"Ma'am, okay lang po ba kayo?"
Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. "O-Oo... Bakit naman?" "Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta." Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya. "Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig." Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan. Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya. Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin. Bahagyang natawa si Chynna dahil sa nakitang hitsura ni Ayyang. Mababakas kasi sa inosenteng mukha nito ang kuryusidad. Sa loob ng mahigit isang buwang paninirahan ni Chynna sa mansyon, si Ayyang lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na makipaglapit sa kanya. Siguro ay dahil hindi sila nagkakalayo ng edad. Matanda lang siya rito ng tatlong taon. "Ahh... ano po kasi Ma'am... Napansin ko lang po kasi na palagi kayong ganyan... Eh k'wan... para po kayong palaging nasa ika-pitong glorya." Biglang pinanlakihan ng mga mata ni Chynna ang kasambahay. "Excuse me?!" Napahagikhik naman si Ayyang at saka sumenyas ng peace sign. "Charot lang, Ma'am! Kayo naman... hindi naman po kayo mabiro..." "Alam mo ikaw, isusumbong kita kay Manang Lulu." ganting biro naman ni Chynna sa himig na nananakot. Agad namang rumehistro ang takot sa mukha ni Ayyang nang banggitin ang pangalan ng tiyahin nito na siyang mayordoma nila sa mansyon. "Naku, 'wag naman po. Sige po, hindi ko na kayo iistorbohin." Akmang lalabas na ng kusina si Ayyang nang pigilan siya ni Chynna. "Hep, hep! Dito ka muna at tulungan mo akong magprepare ng vegetable salad." Kinuha ni Chynna ang mga gulay sa refrigerator, habang si Ayyang naman ay kumuha ng mga utensils na gagamitin nila. "Ma'am, masarap po ba talagang mag-asawa?" mayamaya'y tanong ni Ayyang habang naghihiwa ng pipino. Tinignan naman siya nang makahulugan ni Ayyang. "Bakit, gusto mo na ba?" Binuntutan pa iyon ng mahinang pagtawa. "Naku, huh! Eighteen ka pa lang, neng!" "Eh hindi naman po sa ganoon... Napapansin ko po kasi na para bang palagi kayong maligaya. Kitang-kita po kasi sa awra n'yo eh." Napangiti naman si Chynna dahil sa narinig. "Talaga ba? Well, ganoon siguro talaga kapag alam mong mahal na mahal ka ng asawa mo." "Ay jusko! Kinikilig naman po ako sa inyong dalawa ni Sir Geoff!" "Ikaw talaga... Oh, siya! Bilisan natin dito at baka dumating na ang asawa ko." saad ni Chynna habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga gulay sa salad bowl. "Eh, Ma'am... bakit hindi na lang po pala kayo nagpaluto sa chef natin ng dinner ninyo ni Sir?" "Alam mo, naniniwala kasi ako na 'A way to man's heart is through his stomach'. Saka gusto ko kasi, ako ang personal na mag-aasikaso sa asawa ko." "Ganoon po pala iyon..." Natigil ang usapan ng dalawa, at halos sabay pa silang napalingon nang biglang bumukas ang pintuan ng kitchen. Nang makita ang dumating ay agad na nagpunas ng mga kamay si Chynna at halos patakbong sinalubong ang kanyang asawa. "Boo!" Sabik na pinulupot ni Chynna ang kanyang mga braso sa leeg ni Geoff bago ito hinalikan sa mga labi. "Na-miss kita!" "Hmm... really?" malambing na tanong naman ni Geoff sa asawa. "Yes, handsome!" Kinagat pa ni Chynna ang pang-ibaba niyang labi saka nanunuksong kinindatan si Geoff. Tumaas naman ang isang sulok ng labi ng lalaki saka banayad na pinatakan ng halik ang noo ni Chynna kasabay ng mahinang pagtapik sa gilid ng kanyang balakang. "Tara na, Boo. May pupuntahan tayo." Biglang napakunot ang noo ni Chynna. "Huh? Eh paano 'yan? Nagluto ako eh." Ininguso pa niya ang lamesang kanina pa nakahanda. "Nagluto pa naman ako ng paborito mong caldereta..." "Ganoon ba?" Lumapit si Geoff sa lamesa at tinignan ang ulam na hinanda ng kanyang asawa. Pagkatapos ay kumuha siya ng kutsara at tinikman iyon. "Hmm... muntik nang masunog, ah?" Napangiwi naman si Chynna at napakagat-labi. "Napalakas yata ang apoy ko kanina..." "It's okay. Better luck next time, Boo." Nilapitan ni Geoff ang asawa at inakbayan ito. "We need to go. I have a surprise for you." Nagliwanag naman ang mukha ni Chynna. "Okay..." Matapos ay binalingan niya si Ayyang. "Pagsaluhan na lang ninyo itong mga niluto ko." --- Walang maapuhap na sabihin si Chynna nang pagtanggal niya ng kanyang blindfold, ay magisnan ang isang marangyang yate na nakahimpil sa port na kanilang kinaroroonan. Maliit ito kumpara sa iba, ngunit kakaiba ito sa lahat ng aspeto. Ang pinakamataas na palapag ay napakaliwanag dahil sa mga dekorasyong ilaw na iba't-iba ang kulay. Kapansin-pansin rin ang mga ilaw na nakalinya sa paligid ng yate, kulay light pink ang mga iyon na siyang paboritong kulay niya. "You named her after me?" namamanghang tanong ni Chynna nang makita ang pangalang nakalagay sa gilid ng yate. "Of course. It's yours, Boo." "For real?" Napatakip pa siya sa kanyang bibig habang nangniningning ang mga mata. "You're not dreaming." Nagpakawala ng isang matamis na ngiti si Geoff at pagkatapos ay may iniabot itong susi sa kanya. "Ito ang susi ng master's cabin ng yate. Ako mismo ang nagdesign ng interior, sana'y magustuhan mo ang magiging love nest natin." Agad nag-init ang mga pisngi ni Chynna kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na bigyan si Geoff ng pinong kurot sa tagiliran nito. "Ang naughty mo talaga!" Napahalakhak naman si Geoff sabay yakap sa beywang ng asawa. Yumakap naman pabalik si Chynna at mariing hinalikan sa labi si Geoff. "You never cease to amaze me, Boo. Sa araw-araw na kasama kita, palagi na lang akong nasosorpresa sa mga bagay na ginagawa mo para sa akin. At dahil doon, kaya lalo kitang minamahal. Pinatakan naman ni Geoff ng halik sa noo si Chynna. "Anything for you, Boo. Handa akong ibigay ang lahat ng ikaliligaya mo.""Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna
Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad
Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan
My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang