Share

CHAPTER 5: Making Up

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2025-09-10 03:31:25

Magdamag na iniyakan ni Chynna ang nangyaring iyon. Hindi na nga niya alam kung anong oras na ba siya nakatulog nang nagdaang gabi. Basta't ang natatandaan lang niya, ni anino ni Geoff ay hindi pa niya nakita nang siya'y makatulog.

Mabigat na mabigat tuloy ang pakiramdam niya nang siya'y magising. Masakit ang ulo niya pati na ang kanyang mga mata.

Pikit-mata niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bedside table, at nagulat siyang alas nuwebe na pala ng umaga. Tumingin siya sa kanyang tabi at nakitang wala si Geoff doon. Bukod do'n ay maayos na maayos at walang lukot ang unan na siyang ginagamit ng kanyang asawa.

"Umuwi kaya siya?" bulong na tanong niya sa kanyang sarili.

Magsisimula na naman sana siyang maiyak nang biglang bumukas ang pintuan.

"Good morning, Boo!" nakangiting bati ni Geoff sa kanya. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain. "Tamang tama pala na naihanda ko na ang breakfast mo... Niluto ko ito para sa'yo."

Malaki ang tampo ni Chynna sa asawa... Ngunit nang makita niya ang gwapong mukha nito na nakangiti sa kanya, tila gustong kalimutan ng puso niya ang paglimot nito sa monthsary nila kahapon. Ganunpaman, sinasabi ng utak niyang hindi maaari iyon kaya naman hindi niya ginantihan ang matamis na ngiti nito. Pinanatili niyang blangko ang kanyang itsura habang lumalapit ito sa kanya.

"I'm so sorry about last night, Boo." wika ni Geoff nang mailapag nito ang tray sa ibabaw ng breakfast table. Tinabihan siya nito at pagkatapos ay yumakap sa kanyang beywang.

"Kaya mo na pala akong balewalain."

Sa narinig ay agad pinagtama ni Geoff ang paningin nila ni Chynna. "It's not what you think, Boo... After kasi naming mag golf ay niyaya pa ako ng tatlo. Nakakahiya naman kung hindi ko sila masasamahan—"

"Ahh ganoon ba? Ayaw mong mapahiya sa kanila kaya ako na lang ang nilaglag mo?" nasa tono ni Chynna ang hinanakit.

Napaupo naman nang diretso si Geoff. Tila nagulat ito sa sinabi ng asawa.

"Please try to understand, Boo... Matagal kaming hindi nagkita-kita, and at the same time, nagcelebrate kami dahil naisara namin ang deal sa mga investors kahapon."

"Eh 'di sana hindi ka nangako!" Hindi na napigilan pa ni Chynna ang pagsambulat ng sama ng loob niya. "Naghanda ako kahapon, Geoff... kasi sabi mo uuwi ka nang maaga... Kinalimutan ko ang pagtatampo ko sa'yo kasi sabi mo babawi ka! Tapos ano? Sa wala lang pala mauuwi ang lahat ng effort ko kasi mas pinili mong isantabi ako?!"

Tuluyan nang umiyak si Chynna. Si Geoff naman ay pinipilit siyang yakapin upang pakalmahin siya kahit pa tinatabig-tabig niya ang mga kamay nito.

"Please, hayaan mong makabawi ako sa'yo..." nagsusumamong wika ni Geoff. Hinahalik-halikan niya ang gilid ng ulo ni Chynna. "Kumuha ako ng leave of absence para makapag spend ako ng time sa'yo. As a matter of fact, nagbook na ako ng flight natin to Maldives. Hindi ba't matagal na nating plano 'yon?"

Wala sa loob na napatango si Chynna. Nang marahang punasan ni Geoff ang mga luha sa mata niya ay unti-unting natunaw ang hinanakit sa puso niya. Ramdam naman niya ang sinseridad ng asawa at ngayon lang din naman nito nagawa ang bagay na iyon. Alam niyang hindi naman nito iyon sinasadya kaya naman patatawarin na niya ito at kakalimutan na niya ang nangyari.

"Huwag mo nang uulitin, ha?"

"I won't." Itinaas pa ni Geoff ang palad niya na tila nanunumpa. "Promise."

Matapos kumain ng breakfast ay agad na gumayak ang dalawa patungo sa airport. Mahaba-haba ang flight nila kaya't gugugulin ni Chynna iyon sa pagtulog. Kailangan niyang magrecharge para naman hindi naman siya mukhang ngarag na ngarag sa oras na tumuntong ang mga paa niya sa lugar na pangarap niya.

Ang kiliting dulot ng mainit na hininga ni Geoff ang gumising kay Chynna.

"Wake up, Boo. We're about to land."

Nagising naman ang diwa ni Chynna at agad na nakaramdam ng excitement. Sumilip siya sa bintana, at habang dahan-dahang bumababa ang eroplanong sinasakyan nila ay tila tumigil ang kanyang paghinga nang makita ang napakagandang tanawin. Para sa kanya, ang Maldives ay tila isang pangarap na nakahabi sa dagat. Ang asul na kulay ng tubig nito ay parang pintura ng langit na umapaw sa karagatan. Ang maliliit na isla ay tila mga hiyas na nakakalat at napapalibutan ng puting-puting buhangin. At mula sa himpapawid, kitang-kita rin ang nagniningning na mga coral reefs na animo'y mga salaming dinisenyo ng kalikasan. Nagmistulang yumuko ang langit upang hagkan ang dagat, at siya ay isang mapalad na saksi sa mahiwagang pagsasanib na iyon.

"Beautiful, isn't it?"

"Sa mga magazine ko lang kadalasang nakikita ang ganito..." Tila nananaginip na sagot naman ni Chynna. "Sobrang ganda..."

Nagpakawala naman ng mahinang pagtawa si Geoff. "Well, maganda naman talaga... pero syempre, wala namang mas gaganda pa kaysa sa asawa ko." Matapos sabihin iyon ay marahang kinabig ni Geoff ang mukha ni Chynna paharap sa kanya at pagkatapos ay nilapatan nito ng mainit na halik ang labi ng asawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 5: Making Up

    Magdamag na iniyakan ni Chynna ang nangyaring iyon. Hindi na nga niya alam kung anong oras na ba siya nakatulog nang nagdaang gabi. Basta't ang natatandaan lang niya, ni anino ni Geoff ay hindi pa niya nakita nang siya'y makatulog.Mabigat na mabigat tuloy ang pakiramdam niya nang siya'y magising. Masakit ang ulo niya pati na ang kanyang mga mata.Pikit-mata niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bedside table, at nagulat siyang alas nuwebe na pala ng umaga. Tumingin siya sa kanyang tabi at nakitang wala si Geoff doon. Bukod do'n ay maayos na maayos at walang lukot ang unan na siyang ginagamit ng kanyang asawa."Umuwi kaya siya?" bulong na tanong niya sa kanyang sarili.Magsisimula na naman sana siyang maiyak nang biglang bumukas ang pintuan."Good morning, Boo!" nakangiting bati ni Geoff sa kanya. May dala itong tray na naglalaman ng pagkain. "Tamang tama pala na naihanda ko na ang breakfast mo... Niluto ko ito para sa'yo."Malaki ang tampo ni Chynna sa asawa... Ngunit nang makita ni

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 4: Unremembered

    "Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 3: Elation

    "Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 2: Two Become One

    Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad

  • The Billionaire's Neglected Wife   CHAPTER 1: Wedding Vows

    Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan

  • The Billionaire's Neglected Wife   PROLOGUE

    My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status