KABANATA 2:
“WHAT DO YOU want to drink?”Iyon kaagad ang bungad na tanong niya sa akin. Napatunganga tuloy ako sa harap ng bartender dahil wala akong maisip na inumin. Sa tagal kong hindi nakapasok sa bar at nakainom ng alak, sa tanda ko’y noong college pa yata, wala na akong alam tungkol dito.“Hmm, iyong hindi naman ako masyadong malalasing,” sagot ko.Ayaw ko namang malasing nang husto. I can’t believe na hindi ako nagdalawang-isip na pumasok dito kanina. Ngayon ay wala pala akong alam. Mabuti na lang at nandito itong lalaking nagpapasok sa akin kanina.“Just give her a lady’s drink, how about martini? And a whiskey for me,” he asked the bartender.“Coming up!” sagot nito.Humarap siya sa akin at sinenyasan akong maupo na sa barstool na naroon. Naupo rin naman ako at hinintay siya. Kung nasa Manila ako, malamang na hindi ko pahihintulutan ang sarili ko na makipag-usap sa isang stranger na kagaya niya. Pero ngayong gabi, dahil gusto ko na rin namang maging malaya, I will make my self open to everything that I can do.“Bago ka rito?” he asked.I smiled shyly. “Masyado bang halata?”He nodded. “Yeah, sobra.” At saka niya pinasadahan ng tingin ang suot ko. “Pero okay lang naman kung ganyan ang suot mo. Medyo pinahigpit ko lang ang security sa Bar dahil sa nangyari noong nakaraan. May nagwala kasing babae noong isang gabi.”“Why?”He shrugged. “Well, her husband cheated on her.”Namilog ang bibig ko at saka marahang ngumiti. “If I were the wife, I will not make a scandal because of cheating.”“Talaga? Bakit? Anong gagawin mo kung gano’n?”“Hmm, aalis na lang ako ng bahay. Iiwan ko siya ng hindi nagsasalita. Hahayaan ko siyang mag-isip kung anong nangyari. If your life is already complicated, then make things simple.”Bahagya siyang natawa. “You’re such a mature woman. I like that.”Nagkibit-balikat lamang ako at maagap na kinuha ang baso ng martini na iniabot sa akin ng bartender. Ito ang unang pagkakataon na nakipag-usap ako nang ganito sa isang total stranger. At masasabi kong ayos naman pala. Masyado lang pala akong nagpapaniwala sa sinabi ng mga magulang ko noon– don’t talk to stranger. Hindi naman siguro masama kung hindi naman mukhang masama.“Hindi ka naman masamang tao, ‘di ba?” I asked. Doon ko lang napagtantong hindi nga siya mukhang masama, pero paano kung nasa loob ang kulo?He let out a sexy chuckle after I asked. “Hindi naman ako masamang tao. But then actually, sometimes I’m bad.” His brows wiggled.Tumaas ang kilay ko roon. Tinitigan niya ako nang nakakaloko.“Nagiging bad ako kapag nasa kama,” he murmured.“What? Paanong nagiging masama ka pagdating sa kama? What do you do in bed?”Napahagalpak siya ng tawa habang ako naman ay hindi halos naintindihan ang sinabi niya. Hindi ko talaga naintindihan. Imbes na sagutin ako ay uminom na lamang siya sa baso ng whiskey na hawak niya.“Since bago ka rito, why not I welcome you with a warm night? Are you into… one night stand?” diretsahang tanong niya.Umawang ang labi ko sa pagiging straight-forward niya. Hindi ko iyon inaasahan. Bakit parang ang dali at ang bilis naman yata niyang banggitin ang tungkol doon.“Do I look like someone who do that?” I replied, a bit disappointed.Nawala ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi, tila nabigla. “Oh, you’re not?”Marahan akong umiling habang namamanghang nakatitig pa rin sa kanya. Ngayong nabanggit niya ang tungkol sa one-night stand, bigla tuloy akong nakaramdam ng init. Napansin ko rin ang kagwapuhan niya. Moreno ang kanyang balat, mapungay ang mga mata sa ilalim ng makakapal at salubong na kilay, matangos ang ilong at mamula-mula ang basang labi niya dahil yata sa ininom. I gulped and looked away. Pakiramdam ko’y nag-init ang aking pisngi nang matitigan ang labi niya.“Well, if that’s not your thing, I will respect that. Pero allow me to introduce beach here in Biliran. Don’t worry, everyone knows me here. Kapag may ginawa akong masama sa ‘yo, magsumbong ka lang kahit kanino.” Inilahad niya ang kanyang kamay at saka ngumiti. “Call me Tres.”Saglit akong napatitig sa inumin ko, lumagok doon bago siya nilingon at tiningnan ang kamay niyang naghihintay sa pagtanggap ko. I sighed then smiled. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Pakiramdam ko ay kumportable ako… hindi ako naiilang, hindi ako nahihiya.“I’m Sera,” I replied.Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay.Matapos naming uminom sa Bar, nagkuwentuhan pa kami ng ilang bagay bago kami tuluyang lumabas at naglakad-lakad sa tabing-dagat. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng kasama ngayong araw na ito, at isang hindi pa kilala, lalaki pa.“Gusto mo bang mag-enjoy ngayong gabi?” tanong niya.“Oo sana, pero hindi sex,” natatawang sagot ko.“Hindi na nga. Akala ko lang makakalusot ako kanina.” Nilingon niya ako. “What about we do something crazy?”“Crazy?” takang tanong ko.Lumapad ang kanyang ngiti at hinawakan ang aking braso. Mabilis na hinila niya ako kaya naman imbes na lakad lang ay naging lakad-takbo. Hanggang sa nakarating kami sa liblib na parte ng beach. Wala ng halos dumadaan sa parteng iyon.“Saan tayo pupunta?”“Wala akong gagawing masama sa ‘yo. Pero may gagawin tayong masama sa iba,” he chuckled.Noong una’y hindi ko pa siya maintindihan. Pero ilang saglit lang ay may narinig na kaming kakaiba. My eyes widened after hearing something that’s very awful to my ears. Sa hindi kalayuang puno ng niyog, sa ilalim no’n ay may napansin kaming dalawang tao. Ang mga taong iyon, kahit na madilim ay naliliwanagan sila ng liwanag ng buwan.“Oh God, what are they doing there?” gulat na tanong ko.“Sshh!” He squeezed my hand.Kinakabahan ako habang dahan-dahan kaming naglalakad. Hindi ko alam kung anong plano niya, ngunit kung ano man iyon ay mukhang hindi maganda at mukhang totoong crazy nga!“T-tres…”Umaalingawngaw ang ungol ng mga iyon sa buong paligid dahil sa sobrang tahimik. Habang papalapit kami, ni hindi yata kami napansin lalo na nang bigla na lamang damputin ni Tres ang mga damit na nakasabit sa isang putol na sanga! Hindi ako nakapagsalita nang marahang umatras kami, naglakad nang marahan hanggang sa tumakbo na kami palayo. Hindi talaga kami napansin!“Oh God! Tres! Paano sila? Wala silang damit!” saway ko sa kanya.Tawa siya nang tawa nang tuluyan kaming makalayo. Saka niya inihagis ang damit sa may dagat.“Tres!” I playfully smiled, kahit kabado ako. Hindi ko maiwasang mahawa sa malakas na tawa niya. “Nasisiraan ka na ba? Wala silang damit! Paano sila uuwi?”He shrugged then sat down on the sand. Naupo rin ako sa tabi niya habang napapangisi sa pagtawa niya. He looked at me while laughing.“Bahala sila sa buhay nila. Kung saan-saan kasi ginagawa e,” he laughed.Nakipagtawanan na lang din ako sa kanya. Sa totoo lang, natatawa rin ako. Ano kayang magiging reaksyon ng mga iyon kapag napansin nilang wala na ang mga damit nila?“Thank you,” I told him after the great laugh.“Hmm, for what?”“For making me laugh tonight,” I replied.Nginitian niya rin ako kasunod no’n ay ang pagtapik niya sa kanyang labi. “Kiss mo nga ako kung talagang thankful ka?”I glared at him then slapped his shoulder. Kung makipag-request siya ng ganyan, parang close na kami.“Ewan ko sa ‘yo–”“Shit! Nasaan ang mga damit natin?!”Pareho kaming natigilan nang marinig ang sigaw ng ninakawan namin ng damit. We both looked at each other with the same thoughts.Lagot!KABANATA 14:HINDI KO NA natiis pa si Tres. Alam kong pwedeng hindi maganda ang kahinatnan ng desisyon ko na halikan siya pabalik pero wala na rin naman akong magagawa para bawiin pa iyon. Nangyari na ang nangyari at sigurado akong kung ano man ang nangyari kanina, magkakaroon ng malaking impact sa relasyon naming dalawa.Napahawak ako sa aking labi nang maalala kung paano niya ako halikan pabalik. The way he kissed me seems like he missed me so much, that he was craving it for a long time. Na-curious tuloy ako. Noong bigla akong umalis nang walang paalam, ano kaya ang naramdaman niya? Nainis kaya siya sa akin? Nasaktan ko kaya siya? I sighed then stopped reminiscing about everything. Imbes na tumunganga ay tumayo na ako mula sa sofa at nagpasyang dumiretso sa kwarto para magbihis ng damit at makapagpahinga na. Nang makapagbihis, inasahan kong i-te-text o tatawagan man lang ako ni Tres bago ako makatulog pero nagising na lang ako kinaumagahan, walang text o kahit missed call akong na
KABANATA 13:KANINA KO PA nararamdaman na tila ba may nakatingin sa akin. Tres kept on talking to Matias but he seemed irritated. At nang lingunin ko ang direksyon kung saan nakaupo ang ex-girlfriend niya, napatunayan kong siya ang tingin nang tingin sa amin. Inirapan ba naman ako nang makita niyang nilingon ko siya!“Don’t look at her, she’s annoying,” Tres whispered.“Hindi ako makapaniwala, pumatol ka sa ganyan?” bulong ko rin.Tinawanan niya lamang ako at saka nagtawag ng waiter na dumaan. May dala iyong red wine kaya naman kumuha kami. We tossed before we sipped on our glasses.Ilang saglit lang ay lumabas na rin ang engaged to be married. Magarbo at mamahalin maging ang mga suot nila. Sana lang ay hindi sila magpasyang maghiwalay pagkatapos nito. Ganoon pa naman madalas, kung sino pa ang mga magagarbo sa engagement at kasal ay iyon pang mabilis maghiwalay. Hindi naman sa bitter ako pero ganoon talaga madalas.“Thank you all for coming! Sana ay nagustuhan ninyo ang celebration na
KABANATA 12: MABUTI NA LANG at nakatulog na si Kuya Gideon bago pa makapagsumbong si Lucio pero sigurado akong bukas na bukas din sa oras na magising ang tatlo ko pang mga kapatid, wala siyang palalampasing oras para isumbong ako. “Hindi ka ba pagagalitan? Wala naman talaga tayong ginawa…” ani Tres. Nagkibit-balikat ako. “Hayaan mo na iyon. Gano’n talaga si Lucio, palibhasa bunso at siya ang madalas pagdiskitahan. Gusto lang no’n na ako naman ang pag-trip-an ng mga kapatid namin.” Marahang tumango si Tres. “Hmm, okay. But if you need me, you can call me right away,” he replied. Marahan siyang humikab at kinusot ang mga mata. “Inaantok ka na…” sabi ko. “Ang tagal naman ng cab.” “Okay lang, you can go inside. Kaya ko nang maghintay rito.” “Hindi, hihintayin kong makasakay ka,” sagot ko. A teasing smile curved his lips. “Nag-aalala ka talaga sa akin.” “Ewan ko sa ‘yo!” reklamo ko. “Sige na nga papasok na ako sa loob!” Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay
KABANATA 11:HINDI KO NA kailangang magpaganda. Iyon ang nasa isip ko kanina, hindi ko na rin naman kailangang mag-ayos. Pero kinain ko iyon dahil ngayon nga ay talagang nag-retouch pa ako ng make-up para lang hindi magmukhang manang sa harap ni Tres. Nang makalabas ako ng banyo, pilyong mga ngiti ang isinalubong sa akin ng mga kapatid kong siraulo.“Nagdadalaga na talaga si Ate Sera!” bulalas ni Matias.“Ang tagal niyang magdalaga, pa-menopausal age na—”Mabilis na sinugod ko si Lucio at hinatak ang kanyang buhok. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak sa sakit ng paghatak ko roon.“Sige, mang-asar pa!” reklamo ko.“Totoo naman ang sinasabi ko, Ate—aray!” Pasalamat siya at napahinto ako nang marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas. Kuya Gideon stood up and then gestured me to come with him. Sumunod rin naman ako kahit hindi naman na kailangang kasama pa ako sa pagbubukas ng gate. Sa harap ng gate, naroon na nga ang kotse ni Tres. Si Kuya Gideon ang nagbukas ng gate na tinulun
KABANATA 10: “TOTOO BA, SERA?” Napaangat ako ng tingin kay Kuya Vito nang bigla niya akong tanungin. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kuya Gideon at nag-uusap-usap tungkol sa pirmahang magaganap sa pagitan ng Ramirez at Ibarra. “Ang alin?” “Na may iba ka nang mahal?” Binatukan naman bigla ni Kuya Gideon si Kuya Vito. “Siraulo!” Inilapag ni Kuya Gideon sa ibabaw ng lamesa ang tub ng ice cream na matagal na raw'ng naka-imbak sa kanyang refrigerator. Kuya Vito laughed. “Just imitating the trend from Taktok! But anyways, totoo ba?” “Ang alin nga?!” “Na boyfriend mo si Tres Ramirez. Bakit hindi namin alam?” taas ang kilay nitong tanong. I sighed. “Kailangan ko bang sabihin sa inyo ang lahat?” “Nakita ko na si Tres noon,” sabat naman ni Kuya Gideon. “Siya iyong lalaking kasama mo sa resort. Akala ko naghiwalay kayo.” “Hindi…” sagot ko, nag-iwas ng tingin. “Ah! Kaya pala ayaw mong pumayag noong una kasi ayaw mong malaman naming boyfriend mo iyong director ng kompanya nila. Ate
KABANATA 9:ILANG BESES NA akong napabuntong-hininga at naisip na umatras na lamang. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang galit na mukha ni Dad ay nagkakaroon ako ng dahilan para ituloy ang pakikipagkita sa kanya. At ngayon nga, hindi na talaga ako makakaatras. Papasok na ako sa coffee shop na napag-usapan naming pagkikitaan. Pagpasok ko pa lang sa loob, siya na kaagad ang napansin ko. Kaunti lang ang tao sa loob ng coffee shop dahil alas-dose pa lang ng tanghali. Napili talaga naming sa isang coffee shop magkita kaysa sa restaurant para makapag-usap kami nang maayos.Nakaupo siya sa dulo parte ng coffee shop, naka-de-kwarto ang mahaba niyang binti habang naka-krus ang mga bisig sa kanyang dibdib at panay ang sulyap sa kanyang relo. I never imagine that I will see him in this kind of suit; business suit. Maayos ang pagkaka-wax ng kanyang buhok at sobrang pormal. Kung gwapo siya noong nasa beach kami at madalas na nakasando o topless lang, mas gwapo siya ngayong nakaayos. Habang mas papal