Share

Kabanata 02: The Target

Penulis: OraPhici
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-03 19:34:05

ANASTASIA

“Kaya mo naman diba?” tanong sa akin ni Leo. May pilyong ngiti pa sa labi niya habang nakatingin sa akin. Nanunuot pa sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng vape na palagi niyang gamit. Vanilla.

Andito kami ngayon sa napagusapan naming lugar. Hawak ko ang isang envelope na naglalaman ng mga stolen pictures ng target namin mamaya.

Dumako ang tingin ko sa litrato na hawak ko. Itsura pa lang ay halatang hindi pinoy ang target. Malakas din ang dating at halatadong mayaman. Mga tipo ng lalaki na mahilig makipaglampungan sa mga babae.

Sunod ko namang tinignan ang isa pang picture. Picture ng isang singsing na mukha lang namang simple. Kaya nangunot ang noo ko.

“'Yan lang? Singsing lang ang nanakawin ko?” reklamo ko.

“'Yan ang pinakaimportante na makuha mo. Ikaw nang bahala kung pati wallet ay kukunin mo,” sagot niya.

Tumango ako. “Yeah, sure. Asahan mong madadala ko 'yan bukas,” mayabang kong saad na ikinangisi niya.

“Oh siya! Ayon, pasok na. Iyan ang bar na siguradong pupuntahan niya ngayong gabi,” sabay turo sa bar na nasa di kalayuan.

The Obsidian Bar. Pangalan pa lang halatang dadayuhin na ng mga mayayaman.

Just like the plan, I stepped into the Obsidian Bar, its neon sign bleeding into the night like an open wound.

Angkop naman sa lugar ang damit na suot ko—isang black haltered dress, may dala rin akong pera para sa alak.

Pagpasok ko pa lang ay nilibot ko na ang paningin ko.

Puno ng halimuyak ng whiskey at samu't-saring amoy ng pabango ang bar. Mayroon ding chandelier na ang liwanag ay parang patak ng tunaw na ginto. Mga tawanan at hiyawan ng mga lasing, halinhinang pumipintig sa tenga ko. Malawak ang bar, pero nasa iisang silid lang naman kaya hindi ako mahihirapang hanapin ang target. Halos labing-limang minuto rin ang ginugol ko sa paghahanap, pero hindi ko siya nakita.

Naupo ako sa harap ng counter. “Cocktail,” maikli kong saad.

“Cocktail coming right up!” masayang sabi naman ng bartender.

Habang hinihintay ang order ko, ay lumilipad ang isipan ko. Para bang puma-flashback sa akin ang lahat ng paghihirap na naranasan ko matapos kong malaman na mayroong halos isang milyong utang na nakapatong sa ulo ko na gawa ng ex ko.

“Hmm? It seems like you're in a deep thought, miss.”

Bumaling ako sa bartender na nakangiti at kalalapag lang ng cocktail glass sa harap ko. Nginitian ko siya.

“Oh... not really, I'm waiting for someone. Someone... a blonde, to be exact.” Well, this might work. Baka mas mapadali ang paghahanap ko kung gagamitan ko ng simpleng conversation sa mga taong palaging andito.

Ngumisi ito. “I see, so you're one of his woman,” manghang sabi niya pa kaya natuon na talaga sa kaniya ang atensyon ko. I guess, kilala niya ang target ko.

“Well, he's kind of late. Nababagot na ako,” pagsisinungaling ko.

Natawa naman siya. “Mostly, he arrives at exactly ten o'clock, oh look—” Pinakita niya sa akin ang relo niyang suot. “Five more minutes before then.”

Hindi na ako nagtagal pa sa counter, agad na rin akong umalis atsaka humanap ng pwesto kung saan ay pagpasok pa lang ng target—makikita ko na siya.

Nakaupo ako ngayon sa isang bar stools na nasa bandang gilid at madilim, malayo sa spotlight.

Akala ko, kailangan ko pang maglagay ng effort para lang mabantayan ang pagpasok niya. Pero hindi—dahil ang simpleng pagpasok niya pa lang sa entrance ay nagdulot na ng samu't-saring bulungan. Parang sa simpleng pagtapak niya lang sa bar ay inaanunsyo na ang pagdating niya. Kuhang-kuha niya na agad ang atensyon ng mga tao, pati na rin ang malalagkit na tingin ng mga babaeng nasa dance floor.

Humigpit ang hawak ko sa cocktail glass.

He sure did arrive at exactly ten o'clock.

Kirill Yevgenyevich Ivanov, rumoured painted him as a wolf—a billionaire who devoured companies by day and women by night.

Kitang-kita ko ang pagkislap ng lip piercing niya. Para bang hina-highlight nito ang kakaibang ngiti sa labi niya. Idagdag pa ang blonde niyang buhok at nakakaakit na kulay bughaw na mga mata. No wonder women are drooling at him.

Akala ko pa siya ang tipo na palaging nakasimangot at cold kung tumingin, pero mukhang mali ang hula ko.

Dahil sa nakikita ko ngayon, he's good at socializing. He's not the snobb type.

Lumampas na siya sa pwesto ko, pero sa kaniya pa rin nakatuon ang atensyon ko.

Ok, stick to the plan, Anastasia.

Hayaan siyang malasing, mawala sa sarili then kunin ang wallet niya—bahala na kahit hindi makuha ang singsing, importante may pera.

“Then vanish like a bubble,” bulong ko sa huling parte ng plano ko.

Just like the plan, hinintay ko siyang magpakalasing. Pero halos isang oras na ang nakalipas—ay hindi pa rin siya umiinom!

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. “Sh-t! Mukhang aabutan pa ako ng umaga dito!” Sabay tingin sa kanina ay pwesto ni Kirill, ang target ko.

Laking gulat ko nang wala na siya 'don. “Saan na 'yon?” Napalinga-linga pa ako para hanapin siya.

“A girl as beautiful like you doesn't belong in shadows.” Mabilis akong napaharap sa nagsalita. “Not when she burns this bright,” dugtong niya pa.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Kirill. Yes! Kirill, my target. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta sa pwesto ko nang hindi ko alam. Nakaupo na siya sa katabi isa pang bar stool, nakatingin sa akin habang may kakaibang ngiti sa labi.

Mapakla akong tumawa. “You don't know me.” Sh-t, kumalma ka Anastasia!

“Don't I?” Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong malapit sa kaniya. Ang init ng kamay niya’y parang apoy na dumampi sa balat ko. “But you've been staring all night. Waiting.”

Lintek, alam niya?!

Napalunok ako dahil sa kakaibang init nang haplos niya sa akin. Bigla ko pang binawi ang kamay ko bago ay tumikhim, para na 'rin pakalmahin ang sarili ko.

Think, Tasia. Act normal, isipin mo na lang na magandang pangyayari 'tong nauna siyang mag-approach. Mas mapapadali ang trabaho, ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay lasingin siya.

“Well, you got me,” pagamin ko na mahina niyang ikinatawa.

Nagkibit-balikat naman siya. “I can feel it right after I walk in, your stares are quite different from theirs.”

Napalunok ako dahil sa kalmado at tila ba nakakaakit niyang boses. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, parang hirap akong huminga.

This man, Kirill Ivanov... I can feel it—he's too dangerous to mess with.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 163: Sana

    ANASTASIA I felt so anxious. Hindi ako mapakali pagkagising ko sa umaga. Nagising ako na wala sa tabi ko Kirill. Ang naabutan ko lang sa first floor ay si Valya na kasalukuyang nagluluto ng umagahan.“Val, where are they?” tanong ko habang humihikab pa't nakaupo lang sa tapat ng dining table.Walang lingon-lingon na sinagot niya naman ang tanong ko. “Out there, trying the scuba diving.” Bakas sa boses niya ang pagkairita. Mukhang masama ang loob na hindi siya nakapag-scuba diving. Napangiwi naman ako. “Bakit feeling ko nakanguso ka ngayon?” pabiro kong tanong. This time, ay pumihit naman na siya paharap sa akin. Kaya kitang-kita ko kung paanong nakanguso nga siya at magkasalubong pa ang kilay.Parang umakyat ang tuwa sa ulo ko't napahagalpak ako ng tawa. Tumayo pa ako atsaka agad na lumapit kay Val at kinurot ang magkabila niyang pisngi. “Ang cute-cute mo naman, Val!” nanggigil na sabi ko habang patuloy sa pagkurot ng pisngi niya. “Ouchhh! Dahan-dahan namannn...” cute pa rin na p

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 162: Fun Night

    ANASTASIA I told them everything about me. How each events that was happening now connects to who I am. Sa bawat sandali na nagkukwento ay tahimik lang si Kirill habang hawak ang isang kamay ko at pinipisil 'yon sa tuwing basag na ang boses ko.I wanted to be open to them. Hindi ko rin gusto na mayroon akong nililihim kay Valya. Lalo na't open na open siya sa akin. I wanted her to trust me fully too. I wanted to be fair, at hindi na rin ako matatakot na makilala nila ako sa kung sino ako. “And that's it! Wanted ako dito, but Kirill cleaned up my mess. At 'yon rin ang dahilan kung bakit nagsimula sa isang kontrata ang relasyon naming dalawa.” Bumaling ako kay Kirill. Nakangisi siya habang nakatingin din sa akin. “She believes that she owes me the money and her life. Well—I guess, this is how I wanted it to turns out?” natatawang sabi pa niya. Siniko ko naman siya habang tumatawa na rin. Nang bumaling ako kay Valya ay napangiwi na lang ako nang makita na patuloy sa pagtulo sa pisngi

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 161: Truth and Truth

    ANASTASIA Malakas ang tawanan naming apat habang nakaupo pa rin kami sa kani-kaniya naming mga pwesto. Kahit si Valya na kanina ay wala sa mood, ngayon ay tawa na rin ng tawa. “Holy shit, why would you say that! We oath to bring that to our grace! You motherfucker!” Tumatawa pero halatang iritado na saad ni Hyacinth. Masama ang tingin niya kay Kirill, habang si Kirill naman ay tawa lang ng tawa at nakahawak pa sa tiyan. “Well? I didn't promise, Hya,” mapangasar na sabi pa ni Kirill. Kinuha niya ang shot glass na may lamang alak dahil turn niya na para tumagay. Dikit na dikit sa akin si Valya, sinasadya niya pa rin kasing dumidistansya kay Hyacinth. Napapangiwi na nga lang ako dahil ang cute niyang tignan ngayon. Kunwari ay nagtatampo pero ang totoo ay gusto rin talagang kinukulit siya ni Hyacinth.“Ok, who's next?” tanong ni Hyacinth bago kinuha ang bottle na kanina ay gamit-gamit namin para maglaro ng truth only—walang dare, dahil ayaw nilang tatlo. Pawang katotohanan lang ang gu

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 160: Tambay

    ANASTASIA “Woah?! What the fuck, Kill?! Talagang dalawa lang dinala mo huh?!”“Cut it out, Val! Hyacinth's here, utusan mo!” “Arghh! Grabe 'to, wala man lang pakialam sa kapatid niya, hmph!”Napangiwi ako habang pinapanuod si Valya na mag-walkout at pumunta pabalik sa cottage. Naiiling na binalingan ko naman ng tingin si Kirill na ngiting ngiti at tila ba ay tuwang-tuwa na napikon niya ang ate niya. “Seriously? Bakit ba kasi dalawa lang dinala mo? Ang selfish mo naman,” suway ko sa kaniya habang tinitignan ang dalawang camping chair na dala niya.Andito kami ngayon sa labas—sa buhanginan, to be exact. This is our plan afterall, ang mag-camping at tumambay sa labas. Mayroon ding maliit na apoy sa harapin namin, dahil magiihaw yata sila ng uh, marshmallow. May mga bote rin ng alak na nakalagay sa maliit na ice cooler.Tumingala ako sa kalangitan, sobrang ganda ng langit ngayon. Maraming stars at maliwanag. Parang nakikisama ito ngayon sa amin kaya naman ay napapangiti na lamang ako.

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 159: Use me

    ANASTASIA “Tasia?! Huy! Anong gagawin mo—ahh!” Pikit na pikit ang mga mata ko't pigil na pigil ko ang paghinga ko. Nasa ilalim ako ng dagat ngayon, nakalubog at ayaw umahon. Siguro ay natataranta na sila Valya, pero wala pa rin akong planong umahon dahil baka magwala lang ako. Kaya lang ay may mga braso na nagangat sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabilang ilalim ng kili-kili ko atsaka iniahon ako. “Fuck shit! Anong ginagawa mo?! Papatayin ako ni Kirill sa ginagawa mo!” sermon ni Hyacinth habang buhat-buhat ako't hinahatak pabalik sa dalampasigan. Nagpumiglas naman ako. “Let me go! Maliligo langa ko! Ang OA niyo naman?!” galit na sigaw ko. Nakawala naman ako mula sa pagkakahawak niya sa akin at bahagya pa akong bumagsak sa buhanginan. Tumakbo naman papalapit si Valya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat atsaka niyugyog pa ako.Basang-basa ang buhok niya, dahil naliligo nga rin sila kanina. Medyo tan na rin ang skin niya dahil tirik na tirik ang araw kanina 'nong n

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 158: Laruan

    ANASTASIA Nakatulala ako sa dalampasigan habang naka-crossed arm at nakasandal sa pader ng cottage. Nasa malilim na part naman ako, kaya kahit papaano ay hindi alintana ang mainit na sinag ng araw. Magulo na naman ang isipan ko ngayon, parang nangyayari sa akin ang pinagdadaanan ni Valya kanina. Self blame. Sinisisi ko na naman ang sarili ko dahil sa mga kamalasanang nangyayari sa amin ngayon. Bumuntong hininga ako. Habang nagiisip ako at pinapanuod ko rin kung paanong humahampas ang malalaking alon sa baybayin. Nandoon sina Valya at Hyacinth, hindi rin nila alintana ang init dahil mas masaya silang nakakapagharutan sa ilalim ng initan. Narinig ko rin kanina na sabi ni Valya ay gusto niyang magpa-tan skin, kaya intensyon niya talagang magbabad sa initan ngayon.Si Kirill naman ay umalis, mukhang mayroong problema sa company at siya lang ang makakayos kaya personal na pumunta muna siya 'don. Gusto niya akong isama kanina, kaya lamang ay tinatamad ako at ayaw kong magpakita sa mga e

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status