Share

CHAPTER 14

CHAPTER 14

“BEBE, p’wede pakiabot nito kay Sir?” pakikisuyo ni Bria kay Yesha habang hawak niya ang tray na may lamang plato ng strawberries at isang baso ng pineapple juice.

Lumipat ang tingin niya kay Laurent na nasa pool side at kaharap ang laptop nito. For some reason, nandito ito sa main mansion nakatambay. Mas tumamlay ang pakiramdam niya nang makita niyang paminsan-minsang hinihilot nito ang sentido nito habang tuloy pa rin sa pagtatrabaho.

Ayan kasi. Uminom-inom pa ito! She couldn’t help but assume that he drank because of her.

Pero hindi! Ang kapal naman ng mukha niyang mag-assume, eh siya nga ang may atraso rito.

Kumunot ang noo ni Yesha sa kaniya. “Bakit po, Ate? Inaway po ba kayo ni Sir?”

Natigilan siya. Alam niyang hindi tamang term ang ‘inaway’ siya ni Laurent dahil karapatan naman nitong magalit sa kaniya.

Hindi naman sinasadyang napabahing siya bigla. Nangangati ang ilong niya! Pa’no ba naman kasi, inuna niya ang style over comfort kagabi! Pumorma pa siya ng sleeveless
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status