuntok nung nakaraan."What are you doing here?" hindi binigyang pansin ni Lior ang dalawa sa kaniyang harapan at naka pokus lamang ang atensyon kay Saphira.Marahang kumawala ang dalaga mula sa pagkakakulong sa bisig ng binata. "Hinihintay ko si Lola,""Are you ignoring us!?" doon na napa tingin si Saphira at Lior sa harapan ng marinig ang matinis na boses na iyon ni Danica. Nagtinginan kaagad ang mga tao sa paligid.Binalingan lamang silang dalawa ni Lior ng walang ganang tingin. "Danica, tama na. Hindi ako nandito para maghanap ng away--""Really? Akala ko ba farmer ang mga magulang mo, ha? At ngayon malalaman ko na isa kang Vergara? Isa ka talagang sinungaling!" dinig na dinig sa kabuuan ng food court ng mall ang sigaw ni Danica. "Danica, hindi ko din alam--""You don't need to explain yourself. Let's go," naramdaman nalang ni Sap
Continuation..."D-Doña Vergara, mabuti at n-napasyal kayo dito sa lungsod." masiglang bati ni Linka sa matandang kaharap niya. Kunot noong tumingin ang matanda babae sa kaharap niyang si Linka at di kalaunan ay ngumiti ito."Misis Imperial," pormal na sagot ng lola ni Saphira. "Kami nga, kami nga Doña Vergara," malawak na ngiti ang natanggap ng matanda kay Linka at nakipag kamay pa ito gayundin naman ang ginawa ni Antonio.Habang si Nelson at Danica ay naka tayo lamang, naka tingin kay Saphira ng walang emosyon. Na para bang sinasabi nila kay Saphira na 'umalis ka diyan'."Ka liit liit naman bg mundo ano? Nagkita pa talaga tayo dito, ano po pala ang dayo niyo dito Doña?" sa pagkakataong ito si Antonio na ang nagsalita.Kahit mayaman ang pamilya Imperial, hindi parin maihahalintulad ang pamilya nila sa pamilya na napapa loob sa elite circle.Isa na roon ang mga Vergara's.May malawak na ngiti na tumingin ang matanda sa katabi niyang dalaga."Hindi ko pala napapakilala, ito si Saph
Lahat ng gusto ni Danica ay ibinibigay ng Ina, lalong lalo na ngayon na naging matagumpay ang operasyon nito.Naka ngiting tinutungo ni Danica ang hapagkaininan. Pakiramdam ng dalaga ang gaan ng gising niya at ang aliwalas ng paligid, ganito pala ang pakiramdam kapag normal kang ipinanganak sa mundo.Iyung pakiramdam na normal mong nakikita ang lahat.Napaka ayos ng mansiyon nila, kulay krema ang ding ding nito at may malaking chandelier sa pinaka gitnang sala. Kulay ginto ang malalaking kurtina at may iilang yaya rin sila sa loob ng mansiyon."Magandang umaga Mom, Dad..." napa tigil muna sa paghakbang ang dalaga at mas lumapad pa ang ngiti niya ng makita si Nelson."Nelson!" patakbo niya itong niyakap kaagad namang tumikhim ang Ama ni Danica kaya si Nelson na ang lumayo sa pagkakayakap ni Danica sa kanya.Sumimangot naman kaagad si Danica at umarteng masakit ang kaniyang mata."Aray," napa hawak ang dalaga sa mata niya."Anak!" na alarma kaagad ang magulang ng dalaga at inalalayan







