Share

Chapter 3

Mabilis na lumipas ang mga araw. Tapos na ang graduation namin at dito ako ngayon sa hacienda ng mga Guerrero dahil sinama ako ni Lola kaninang umaga. Ngayon ang huling araw ni Lola sa pagtatrabaho dito sa hacienda.

Nag-usap kami nung nakaraan na ako na ang papalit sa kanya sa pagtatrabaho dahil pahina ng pahina ang katawan ni Lola. Madalas itong atakihin ng hika niya nitong mga nakaraang araw. Natatakot ako na baka bigla na lang itong hindi makahinga at baka pati siya mawala sa akin.

"Tandaan mo ang bilin ko sayo Amethyst Louisse, bawal dito ang maingay sa hacienda. Ikaw pa namang bata ka kapag nagsimula ka ng magdaldal ang hirap mo ng patigilin."

Napasinghap ako at nanlalaki ang mga mata kong humarap kay lola. Umakto akong nasaktan kaya tumawa ito at ginulo pa ang buhok ko.

"Grabe ka naman sa akin La, sa iyo lang naman ako maingay." paglalambing ko sa kanya na totoo naman. Hindi naman ako masyadong palakibo sa ibang tao. Doon nga lang sa school dati kailangan kong makipagchikahan para may bumili ng mga paninda ko.

"O sya sige na, linisan mo na yong swimming pool dadating ang mga kaibigan ng alaga ko, baka maliligo ang mga yun mamaya."

Agad ko namang sinunod ang utos ni Lola, pero ingat na ingat ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy baka maligas yong paa ko dito sa pool tiyak na malulunod talaga ako.

"Hoy Knight, tumulong ka muna dito! Gagong to pabebe!" malakas na sigaw ng lalaki.

"F*ck you, Bro! Talo ka sa pustahan kaya bitbitin mo lahat ng yan!" sagot nito na na tila malapit na sa pwesto ko. 

"Gago! Tumulong kayo dito!"

Dinig ko na ang maiingay na tawanan ng mga lalaki palapit sa pool area. Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko panglinis para hindi nila ako makita, pero huli na dahil may nakalapit na pala sa pwesto ko. 

Nahihiya akong yumuko. Iiwas na sana ako pero maagap nitong nahawakan ang aking siko. Alanganin akong nag-angat ng tingin sa kanya. May matamis na ngiting sumilay sa mga labi niya pero hindi ko magawang gumanti. 

"Excuse me po, Sir." magalang kong sabi sa kanya sabay hila sa siko kong hawak niya.

"Opps careful." Aniya dahil muntik akong mawalan ng balanse.

"Knight! Leave her!" 

Dumagundong ang boses ng isa pang lalaki kaya para akong napasong lumayo sa lalaking tinawag nitong Knight. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko may nagawa akong mali, unang araw ko pa naman ngayon.

"Hey Dude! Relax...Ang init ng ulo ah. Hindi mo naman sinabi  na may isang miss beautiful pala dito sa bahay niyo."

"Fuck off, Brute!" ganting sagot ng isa.

Hindi ko na hinitay na magtalo pa silang dalawa. "Pasensya na po.." tanging nasabi ko ng hindi man lang tumingin sa mga mukha nila. Bitbit ang ginamit kong panglinis nagmamadali akong lumayo sa kanila.

 Dinig ko pang nagtatalo silang dalawa hanggang sa dumating na ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Anong problema William? Bakit ang init ng ulo mo?"

Napatigil ako saglit pero kumubli ako sa malaking halaman para hindi nila ako makita. Lima silang magkakaibigan ang andun, yong isang lumapit sa akin na tinawag nilang Knight, tapos may tatlo pang lalaki maliban dun sa tinatawag nilang William.

"Tang-ina kasi tong si Knight eh hindi na nga tumulong sa pagbitbit ng mga gamit,  kung ano-ano pang ginagawa. Ang gago pati katulong pinapatulan."

"Ano ngayon kung katulong? Ayos lang sa akin Bro, ang mahalaga mabait, bonus na kung maganda pa." tumingin pa ito sa dinaanan ko kanina.

"Bakit wala ka na bang mahanap na chicks sa Manila kasi pumapatol ka na sa katulong?" sarkastikong tanong niya dito.

Sa paraan ng pagkabigkas niya ng salitang katulong parang ang baba naman ng tingin niya sa amin. Bakit ba kapag katulong hindi na pwedeng makipagkaibigan sa mga mayayaman? 

Sabagay ganun naman talaga sa totoong buhay. Minsan ka lang makakahanap ng mga mayayaman na nakikipag kaibigan sa mga mahihirap. Ang mga mayayaman ay para sa mayayaman lang din.Allergic ang mga ito sa mga mahihirap na katulad ko.

Aalis na sana ko ng bigla na namang sumagot si Knight.

"It's fine Dude, sino ba yon? Ang ganda niya ah."sagot nung Knight kay William.

"I don't know" nagkibit balikat pa ito."...just a maid, siguro anak ng isa sa mga tauhan dito sa hacienda." masungit niyang sagot dito. "Sige na ayusin niyo na yang mga inumin dyan. Tsaka Ethan dalhin mo ang karne doon sa kusina para sa bbq mamaya."

"Tara Knoxx samahan mo ako." Aya nung Ethan sa isa pa nilang kasama na agad din namang binuhat ang cooler na siguro naglalaman ng karneng lulutin nila mamaya.

"Bro ako na." pigil nung Knight kay Knoxx. Napansin kung magkamukha silang dalawa. Siguro kambal ang mga ito. Kung siguro pagtabihin silang dalawa malilito ka kung sino ang Knight at sino si Knoxx sa kanilang dalawa. Parehas kasi sila lahat sa tindig, sa katawan, sa tangkad pati kulay. Pero napansin kung may tatoo pala kanang braso si Knoxx habang si Knight naman ang tatoo ay nasa batok.

"Wag na Knight kami na ni Knoxx ayusin niyo na lang ang ihawan dyan. If I know gusto mo lang hanapin sa loob yong babae kanina e." Supla nung Ethan kay Knight kaya naiwan itong kumakamot sa ulo niyo. "Tara na Bro."

"Huy! Gago ka talaga Knight, ang bilis mo talaga kapag chicks." sabat nung isang may dimple. " Ano maganda ba?"

"Tang-ina mo Simone! Kunwari ka pa isa ka din pala eh!" tumatawang sagot niya dito. Binatukan niya pa ito kaya nagbatukan na silang dalawa na parang mga bata. "Pero Bro, no joke, ang ganda nung babae. Yon ang mga tipo ko. Morena. Pinay Beauty, Bro..tsaka mukhang mabait"

"Talaga? Bakit di mo ako tinawag agad. Napaka mo selfish talaga eh. Di bale makikita ko rin yon mamaya."

"Walang ganyanan Dude, ako ang unang nakakita sa kanya. Akala ko ba seryoso ka kay--"

"Shut up Fucker!"putol ni Simone sa kanya.

"Will you two shut up and leave that maid alone. Kanina pa kayo ah!" muling singhal ni William sa kanila at halatang iritado na. Hindi ko makita ang pagmumukha niya dahil nakatalikod ito sa akin simula kanina.

Naghubad ito ng damit at tumambad sa akin ang malaking tatoo sa likod niya. Dati natatakot ako sa lalaking may tatoo pero bakit ngayon parang nagagandahan ako sa tattoo niya. Hindi masyadong klaro sa akin ang disenyo nito dahil malayo ako pero halatang para itong ibon. Napansin o din puno ng tattoo ang kanang kamay niya. 

"Why are you annoyed? Do you like her?" naiinis ding tanong ni Knight sa kanya. 

"Too many girls in Manila Brute, leave that maid alone!" sagot nito pero halata namang may diin ang pagkasabi niya.

"Baka naman kaya ka nagsusungit dahil type mo siya?" sabat nung Simone na nakangisi pa.

"Hindi ako pumapatol sa katulong, Gago!"

Hindi ko alam pero parang may bumara sa aking lalamunan. Alam ko naman yong ganun pero iba pala kapag ikaw mismo ang nakarinig. Nakaramdam ako ng panliliit pero agad ko ding nilabanan. Walang mali sa pagiging katulong, marangal na trabaho 'to. Hindi lang ako sinwerte sa buhay sa ngayon pero magsisikap ako para iahon ang aking sarili. Makakaahon din kami ni Lola sa kahirapan.

"What's wrong with you Dude? You're not like that!" tanong ni Knight na halatang napipikon na sa inaasal ng kaibigan niya.

"I'm just stating facts, Fucker! Hindi pa ako nababaliw para pumatol sa isang katulong."

Hindi ko namalayan bigla na lang may nalaglag nal luha sa aking mata pero agad ko din itong pinunasan. Para saan ang mga luhang yon? Tama lang baman ang sinabi niya.

Ang drama mo Amethyst! Saway ko sa aking sarili. Ano sa palagay mo nasa teleserye ka? Hoy Day gumising ka! Hindi pumapatol ang mga mayayaman sa mga mahihirap. Assumerang frog ka rin eh!

Umikot ito sa kabilang bahagi ng mesa at at may kinuha ito doon. Tatalikod na sana ako pero saktong paglabas ko sa aking kinukublian ay siya namang pag-angat  niya ng tingin sa gawi ko. Nagpang-abot ang mga tingin namin at nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya. Siguro hindi niya inaasahan na may makarinig sa mga pinagsasabi niya kanina.

Napansin ko rin ang paglingon ng mga kaibigan niya sa akin at halatang nagulat din ang mga ito. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanilang lahat.

"Hala si Miss beautiful. "Si Knight.

Kung natigilan man siya ay mas natigilan ako. Hindi ko inaasahan na ang lalaking ang baba ng tingin sa aming mga kasambahay ay ang lalaking nagtanggol sa akin kay Miss Cruz noong mga nakaraang buwan. 

Fake news din pala si Sir Guerrero. Akala ko pa naman totoong mabait ito, pakitang tao lang pala ang lahat. Nakita kong agad niyang binaba ang kinuha niya sa ilalim ng mesa kanina at nagmamadaling lumapit sa pwesto ko pero bago niya pa ako maabutan nagmamadali na akong umalis palayo sa kanila.

"O Amethyst saan ka nanggaling bata  ka? Kanina pa dumating sina Sir William."Salubong ni Lola sa akin.

"Niligpit ko pa kasi ang mga ginamit ko La, may iuutos po kayo?"

Bago ako pumuntang kusina tinago ko muna ang mga ginamit kong panlinis ng pool sa bodega. Ayoko na sanang lumabas doon pero naisip kong hindi naman ako pumunta dito para lang magtago doon. Trabaho ang pinunta ko dito at kailangan ko ang trabahong ito para sa amin ni Lola. 

Hindi ako pwedeng magpaapekto sa anumang narinig ko mula sa kanila. Tama naman si Sir William, nagsasabi lang siya ng totoo. Baliw lang ang among pumapatol sa mga katulong. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?

Wag po kayong mag-alala Sir William, tatandaan ko lahat ng mga sinabi mo.Pangako ko sa aking sarili. Lagi kong tatandaan na kaming mahihirap ay para sa mahihirap lang din kagaya namin.

"Am, ihatid mo muna itong karne sa pool area. Andun sina Sir William pati mga kaibigan niya." utos ni Nana Mildred sa akin. Ito siguro ang dala nung mga kaibigan niya kanina na pinahatid niya dito sa kusina.

Malayo pa lang dinig ko na ang tuksuhan ng mga kaibigan niya. Andito di pala si Ate Cara, anak ni Nana Mildred. Siya siguro ang naghatid sa iba pang pagkain na hinanda para sa kanila.

"Amy, dito mo ilagay ang mga karne." Tawag ni Ate Cara sa akin kaya napalingon sa akin ang mga bisita. Napansin ko ring tumigil si Sir William sa ginagawa nito sa ihawan saka bumaling sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya at nahihiya akong lumapit sa pwesto niya, doon kasi nakalagay ang mesa na tinuro ni Ate Cara sa akin.

"Cara pakilala mo naman kami sa kasama mo." si Knight. Siguro matagal na ang mag itong pabalik balik dito sa hacienda dahil parang close na sila ni Ate Cara.

Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil sa narinig kong usapan nila ni Sir William kanina. Nanatili lamang balangko ang ekspresyon pinakita ko sa kanila. Ayokong isipin pa ni Sir William na nagpapapansin ako sa mga kaibigan niya.

"Si Amethyst pala Sir Knight, apo ni Lola Belinda.Siya na ang papalit kay Lola dito sa hacienda. Am, sila ang mga kaibigan ni Sir William. Si Sir Knight, Sir Knoxx, Sir Ethan at Sir Simone." Isa isa niyang tinuro ang mga lalaking nakaupo doon. "Siya naman si Sir William, ang amo natin."

"Magandang araw po sa inyo Sir." bati ko sa kanilang lahat. Bahagya pa akong yumukod sa kanila.

"Mas maganda ka pa sa araw Amethyst." Si Knight ulit.

Agad naman itong tumayo sa pwesto niya at lumapit sa akin ng nakangiti. Pati ang mga kaibigan niyang nakaupo ay ngumiti din sa akin kaya maliit din akong ngumiti sa kanila.

"Hi Am, I'm Knight Sarmiento, dyan lang kami sa kabilang hacienda nakatira."

"Hello po Sir, magandang araw po sa inyo."

"Cut the Sir, hindi mo ako amo, just call me Knight." nakangiting saad nito sa akin.

"Yan na nagsisimula na si Gago!" may sumabat sa likuran niya pero di ko alam kung sino dahil nasa likod niya ang mga ito. 

"Pwede ba kitang madalaw sa inyo?" diritsong tanong nito sa akin.

Hindi ko inaasahan ang tanong niya kaya hindi ako sumagot. Hindi ko din naman kasi alam kung nagbibiro ba ito o hindi. Hindi naman ito nakatawa o anuman at mukhang seryoso siya sa tanong niya.

"Tang-ina si Gago, malakas ang tama." 

"Amy wag kang malilito sa kanila ng kambal niya. Baka kung makita mo si Knoxx mapagkamalan mo itong si Knight."

Nilingon ni Knight si Simone at pinakita ang middle finger niya kaya nagsitawanan pati mga kaibigan niya.

"That's my twin, Knoxx, pero hindi yan nagsasalita kaya malalaman mo din naman agad."

Nang tumingin ako sa gawi ni Knoxx, seryoso lang itong nakatingin sa amin. Mukhang hindi lang ito hindi palasalita, mas maiging sabihing suplado ito. Nakakunot lang ang noo nito na tila palaging iritado. Masungit pa itong nakatingin sa kakambal niya pero  ng mapang-abot ang tingin namin lumambot naman ang mga mata niya.

"Ilang beses ko ng hinatid si Lola Belinda sa inyo bakit hindi man lang kita nakita?"

Kung Sarmiento ito, malamang anak ito ng may-ari ng kabilang hacienda. Madadaanan ang bahay namin papunta sa kanila kaya siguro nito dinadaan si Lola sa bahay.

"Bata pa yang si Amethyst Sir Knight." natatawang sabat ni Ate Cara." Katatapos lang niyan ng high school. Ilang taon ka na nga Am?

"Seventeen po Ate Cara." Nahihiyang sagot ko.

"Patay ka Dude, too young for you." Kantyaw ni Ethan sa kanya. "Corrupting minor,Dude.Bawal!"

"Kelan ang debut mo Am?" Si Ate Cara ulit. Medyo naiilang na ako dahil feeling ko in-interview na nila ako pero nakakahiya na man kung hindi ako sasagot.

"Next week po Ate."

"Oh yun na man pala. Ayos lang Bro, hintayin mo munang magdebut si Amethyst."

Feeling ko, nagsisiakyatan na ang mga dugo ko sa aking mukha. Hindi nga lang halata dahil morena ako pero sa totoo lang hiyang-hiya na talaga ako. Nag-iinit na ang pisngi konsa kahihiyan.

"Ayos lang naman siguro kay Lola Belinda, Cara noh?"

"Yan ang di ko alam Sir Knight pero mas maiging magpaalam ka muna kay Amethyst baka naman kasi ayaw niya. Anong magagawa ni Lola kung ayaw ng apo niya,diba?" Nagkibit balikat pa ito tsaka kinuha ang lagayan ng karne.

Binalingan ko si Ate Cara na ngayon ay isa isang isinalang ang mga karne sa ihawan. Nang madako ang tingin ko kay Sir William halata ang inis sa mukha nito dahil nakakunot ang kilay niya. Bigla ko tuloy naalala ang mga pinagsasabi niya kanina.

Kaya ba nakakunot ang noo niya dahil nakipag-usap ako sa mga kaibigan niya? Siguro kailangan ko ng iwan sila ngayon din para mawala ang pagkairita niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa tawanan ng kanyang mga kaibigan. Panay ang tukso nila kay Sir Knight sa akin.

"Ano Amy, pwede ba kitang madalaw sa inyo?" Muling tanong ni Sir Knight sa akin kaya muling bumalik ang tingin ko sa kanya.

Pati mga kaibigan niya ay halatang naghihintay sa magiging sagot ko pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay biglang nagsalita si Sir William. 

"Will you shut up Sarmiento?" Saway ni Sir William kay Sir Knight. Kita ko pa ang pagsukatan nila ng tingin. 

"What's your problem,Dude?" Napipikong tanong ni Sir Knight kay Sir William. "Kanina ka pa ah!"

"Hey! Stop it Knight!" Si Sir Knoxx sabay hila sa kambal niya. Mabuti at nagpatiayon naman si Sir Knight sa kakambal niya.

Ang iba nilang kaibigan ay tumahimik din, mukhang hindi rin inaasahan ang maging asal ni Sir William.

Lumapit si Ate Cara sa akin at hinila ako palayo sa kanilang dalawa. "Amy pumasok ka muna sa kusina." Bulong ni ate sa akin.

"May problema ba Ate? Bakit nagagalit si Sir William? Baka mag-aaway sila." Mahinang tanong ko sa kanya.

"Relax Dude, minsan na nga lang tayo magkita mainiit pa ang ulo mo." Si Sir Simone na tumayo na at lumapit kay Sir William.

Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago ito muling nagsalita. "I'm sorry..." sabi niya ngunit wala namang binanggit na pangalan. Siguro para yon kay Sir Knight na ngayon at tahimik ng nakaupo katabi ng kakambal niya.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yon ay bigla itong lumapit sa akin. Pati mga kaibigan niya ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Bigla akong kinabahan dahil baka ako ang pagbalingangan niya ng galit kaya agad akong yumuko.

Huminto siya sa harapan ko, bago ko  pa man maiangat ang aking mukha ay kinuha niya na ang kamay ko at hinila ako palayo sa mga kaibigan niya. 

Narinig ko pa ang mahihinang mura ng mga kaibigan niya habang hawak hawak ni Sir William ang palapulsuhan ko. Hindi ako umimik, tahimik lamang akong nagpatiayon sa kanya hanggang dinala niya ako sa likurang bahagi ng hacienda.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha na love at first yatah Ang amo lalaki
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
hahahaha knight bugbog ka later
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
Ito yung scene na bwisit na bwisit ako kay William eh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status