Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.
Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito. Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon. -FLASHBACK- "Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad ni Chloe habang inaabot kay Chynna ang kanyang may kalakihang regalo. "Wow, mukhang maraming laman 'to, ah?" Excited na inalog-alog naman ni Chynna iyon. "Ano kaya ang mga laman nito?" "Basta't buksan mo na lang!" Pinalibutan si Chynna ng ilan pa niyang mga kaibigan upang makita rin nila ang laman ng malaking regalo. Inumpisahang punitin ni Chynna ang kulay pulang wrapper, at nang tuluyang mabuksan ang kahon ay puro confetti ang bumungad sa kanila. Tinulungan na ng mga kaibigan si Chynna na alisin ang mga iyon upang makita na ang mga nasa loob. Ang unang nakuha roon ay tatlong pares ng nighties. Masyadong daring ang pagkakayari niyon. Ini-imagine pa lang ni Chynna na susuotin niya iyon sa unang gabi nila ni Geoff, ay gusto na niyang pamulahan ng mukha. "Need pa ba talagang magsuot ng ganyan kapag first night?" Nakataas ang kilay na tanong ng isa pa niyang kaibigan na si Abby. "Oo naman, no! Tiyak na tatayo agad ang alaga ni Geoff kapag nakita niyang suot 'yan ni Chynna." "Huh?! Bakit hindi na lang maghubo't hubad kaagad para ready to fight na?" "Jusko, girls ang hahalay n'yo!" Napapailing na saway ni Chynna sa kanila habang may dinudukot muli sa loob ng kahon. "Aaayyyy!" Tili naman ng isa pa niyang kaibigan na si Anna nang makita ang sumunod niyang nakuha. Flavored lube iyon na may kasama pang s*x spray. "Ang taray! Maglalasang watermelon ang kiffy mo d'yan, dzai!" "May mga ganyan na pala ngayon... Si jowa ko kasi, laway lang ang ginagamit sa akin, eh." Si Abby na nakanguso pa habang nagsasalita. "Ewww! Kaya pala palagi kang amoy laway!" Nakaismid na tugon naman ni Chloe na biglang napangiwi nang pabirong hilahin ni Abby ang buhok niya. "Aray ko, huh!" "Tumigil nga kayo r'yan! Myghaad, Chloe! Kinakabahan na tuloy ako dahil baka mamaya ay kung ano na naman ang madukot ko rito!" Sa halip na sumagot si Chloe, ay nginisian lang nito si Chynna. Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Chynna nang isa-isa niyang ilabas sa kahon ang iba't-ibang uri ng s*x toys! "Bakit may mga ganyan pa? Hindi pa ba sapat ang sandata at dila ni Geoff para kay Chynna?" painosenteng tanong ni Anna. "Pero Chynna, I suggest na unahin n'yong gamitin 'yang ring na may mga spikes!" "Malamang lumampas na sa langit si Chynna kapag ginamit nila 'yang mga regalo mo, Chloe!" Pakiramdam ni Chynna ay nag-iinit na ang mga pisngi niya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya. "Jusmiyo, Chloe! Hindi ko na kinakaya 'tong mga regalo mo." "Aba'y dukutin mo na 'yong pinakahuli para lalo kang maloka!" Nang kunin ni Chynna ang pinakahuling laman ng kahon ay napakunot ang noo niya. "K-Kamasutra?" Nagniningning naman ang mga matang tumango-tango si Chloe. "Yes, girl! Ang librong 'yan ang magtuturo sa'yo ng iba't-ibang s*x positions! D'yan ako natuto kaya shine-share ko naman sa'yo ngayon." -END OF FLASHBACK- Mula nga noon ay na-curious na si Chynna sa librong iyon. Sa kagustuhang pag-aralan kung paano niya paliligayahin sa kama si Geoff, ay binasa at inaral niya ang nilalaman no'n. Inilapag ni Chynna ang hawak niyang wine glass sa gilid ng jacuzzi, at pagkatapos ay umikot siya paharap sa kanyang asawa. Umupo siya sa mga hita nito at hinayaang magdikit ang kanilang mga katawan. Bahagya namang kinabakasan ng pagkabigla ang mukha ni Geoff dahil sa inaktong iyon ni Chynna. Binigyan pa siya ng mapang-akit na ngiti ng asawa, bago nito kinabig ang kanyang batok upang gawaran siya ng isang mainit na halik. Naramdaman naman ni Chynna ang paninigas ng katawan ni Geoff, marahil ay nabigla ito sa ginawa niya. Kaya marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi nito, at nang bahagyang bumuka iyon ay ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ng asawa. Napahigpit ang pagkakayapos ni Chynna sa batok ni Geoff nang gantihan siya nito ng mapusok na halik. Pakiwari ni Chynna ay nalalasing siya sa paraan ng paghalik ng asawa. Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Akin ka lang, Boo..." "Oo, sa'yo lang ako..." Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Geoff. Sa pamamagitan ng kanyang bibig ay isa-isa niyang inalis ang mga munting saplot na tumatakip sa ilang bahagi ng katawan ni Chynna. Si Chynna naman ay halos mapugto ang paghinga dahil sa kiliting hatid ng mainit na labi ni Geoff na dumadantay sa kanyang balat. "Nababaliw ako sa'yo, Boo..." anas ni Geoff habang maingat na binubuhat si Chynna upang doon sa malambot nilang kama ipagpatuloy ang mainit nilang romansa."Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna
Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad
Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan
My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang