LOGINMalakas na musika agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang sa Dreamescape Club. Sanay na ako kaya wala na sa akin ang maingay na lugar.
"Late ka ng 30 minutes, hanggang alas kwatro y media ka ngayon." Napabusangot na lang ako nang bumungad sa akin ang nakataas na kilay na manager ko, si madam Jing. Sa edad na kuwarenta malakas pa rin siyang humithit ng sigarilyo. Walang asawa at anak kaya laging nagsusungit. Dapat ay hanggang alas tres y media lang ako tuwing Lunes pero dahil nahuli niya akong late kailangan kong mag-overtime. Sobrang kulit kasi ni Karina kaya natagalan ako sa pag-alis. "Opoo," saad ko. Napaubo pa ako nang bugahan niya ako ng sigarilyo bago umalis. Nagsimula na rin akong magtrabaho ngunit sa kalagitnaan ng trabaho ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung sino ito kaya dali-dali akong tumakbo at inagaw ang dalang tray ni Riza, ang co-waitress ko. "Ako na. Saang table?" Kumunot ang noo niya pero napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa. Madalas ko kasi siyang agawan ng tray sa tuwing may tinatakbuhan akong customer o mga kakilala kong iniiwasan ko tulad ng lalaking 'yon. "Second floor. VIP," aniya at nginuso ang table sa taas. Madilim ngunit nakikita ko pa rin ang mga customer na naroon. Mukhang magbabarkada dahil marami sila. Salamin lang din ang nagsisilbing bakod ng floor. Tumango ako sa kaniya at tinungo ang second floor. Mga naghahalikan kaagad ang bumungad sa akin ngunit hindi na bago 'yon sa akin. Ang iba naman ay nanonood lang sa first floor habang nakasandal sa glass balustrade. Pumunta ako sa table kung saan nakaupo ang dalawang lalaki at tatlong babae. Halos mabitawan ko ang wine nang makilala ang lalaking may nakakandong sa kaniyang babae. Kinalma ko muna ang sarili bago lumapit sa kanila at salinan ng wine isa-isa. "Hinanap kita kagabi sa condo mo pero wala ka. Saan ka ba pumunta?" Rinig kong tanong ng babaeng nakakandong sa kaniya. Mahinhin ngunit maarte ang pananalita. Halata talagang laking mayaman. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ako sa kanilang dalawa pero paniguradong maganda siya. Kung alam mo lang na habang hinahanap mo siya, nakapatong siya sa akin at nagpapakasarap. "Work." Malalim, malamig at matigas ngunit kalmadong tipid na sagot ni Radzmir. "Where? I called your secretary, but he's not answering. Halos puntahan ko na si Tita para magsumbong." "You're being clingy, Kellen. You don't always have to be by my side." "Why not? I'm your wife. You should be proud of that. Also, a wife should always be by her husband's side. Si Tita ang nagsabi." Natigilan ako at halos mawalan ng balanse sa pagsalin ng wine. Halos pagpawisan ako ng malamig sa narinig. Tangina!? May asawa na pala siya. Bakit hindi ko 'yon alam? Siniguro ko namang nagresearch ako tungkol sa kaniya bago nagpatira sa kaniya. Masiyado bang pribado ang marriage niya at maski ang media ay hindi iyon alam? "By the way, Tita and I talked about revealing our marriage soon--" "Enjoy your night, ladies and gents," saad ko sa gitna ng nanginginig na mga labi. Tumigil ang dalawa sa pag-uusap ngunit hindi ko 'yon pinansin. Humarap muna ako sa kanilang dalawa bago umalis. Nagtama ang paningin naming dalawa nang sumulyap ako sa table nila bago tuluyang marating ang hagdan. Tulad ng sinabi ni madam Jing, nag-overtime ako kaya bagsak na bagsak ang katawan ko nang magdikit ang balat ko sa malambot na kama. Ganito talaga ang reyalidad. Kailangan kong magpuyat at magpagod para kumita. Wala akong ibang katulong sa buhay kung 'di si Karina lang ngunit hindi naman ako pwedeng umasa sa kaniya pagdating sa pera dahil marami siyang pinapaaral at may malaki pa silang utang. Kailangan kong kumayod ng kumayod para sa pangangailangan lalo na't may pinapaaral din ako. Kaya hindi ako makatanggi noong sinabi sa akin ni Karina na may gustong magbayad ng malaki para sa isang gabing kasama ako. Nakita ko naman ang lalaki at hindi dugyot kaya agad akong bumigay. Mukhang ako nga dapat ang magbayad sa kaniya dahil siya ang gumawa ng lahat habang ako ay umuungol lang at nagpapakasarap. Bitin nga sa'kin ang isang gabi eh. Bumuntong hininga ako bago pumikit. Sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok. "Te, gising! Alas diyes na! Nakalimutan mo atang mag-alarm." Kumunot ang noo ko ngunit agad din akong bumangon nang maalalang may trabaho nga pala ako mamayang alas dose y media bilang cashier sa 7/11. Dinampot ko agad ang cellphone kong nasa table. Hindi ko pinansin si Karina na nagsusuklay. "Nakalimutan ko pa lang magcharge kagabi," saad ko nang makitang dead battery ang cellphone ko. Kaya pala wala akong narinig na alarm dahil patay ang cellphone ko. Naka-set naman ang alarm ko every week kaya nagtataka ako kung bakit hindi iyon tumunog. "Bakit ka ba nasa kwarto ko? May trabaho ka ngayon, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. "Nakalimutan mo ring i-lock ang pinto mo. Saka ganitong oras gising ka na kaya pinuntahan kita baka hindi na naman tumunog ang alarm mo. Umabsent din ako kasi may lakad ako mamaya." Tumango-tango na lang ako at pumasok sa banyo. Hindi pa ako nakakapasok ay agad akong tumigil dahil sa ginawang pagsunod sa akin ni Karina. Nakangising aso rin siya. Kumunot ang noo ko at akmang hindi siya papansin ngunit hinila niya ako pabalik ng kama. "Umagang-umaga, Karina, huwag mo akong umpisahan," pagbabanta ko ngunit tinawanan niya lang ako. "Teka lang. Sorry, hindi ko na matiis kaya sasabihin ko na. Saka tanghali na bff ah." Lalong nagsalubong ang kilay ko ngunit hinayaan ko na lang siyang magsalita. "Si Mr. Al-Andas..." Kaagad niyang nakuha ang atensyon ko dahil sa binanggit niyang pangalan. Nang mapansing interesado ako ay mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Gusto ka niya ulit makasama mamayang gabi. Sigurado akong another 50k na naman ang sasahurin mo mamaya," kumikislap pa ang mga matang aniya. Natigilan ako sa kaniyang binalita ngunit hindi ko iyon pinahalata. Gusto ko sabihing may asawa na siya at maling sumama sa kaniya dahil ayokong sabihan ng kabit ngunit hindi ko magawang tumanggi dahil malaking pera ang kikitain ko. Hindi ko naman aagawin ang asawa niya. Pagpeperahan ko lang ang asawa niya hangga't hindi pa siya nagsasawa."Are you saying something?" Sa sobrang inis ay hindi na niya napigilang tumayo at dinuro ako.Tumayo naman ako at umiling-iling na parang hindi ko alam ang sinasabi niya. "Hala, ma'am, wala po akong sinasabi," pang-aasar ko. Lalo lang siyang umusok sa sobrang galit habang si Radzmir ay prenteng nakaupo habang nanonood sa amin. Nag-eenjoy pa talaga ang gago. Well, sige. Bigyan ko siya ng enjoyable show."I heard you, so don't ever lie to me! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mong masama ang nakikinig sa usapan ng iba? Your parents must be bastards for raising a bitch like you." Biglang nawala ang ngisi ko nang i-mention niya ang magulang ko. Wrong move, bitch. "Hindi mo ba nakitang naglilinis ako sa harapan niyo kaya may posibilidad na marinig ko ang usapan niyo? At saka kung narinig ko man, wala akong pakialam sa relasyon niyo. Okay na ba, ma'am?" sabi ko at kahit naiinis ay nagawa ko pa ring ikalma ang sarili kahit sa huli ay mukhang pinalala ko lang ang nangyayari. Bye work na na
Nakailang dial na ako kay Sheena pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Nag-message siya sa akin kagabi na kailangan niya ng pera pero hindi ko siya nareply-an dahil nakatulog agad ako sa sobrang pagod. Ngayong tinatawagan ko na siya ay hindi naman niya ako sinasagot. Nag-aalala na ako sa kaniya. "Looks like someone has a problem here." Kusang tumaas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na pabebeng boses na mukhang gusto ng away kahit umagang-umaga. Gusto ko siyang irapan pero siyempre nginitian ko siya ng peke nang lingunin ko siya."Opo, ma'am eh. Hindi kasi sinasagot ng boyfriend ko ang tawag ko. Mukhang nagch-cheat siya sa akin," sarkastikong saad ko pero pinakita ko pa rin sa kaniya ang malungkot kong mukha. Siyempre gawa-gawa ko lang iyon dahil gusto ko siyang asarin. Alam kong nakita niya ang hickey sa leeg ko kagabi at alam kong alam niya ang ibig sabihin niyon.Agad umasim ang mukha niya at sinamaan niya ako ng tingin. "Using a phone while working is forbidden,
Kumunot ang noo ko nang makitang nakatitig lang siya sa akin. Saka ko lang din na-realize ang tinawag ko sa kaniya. Nang dahil sa pag-iisip na mag-ama ko sila ay natawag ko rin tuloy siya ng 'hon'."T-Tara na! Raneem wants to buy new makeup, right?" sabi ko na lang baka sakaling mawala sa isip niya 'yong tinawag ko sa kaniya. Nakakahiya! Tangina! Sana hindi mag-isip ng kung anu-ano si Raneem. Alam kong bata pa siya at inosente pero kahit bata ay alam ang ibig sabihin ng 'hon'. Pero hindi naman siguro niya malalamang may namagitan sa amin ng kuya niya. Sana lang hindi niya iyon mabanggit sa mommy niga at kay Kellen kung 'di lagot talaga ako at mawawalan na naman ako ng trabaho. "Yes! Let's goo!" yaya sa amin ni Raneem. Ngumiti na lang ako na parang walang nangyari at nagpatianod sa hila ng bata. Wala ring nagawa si Radzmir sa kapatid. Para na tuloy kaming pamilyang nagsh-shopping. Panira lang talaga ang outfit ko. Bwisit! Dumiretso agad kami sa isang sikat na shop. Siyempre mayayam
Laking tuwa ko nang matanggap ako bilang nanny ni Raneem, ang bunso at nag-iisang kapatid ni Radzmir. Saka ko lang din napagtantong may lahi silang Arabo noong makita ko ang picture ng daddy nilang Arabo. Hindi mahirap pakisamahan si Raneem kahit limang taong gulang pa lang siya at spoiled. Sa murang edad ay may hilig na siya sa pag-makeup kaya mabilis kong nakuha ang loob niya dahil expert ako pagdating sa mga ganoong bagay. Gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw kaya ngayon pa lang ay gusto na niyang matuto. Ilang araw na akong nasa mansion ng mga Al-Andas. Dalawang Linggo na ring tahimik ang buhay ko dahil unti-unti ko nang natatanggap na ni-ghost na talaga ako ng buwisit na lalaking 'yon. Pero kung kailan naka-move on na ako saka ko naman siya makikita ulit."Jaja! Let's go to the mall! I want to buy new makeup!" Kumakaripas ng takbong tili ni Raneem pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya. Niyakap niya ang bewang ko habang nakangiti ng malawak."No, baby. Your kuya is he
"Si Russ, kamusta na siya?" bigla niyang tanong matapos ang mahabang katahimikan.Bumuntong hininga ako at uminom muna ng juice bago sumagot. "Gano'n pa rin," tipid kong sagot. Alam naman na niya iyon kaya hindi na ako nagkwento pa. "Sorry, hindi na ako mas'yadong nakakabisita pero dadalaw ako next week. Promise ko 'yan, bff!" aniya kaya napailing na lang ako at tumawa ng mahina. "Naiintindihan naman ni Russ 'yon, don't worry," sabi ko para hindi na siya mag-alala pa. Isang Linggo na ang lumipas pero wala pa ring paramdam mula sa kaniya. Naiinis na ako. "Miss, p'wede palagay sa eco bag?""Sana sinabi mo na kanina pa. Kung kailan nailagay ko na sa paper bag saka ka lang magsasabi?" inis na sabi ko sa customer na ikinanlaki ng mga mata niya. Hindi ko namalayang pinagtatarayan ko na pala ang customer ko dahil sa inis kay Radzmir. "Ganiyan ba talaga ang mga staff dito?! Walang respeto! Sino ang manager niyo?!" nag-aapoy sa galit na sigaw ng babaeng customer ko na ngayon ay nakapamewa
Nilahad ko ang puting envelope sa harap ni madam Jing. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Pera ba 'yan?" aniya at kinuha iyon ngunit mas lalong tumaas ang kilay niya nang malaman kung ano ang nasa loob. "Ano 'to?!" inis na tanong niya. Nakita na nga niya ang nilalaman ng envelope na 'yon tatanungin niya pa ako. Hindi ba siya marunong magbasa? "Resignation letter, madam," tipid na sagot ko. "Alam ko. Ang tinatanong ko, bakit ka magre-resign? Akala ko ba kailangan mo ng pera? H'wag mo sabihing nabingwit mo ang mayamang nag-renta sa'yo kahapon, at balak ka nang pakasalan ngayon. Naku Ja, inakit mo siya kahapon, 'no? Ang sabi niya sa'kin kahapon ay kakausapin ka lang pero mukhang may iba pa kayong ginawa. Umamin ka nga, magre-resign ka kasi ikakasal ka na sa mayaman, 'no?" mahabang saad niya. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. "Hindi, madam. May nahanap lang akong trabaho na mas madali pero mataas ang sahod. Iyong sinasabi mong lalaki ay siyang amo ko. Gusto ko







