Share

Kabanata 6

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang humahangos na lumapit sa amin si Stella.

"Ma'am Rietta, pinapasabi po ni Sir Ezekiel na ipasok niyo raw muna po sa loob ng mansyon ang kambal," aniya.

"Bakit? Naglalaro pa kami," si Ma'am Rietta.

"Nasa labas po si Ma'am Felize," tugon ni Stella.

Parang bigla namang natauhan si Ma'am Rietta at hiningi pa ang tulong ko para maipasok kaagad namin ang kambal sa loob ng bahay.

Nagpupumilit nga lang ang kambal na payagan silang pumunta sa labas para tignan ang kanilang ina. Nasa loob na rin ng kwarto ng mga bata si Sir Ezekiel. Mukhang chineck niya lang kung nando'n na ba ang mga bata bago ito tuluyang lumabas. Naiwan kaming pareho ni Ma'am Rietta sa kambal at sinabihan pa ni Sir Ezekiel na h'wag na h'wag palalabasin ang kambal.

"Ate Amber, please let me go. I wanna see mommy," ani Nikandra habang nagpupumilit na bitiwan ko ang kan'yang pulsuan. Naaawa man ako sa bata ay hindi ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status