Share

Chapter 2

"Amethyst!" dumagundong ang boses ni Miss Cruz sa buong hallway. Nakakatakot ang mukha nito at mukhang handa na akong pingutin anumang oras.

Mabilis kong tinago ang  mani sa aking likuran. Nahuli na niya kasi akong nagtitinda noon at pinagbawalan niya na pero hindi parin ako tumigil. Malaking tulong kasi sa amin ni lola  kinikita ko sa pagbebenta nito kaya kahit napagalitan na ako ni Miss Cruz pasekreto pa rin akong nagtitinda.

"Anong kalokohan na naman ba ito Miss Dimaculangan?" halos lumabas na ang litid niya sa pagkasigaw sa akin. Tila wala itong pakialam kong kaharap niya ba ang bisita namin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang kahihiyan. Ang ibang studyanteng nasa room nila ay nakasilip na rin. Tumahimik din lahat ng mga studyante sa hall. Tanging ang mga tunog ng takong ni Miss Cruz ang maririnig habang naglalakad ito palapit sa amin.

"Look at what you did? Dinumihan mo ang damit ng bisita natin? Wala ka na ngang maiambag dito sa paaralan perwisyo ka pa!" para akong sinampal sa sakit ng mga salitang lumabas sa bibig ni Miss Cruz. Totoong wala akong naimabag sa paaralan pero hindi ko naman sinasadyang madumihan ang damit ng bisita. 

"Stupida! Nakakahiya ka talaga!" kulang na lang ay pingutin ako nito. Siguro pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil nasa harap ito ng bisita namin. Kilalang m*****a si Miss Madeline Cruz dito sa school namin. Palibhasa kasi anak mayaman, siya ang pinakabata sa lahat ng mga guro pero kung pagsalitaan niya ang mga ito para itong mga hampaslupa sa paningin niya. Minsan nagtatanong nga ako, bakit kaya ito nagtitiis sa trabaho niya gayong halos araw-araw naman iritado ito.

"Ano tutunganga ka lang dyan?"

Nanatili lamang akong nakayuko. Hindi ko kayang iangat ang tingin ko sa mapanghusgang mga mata ng mga studyante sa aking paligid. Alam kong maraming nakatingin sa amin ngayon, pati siguro ang ibang mga guro, pero ni isa walang may lakas na loob na lumaban kay Miss Cruz.

 Hindi ko napigilang mapahikbi sa sobrang kahihiyan. Nakikita ko pa ang mga luha kong nahuhulog sa sahig. Wala na man akong ginawang masama, gusto ko lang naman maghanap buhay para sa amin ng lola ko, pero bakit kailangan kong pagdaanan 'to.

"Pulutin mo lahat ng yan. Nakakahiya ka!" sigaw nito sabay hablot sa akin sa lalaking may hawak sa braso ko. Napaigik pa ako dahil halos bumaon ang kuko ni Miss Cruz sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Dito sa school namin si Miss Cruz ang batas dahil siya ang principal namin. Pampubliko ang paaralang ito, walang pumapalag sa kanya dahil halos lahat ng studyante dito anak ng mga mahihirap. Mabilang lang ang mga nakakaangat sa buhay pero hindi rin namam umiimik.

"Ano pang tinutunganga mo gaga? Linisan mo na!" sabi nito sabay tulak sa akin. Muntik pa akong masubsob sa harapan ng bisita dahil hindi ko napaghandaan ang pagtulak niya. Mabuti at nasalo ako nito. 

"Paumanhin po, Sir." hinging paumanhin ko sa kanya ng hindi pa rin nakatingin. Nangangatal pa ang labi ko dahil natatakot akong baka pati siya ay pagalitan ako. Nanlalabo ang aking paningin dahil punong-puno ng luha ang aking mga mata. Gusto ko nang malinisan ang kalat ko para makauwi na ako.

Dahan-dahan kong kinalas ang mga kamay niyang nakahawak sa akin pero humigpit ang pagkakahawak niya dito. Napaangat ang tingin ko sa kanya at kahit nanunubig ang aking mga mata ay kita ko ang awa sa mga tingin niya sa akin. Nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang mga panga.

" We're very sorry Mr. Guerrero." hinging paumanhin ni Miss Cruz sa bisita pero hindi siya nito binalingan ng tingin. Bigla ring nagbago ang boses nito na tila napakaamo.

"Is this how you treat your students here in school, Miss Cruz?" puno ng awtoridad na tanong ng bisita sa kanya.

"What do you mean Mr. Guerrero?" kinakabahang sagot ni Miss Cruz sa kanya.  Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin para makita ang mukha ng bisita.

Lalong lumakas ang kaba ng aking dibdib dahil natakot sa pinakitang galit ng bisita kay Miss Cruz. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil feeling ko ako ang dahilan ng pagkagalit nito. Sinubukan kong higitin ang kamay kong  hawak niya pero mahigpit talaga ang pagkakahawak niya dito. Dinig ko pa ang mapanghusgang bulong-bulungan ng mga studyante.

Tama bang husgahan nila akong nilandi ko ang bisita, na sa ilang taon kung nag-aaral dito ngayon ko pa lang ito nakita? Parang gusto ko na lang tuloy tumakbo pauwi ng kubo namin ni Lola at doon umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

"I thought I made the right choice in considering your request but I think I was wrong. You said that you don't tolerate bullying in your campus, but seems like you are the one who's promoting it."

Nakita kong nag-iba ang reaksyon ng mukha ni Miss Cruz. Hindi lang din naman ito ang unang beses na may nangyaring ganito sa loob ng campus. Ilang studyante na din ang pinahiya ni Miss Cruz, yong iba na hindi kinaya kaya nagdrop out na lang. Ang iba lumipat ng ibang paaralan.

"You barge in without asking what really happened. You humiliate this student without knowing the reason behind. Is this how the leader of this school should react? 

'I'm sorry Mr. Guerrero. It won't happen ag--"

"You shouldn't be saying your sorry to me." putol niya sa paliwanag ni Ma'am. " You should apologize to your student."

Marahas na inangat ni Miss Cruz ang tingin niya sa akin saka matalim akong tiningnan. "You don't know her Mr. Guerrero so don't defend her." matapang na sagot nito. Si Miss Cruz pa? Kailan man ay hindi ko ito narinig na humingi ng paumanhin, kahit pa sa mga gurong kasamahan niya. Sanay itong siya ang sinusunod ng lahat at walang umaalma o kumukontra sa kanya.. 

"I don't care if I know her or not. What you did is not tolerable." mariing saad nito.

"Stop it, William. I won't be saying sorry to anyone. Now if you want to play as her knight in shining armor, go... I don't care."

 Nawala ang nagpapaawang mukha nito kanina. Matalim itong tumingin sa akin at tinaasan niya pa ako ng kilay.

"Isusumbong kita kay Tito!" Matapang nitong singhal sa bisita na tila ba hindi ito natatakot sa kanya. " I will tell Tito and Tita that you sided with this student instead of me."

Umiling-iling ito at nagpakawala ng isang buntong hininga. "You're still the brat I knew,  Madeline." dismayadong saad nito. 

Hindi niya na hinintay ang magiging sagot ni Miss Cruz dahil hinila niya na ako palayo dito. Nakahawak pa rin siya sa aking kamay kahit malayo na kami sa mga tao kaya napilitan akong sumunod at magpatiayon sa kanya.

Mahigpit kong hinawakan ang supot ng mani gamit ang kamay kong di niya hawak. Sayang din yong ibang mani na pwede ko pang ibenta sa mga bata na kapitbahay namin kung mahulog ito. Hindi na rin maayos ang pagkakasukbit ng backpack ko at alam kong ang dugyot na nang mukha ko ngayon dahil sa kakaiyak ko kanina. 

"Sir..." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at paghila sa akin.  Nahihirapan na akong habulin ang lakad niya, ang laki kaya ng mga hakbang niya kumpara sa akin, tsaka hindi ko rin alam kung saan niya ako dadalhin. 

Tumigil ako sa paglakad dahil hindi naman siya sumagsagot, kaya napatigil din ito. 

"Ang kamay ko po." mahinang saad ko. Yumuko ako dahil nahihiya akong salubungin ang mga mata niya. Nakakahiya kasi ang ginawa ko kanina. Tiningnan ko ang pantalon niya kung saan banda ang dumi na sinasabi ni Miss Cruz. Wala naman akong makita, isang balat nga lang ang dumikit, hindi naman masyadong halata sa sobrang liit nito. Siguro dumikit ito nung natapon ang mani kanina.

May dinukot itong panyo sa bulsa niya tsaka inabot sa akin. Nahihiya akong tanggapin dahil mukhang mamahalin. Gagamitin ko na lang ang likod ng palda ko pamunas sa aking mukha. Maghihilamos lang ako mamaya pagdating sa bahay.

"Take this and wipe your face." sabi niya saka binitawan ang kamay ko. Umiling ako sa kanya tsaka tumalikod. Yumuko ako para maabot ang laylayan ng palda ko at yon ang ginamit kong pamunas.

"What are you doing, woman?" masungit na tanong nito. 

"Pinupunasan ko po ang mukha ko Sir, salamat na lang po sa panyo." magalang kong sagot sa kanya. 

"F*ck!" narinig kong sabi nito.

F*ck? diba bastos yon? Diba ang ibig sabihin nang fuck ay k*nt*t? Nadinig ko na yan kay Jonas pero sabi ni Lola wag ko daw gagayahin dahil masama ang ibig sabihin nun. Bastos daw.

Kunot noo akong humarap sa kanya. Hindi porket tinulungan niya ako kay Miss Cruz pwede niya na akong bastusin.

"What's with that face, woman?" 

Abay akala siguro nito natatakot ako sa paenglis-englis niya.Susungitan ko na sana siya pero bigla kong naalala  na siya pala yong sponsor ng building dito sa school kaya agad ko ding inayos ang pagmumukha ko. Baka kasi kulang pa sa mga pako yong pinapagawang gusali konsensya ko pa kung hindi nito itutuloy ang pagpapagawa nun.

"Wala po, Sir." Magalang kong sagot sa kanya. "Salamat po pala Sir saka pasensya na po hindi ko sinasadyang madumihan ang damit niyo."

Agad akong yumuko dahil nahihiya ako kay Sir, seryoso kasi nag mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi naman ito nagsasalita at tila inoobserbahan lamang ako.

" Sana wag po kayong magalit kay Miss Madeline at wag niyo po sanang itigil ang pagpapagawa ng gusali para sa ibang mag-aaral. Malaking tulong po ito sa aming mga mahihirap na gustong matuto Sir."

Nakita kong biglang lumambot ang mga mata niya kaya maliit akong ngumiti sa kanya. 

"Salamat po ulit Sir, mauna na po ako." Magalang kong paalam sa kanya at tumalikod na.

"Wait!" 

Natigil ako sa tangkang pag-alis at muling lumingon sa kanya. Sumalubong sa akin ang kulay tsokolate niyang mga mata. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya bigla akong kinabahan. Pero bakit naman ako kakabahan? Wala naman akong kasalanang ginawa sa kanya.

"Where's the peanut?"

Nakalahad pa ang kamay niya na tila may hinihingi sa akin. Ang hahaba ng daliri niya tsaka mukhang malambot yong palad niya. Napakurap ako dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Ito na siguro ang impluwensiya ni Jonas sa akin.

"Po?"

"Akin na ang mani mo. 'Yong hubad... maning hubad."

Hindi ko alam kung seryoso ba ito o hindi pero halata ko ang pinigilan niyang tawa. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Parang wala naman, pero bakit kaya siya natatawa? Gusto ko sanang sabihing may balat ang benta kong mani pero mas pinili kong tumahimik na lang.

Dahil nakaharap ako sa kanya ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang ayos niya. Puting t-shirt na hapit sa malaki niyang katawan ang kanyang suot na pinaresan ng maong na pantalon at balat na sapatos. 

Malinis ang pagkagupit ng buhok niya, kulay tsokolate ang mga mata, matangos ang ilong , mapupula ang mga labi at higit sa lahat maputi. Ang layo ng deperensya ng kulay naming dalawa. Morena kasi ako lalo na't palagi akong bilad sa araw. 

Muli kong pinasadahan ang ayos niya. Ang tangkad niya, hanggang baba niya lang siguro ako. Tsaka mukha siyang artista. Ang kinis ng balat niya. Teka, baka artista nga siya na hindi ko lang kilala dahil wala naman kaming tv sa bahay. 

Ang gwapo naman ni Mr. Guerrero. Akala ko kasi ang Mr. Guerrero na sinasabi nila dati ay matanda. Yong tipong napapanot na ang buhok tsaka bundat ang tiyan. Exact opposite naman itong lalaking nasa harapan ko. Bata at makisig. Malaki at matikas ang pangangatawan na mapagkakamalan mo pang modelo o baka nga modelo din ito.

Napansin kong ngumiti siya kaya nahihiya akong iniwas ang tingin sa kanya. 

"You done?" nakangising tanong niya sa akin.

"Po?" muli kong tanong sa kanya. 

Feeling ko tuloy napaka bobo ko at hindi ko magets ang mga sinasabi niya. Ang tipid niya naman kasing magsalita.

Biglang lumakas ang tawa nito pero agad din naman siyang huminto at tinakpan ang bibig niya ng mapansin niyang kunot noo akong tumingin sa kanya. Kita ko pang kumikibot -kibot ang bibig niya na tila may binubulong sa sarili.

Nadistract ako sa mapuputing ngipin niya kanina. Totoo kaya yon o pustiso lang? Ang puti talaga tsaka pantay-pantay pa. Ano kayang toothpaste ang gamit niya?

"Done checking?"

Ganito ba talaga pag mayaman panay english kung magsalita? Paano kaya sila kapag nagagalit ano? Ang hirap kaya ilabas ng galit kapag nag-e-ingles. Baka kung ako yon pipiliin ko na lang ang tumahimik dahil hindi ko naman maeexpress ng maayos ang sarili ko. 

Masasabi kong matalino naman ako hindi lang ako masyadong sanay mag-ingles lalo na't si Lola at si Jonas lang naman ang palagi kong nakakausap. Mas sanay pa nga si bakla kesa sa kin kasi pinipilit niya talaga ang sarili kahit na magmukha pa siyang trying hard.

"I said, tapos ka na bang inspeksyunin ako?"

Ay! Marunong naman palang managalog pinahirapan pa ako. Tsaka anong sinasabi niya inenspekyon ko siya? Wow ha inspeksyon? Simpleng pasada nga lang ang ginawa ko. Over naman neto. 

"Alis na po ako ,Sir. "paalam ko dahil hindi ko naman alam kung ano pang tinagal ko dito. 

"No!" protesta niya kaya muli akong bumaling sa kanya.

"Bakit po?"Naguguluhan kong tanong sa kanya. 

Kailangan ko ng umuwi, wala na din naman akong gagawin dito sa paaralan. Tapos naman ang finals namin. Pumunta lang naman talaga ako dito para makabenta sana, pero nasayang lang din dahil nawasak na yong ibang ni-repack kong mani. Wala na din akong gana magpakita sa ibang studyante dahil tiyak ako na naman ang pinag-uusapan nila.

Ewan ko ba sa ibang studyante, hindi naman nila ako kilala pero  galit sila sa akin. Hindi naman ako kagandahan, hindi din naman kami mayaman. Hindi naman ako ang nangunguna na sa klase dahil napabayaan ko na, pero mainit pa rin ang ulo nila sa akin. Hindi rin naman ako nang-aaway, ako pa nga yong umiiwas. Naputol ang pag-iisip ko ng muli itong magsalita.

"Ang mani mo." sabi niya at tumingin sa harapan ko. 

Bigla akong namula dahil parang ibang mani ang pumasok sa utak. Muntik ko na sana siyang murahin pero ng bumaba ang tingin ko sa aking harapan doon ko na realize na nasa harapan ko pala nakatapat ang supot ng mani na bitbit ko kanina.

Nahihiya akong humarap sa kanya at kita ko ang katuwaan sa mga mata niya. Feeling ko na-gets niya rin kung bakit bigla akong namula. 

"Wag na po, Sir." tanggi ko sabay tago sa supot ng mani sa aking likuran. Alam ko kasing yong ibang mani madumi na, yong mga pwede ko pang ibenta doon ko na lang sa kapitbahay namin ilako mamaya. May mga bata namang suki ko na doon.

"C'mon, give it to me..." 

Umiling ako sa kanya at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa supot na parang takot akong agawin ito sa akin.

"C'mon woman, give me the peanuts. That's my favorite, you know?"

Wee? Di nga?

Muli niyang tinaas ang kamay niya para hingin ang supot sa akin pero umatras ako. "Sa mall na lang po kayo bumili Sir." magalang kong tanggi sa kanya. 

Alam kong masarap itong mani ko pero nahihiya akong magbenta sa kanya. Tsaka baka ini-echus niya lang ako. If I know ang mayayaman na katulad niya hindi kumakain ng mga ganito. Maliban na lang siguro doon sa anak ng amo ni Lola na dinadalhan niya ng mga paninda ko. 

"Sige na Sir, mauna na po ako." muling paalam ko sa kanya ngunit hindi ko inaasahan ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at kinuha sa kamay ko ang supot ng mani. Hindi na ako nakapalag pa dahil sobrang lapit ng katawan niya sa akin. Parang bigla akong natulala ng maamoy ko ang pabango niya.

Amoy mayaman, yong tipong kahit pa siguro buong araw pagpawisan mabango pa rin. Siguro ang mahal ng pabango niya. Sabi kasi ni Jonas kapag mahal ang pabango kakapit ito sa ilong mo at yon nga ang nangyari sa akin ngayon.

Bahagya akong lumayo sa kanya dahil na-conscious ako sa amoy ko. Naglakad lang kasi kami ni Jonas kanina at pinagpawisan na ako. Pero sure naman akong hindi mabaho ang kili-kili ko noh. Tawas lang sapat na. 

 "Here, take this." abot niya sa akin ng isang libo. 

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Laglag ang balikat ko ng marealize kong magpapabarya lang pala siya,  dinadamay niya pa ang mani ko.

 Alam ko na ang ganyang style, gawain yan ng mga kaklase kong gustong mabaryahan ang baon nila. Kunwari bibili ng mani pero ang totoo gusto lang talaga mapalitan yong bills nila.

"Wala po akong barya dyan Sir, hindi abot ng pera ko." magalang kong sabi sa kanya. "Pero kung gusto niyo po talaga ang mani, sa inyo na lang po pasalamat ko sa pagtanggol sa akin kanina."

Binalik ko ang isang libo sa kamay niya tsaka tumakbo na ako palayo sa kanya. Dinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon sa kanya. 

Ayoko kayang maghanap ng pambarya doon sa isang libo niya. Bahala siya. Pahirapan niya pa talaga ako ha. 

"Bye Mr. Guerrero. Ingat po kayo..." sigaw ko bago tuluyang tumakbo palayo sa kanya. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Adora miano
haysss mahirap talaga, maging mahirap kahit papano Masaya naman,,ok lang bida
goodnovel comment avatar
Elisa Cariaga Vargas
dyugdyugan n ha haha sarap Ng nani..
goodnovel comment avatar
Anna Mernilo
hayyy,,nko Amy sayang din ung Isang libo haha ......... natuwa ako s hubad n Mani for sure sarap n sarap si Mr guerero s Mani n Amy ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status