Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.
Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?" "Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish. Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan simula nang makapag-asawang muli ang ina nito. Nang mamatay naman ang tatay niya ay kinupkop na siya mga mga ito sa Maynila. "Ang drama mo naman... Ngayon mo pa ba ako gustong paiyakin? Mahal 'tong make-up ko, huh!" saad ni Chynna sa himig na nagbibiro. Inabot niya ang tissue na nasa kanyang harapan at idinampi-dampi iyon sa paligid ng kanyang mga mata. "Hindi naman sa ganoon... Kapag masaya ka kasi, mas lalo ang sayang nararamdaman ko." Tumayo si Chynna mula sa make-up chair at niyakap nang mahigpit ang kaibigan. "Hindi ko alam kung paano kitang pasasalamatan sa lahat ng naitulong mo sa akin, sissy." "Para ano pa't mag-bestfriend tayo, 'di ba? Para na nga tayong magkapatid eh... Kulang na lang nga ay lumabas tayo sa iisang kiffy!" Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Chynna. Natapik niya tuloy ang braso ni Irish na ikinatawa ng glam team na nasa paligid nila. "Lukaret ka talaga!" Naghagikgikan silang dalawa at nang magseryoso'y nagpaalam na rin si Irish. "Oh, siya... Sige na at hindi na kita iistorbohin. Mauuna na kami ni mama sa simbahan." Nang makaalis si Irish ay nagpatuloy na ang pag-aayos kay Chynna. Nagkaroon din ng pictorial at iba pang mga seremonyas bago sila nagtungo sa simbahan. --- Napapaligiran ng luha ang mga mata ni Chynna habang marahang naglalakad patungo sa altar ng simbahan. Hindi siya makapaniwala na naroon na siya sa harap ng Diyos, at ng mga taong magiging saksi sa pinakamaligayang araw ng buhay niya. Pakiramdam niya ay kumpleto na ang kanyang sarili. Pareho mang wala na ang kanyang mga magulang, napalitan naman iyon ng isang taong magmamahal sa kanya at siyang makakasama niya habambuhay. Maingat na idinampi ni Chynna sa gilid ng kanyang mga mata ang hawak niyang puting panyo. Nag-aalala siyang baka masira ang make-up niya kahit na alam naman niyang waterproof iyon. Iginala niya ang kanyang paningin, at nakita niyang halos lahat ng tao na naroon sa simbahan ay bago sa kanya maliban kina Irish at Tita Aireen niya. Dumako ang tingin ni Chynna kay Tita Aireen na maluha-luha habang hinihintay siya sa gitna ng aisle. Ito kasi ang maghahatid sa kanya patungo kay Geoff na napakagwapo sa suot na white suit. Kahit malayo, huling-huli ni Chynna kung paanong pinunasan ni Geoff ang mga mata nito habang buong pagmamahal na pinanonood siya sa kanyang paglalakad. Habang isinasagawa ang seremonyas ng kasal, ay tahimik na tahimik ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang puso naman ni Chynna ay punong-puno ng kagalakan. Hindi rin niya maiwasan ang pagiging emosyonal habang binibigkas ni Geoff ang wedding vow nito. "All my life, I’ve waited for the day I’d meet the one who would finally complete me. It feels like God has already granted me everything I’ve ever wished for—and above all, He gave me the one person I’ve been longing to spend forever with… and that person is you, Chynna. From this day forward, I vow my eternal devotion to you. I will love you, cherish you, and protect you for all the days of my life. And above all else, I promise to stand by your side through every joy and every storm—until my last breath, until death do us part. I love you so deeply, Boo." Inabot ni Geoff ang mga kamay ni Chynna at hinalik-halikan ang mga iyon. Masasalamin sa mga mata nito ang sinseridad ng mga sinabi nito. Nang oras naman ni Chynna para magsabi ng kanyang wedding vow, ay hindi na niya napigilan ang panginginig ng kanyang boses nang dahil sa sobrang emosyon. "Boo, unang-una sa lahat, salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Kinumpleto mo ako at pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na matagal ko nang inaasam-asam. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na mamahalin ako ng isang katulad mo. Sobrang thankful ako kay God kasi ibinigay ka niya sa akin. Mula sa araw na ito, ibinibigay ko sa'yo ang buo kong sarili upang mahalin, pangalagaan, protektahan at pagsilbihan ka nang buong puso ko. Ipinapangako ko sa'yo na palagi kong hahawakan ang mga kamay mo sa hirap man o ginhawa. Magiging mapagpasensya at mapagpatawad ako sa'yo kapag dumating ang panahon na hindi tayo magkakaintindihan. Handa akong gawin ang lahat para mapasaya ka dahil sobra kitang mahal, Geoff." Nang matapos magsalita si Chynna, buong suyo niyang pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ni Geoff habang binubulong dito ang "I love you". Nang ilibot niya ang kanyang paningin, nakita niya ang pagbaha ng emosyon sa mga taong nakasaksi sa kanilang sumpaan. Sa isang five-star hotel ginanap ang napaka engrandeng reception. Lahat ay napahanga sa napaka eleganteng design ng venue. Punong-puno ito ng mga imported na bulaklak na organisadong naka-display sa paligid. Kapag tumingala ka naman sa itaas, mayroong mga kulay silver na lobo na nakadikit sa ceiling. Napakaromantiko ring tignan ang makikinang at malalaking chandelier na siyang nagbibigay liwanag sa buong hall. Halos bumaha rin ng mga pagkain at inumin na mula sa isang sikat na catering services na kinuha ng Mommy ni Geoff para sa espesyal na okasyong ito. Mayroon ring mga sikat na banda at singers na inimbitahang magperform para mag-aliw sa mga guest sa buong oras ng reception. Ang mga bisita naman, karamihan sa mga ito ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Mayroon ding mula sa entertainment world tulad ng mga artista at mga modelo. "Masaya ka ba, Mrs. Chynna Hernandez-Montecarlo?" masuyong bulong ni Geoff sa tainga ni Chynna habang sumasayaw sila ng kanilang first dance as a married couple. "Sobra... Sobrang saya." Mayamaya'y pinatunog ng mga bisita ang hawak nilang wine glass sa pamamagitan ng pagtapik ng kanilang kutsara sa mga ito. "Kiss! Kiss!" Nagkatinginan naman ang bagong mag-asawa at buong lambing na hinalikan ang isa't-isa."Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna
Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad
Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan
My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang