ANASTASIA
“Aba? Mukhang success na naman, Tasia?” Napabaling ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kuya Jepoy, isa sa mga kasamahan ko sa grupo na nasa katulad kong sitwasyon. Pansin kong pinapatunog niya ang mga daliri niya—isa sa mga habit niya kapag kinakabahan siya. Pagak akong natawa. “Success nga, pero dagdag na naman sa kasalanan.” Bumaba ang tingin niya sa hawak niyang isang supot na alam kong naglalaman ng mga pera. Nakangiti siya, pero isang ngiti na mayroong bahid ng lungkot. “Wala 'eh, kung hindi natin 'to gagawin ay siguradong patay na tayo.” Natahimik ako, sumandal na lamang sa kinauupuan matapos marinig ang katotohanan. Hawak-hawak ko rin ang isang supot na naglalaman ng pera. Hindi lang basta barya, kundi mga papel na pera. Tagiisang libo at limang daang piso. Mga pera na hindi ko pagmamay-ari, pero bunga ng trabaho na mayroon ako. Pagnanakaw. Kailanman ay hindi ko pinangarap ang trabaho na ito, kung hindi lang dahil sa ex boyfriend kong ipinagpalit ako sa ibang babae at iniwanan ng halos isang milyong pisong utang sa mga gangster sa lugar namin, hindi ko gagawin ko. Totoo pala 'yung kasabihan ‘no? Kung sino pa itong matatalino, sila pa 'tong mga tanga pagdating sa pagibig. Biruin mo 'yon? Isang cum laude 'nong college, pero isa na lamang magnanakaw ngayon? Matapos ang ginawa niya sa akin tatlong taon na ang nakalilipas, ay hindi ko na naranasan pang mamuhay ng normal. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya't sa akin niya ipinangalan ang mga utang niya. Hindi niya man lang ba naisip kung anong mangyayari sa akin kung mag-isa ko lang itong babayaran? At talaga namang sa dinami-dami ng mga pwedeng niyang utangan—ito pang mga gangster na mataas kung magbigay ng interes ang napili niya. Kung hindi lang siguro ako strong-willed na tao, baka three years ago ay nagpakamatay na ako. Pero wala 'eh, gusto ko pang mabuhay... kaya naman inako ko na lamang ang utang ng h*******k na 'yon atsaka kumapit sa patalim para lang maka-survive. Dahil halos araw-araw akong hinaharas, tinatakot at pinagbabantaan ng mga creditors noon, ay napilitan akong sumama sa grupo nila at magtrabaho bilang isa sa mga miyembro nilang magnanakaw para lang mas mabilis na gumaan ang pera na kailangan kong bayaran. At para maging ligtas na rin. At ngayon..? Isang linggo na lamang ang natitira para sa due date ng utang na nakapatong sa ulo ko. Kapag hindi ko pa rin ito mabayaran ng buo, ay siguradong papatayin na nila ako. “Anastasia, my girl! Kamusta? Mukhang jackpot na naman tayo ah?” tanong sa akin ng bagong dating na lalaki. Naupo ito sa katabi kong upuan atsaka inilapag ang bag na suot. “Jackpot ka d'yan, baka jackpot sa impyerno?” sarkastiko ko pang sabi. Natawa naman ito bago ay sumandal sa upuan. “Well, mas ok nang jackpot kesa naman betlog diba?” pagrarason pa nito kaya naman napabuga na lang ako ng hangin. Lumipad na naman ang isipan ko habang mahigpit na nakahawak sa supot na hawak ko. “Malapit na, Tasia. Ilang oras na lang ay opisyal ka nang makakalaya mula sa maduming mundo na 'to,” pag-cheer ko sa sarili ko. Nasa loob kami ng isa sa mga office ng grupo, o mas maigi yatang tawagin itong hideout dahil illegal ito. Marami kaming nakaupo sa mga nakahilerang upuan at naghihintay na lamang kung kailan tatawagin ang pangalan para lumapit sa mga creditors na nasa harapan. Lahat kami dito ay mga taong nagtatrabaho bilang magnanakaw para sa grupo at mabayaran ang kani-kaniyang utang namin. Lahat ay may bahid na ng kasalanan ang mga palad. “Anastasia Farrales,” tawag ng isang babae sa pangalan ko kaya agad akong tumayo at naglakad palapit sa mga creditors. Nilapag ko ang supot sa lamesa, atsaka hinayaan silang ilabas ang mga perang laman 'non. “Siguro naman ay sapat na ang mga pera na 'yan? Opisyal na ba akong makakalaya mula sa inyo?” tanong ko pa habang hinihintay silang mabilang ang mga perang papel. Inaasahan ko ang sagot na ‘oo’ mula sa kaniya. Pero laking gulat ko na lamang dahil sa mga sumunod niyang sinabi. “D****e on.” Ngumisi siya. “Kulang ka pa ng two-hundred thousand.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat “Ano?! Paanong nangyari 'yon, 'eh fifty-thousand na lang 'yon kahapon—” Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit, Tasia? May reklamo ka ba? Nalimutan mo yatang delay ka ng bayad kaya tumubo na naman. Kung hindi mo ito kayang bayaran hanggang sa susunod na linggo, ihanda mo na lang ang sarili mo.” Bagsak ang balikat ko nang tawagin na nila ang sumunod na pangalan sa akin. Imbis na ubusin ang energy ko sa pakikipagtalo sa kanila ay lumabas na lang ako at hinugot ko ang cellphone ko para tawagan ang numero ng taong lubos na kailangan ko ngayon. Hindi naman na nagtagal pa at sinagot na nito ang tawag. “Hello, Anastasia! Anong meron at napatawag ka?” bungad nito. “Lintek na interes! Late lang ng dalawang araw pero tumubo na ng one-hundred fifty thousand!” Rinig ko ang pagsipol niya. “Expected na 'yan, Tasia. Sinabi ko naman sa'yo na mag-advance ka na lang ng bayad 'eh,” sermon niya pa. “Hindi ako tumawag para sermunan mo, Leo.” Bumuntong hininga ako. “Baka may raket kayo? Isama mo na ako. Isang linggo na lang, kapag hindi pa ako nakabayad baka bumaon na ang bala ng baril sa ulo ko.” Humagalpak naman ito ng tawa bago nagsalita. “Perfecto! Kailangan namin ng babae. I'll send you the details, mamaya na agad 'to kaya mas maiigi na makipagkita ka na sa amin sa likod ng mansyon ni Don Ramon.” “Sige,” pagsangayon ko bago pinatay ang tawag. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at umuwi na muna sa boarding house na tinutuluyan ko. Pagod na pagod ako, tipong kakauwi ko lang galing sa unang nakawan ngayon araw, pero heto na naman at aalis para gumawa ng kasalanan. Napahinto ako sa tapat ng salamin nang mapaadaan ako. Halos matawa pa ako matapos makita ang pasa sa gilid ng labi ko. Gawa ito ng isa sa mga ninakawan namin, binato ba naman ko ng bag. “Konti na lang self, makakalaya ka na.”ANASTASIA “Stab me with a knife instead, hindi ako kayang patayin ng matatalim na titig mo.” Bumuga na naman ako ng malakas na hininga. Kulang na lang talaga ay saksakin ko na ang lalaking nasa harapan ko dahil malapit na akong mabaliw. “Pakawalan mo na ako, Kirill. Wala kang makukuha mula sa akin,” frustrated na pagpupumilit ko. Magkaharap kami ngayon sa lamesa na nasa loob ng dining area—nasa kabilang side lang siya. “Yung pera at singsing na kinuha ko mula sa'yo—wala na, kahit anong gawin mo ay hindi ko na 'yon maibabalik pa,” pilit kalmadong paliwanag ko pa sa kaniya. Pero ang lintek na blonde na lalaking 'to, ay tinaasan lang ako ng kilay habang nakahalumbaba siya. Nakapatong ang siko sa lamesang nasa harapan namin. “I see, you've done well. You even know my name.“ Kumislap ang lip piercing nito. “Pero hindi mo man lang nagawang alamin ang buong katauhan ko, Tasia.” Kin
ANASTASIA “Pakawalan mo 'ko! Baliw ka ba?! Kidnapping 'to, Kirill!” malakas na sigaw ko habang tinutulak ako ng mga nakaitim na lalaki. Pababa kami ng yate, nakagapos ang mga kamay ko sa likuran ko. Ang suot ko ngayon ay ang suot ko pa rin noong kinidnap nila ako. Hindi ko alam kung ilang araw na ang nakalipas. Pero sa pagkakaalala ko ay dapit hapon noong dumating ako sa barangay Inhobol. At ngayon naman ay papalubog na din ulit ang araw. Ibig sabihin ba nito ay halos isang araw na ang nakalipas magmula nang kidnapin nila ako? Kaya siguro kumakalam ang sikmura ko ngayon dahil halos isang araw akong walang kain! Sobrang sama ng tingin ko sa likod ni Kirill. Kung nakakabutas lang ang titig ay baka kanina pa butas ang katawan niya. “Bilisan mo—” Natigil sa pagsasalita ang lalaking nasa likod ko nang lingunin ko agad ito at sinamaan ng tingin. “Kidnapping 'to!
ANASTASIA Akala ko ay nakaayon na sa plano ko ang lahat. Akala ko ay magagawa ko nang magsimula ng panibagong buhay na kung saan ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa mga taong ginagamit lang ang kahinaan ko. Akala ko ay malaya na ako. Pero mukhang, hanggang pangarap na lang ang kalayaan na 'yon. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng dagat na nakapalibot sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa malamig at bakal na railing ng yateng kinalalagyan ko. Parang sumasabay pa sa kabadong paglunok ko ang bawat hampas ng alon sa yate. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.Ramdam ko ang titig niya—no, kitang-kita ko kung sa paanong paraan niya ako tignan. Pakiramdam ko'y hinahagod ng tingin niya ang bawat parte ng katawan ko. Parang ang kabuuan ko ngayon na nasa harapan niya ay nagbibigay ng kaligayahan sa buong sistema niya. Marahil dahil nasa harap niya na ang babaeng pinaikot siya't ninakawan pa? Tingin pa lang ay nakakapanindig balahibo na. Idagdag pa ang pagtawa n
ANASTASIA Mahigit sampung oras din ang byahe ko bago ako makarating sa probinsya na pinplano kong puntahan. Ang sakit-sakit pa ng likod ko kakaupo sa bus. Inilapag ko muna sa gilid ko ang bag na hawak ko atsaka nagunat-unat. “Shet, nakakapagod talaga bumyahe! Buti na lang malapit lang dito ang paupahan na 'yon,” inaantok pang saad ko. Matapos magunat ay inilabas ko na muna ang bagong selpon na bili ko. Infairness, touchscreen ito, aba! Minessage ko na agad ang landlord ng paupahang bahay na napili ko habang nasa byahe ako. Sinabi ko lang naman na paparating na ako. Medyo alam ko naman na kasi ang daan, papunta 'don. At isa pa, may mga tricycle naman na pwedeng sakyan kaya for sure ay hindi ako maliligaw. “Kuya! Para po—kuya!” sigaw ko nang makakita ng tricycle na walang sakay. Tuwang-tuwa pa ang driver nang parahin ko siya. “Hi Miss Beautiful, saan punta mo?” tumataas-taas ang kilay na tan
ANASTASIA “Hmm, hmm, hmm,” masayang humming ko habang naglalakad palabas ng hideout. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Pinagtitinginan na nga rin ako ng iilan na nagpupunta din para magbayad ng utang nila. “Aba? Abot hanggang langit na ang ngiti mo ah!” salubong ng pamilyar na boses, si Kuya Jepoy. “Kuya Jepoy!” Nakipag-fist bump ako sa kaniya. “Paanong hindi aabot sa langit ang ngiti ko? 'Eh makalipas ang tatlong taon, ay malaya na rin ako sa wakas!” tuwang-tuwa ko pang saad. Nagtinginan na rin sa akin ang iba at nagsimulang magbulungan. Tuwang-tuwang nitong ginulo ang buhok ko. “Mabuti naman, pwede ka nang magsimula ng panibagong buhay. Mukhang sinuwerte ka sa last na misyon mo?” Napangiwi ako matapos marinig ang salitang ‘misyon’. Bigla ba naman kasing nag-pop up ang mukha ni Kirill sa isipan ko. Agad akong umiling-iling. “Ayon, simpl
ANASTASIA“O-Oh... K—” agad kong pinigilan ang sarili ko dahil muntik ko nang masambit ang buong pangalan niya. Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil sa labis na sarap na nararamdaman ko ngayon. Ito pala ang pakiramdam nang pakikipag-sex? Totoo ngang langit! Marahil ay dahil na din sa impluwensya ng alak, pero grabe—ibang-iba ang pakiramdam. Nakakanginig, nakakaadik... tipong, gusto kong ipasok niya na sa loob ko ang pagkalal-ki niyang nakatago sa trouser niya. Kasalukuyang nilalamutak ni Kirill ang tuktok nang magkabila kong dibdib. Hubo't-hubad na ako sa harapan niya, kaya naman malaya siyang magsalit-salit sa pagdila, pagkagat at pangsipsip ng utong ko. “O-Ohh!” hiyaw ko nang maramdaman ko ang paglapat ng daliri niya sa basang-basa kong pagkababae. Parang nanginig ang katawan ko dahil sa ginawa niya. May namuo agad na kung ano sa puson ko, dahilan para mapaawang ang labi ko. “‘T-Teka, ‘wag mong ipasok—” pagpigil ko nang maramdaman kong nilalaro ng daliri