Share

Chapter 154

Author: yshanggabi
last update Last Updated: 2025-12-04 09:43:16

**"Nabasag na ang panubigan niya!"** sigaw ng isang nurse habang mabilis akong inasikaso.

Pakiramdam ko ay lalo pang lumakas ang pananakit. Hindi na lang ito basta kirot—para na akong tinutusok ng libu-libong karayom, at pakiramdam ko, hinahatak ang buong katawan ko pababa. **"Justin!"** Napasigaw ako, hinahanap siya sa paligid.

Mabilis siyang lumapit sa akin, halatang takot na takot. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. **"Tina, andito lang ako! Huminga ka, mahal!"**

Gusto kong sumagot pero parang hindi ko na kayang bumuka ang bibig ko sa sobr. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang maramdaman kong parang may pumipilit lumabas mula sa loob ko. **"Doc! Parang lalabas na siya!"** Napahawak ako sa tiyan ko, halos hindi ko na alam kung paano ko titiisin ang lahat ng ito.

**"Okay, Tina. Kailangan mo nang umire. Sa susunod na contraction mo, ibigay mo ang lahat ng lakas mo,"** sabi ng doktor, hinahanda ang sarili niya.

Napakapit ako
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 162

    Si Justin naman ay lumapit at hinaplos ang ulo ni Jayten. *"Anak, bakit ka iyak nang iyak, ha? Hindi mo ba namiss si Daddy?"* Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa kama at sinimulang i-rock pabalik-balik sa mga bisig ko. Pinunasan ko ang maliliit na luha sa pisngi niya at hinalikan ang noo niya. *"Baka gutom siya?"* tanong ni Justin habang inaabot ang bote ng gatas na nakahanda sa lamesa. Sinubukan kong ibigay kay Jayten ang bote, pero umiling lang siya at mas lalong yumakap sa akin. *"Ayaw niya, love. Parang gusto lang niyang magpakarga."* Napangiti si Justin at umupo sa tabi ko. *"Hay naku, spoiled ka talaga sa Mommy mo, Jayten. Paano na lang ‘pag lumaki ka, ‘di ka na pwedeng laging karga ni Mommy!"* biro niya, pero halatang natutunaw sa paglalambing ng anak namin. Unti-unting huminahon si Jayten, at ilang minuto lang ay mahina na ang paghinga niya—senyales na nakatulog na siya. *"Grabe, gusto lang pala niya si Mommy,"* bulong

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 161

    Napatawa ako sa sinabi ni Jai habang yakap-yakap niya si baby Cheska Ren. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala, pero halata rin sa tono niya na nagbibiro lang siya. *"Baka manligaw yang anak mo, Justin, sa Cheska ko. Naku, mababalatan ko ‘yan ng wala sa oras!"* sabi niya habang kunwari’y hinihigpitan ang pagkakayakap sa anak niya. Si Justin naman ay agad na napatingin kay Jai, kunot-noo pero may bahid ng tawa sa mukha. *"Hoy, Jai! Ang aga-aga mo namang maging seloso sa anak mo. Baby pa nga ‘yang si Cheska, pinapangunahan mo na!"* sagot niya sabay akbay sa akin. *"Syempre! Anak ko ‘to eh! Baka mamaya, mana ‘yang Jayten mo sa’yo, Justin, naku, lagot na!"* dagdag pa ni Jai sabay tingin kay Franz, na noon ay tawang-tawa na sa usapan namin. *"Hoy, Jai, ano bang tingin mo kay Justin? Playboy?"* sabat ko naman habang sinusuntok-suntok nang mahina ang braso ni Justin. *"Hala! Ako na naman? Bakit parang ako lagi ang kontrabida sa usapan?"

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 160

    Napatingin ako kay Justin na halatang nagulat din. Napatayo siya at naglakad papunta sa closet. "Ano sabi ni Loury?" tanong niya habang naghahanap ng maisusuot. "Manganganak na si Franz! Dapat puntahan natin siya!" sagot ko, sabay bangon at nagmamadaling kumuha ng cardigan. "Okay, tara!" mabilis na sagot ni Justin habang nagbibihis. Bumalik ako sa tawag at nagsalita, "Loury, anong ospital?" **"Sa St. Luke’s! Bilisan niyo!"** "Sige, pupunta na kami!" Agad naming inayos ang lahat. Tinawagan ko ang yaya ni Jayten upang bantayan muna siya habang wala kami. Habang si Justin naman ay kinuha ang susi ng sasakyan at tiniyak na handa na ang lahat. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mag-alala at maging excited para kay Franz. "Justin, grabe no? Parang kailan lang tayong tatlo ni Loury ang nagbubuntis, tapos ngayon, isa-isa na tayong nanganganak." Napangiti si Justin habang nagmamaneho. "Oo

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 159

    Habang nasa kainitan ng kanilang matamis na sandali, bigla na lang nilang narinig ang malakas na pag-iyak ni Jayten mula sa kanyang crib. Para bang isang mabilis na sampal sa katotohanan, natauhan sina Tina at Justin at agad na nagkatinginan, kapwa habol ang hininga. “Ay, anak natin!” bulalas ni Tina, agad na itinulak si Justin upang makatayo. Napakamot naman sa ulo si Justin at bumuntong-hininga. “Grabe ka naman anak, ang perfect na ng moment namin ng mommy mo,” biro nito habang mabilis na kinuha ang kanyang damit. Mabilis namang lumapit si Tina sa crib at nakita ang kanilang anak na umiiyak, ang maliliit nitong kamay ay inaabot sa ere na parang hinahanap ang init ng kanyang mga magulang. “Aww, baby, bakit ka nagising?” malambing na tanong ni Tina habang marahang kinarga ang kanyang anak at inugoy-ugoy ito. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Jayten, at tila ba nahimasmasan din siya mula sa init na naramdaman niya kanina.

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 158

    **"Sana all! Pero ikaw rin naman, mukhang enjoy na enjoy ka diyan sa mommy duties mo,"** sagot niya sabay lapit sa amin. **"Ako naman nga! Ako na ang magpapadede kay Jayten."** **"Aba, sige nga?"** hamon ko habang iniabot sa kanya si Jayten at ang bote ng gatas. Maingat na kinuha ni Justin ang anak namin, at para siyang batang first time humawak ng laruan na fragile. **"Ayan, anak. Si Daddy naman ang magpapadede sa’yo,"** malambing niyang sabi habang maingat niyang sinandal si Jayten sa kanyang bisig. Tuwang-tuwa si Yaya Marga habang pinagmamasdan kami. **"Ang cute niyo pong pamilya, Ma’am, Sir. Lalo na kayong si Sir Justin, parang batang natututo pa lang mag-alaga,"** natatawa niyang sabi. **"Uy! Marunong na kaya ako!"** depensa ni Justin, pero halatang proud siya sa sarili niyang ginagawa. Napailing na lang ako at napangiti. Habang nakaupo kami roon, pinagmamasdan ang anak naming nagpapakabusog, naramdaman kong puno ng pagmamahal a

  • The Billionaire's Mere Dare   Chapter 157

    Tina’s POV** Maaga akong nagising dahil sa mahina ngunit pabilis nang pabilis na iyak ni Jayten mula sa kabilang kwarto. Medyo antok pa ako, pero nang marinig ko ang iyak niyang tila naghahanap ng karga, agad akong bumangon at naglakad papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin si Justin, buhat-buhat si Jayten habang maingat siyang nagtatahimik. Mukha siyang bagong gising, magulo pa ang buhok, at halatang kakabangon lang din niya. **"Huwag kang maingay, tulog pa ang mommy mo,"** bulong ni Justin habang marahan niyang pinapat pat ang likod ni Jayten, pilit siyang pinapatahan. Nakangiti siya, sinusubukang bulagain ang anak namin sa pag-aakalang mapapatawa niya ito. **"Boo!"** bulong niya habang nilalapit ang mukha niya kay Jayten. Sa halip na tumawa, mas lalong lumakas ang iyak ng anak namin. Mas naging madiin ang pag-ngiwi ng maliit niyang mukha, at mas lumakas pa ang paghikbi niya. **"Aray ko naman,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status