Share

Kabanata 5

Magaala-siyete na nang makauwi ako sa amin. Sinalubong ako ni Kael na may namumugtong mga mata. Lumuhod ako sa harapan niya upang magtama ang aming mga paningin, pulang-pula ang kan‘yang mga mata.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili na hindi pangilidan ng luha, ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ‘yong nakikita siyang gan'yan. Doble ang bigat at sakit na aking nararamdaman tuwing nangyayari 'yan lalong-lalo na kay Kael.

Panay ang paghaplos ko sa buhok at likuran ni Kael nang sa gayon ay mahimasmasan siya kahit papaano. Sa gilid ng aking mata ay kita ko si France na tahimik lang na nanunuod sa amin.

"Ate asaan po ba kasi sina nanay at tatay? Bakit hindi natin sila kasama?" umiiyak na tanong ni Kael. Humigpit pa lalo ang pagyakap niya sa akin, tila wala ng balak kumalas sa aming yakapan.

"Sabi nila Jiro, malas daw ako at may balat sa puwet kaya tayo iniwan nina nanay at tatay. Nagalit ako at 'saka sinuntok siya, hindi naman siya lumaban pero pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status