Compartilhar

Chapter 3

Autor: Tsukimi
last update Data de publicação: 2026-10-11 22:25:36

Ian's POV

"Fine! Call me when you're done, okay? I love you!" malambing na saad ni Celeste sa kabilang linya.

"I will. I love you, too," sagot ko bago tuluyang ibaba ang tawag.

Nang tuluyang mawala ang boses niya, agad na napawi ang ngiti sa labi ko. I stared at my phone for a few seconds before dialing another number.

Bianca.

"Hey, you can come now," sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

"Finally," natatawang sagot niya. "I've been waiting for you to say that."

"Just hurry up."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na ibinaba ang tawag.

Kung bakit ko ginawa 'yon?

Simple lang. Mayroon s'yang isang bagay na hindi kayang ibigay sa akin ni Celeste.

Halos dalawang taon na kaming magkarelasyon, pero kahit minsan, hindi pa kami umabot sa puntong gusto kong marating ng relasyon namin. Sa tuwing sinusubukan kong ilapit ang usapan sa ganoong bagay, palagi niya akong pinapaalalahanang hindi pa siya handa.

At first, I respected that. I told myself I could wait because I loved her— or at least, that's what I wanted to believe.

At imbes na kausapin siya nang maayos tungkol sa nararamdaman ko, naghanap ako ng ibang taong kayang ibigay ang mga bagay na ipinagkakait sa akin ni Celeste.

Bianca

Matagal ko nang kilala si Bianca bilang kaibigan ni Celeste, kaya nagulat ako nang ipinakilala siya sakin nang mga magulang ko.

Lumaki ako sa pamilyang mas mahalaga ang pangalan, kapangyarihan, at kayamanan kaysa sa tunay na nararamdaman ng bawat isa. Para sa kanila, hindi sapat na mayaman kami. Kailangan kami ang pinakamayaman, ang pinakamaimpluwensiya, at ang pamilyang hinahangaan ng lahat.

At iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi nila maatim ang pamilya Laurent.

Mula sa wala, nagawa ng mga Laurent na magtayo ng sarili nilang negosyo at palaguin iyon hanggang sa maging isa sila sa mga kinikilalang pamilya sa mundo ng negosyo. Hindi nila kailangang ipagmalaki ang kanilang yaman dahil ang mga nagawa nila mismo, ang nagsasalita para sa kanila.

At higit sa lahat, hinahangaan sila ng mga tao.

Isang bagay na hindi kailanman naging sapat para sa mga magulang ko.

Hindi nila kayang tanggapin na may ibang pamilyang mas hinahangaan kaysa sa amin. Para sa kanila, ang tagumpay ng mga Laurent ay parang paalala na kahit gaano pa kalaki ang yaman namin, may mga taong mas iginagalang pa rin kaysa sa amin.

Kaya nang malaman nilang nakikipagrelasyon ako kay Celeste Laurent, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng pamilya, hindi ko inaasahang magiging masaya sila.

Sa katunayan, iyon ang unang pagkakataong nakita kong na proud sa akin ang tatay ko.

"Finally, Ian," sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. "May nagawa ka ring tama."

Hindi ko makalimutan ang mga salitang iyon.

Sa loob ng maraming taon, pakiramdam ko ay wala akong ginagawang sapat para sa kaniya. Kahit anong gawin ko, palagi pa rin akong ikinukumpara sa ibang tao. Palagi akong pinaparamdamang kailangan kong patunayan ang sarili ko.

Pero nang araw na iyon, sa wakas, nakita niya ako bilang isang anak na may silbi.

At ang nakakalungkot, sapat na iyon para sumang-ayon ako sa plano nila.

I did love her, pero mas mahalaga sa'kin na patunayan ang sarili ko sa nga magulang ko.

Doon ko lang din nalaman na matagal na pala nilang pinagpaplanuhan ang lahat. Matagal na nilang gustong makalapit sa pamilya Laurent, pero hindi nila makita kung paano iyon magagawa nang hindi nagmumukhang halata ang tunay nilang intensiyon.

Nang malaman nilang magkarelasyon kami ni Celeste, nakita nila ang pagkakataong matagal na nilang hinihintay.

Ang plano nila ay simple lang: pakakasalan ko si Celeste, kukunin ang tiwala ng pamilya niya, at unti-unting makakapasok sa negosyo ng mga Laurent. Kapag napasa-kamay na namin ang kumpiyansa nila at nagkaroon na kami ng sapat na impluwensiya sa kanilang kumpanya, saka namin sila tatalikuran.

Sa madaling salita, gagamitin namin si Celeste para makuha ang lahat ng mayroon ang pamilya niya.

At pagkatapos, iiwan namin silang walang kalaban-laban.

Noong una, ayokong pumayag. Napa-isip ako kung sapat na bang motibo ang inggit ng pamilya ko para gawin 'to sakanila. O baka naman may iba pa silang motibo.

Hindi ako tanga para hindi maintindihang malaking gulo ang puwedeng idulot ng plano nila. Hindi ordinaryong pamilya ang mga Laurent, at kung malaman nila ang ginagawa namin, hindi lang pangalan ng pamilya Roswell ang maaaring masira.

Pati ang kinabukasan ko.

Bukod pa roon, wala namang ginawang masama sa akin si Celeste para tratuhin ko siya nang ganoon.

Pero nagbago ang lahat nang ipakilala sa akin ng mga magulang ko si Bianca.

Naalala ko pa ang araw na iyon. Nakaupo siya sa sala namin, nakangiting para bang matagal niya na itong hinihintay, habang ipinapaliwanag ng nanay ko kung paano siya makatutulong sa plano namin.

"Mas kilala ni Bianca ang pamilya Laurent kaysa sa iniisip mo," paliwanag ng nanay ko. "At handa siyang tulungan tayo."

Napakunot-noo ako.

"Why would you do that?"

Ngumiti lang si Bianca bago sumandal sa kinauupuan niya.

"Let's just say I have my own reasons."

Dapat ay nagtanong pa ako. Dapat ay sinubukan kong alamin kung ano talaga ang pakay niya at kung bakit ganoon na lamang siya kadaling pumayag na makisangkot sa isang planong kayang sumira ng buhay ng ibang tao.

Pero hindi ko ginawa.

Sa halip, hinayaan kong makapasok siya sa buhay ko.

At habang tumatagal, hindi na lang siya basta kasabwat sa plano ng pamilya namin. Siya rin ang naging takbuhan ko tuwing napapagod akong magpanggap bilang perpektong boyfriend ni Celeste.

Sa kaniya ko nailalabas ang sama ng loob ko sa mga magulang ko. Sa kaniya ko nasasabi kung gaano ako nagsasawang palaging kailangang patunayan ang sarili ko. At sa tuwing pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa sarili kong buhay, naroon siya para pakinggan ako.

Pakiramdam ko, naiintindihan niya ako.

At marahil, iyon ang dahilan kung bakit naging madali para sa akin na kalimutan ang katotohanang may girlfriend ako.

Alam kong nagtitiwala sa akin si Celeste. Alam kong ipinagtatanggol niya ako sa tuwing may nagtatanong kung seryoso ba talaga ako sa kaniya. Naniniwala siya sa bawat matatamis na salitang sinasabi ko at sa bawat pangakong binibitawan ko.

At ang pinakamasakit na katotohanan?

Hindi ko naman kailangang magsinungaling nang ganoon kagaling. Kailangan ko lang sabihin sa kaniya ang totoo.

Pero hindi ko ginawa.

Dahil ayokong mawala sa akin ang lahat ng maaari kong makuha sa pamamagitan niya.

Ang pamilya niya. Ang kumpanya nila. Ang kayamanan nila.

At ang kinabukasang ipinangako sa akin ng mga magulang ko kapalit ng pagtataksil ko sa babaeng nagmamahal sa akin.

Biglang umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Isang mensahe mula kay Bianca ang bumungad sa screen.

"I'm outside. Open the door, handsome."

Tumayo ako at naglakad papunta sa p***o.

Saglit kong naisip si Celeste. Marahil ay nasa bahay siya ngayon, nakangiti habang iniisip ang susunod naming pagkikita. Marahil ay iniisip niyang mahal na mahal ko siya at wala akong ibang babaeng tinitingnan.

Hindi niya alam na ilang sandali na lang, gagawin ko na naman ang isang bagay na tuluyang sisira sa tiwala niya sa akin.

Binuksan ko ang p***o at tumambad sa akin si Bianca, nakangiting para bang alam na alam niya kung ano ang nasa isip ko.

"Missed me?" bulong niya habang pumapasok.

Isinara ko ang p***o sa likuran niya.

"Not enough to make you my girlfriend," sagot ko.

Mahina siyang natawa bago ipulupot ang mga braso niya sa leeg ko.

"Don't worry, Ian. I know exactly what I am to you."

And somehow, that made everything easier.

Because unlike Celeste, Bianca knew this was never about love.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 9

    Celeste's POV"You must attend business events as my wife. You must not hide any secrets from me. And you must not interfere in my affairs. What I do is none of your business..."Napakunot ang noo ko habang binabasa ang bawat linya.Okay, napaka-demanding naman ng lalaking 'to!"Must sleep in the same bedroom...?!"Napatuwid ako ng upo at muling tinitigan ang nakasulat, umaasang baka mali lang ang pagkakabasa ko.What the hell?!Nababaliw na ba siya?!Hirap na hirap na nga akong pakisamahan siya, tapos ngayon, gusto pa niyang magsama kami sa iisang kuwarto?!Hindi ba puwedeng hanggang kasal lang ang pakialam niya sa akin? Kailangan ba pati pagtulog ko, kontrolado niya?Napairap ako at nagpatuloy sa pagbabasa."You are not allowed to entertain any men...""Tch! Ano'ng gusto niya? Sa kaniya lang ako dapat tumingin? As if!"Napailing ako. Sino ba siya para pagbawalan akong makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi pa nga kami kasal, kung umasta naman, parang pag-aari na niya ako!Pero nang mab

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 8

    Celeste's POV “Good morning,” bati ni Vance nang makapasok ako sa kusina. “Walang maganda sa morning ko. Ikaw pa lang, bad mood na agad ako,” pabalang kong sagot. Totoo naman kasi! Ang aga-aga, pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin. Wala man lang bang ibang puwedeng makita ang mga mata ko pagkagising? Pero imbes na patulan ako, ipinagpatuloy lang niya ang pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala siyang narinig. Wow. The audacity. Kahapon pa dapat nakaalis ang buwisit na 'to. Ang kaso, gusto ng parents ko na narito pa rin si Vance pag-uwi nila para mapag-usapan ang kasal na 'yon. Kasal. Napangiwi ako sa salitang iyon. Hindi pa rin naman ako pumapayag na magpakasal sa kaniya, no! As if naman na ganoon kadaling kumbinsihin ang isang katulad ko. Hindi ako basta-bastang pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang buong buhay ko. And marrying a man I barely know? That's definitely not on my list. Ilang araw na rin ang lumip

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 7

    Celeste's POV Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero bago pa ako makalayo, gumalaw ang kamay niyang nasa bewang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. S-shit! did he just kissed me back??! Akala ko, haharap lang ako sa kaniya at ididikit ang mga labi ko sa kaniya nang ilang segundo para mapaniwala si Ian. Isang simpleng halik na magsisilbing sampal sa kapal ng mukha ng dati kong nobyo. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya agad ako binitawan. Sa halip, gumanti siya sa halik. Marahan, pero ramdam mong parang inaangkin ka nito. Hindi niya ako hinila nang marahas o pinilit na manatili, sapat lang ang pagkakahawak niya sa bewang ko para hindi ako basta mapaatras sa gulat. At ang pinakanakakainis? Hindi ko maipaliwanag kung bakit, sa halip na itulak siya agad palayo, ay hindi ko nagawa. Marahil dahil sa pagkabigla. Marahil dahil sa galit, inis na nararamdaman ko kay Ian. O marahil ay dahil hindi ko inasahang tutugonan niya ang halik ko. Ano ba kasing nangyayari sakin a

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 6

    Celeste's POV "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko nang maabutan ko si Ian sa sala. Napahinto ako sa may pintuan, sandaling hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakaupo siya sa sofa na para bang walang nangyari. Para bang hindi niya winasak ang tiwala ko. Para bang may karapatan pa rin siyang pumunta rito at umasta na parang normal lang ang lahat. Sino bang nagpapasok sa isang 'to rito? "Celeste, please. Let me explain," pagmamakaawa niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. Agad akong napaatras nang tangkain niya akong hawakan sa braso. "Huwag mo akong hawakan!" mariin kong saway, dahilan para mapahinto siya. "Please, Cee. Kahit limang minuto lang. Pakinggan mo muna ako." Napatawa ako nang mapakla. Limang minuto? Talaga bang iniisip niyang sapat na ang limang minuto para ayusin ang lahat ng ginawa niya? "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin matapos mo akong gaguhin!" singhal ko, hindi na napigilan ang galit na kanina ko pa kinikimkim. "Alam

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 5

    Celeste's POVPagkagising ko kinaumagahan, agad kong naramdaman ang matinding gutom. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang kumalam ito, saka ko lang naalala—hindi nga pala ako kumain kagabi!Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Sa dami ba naman ng nangyari kahapon, nakalimutan ko nang pakainin ang sarili ko.Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. From Ian and Bianca's betrayal hanggang sa biglaang pagsulpot ni Vance sa buhay ko.Seriously, what a day!Parang isang malaking bangungot ang lahat. Kahapon lang, akala ko maayos ang takbo ng buhay ko. Akala ko kilala ko na ang lalaking minahal ko, only to find out na, kaya niya pala akong lokohin kasama pa ang sarili kong best friend.At ngayon, heto ako, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking halos hindi ko naman kilala.Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ko na ma-digest ang lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko, kapag may isa pang problemang dumating,

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 4

    Celeste's POV"Cee..."Gulat na sambit ni Ian nang mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan, tulala habang nakatingin sa kanilang dalawa.Agad silang naghiwalay at nagmamadaling kumuha ng damit na susuotin. Pero hindi ko na halos napansin ang mga sumunod nilang ginawa. Nakatitig lang ako sa kanila, pilit na inuunawa ang bagay na ayaw tanggapin ng isip ko."Cee! Why are you here? It's not what you think!" nagmamadaling sambit ni Bianca habang inaayos ang damit niya.Napatingin ako sa kaniya. Ang babaeng ilang taon kong itinuring na kapatid, ang babaeng pinagkatiwalaan ko nang buong-buo, ay siya palang taong kayang sumaksak sa likod ko habang nakangiti sa harap ko.Hindi ako makapaniwala.Sa lahat ng taong puwede niyang piliin, bakit ang sarili kong matalik na kaibigan pa?"Cee, baby, let me explain," ani Ian habang papalapit sa akin.Agad akong napaatras.Huwag.Huwag niya akong tawaging ganoon. Nakakadiri. Punong-puno nang pandidiri, sakit at galit ang mga mata ko habang nakatingin

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status