Home / Romance / The Billionaire's Neglected Wife / CHAPTER 4: Unremembered

Share

CHAPTER 4: Unremembered

Author: inKca
last update Last Updated: 2025-09-02 12:44:01

"Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.

Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.

Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff.

"Nakahanda na po ang table, Ma'am."

"Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.

Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynna sa elevator upang umakyat sa third floor kung saan naroon ang kanilang kwarto. At sa pagbukas niya ng pintuan ng silid, nakita niyang gising na ang kanyang asawa na nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard ang ulo. Nakapikit ito habang nakasapo sa kanyang noo.

"Masakit ba ang ulo mo?" Agad na tanong niya nang tabihan ito.

Marahan naman tumango-tango si Geoff kaya naman agad niyang minasahe ang ulo nito.

"Ikaw naman kasi... Bakit ba masyado kang nagpakalasing kagabi?"

"Birthday kasi ni Jigs. Hindi ako makatanggi eh. Tapos ayaw pa akong pauwiin nina Cliff at Lester."

Ang tatlong lalaking tinutukoy ni Geoff ay mga dati na nitong kaibigan noong nag-aaral pa ito ng kolehiyo sa California. Minsan na rin silang nakilala ni Chynna nang imbitahan ni Geoff ang mga ito na magdinner sa mansyon.

"Halika na, baka lumamig ang mga pagkain. Paiinumin na rin kita ng pain reliever para matanggal 'yang headache mo." Tumayo na si Chynna at bahagyang hinila patayo ang asawa.

Magka-akbay nilang tinungo ang dining area. At nang makaupo si Geoff ay agad inasikaso ito ni Chynna.

"Siya nga pala, Boo... Do you have any plans for today?" nakangiting tanong ni Chynna kay Geoff.

Twenty seventh of the month kasi at ngayon ang ika-anim na buwan nila bilang mag-asawa. Matamang tinitigan ni Chynna ang asawa, umaasang mayroon itong inihandang sorpresa katulad ng mga nakalipas na monthsary nila. Ngunit napawi ang ngiti niya nang makita ang pagkunot ng noo nito.

"Ano bang mayroon ngayon?"

"Hindi mo naaalala?"

Napailing si Geoff at tumingin sa kanyang cellphone.

"Fvck! Twenty seventh pala ngayon..." Tumingin ito kay Chynna na tila nanghihingi ng pasensya.

Napatango-tango na lang si Chynna. Pilit na itinatago ang pagkadismaya.

"Okay lang. Masyado ka lang sigurong busy kaya nakalimutan mo." Itinuon ni Chynna ang  paningin sa kanyang plato.

Agad namang tumayo si Geoff at nagtungo sa likuran ni Chynna. Niyakap nito ang asawa at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"I'm so sorry, Boo..."

Hinawakan naman ni Chynna ang braso ni Geoff at marahang tinapik-tapik iyon.

"Okay lang. If you like, nood na lang tayo ng movie later then kain na lang tayo sa paborito nating restaurant. Wala ka namang pasok sa office today, right?"

Lumuwag ang pagkakayakap ni Geoff kay Chynna at napatuwid siya ng tayo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng asawa at bahagyang pinisil-pisil iyon.

"Boo... ano kasi eh..." Umupo si Geoff sa katabing upuan ng kay Chynna.

"Bakit?"

"Nakapangako kasi ako kila Jigs na maggo-golf kami ngayon. Hindi ako pwedeng umatras kasi matagal na iyong naka-set. Besides, may inimbita silang mga prospect investors para sa bagong business na itatayo namin."

Sa narinig ay napahinga nang malalim si Chynna upang alisin ang pagkadismaya. Unang beses na nangyari ito sa kanila.

"H-Hindi ba ako pwedeng sumama?"

"H-Hindi pwede, Boo. I'm so sorry."

"Okay, fine." Hindi maitago ang pagtatampo sa tinig ni Chynna. Tumayo siya sa kinauupuan niya at handa na sana siyang umalis ngunit maagap na nahawakan ni Geoff ang kamay niya.

"I'm sorry talaga, Boo. Huwag ka naman sanang magalit."

"Hindi ako galit. Disappointed, oo."

"Uuwi ako nang maaga mamaya. Promise, babawi ako."

Upang matapos na ay tumango na lamang si Chynna. Panghahawakan na lang niya ang pangako ni Geoff na babawi ito mamaya.

May bigat man sa loob niya, pipiliin pa rin niyang ipaghanda ang araw na ito. Nagluto siya ng mga pagkaing paborito nilang mag-asawa. Bumili rin siya ng flowers, balloons at iba pang pangdekorasyon para sa romantic dinner nila mamaya na ise-set up niya sa garden. Buong maghapon niyang inabala ang sarili upang iwaksi ang negatibong nangyari kaninang umaga.

Nang masigurong nakaayos na ang lahat, ay nagpasya na siyang maghanda ng sarili. Sisiguraduhin niyang magandang-maganda siya sa gabing ito. Isang black mini dress ang napili niyang suotin. Simple lang ang pagkakayari niyon pero napaka elegante. Ang buhok naman niya ay naka high ponytail para ma-emphasize ang scoop back style ng dress na suot niya.

Alas sais na ng gabi ngunit wala pa rin si Geoff.

"Ano ba 'yan... Sabi niya uuwi siya nang maaga..." anas niya nang sulyapan ang Cartier watch na suot niya.

Napagpasyahan niyang tawagan na ang asawa, ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.

Nagpasya siyang magtungo sa balcony upang silipin kung parating na ang sasakyan ni Geoff, ngunit wala pa rin ito.

Dumating pa ang ilang minuto, at nang sumapit ang alas siyete ay nagpasya na siyang doon na lamang niya hihintayin si Geoff sa may garden. 

Nakakaramdam na siya ng gutom, ngunit titiisin niya na lang 'yon hanggang sa dumating ang asawa niya.

Sinubukan niyang tawagan muli siya Geoff ngunit napag-alaman niyang naka-off na ang cellphone nito.

Ganunpaman, pilit pa rin niyang binibigyan ng katwiran ang lalaki. Inisip na lang niyang baka naipit ito sa traffic. Kilala naman niya ito na hindi sumisira sa pangako.

Unti-unti nang sumasama ang loob ni Chynna, at nang kumulog nang malakas ay halos mangiyak-ngiyak na siya.

"Not now... please?" mahinang pakiusap niya.

Tumingala siya sa langit ngunit hindi na niya nakita ang mga bituing nagniningning doon kanina. Malamig na rin ang hanging dumadampi sa balat niya tanda ng nagbabadyang ulan.

"Ma'am, uulan na po yata." naninimbang sa sabi ni Ayyang.

Saglit niyang sinulyapan ang kasambahay at awtomatikong nakuha naman nito ang ibig niyang ipahiwatig.

Gusto pa niyang hintayin si Geoff... Alam niyang hindi siya bibiguin nito.

Ngunit kasabay ng pagbuhos ng ulan, ay ang siya ring pagbagsak ng mga luha niya. Tuluyan nang nawala ang pag-asa niyang tutupad pa si Geoff sa ipinangako nito sa kanya.

"Tayo na po, Ma'am. Basang-basa na po kayo..." aya ni Ayyang sa kanya na may dalang malaking payong. "Baka magkasakit po kayo, eh."

Bago tuluyang tumayo si Chynna, ay pinagmasdan niya ang paligid. Pakiramdam niya ay tinusok ng libu-libong karayom ang puso niya nang makitang nabalewala lang ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang mga pagkaing niluto niya ay nasabawan na ng tubig ulan. Ang mga bulaklak na isinaayos sa paligid, ngayon ay nagkasira na. Ang nagniningning na fairy lights na nilagay niya, ngayon ay wala nang buhay.

Pakiramdam niya'y napakasaklap ng nangyari sa kanya. Nawalan lang ng saysay ang lahat ng effort niya. Ganito pala ang pakiramdam ng biglang naisantabi. Masakit para sa kanya na inuna pa ni Geoff ang mga kaibigan nito kaysa sa kanya. Masakit man isipin, ngunit tila nagkaroon siyang bigla ng kaagaw sa kanyang asawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 4: Unremembered

    "Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 3: Elation

    "Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 2: Two Become One

    Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 1: Wedding Vows

    Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan

  • The Billionaire's Neglected Wife   PROLOGUE

    My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status