Share

KABANATA 1:

KABANATA 1:

“YOU’RE 27 NOW, still single?” tila nang-uuyam na tanong ng Kuya kong si Vito.

I rolled my eyes and continued what I was doing, busy with my job.

“Hindi ka naman na namin pipigilan kung gusto mong magkaroon ng boyfriend. You should accept suitors now, you’re fully grown up and your time is ticking. Ilang taon na lang kakalawangin ka na–” Pinigil ko si Kuya Gideon sa susunod niyang sasabihin.

“Shut up!” I exclaimed. “Huwag n’yo akong pilitin kung ayaw ko.”

“What about blind date, sis? Pwede kitang i-set up sa ilang kilala ko,” hirit pa ni Lucio.

Imbes na sagutin siya’y umirap na lang ako. Galit na ako’t lahat, iyan pa rin ang sasabihin! Nakakainis sila. Na-pe-pressure din naman ako sa kalagayan kong ito. Kung alam lang nila ang sitwasyon, siguro’y malalaman nilang hindi madali. All my life, they are stopping me to do things that I want. Sila ang dahilan kung bakit single ako hanggang ngayon. Who would dare to date a woman like me? I am intimidating, my brothers are known to be strict and most of all, I am successful. Ang nagtatangka lang na manligaw sa akin ay iyong mga uugod-ugod na sa katatrabaho para magpayaman. Walang nagtatangkang manligaw sa akin na kasing-edad ko dahil sa takot na hindi abot ang standard ko.

Mayroon namang nanliligaw, pero kung hindi mayayabang, ang papangit naman. Maybe, there's something wrong with me too. I was too blind of my brothers’ standard. Dapat ganito, dapat ganyan ang pipiliin ko. My life is too suffocating!

Pagod na isinara ko ang laptop saka hinilot ang sentido. Sa wakas ay natapos na rin ang trabaho ko para sa maghapon. Ganito na lang palagi ang nangyayari sa akin araw-araw. I feel like I am being suffocated with this kind of life. Kung ang iba ay gusto ang maging mayaman, taga-pagmana at nakukuha ang lahat ng gusto nila, ako, pagod na. This life is so exhausting and I want to runaway from this.

Running away from them was just a thought last week. Now I’m here, was about to do that thought. Hila-hila ang maleta ay naupo na ako sa waiting area at kinuha ang cellphone ko para tingnan iyon. I quickly saw twenty messages from my four brothers, and five from Mom and Dad. Kalahating araw pa lang akong nawawala, ganito na kaagad sila. I sighed then turned it off. Hindi ba sila makakagalaw nang wala ako? Mula nang magtrabaho ako sa kumpanya limang taon na ang nakalipas, sa tanda ko’y dalawang beses lang yata akong nakapagbakasyon. Sa bakasyon na iyon, halos kaladkarin pa ako ni Kuya Vito para umuwi. Tatlong araw na bakasyon lang iyon!

Tapos ko naman na ang mga dapat kong tapusin para sa araw na ito. Ang problema lang ay ang trabaho para bukas. My work bothered me until the flight departed. Nangangati akong buksan ang phone ko at tingnan ang mga text messages nila. I want to know what is happening to them right now but I tried my best to control myself.

Hindi ako pwedeng magpatalo sa takot ko. This time kailangan ko namang intindihin ang sarili ko bago pa ako mabaliw sa tambak na trabaho. Gawa ako nang gawa ng pera, anong gagawin ko sa perang pinagtrabahuan ko? Just spend them with luxuries that I barely enjoy now?

Hanggang sa lumapag ang eroplano ay hindi mawaglit sa isip ko ang kagustuhang buksan ang cellphone. To my frustration, imbes na sa tutuluyan kong hotel ako didiretso, dumaan na muna ako sa isang mall na malapit para bumili ng bagong simcard at phone. And when I got back to the taxi, I deleted all the contacts, emails and everything inside my phone then handed it to the driver.

“Ma’am, ano po ito?” takang tanong niya.

“That’s yours now, I don’t need it,” I smiled. “You can give it to your son or maybe, daughter?”

Kaagad na nagdilim ang mukha ng driver sa sinabi ko. He looked away then continued driving. Kinabahan naman ako sa naging reaksyon niya. Bakit?

“No… hindi ko naman ho kayo iniinsulto. I just need a new phone. Imbes na itapon ko, you can keep it… right?” paliwanag ko sa kanya kahit na hindi naman niya ako pinagpapaliwanag.

Tumingin siya sa salaming nasa harap niya saka bahagyang napailing.

“Hindi naman po ako nainsulto sa pagbibigay n’yo ng isang mamahaling cellphone. Ayos nga po ito at malapit na pong masira ang sa akin. Kaya lang, mukha na po ba talaga akong may anak, ma’am?” he asked.

I was surprised by what he said. He looked like a… father. Gosh, what should I answer him now?

“Hmm, sorry. Akala ko kasi by your age, you’re a father na,” sagot ko sa nag-aalangang tono.

“Mukha po ba akong matanda, ma’am?”

Namilog ang mga mata ko at agad na umiling. “Hindi! No, I mean, i-ilang taon ka na ba?”

Bumusangot siya at hindi na sumagot. Hindi naman ako napakali dahil feeling ko talaga ay nasaktan ko ang feelings niya. Ano ba ang dapat kong sabihin? Masyado ba akong naging judgemental? E kasi, mukha naman na talaga siyang tatay? Or baka single siya? God! Bakit ko ba iyon iniisip?

“Nandito na po tayo ma’am,” malamig ang tonong sabi niya.

Kaagad kong sinulyapan ang labas at natanaw ang kalmadong dagat sa ‘di kalayuan. Nasa tapat na nga kami ng hotel. Napailing na lamang ako at saka muling hinarap ang driver.

“Magkano po?” tanong ko.

“500 po,” sagot niya.

Bumuntong-hininga ako at naglabas ng isang-libo. I handed him the money saka ako lumabas ng taxi at nagtungo sa likod. Isang doorman ang lumapit sa taxi at tinulungan akong kunin ang maleta. Bumaba rin ang driver hawak ang sukli ngunit mabilis akong umiling saka ngumiti sa kanya.

“No, keep the change. I’m really sorry if I offend you. Hindi ko talaga sinasadya,” hinging paumanhin ko. Sincere naman ako sa paghingi ko ng tawad. Alam kong para sa iba ay mukha talaga akong m*****a pero sana ay mapatawad niya ako.

Bahagya siyang napangiti at pilit iniabot ang aking sukli.

“Okay lang po iyon ma’am. Kunin n’yo na po ang sukli, hindi n’yo naman po sinasadya e.”

I gently nodded. “Just keep the change.”

Ngayon ay mas lumapad ang ngiti niya. “Salamat po ma’am! Pagpalain po sana kayo!”

Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan na siyang umalis. Sumunod ako sa doorman papunta sa receptionist. Isang bellboy ang kumuha ng maleta ko pagkatapos kong makuha ang susi ng ini-book kong hotel room. Hindi ko alam kung ilang araw ba akong mananatili dito pero nag-book na ako ng pang-isang linggo. Kung mahanap man nila ako, at least isang linggo lang ang ibinayad ko. Pero sana naman, hindi nila ako mahanap kaagad. Gusto ko pang magliwaliw.

Hindi magara ang nakuha kong kwarto sa hotel. Naisip ko iyon kaagad. Kapag mamahalin ang kinuha kong kwarto, mas may tyansang malaman kaagad ng mga kapatid ko kung nasaan ako. Kaya ordinaryo lang ang itsura ng kwarto.

Pinaghalong kulay brown at white ang makikita sa furnitures ng kwarto. Malinis ang paligid, kahoy o rattan ang mga upuan at lamesang naroon, maging ang bed frame ay rattan din. Dim ang light which is relaxing. Malaki rin ang bintana na may veranda, kita ang kalmadong dagat. I quickly lay down on the soft bed and closed my eyes. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ang sarap magpahinga. I softly chuckled. I will make sure to enjoy my days in here.

Nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising na lamang ako na alas nwebe na ng gabi, kung hindi pa ako nakaramdam ng pagkulo ng tiyan, hindi pa ako babangon. I decided to go out of the hotel and search for a restaurant. May nakita naman agad akong seafood restaurant at kumain ng dinner. Pabalik na sana ako sa hotel room nang mapansin ang isang bar ‘di kalayuan. I suddenly craved for liquor. Kailan ba ang huling beses na nakatikim ako ng alak?

Kaya imbes na bumalik sa hotel ay dumiretso ako roon. Sa tapat ng bar, agad na pumukaw ng pansin ko ang pangalan nito; Tonight, Bar. I chuckled, silly name for a Bar. And then, when I was about to enter, a bouncer blocked me.

“Miss, sure po ba kayong tama ang papasukan n’yo?” tila nagtatakang tanong ng malaking bouncer.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, at ganoon din naman ang ginawa ko. And I guess maybe his question was right. Naka-high waist pants ako at simpleng croptop, rubber shoes pa ang suot ko dahil takot akong makaapak ng buhangin kanina! Oh God!

“Tama ang papasukan ko. Hindi naman ako sasayaw,” sagot ko.

“Kung gano’n po, may hahanapin po ba kayo sa loob na boyfriend n’yo o asawa? Naku ma’am, hindi po pwede iyan—”

“Wala akong boyfriend at lalong walang asawa!” I exclaimed. Parang hindi na ito tama, this is discrimination!

“E ma’am, sumusunod lang po ako sa policy. Mayroon po kasing—”

“The heck? I just want to drink!” paliwanag ko.

“P-pero ma’am—”

“Let her.” Isang tinig ng lalaki ang narinig ko sa aking tabi.

Kaagad akong napalingon at bumungad sa akin ang isang lalaki. He was wearing a tie dyed beach sando. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakaharang siya sa ilaw. Pero naaamoy ko siya, amoy marshmallow.

“Good evening po, Sir! Sorry po. Baka lang po kasi misis na naman siya ng nasa loob—”

“You heard her, she’s single. Let her in,” he cut him. Bumaba ang tingin niya sa akin saka ngumiti. “Want a drink?”

Ilang beses akong napakurap. Then I realized my mouth parted while looking at him.

“Or not? Sorry? Did I offend you?” he asked.

Kaagad akong napailing. “No, you didn't. It was just…” I can't continue my words. “Sure!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status