INICIAR SESIÓN“Ma, please tulungan niyo ako.”
Humikbi ako habang sinusubukan hawakan ang kamay ni mama. Desperada na akong gawin ang lahat matulungan lang nila ako. Sinampal niya ako, bagay na hindi na bago sa akin. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay natumba at sumubsob ang mukha ko sa lupa. Gumapang ako palapit kay mama, nanginginig ang kamay na niyakap ang paa niya. Wala na akong ibang maisip na tutulong sa akin kung hindi ang sarili kong pamilya. “Mama!” humagolgol ako. Ngunit hindi ko makita ang awa sa mukha ng aking ina. Kahit si papa na nasa tabi niya ay galit na nakatingin sa akin. Hinahayaan si mama sa ginagawa sa akin, bagay na hindi ako sanay dahil ako ang pinaka paborito ni papa sa aming apat na magkakapatid. Nakikita ko naman ang awa sa mga kapatid ko, ngunit wala silang boses para maipagtanggol ako dahil takot sila na sa kanila naman maibaling ni mama ang galit niya sa akin. Tinadyakan ni mama ang mga kamay kong nakahawak sa paa niya. “Pagkatapos mong tumalikod sa pamilya natin babalik ka? Astrid nakakalimutan mo na yata na hindi ka na parte ng pamilya ko.” Nanlumo ako. Tinalikuran ako ni mama at tuluyan pumasok sa loob. “Papa!” Pagkuha ko ng attention ni papa. Umiling lang siya ng tingnan ako. Halata ang disappointed sa kanyang mukha. Sumunod siya kay mama papasok sa loob. “Pumasok na tayo sa loob.” Utos niya sa tatlo kong kapatid ng walang gumalaw sa kanila. Walang nagawa ang tatlo kung hindi tingnan ako ng may awa bago sumunod sa mga magulang naming pumasok sa aming bahay. “I’m sorry ate.” Malungkot na sabi ni Alma bago sinara ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko ng sumikip ito. Ang sakit! Ang mga taong akala ko malalapitan ko sa oras ng pangangailangan sa kabila ng ginawa ko sa kanila noon, tuluyan akong tinalikuran. Muling bumalik ang sakit noong unang beses na pinagtabuyan nila ako palabas ng bahay. Alam ko naman na nagkamali ako pero pamilya pa rin naman nila ako eh. Sana kahit kunting awa ipinakita nila, pero kung tratohin nila ako para na akong ibang tao sa paningin nila. Sana naisip nilang anak pa rin nila ako. Nawalan na ako ng pag-asa. Bagsak ang katawan ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi mahinto ang luha sa pagpatak sa pagod ko ng mga mata. Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung paano ko magagawan ng paraan ang problema ko. Ang hirap, lalo na kung wala kang ibang malalapitan. Gusto ko ng sumuko pero kung susuko ako, paano na ang taong umaasa sa akin? Nanghihina kong nilibot ang mga mata sa buhay na city. Kagaya ko ay may naglalakad at ang iba naman ay nakasakay sa mga mamahalin nilang sasakyan. Napansin ko yung babaeng kaedaran ko lang na nakasuot ng magarang damit at may hawak na mamahalin bag. Samantala ako ay nakasuot ng pulang bestida na binili ko lang sa ukay. Kung hindi siguro nangyari ang bagay na iyon baka nabibili ko na din ang lahat ng gusto ko. Hindi sana ako pinalayas nila mama. Baka nakapagtapos pa ako ng pag-aaral, pero malupit ang mundo. Binigyan ako ng dahilan para hindi na subukan pa na mangarap. Huminga ako ng malalim at muli na naman napaluha. Ang daya naman ng mundo, wala naman akong ginagawang masama ngunit nararanasan ko ang lahat ng ito. Bakit ba hindi naging magaan sa akin ang lahat? Mariin akong napapikit at ng imulat ang mata ko ay tumama ito sa isang papel na nakadikit sa isang poste. Lumapit ako at nagkaroon ng pag asa ng mabasa ang nakasulat. 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰𝘴 𝘙𝘦𝘢𝘭 𝘚𝘵𝘢𝘵𝘦 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘺 𝘪𝘴 𝘭𝘰𝘰𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘴𝘦𝘤𝘳𝘦𝘵𝘢𝘳𝘺. Alam ko ang kumpanya na ito dahil sikat ito sa buong lugar. Malapit lang ito dito kaya naman nagmadali ako sa pagpunta. Ito na siguro ang tulong na kailangan ko. Sobra siguro akong nakakaawa kaya tinulungan na ako ng Diyos. Mabuti na lang dahil may dala akong resume. Dala-dala ko ito dahil naghahanap talaga ako ng trabaho. Hindi ako nakapagtapos ng high school. Pa graduate na ako noon ng tumigil ako, ito ang dahilan kung bakit galit sa akin sila mama. May posibilidad na hindi ako makukuha, dahil sino ba ang maghire ng taong hindi naman nakapagtapos? Pero aasa pa rin ako. Hindi ko naman siguro ito malalaman ng walang dahilan. “I’m sorry Miss Reyes but you’re not qualified for our requirements.” Magalang na sambit ng nag interview. “Please ma’am , kahit anong trabaho na lang po.” Pagmamakaawa ko. “Kahit tagalinis po ng banyo o janitress tatanggapin ko po.” “Miss Secretary ang hinahanap namin. Mag apply ka na lang sa iba.” Naiinis na sambit niya. Tatalikuran na sana niya ako ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. “Ma’am, hindi niyo po ako naiintindihan kailangan ko po ng trabaho.” Garalgar ang boses na sambit ko. Tinignan lang niya ako ng masama bago mariin na tinanggal ang palad ko sa kamay niya. “Hindi mo rin ba maintindihan na hindi ikaw ang hinahanap namin?” Umirap pa siya bago ako tinalikuran. Umiling ako. Desperada ng gawin ang lahat makuha lang ako. Muli ko siyang hinarangan sa kanyang dinadaanan kaya binigyan niya ako ng matalim na tingin. Nahihiya akong ngumiti. “Ma’am wala po bang ibang bakante? Kahit ano po na pwede ko pong paso—” “Umalis ka nga diyan, istorbo ka sa trabaho ko.” Inis niya akong itinulak paalis sa kanyang daanan. Tuluyan ng lumaylay ang braso ko. Walang pag-asa. Huminga ako ng malalim, hindi ako pwedeng sumuko. Baka hindi talaga para sa akin ang kompanya na ito. Masyado naman kasi akong desperada para isipin na ang walang pinag aralan kagaya ko ay maka trabaho sa ganitong kalaking kompanya. “Do you need work?” Napatigil ako ng makarinig ng baritong boses galing sa likod ko. Humarap ako sa taong nagsalita at halos manigas ng makaharap siya. Oh my god. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi ko pa rin makakalimutan ang mukha niya. Kagaya ng una ko siyang nakita, naka polo pa rin siya ngunit ngayon ay kulay puti na. Ang lakas ng dating niya. Sa postura pa lang makikita na ang kapangyarihan niya. Nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang pants. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko. Napalunok naman ako bago dahan-dahan na tumango. “O-Oo! Kailangan ko nga.” Mahinang sagot ko, para niyang hinigop ang lahat ng tapang at lakas ko kanina. “Follow me..” Utos niya bago ako lagpasan. Sinundan ko siya ng tingin. Lahat ng madadaanan niya ay yumuyuko sa kanya at nagbibigay ng galang. Napalunok ako bago siya sinundan. “𝘛𝘦𝘭𝘭 𝘮𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘮𝘰𝘳𝘦.” Muling nag echo ang sinabi niya sa akin limang taon na ang nakalipas. Mariin akong napapikit at tinawag ang lahat ng santo na kilala ko upang hilingin na sana hindi niya ako nakilala. Dahil ang lalaking iyon ay ang lalaking tinakasan ko limang taon na ang nakalipas. Kung saan may isang beses na may nangyari sa amin. 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢! Ang munting panalangin ko sa sarili habang patuloy pa rin sa pagsunod sa binata.Ilang araw na ang nakalipas magmula nang magising si Thor at hindi ako maalala.Isang linggo na ang lumipas sa sunod-sunod na pagsusuri at gamutan. Unti-unti na siyang lumalakas, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Hindi ko siya iniwan; nanatili ako sa tabi niya kahit na yelo ang pakikitungo niya sa akin. Kung kailangan kong magsimula sa simula, gagawin ko. Dahil kung may natutunan man ako sa lahat ng pinagdaanan namin, iyon ay ang katotohanang walang madaling laban pagdating sa taong mahal mo.Ngayong hapon, pumasok ako sa kanyang kwarto bitbit ang prutas na binalatan ko. Saktong nakita ko siyang hawak ang photo album na iniwan ko sa kanya noong isang gabi. Nakatitig siya sa isang partikular na pahina—ang litrato kung saan nasa loob kami ng bahay, parehong may malalaking ngiti habang nakatingin sa isa’t isa nang may purong pagmamahal.Nang marinig niya ang gulong ng wheelchair ko, mabilis niyang isinara ang album at inilapag ito sa gilid, binalot muli
Ilang oras matapos ang marahas na katotohanang sumampal sa akin, nanatili pa rin ako sa sulok ng madilim at malamig na pasilyo ng ospital. Karga ko si Astria na sa wakas ay nakatulog na rin pagkatapos ng walang humpay na pag-iyak. Basang-basa pa rin ng luha ang kanyang maliliit at namumulang pisngi. Ang sakit na idinulot ng pagtanggi ni Thor sa sarili niyang dugo at laman ay tila isang lason na dahan-dahang pumapatay sa bawat hibla ng aking puso. "Hija..." Lumapit si Mama sa akin, may hawak na baso ng tubig. "Uminom ka muna. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo. At para na rin sa sarili mo." Kinuha ko ang baso ngunit nanatili lang itong nakatigil sa aking kandungan; hindi ko magawang uminom. "Ma... paano naging ganoon kalupit ang tadhana? Kung kailan wala na si Sofia, kung kailan gising na si Thor... doon pa ba kami tuluyang nabura sa buhay niya?" Ang boles ko ay basag na basag, gumaralgal sa tindi ng dalahin. "Wala ako... wala kami sa alaala niya." Hinaplos ni Mama ang li
Habang lumilipas ang mga araw na nakasama ko si Thor, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kaya naman talagang gumuho ang mundo ko sa mga binitiwan niyang salita. “Who are you?” Ang boses na dati’y nagbibigay sa akin ng kalinga at init, ngayon ay parang isang matalim na kutsilyo na dumeretso sa puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Thor—mga matang gising, ngunit walang bakas ng kahit anong pagkakakilanlan sa akin. “L-Love… hindi mo ba ako naaalala?” nanginginig kong tanong. Pilit kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya, umaasang sa pamamagitan ng balat sa balat ay may kislap na babalik sa kanya. “Ako ito… si Astrid. Ang asawa mo.” Ngunit marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Isang reaksyon na mas masakit pa kaysa sa anumang sampal. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang paghagulhol. “Asawa?” mahinang ulit ni Thor. Kumunot ang kany
Apat na araw na ang lumipas mula noong gabing dumanak ang dugo sa ICU ward. Inilipat kami ng mga tauhan ni Matteo sa isang pribado at mas ligtas na suite sa pinakatuktok ng ospital—isang lugar na binantayan na ng tatlong patong ng mga armadong gwardya. Wala na si Sofia. Alam kong dapat ay payapa na ang isip ko, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang huling halakhak niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento. Ngunit ngayon ang February 10. Ang mismong araw ng kaarawan ng aming anak na si Astria. "Happy birthday, anghel ko," bulong ko habang hinahalikan ang noo ni Astria na nakaupo sa aking kandungan. May maliit na cupcake sa ibabaw ng lamesa na may nag-iisang kandila. Walang malaking handaan, walang ingay. Ang tanging hiling ng anak ko, tulad ng lagi niyang sinasabi, ay ang magising na ang kanyang Papa. Inilapit ko ang aking wheelchair sa gilid ng kama ni Thor. Hawak ni Astria ang maliit niyang laruan habang ang isa niyang kamay ay pilit na inaabot an
Ang putok ng baril ay parang kulog na yumanig sa apat na sulok ng ICU. Sa tindi ng lakas ng tunog, tila nabingi ako ng ilang segundo. Nakita ko kung paano tumalsik ang hiringgilya mula sa kamay ni Sofia nang tamaan ng bala ang kanyang braso. Napasigaw siya sa matinding sakit, hawak ang kanyang duguang pulso habang umaatras patungo sa gilid ng bintana. Sa may pintuan, nakatayo si Matteo. Hawak ang kanyang rebolber na may umuusok pang dulo, ang kanyang mukha ay parang sa isang demonyong handang pumatay. "Sabi ko sa iyo, Sofia..." malamig na pahayag ni Matteo habang mabilis na humahakbang papalapit, ang dulo ng baril ay nakatutok na ngayon sa pagitan ng mga mata ng babae. "Ang ospital na ito ang magiging huling hantungan mo." Ngunit bago pa man makalapit nang tuluyan si Matteo, isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng pasilyo. Biglang may sumabog na smoke grenade sa tapat mismo ng nakabukas na pinto ng ICU. Ang makapal, kulay-abo, at nakasasakal na usok ay mabilis na pu
"Sigurado ka bang malinis ang buong paligid, Shan?" tanong ko habang nakatitig sa mga monitor ng CCTV sa security room ng ospital. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mamatay ang espiya sa fire exit, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang buong building. "Yes. Nagtaas tayo ng red alert noong unang gabi dahil sa burner phone na nakuha mo, pero mukhang naging false alarm ang inaasahan nating paglusob. Walang cleanup crew na dumating," sagot ni Shan habang humihigop ng kape. "Baka natunugan ni Sofia na nahuli mo ang tauhan niya." Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nanatiling tahimik ang mga nagdaang araw. Ngunit hindi kami basta magpapakampante; baliw na si Sofia. Ang sakit lang isipin na dahil sa labis na pagmamahal ay nasiraan siya ng isip. "Huwag kayong pakasisiguro. Ang kalmado ng bagyo ay palatandaan lang na may mas malaking delubyong darating," malamig kong paalala bago ako tumayo para tingnan ang lagay nina Astrid sa ita
Nanatili akong nakatitig sa bintana, pilit na hinahanap ang aninong sinasabi ni Astria, pero tanging ang sarili kong repleksyon na puno ng takot ang nakikita ko sa salamin. Ang "shhh" na sinabi ng bata ay tila isang malakas na sampal sa akin—isang paalala na ang katahimikang hinihingi ng misteryoso
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari... Ngunit Astrid! Kailanman ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa iyo!"Nabigla ako sa kanyang sinabi. Sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot ng pamilya ko, nagawa pa rin niyang sabihin iyon. Ang kanyang boses ay puno ng katapatan, ngun
Nanatili akong nakatayo, hindi pa rin lubos na maiproseso ang presensya niya sa loob ng kwartong ito. Ngunit ang kanyang mga mata—puno ng lungkot at pagsisisi—ay tila nag-iba ang kislap nang dumaong ang mga ito kay Astria. Dahan-dahan siyang naglakad palapit, ang bawat hakbang ay maingat na tila na
Bawat lunok ko ng alak sa lalamunan ay kasing pait ng mga nadatnan ko kanina sa bahay ng boyfriend kong si Paul. Dalawang taon ng relasyon namin, ang lahat ng tiwala ko ay minsanan nawala sa isang segundo matapos ko siyang mahuli na nakapatong sa babae habang parehong inaabot ang langit. “𝘈𝘴𝘵𝘳�





![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

