Share

CHAPTER 4

CHAPTER 4

MABILIS lang na nagbihis sa CR ng kanilang kuwarto si Bria. She stared at herself in the mirror.

She decided to simply tie her wavy brown hair. She has a gorgeous tan skin complexion so she maximized the warmer tone of her powder. Mukha ring maputla at chapped ang labi niyang hugis-puso kaya naman she gave it an extra boost using the lip gloss and a bit of her dark pinkish lip tint.

“Oh, ‘di ba, sino ka d’yan.” Nagmaganda muna siya sa tapat ng salamin para masigurado kung okay na ang ayos niya.

She already looked freshened up with only three pieces of cosmetics so that finished her whole look.

Lumabas siya at agad na niyaya si Yesha. Baka kasi magalit pa si Ate Doris a.k.a Miss Minchin na mayordoma ng mansion at kasanggang-dikit ni Madonna sa pagiging marites at marisol.

Not to mention na kampon rin ito ng kadiliman. Satana lang ang peg. Chariz!

Nang makababa sila ni Yesha ay nakahilera na ang mga kasamahan nila sa front porch ng mansion.

Tumabi siya kay Lalaine na tanging ka-close niya sa mga maids. Pinatabi niya rin sa kaniya si Yesha na siyang nagpa-usog naman kay Madonna. Kumunot ang noo nito sa kaniya. Matamis na nginitian niya lang ito at binigyan ng flying kiss.

Sa hindi inaasahan, nagtama ang mga mata nila ni Miss Minchin — este ni Ate Doris. Kasama ito sa hilera na nasa harap nila.

Tila nanlilisik na ang mga mata nito sa likod ng nangingintab nitong salamin. Matamis niya rin itong nginitian at tinanguan. Katakot si sis!

Nang dumako naman ang mga mata niya kay Mr. Benson, ang personal butler ng mga Del Rio, ay dahan-dahan namang napawi ang ngiti niya.

Humugot siya nang malalim na hininga at nag-iwas ng tingin. Wooh! Para siyang pinagpawisan ulit bigla. Performer talaga ang sweat glands n’ya today, ah!

“Leng, ano daw sabi? Nandito na talaga si... s-si Sir?” kabado niyang bulong sa katabi.

“Oo, dzai. Nasa bahay niya na daw kanina at papunta na rito. Ayaw mo no’n, may hot daddy na tayong makikita araw-araw. Hindi na lang expired na DOM!” Tila sinisilihan naman sa puwet si Lengleng.

“Anong expired na DOM?”

Kunot noo niya itong tiningnan. Sinenyasan naman siya nitong lumapit kaya bahagya niyang nilapit ang isa niyang tenga rito.

“Edi si Mr. B,” bulong nito at humagikhik.

Hinampas niya naman sa braso ang babae. Tawa lang naman ito nang tawa habang hindi siya makapagsalita. Kapag talaga sa okrayan, number one ’tong Lalaine Tagay na ‘to!

Sinulyapan niya naman ulit si Mr. Benson at nahuli niyang nakatingin rin ito sa kaniya. Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. Namilog ang mga mata niya at umawang ang kaniyang labi.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang wala sa oras. Susme, Biyang! Kung ano-ano na lang talaga ang ginagawa mo, ‘no?! Nasa’n na nga ba ang for the sake of beauty and brains na mantra mo, ha?

Mayamaya pa, nag-behave na siya dahil lumabas na mula sa loob ng mansion ang naka-posturang si Mrs. Marjorie Del Rio. Mahirap nang sirain ang napakaganda nitong mood na kanina lang niya ulit nasilayan at nadama.

The Madame wore the dress that she bought in St. Laurent. Specifically in Italy in the middle of that scorching heat and not to mention her being lost on the way to the store.

Pasensiya na, hindi naman kasi siya human Waze, ‘no!

It was a black asymmetric draped stretch-jersey mini dress that exposed the elegant woman’s collarbone and shoulder with its short sleeve, whilst the other side was covered with a long sleeve. It had a tilted inverted triangle neckline that emphasized the long and slender neck of the one and only Marjorie Del Rio.

Also, not to mention that diamond-beaded belt that cinched her waist and exposed those flattering curves that she was able to maintain after so many years.

The Madame also wore black stockings and paired the dress with red stilettos. She also had large pearl earrings on both ears to compliment the edgy yet elegant look.

Ang shala! Baka siya ang bumili ng lahat ng iyon. She already suggested the styling of that look beforehand and she was confident that the Madame will rock it. And she really did!

Lumilikha ng tunog ang takong Mrs. Del Rio sa bawat hakbang nito palapit sa may hagdanan. She was smiling from ear-to-ear, which was a rare sight for all of them. She’s known to be quiet, nonchalant, and uptight that it felt weird to see her smile widely like that.

She could even feel the excitement that she exuded. Gusto niya biglang kilabutan dahil ang weird talaga ng nakikita niya rito.

Scary!

“Favorite talaga ni Madame si Sir ‘no,” komento ni Jessica na katabi ni Lengleng

“Truths, ante! Wagas ang ngiti ni Madame. Magugunaw na ba ang mundo?” biro naman ni Lengleng.

Sinitsitan niya tuloy yung dalawa. “Huy! ‘Wag kayong maingay. Baka marinig kayo!”

“Ikaw talaga, Biyang. Kadarating mo lang, nakikiapid ka na agad sa usapan namin.”

“‘Oy, ’wag n’yo ‘kong charot-in. ‘Di naman usapan ‘yan. Chismisan ‘yan,” nagsusungit na aniya.

Inirapan siya ni Jessica. Dahil hindi siya magpapakabog dito, umirap din siya at binigyan ito ng dirty finger. Agad naman siyang pinigilan ni Lengleng.

“Gaga! Ang ligalig mo!” tawa nito at ibinaba ang kamay niya.

May narinig siyang bumusina. Suddenly, she stilled again. Malayo pa man ang sasakyan, alam na niyang palapit na iyon. Her ears and senses turned hypersensitive.

Slowly, she tilted her head to the other side and found herself staring at the circular driveway below.

Higit niya ang kaniyang paghinga habang bumabalik na naman ang kaniyang naramdaman kanina. Unusual stillness, sweaty palms, trickling sweat on her forehead and neck, and... the loud banging in her chest.

And when what she dreaded finally came, tumindig ang balahibo niya. She swallowed hard.

Her eyes were glued on the sleek black Cadillac Escalade. An SUV that parked in front of the stairway.

Her eyes stung with tears when the realization dawned on her.

He’s... really... back.

A tall and formal man alighted from the driver’s seat of the luxury car. The sight of him blurred her vision more. He still had the same striking features that once infected her being and made her heart erratic.

His gorgeous amber eyes, his tall nose, his thin lips, his sculpted jaw...

She also noticed that he was wearing a three piece-suit. The inner shirt was white while the jacket was black. His coat and pants were navy blue. Marahan itong umakyat sa hagdan at sa bawat paghakbang nito... ay parang sinasakal ang kaniyang puso.

Pero bago pa man pumatak ang luha niya ay niyugyog na siya ng kaniyang katabi. She immediately woke up from her reverie. Naluha siya nang kaunti nang balingan si Lengleng.

“B-Bakit?” she asked weakly.

“Gaga! May dugo ka!” naaalarma nitong sinabi.

“Ha?”

“’Yang ilong mo! May nosebleed ka!”

Mabilis naman siyang nilapitan ni Yesha at hinawakan. Takang-taka siya sa nangyayari.

She tried to touch her nose... and shit! She saw blood!

Medyo nagkagulo na ang kaniyang paligid. Walang habas siyang pinayuko ni Lengleng at pinunasan siya ng panyo habang nakikiusyoso na rin ang iba niyang kasamahan.

But in the middle of that chaos, she tried to take a peek at him again. He was still walking up the stairs. His eyes narrowed and his head tilted. Mukhang nagtataka na rin ito sa komosyon nila.

Tinaglay na siya ni Lengleng at Yesha bago pa man siya tuluyang makita ng lalaki. The last thing that she saw was him, hugging his mother.

Pumasok agad sila sa loob ng mansion habang wala siya sa sarili. The people around her were trying to stop her bleeding nose. Someone even made her sit down and put an ice pack on her nose, but she couldn’t give a damn.

Nag-init ang ulo niya bigla.

Pusang gala.

Imbis na luha ang tumulo mula sa kaniya, dugo pa talaga.

Ano bang klaseng buhay ‘to, bestie?! Literal na blood, sweat, and tears!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status