Share

The Billionaire's Perfect Thief
The Billionaire's Perfect Thief
Author: OraPhici

Prologue

Author: OraPhici
last update Last Updated: 2025-08-03 19:17:30

WARNING: ANG STORYA PO NA ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. It contains matured and explicit contents. Please read at your risks.

ANASTASIA

Akala ko ay nakaayon na sa plano ko ang lahat. Akala ko ay magagawa ko nang magsimula ng panibagong buhay na kung saan ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa mga taong ginagamit lang ang kahinaan ko.

Akala ko ay malaya na ako. Pero mukhang, hanggang pangarap na lang ang kalayaan na 'yon.

Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng dagat na nakapalibot sa akin.

Nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa malamig at bakal na railing ng yateng kinalalagyan ko. Parang sumasabay pa sa kabadong paglunok ko ang bawat hampas ng alon sa yate. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

Ramdam ko ang titig niya—no, kitang-kita ko kung sa paanong paraan niya ako tignan. Pakiramdam ko'y hinahagod ng tingin niya ang bawat parte ng katawan ko. Parang ang kabuuan ko ngayon na nasa harapan niya ay nagbibigay ng kaligayahan sa buong sistema niya.

Marahil dahil nasa harap niya na ang babaeng pinaikot siya't ninakawan pa?

Tingin pa lang ay nakakapanindig balahibo na. Idagdag pa ang pagtawa niyang nanunuot na sa tenga ko. He felt like a different person, ibang-iba sa lalaking nakasalo ko sa kama.

He's Kirill Yevgenyevich Ivanov, my latest target. Desperada na akong makatakas mula sa mga loan shark. Sa loob ng tatlong taon, nagtrabaho ako bilang miyembro ng isang malakihang pagnanakaw, ngunit hindi ko pa rin nababayaran ang halos isang milyong utang na iniwan ng aking ex. Dahil dito, nagdesisyon akong mag-take ng risk sa isang solo misyon, at si Kirill ang naging target ko.

Pero mukhang walang kalayaan na magaganap. Dahil andito siya ngayon sa harapan ko.

Hindi pa siya nagsasalita simula kanina nang magising ako. Hindi niya na kailangan pa. Dahil ang simpleng tunog ng paghagod lang ng long-sleeve polo niya sa deck ay sapat na para para maukit ang buong pagkatao niya sa buto ko.

I thought I'd get away even if I steal a billionaire's wallet and ring that night. Akala ko'y ang mga taong katulad niya ay wala nang pakialam kahit pa mawalan sila ng wallet. Nakakatawa, dahil ang dapat ay huling pagnanakaw na ginawa ko ay siya rin pa lang magpapahamak pa sa akin.

Mukhang hindi lang ang pera at alahas niya ang ninakaw ko. Siguradong ang atensyon niya rin.

Siguro ay kasalanan ko rin? Hinukay ko ang sarili kong libingan sa oras na hindi ko inalam ang buong pagkatao niya. All I know is that he's a billionaire who's hobbies are bar hopping and frequently changing his woman. Hinayaan ko pang kunin niya ang virginity ko para lang sa plano.

Kagat-labi akong nagbaba ng tingin. Pero wala pang limang segundo pa ay nagsalita siya.

“Look at me,” maawtoridad niyang utos. His tone are different compared to that night. He's not gentle anymore. His playfulness and sly tone are gone.

Ginawa ko ang sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. Hinahangin pa ang buhok ko't humaharang sa mukha ko pero hindi ko 'yon hinawi. Hinayaan kong ang mga mata ko lang ang makita niya. Takot? Oo. Pero hindi niya malalaman 'yun.

Looking at him now—ang kanyang hitsurang parang hinugot pa mula sa Greek mythology. Ang piercing niyang itim na diamante sa ibabang labi ay kumikinang na parang talim ng yelo, sumasalamin sa bawat kibot ng ngiti niyang pilyo. Ipinagkaloob din sa kanya ang gintong buhok na tila ba'y sinag ng araw sa gitna ng Russian winter, at ang mga matang bughaw na nangangako ng kalaliman—isang karagataang kayang lunurin ang sinumang magnasang sumisid.

Oo, marami siyang naaakit na babae. Pero hindi dahil sa kanyang mukha. Ang totoo, ang mga mata niya’y may lamang lason: isang halimaw na nakatayo sa katauhan ng prinsipe. Bawat kislap ng piercing niya’y parang kutsilyong nakatihaya sa balat mo, at ang tinig niya’y bulong ng sirena sa dagat ng Siberia—nakakalunod, nakamamatay, pero walang takas.

Nakatayo lang si Kirill at tumatama pa sa kaniya ang papalubog na sikat ng araw. Wala siyang tie na suot, tanging white long sleeve polo lang na nakarolyo hanggang siko niya, at hindi pa nakasara ang tatlong butones—nagbubunyag ng mala-diyos na linya ng kanyang balikat.

“You’re wondering why I haven’t thrown you to the sharks,” saad niya.

Lakas loob naman akong ngumisi. “Naghihintay ka mag-low tide. Less blood to clean.” Magpapanggap na lang akong matapang para hindi ako mukhang kawawa.

Kumislap ang kulay asul at malamig niyang mga mata. Mukhang na-amazed siya sa sinabi ko.

“Clever girl,” bulong niya, bago siya dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

Nang makalapit na siya ay halos lamunin ako ng mabango at panlalaking pabango niya. Amoy pa lang, siguradong mamahalin na.

“But wrong. I want you awake when I break you.” Huminto ang yate matapos niyang magsalita. Nawalan ako ng balanse at napahawak sa dibdib niya.

Ramdam ko ang tibok ng puso niya sa palad ko. Normal lang, hindi tulad ng akin na halos lumabas na sa ribcage ko.

Parang normal lang sa kaniya na may kinidnap siyang babae. Walang kaba, kalmado lang. Tama nga ang hinala ko. Wala siyang plano na patayin ako, pero wala rin siyang plano na pakawalan ako.

He sees me as a plaything.

Ginalaw ko ang kamay ko't hindi sinasadyang masagi ang nipple niya. Bumuga siya ng mabigat na hininga't hinawakan ang baba ko gamit ang hinlalaki niya.

“You’ll work for me,” pinal na sabi niya, and it wasn’t a request.

“Bilang ano??” anas ko. “Your whore?”

Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi niya. “Masyadong madali. Hmm... I want you on your knees begging to be my whore.” Ginalaw niya ang hinlalaki niya't mas umangat pa, idinampi niya ito sa ibabang labi ko. “Starting tomorrow, you’ll be my secretary. My shadow. You’ll fetch my coffee and file the receipts for the men I bury. And every night, you’ll sit across from me at dinner, wearing the dresses I choose, eating the food I allow… and wondering when I’ll finally snap.”

Hindi makapaniwalang natawa ako't kumawala sa kaniya. “Go to hell, Kirill.” Dinuraan ko ang paa niya.

Kirill didn’t flinch. Hinuli niya ang pulsuhan ko. Nanlaban pa ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Careful, love. You’ll make me fall in love.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 167: Setup

    ANASTASIA Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin ako sa nakangiting mukha ng babaeng nagluwal sa akin. She was smiling proudly while looking at me. Mayroon pa siyang binulong sa lalaking nasa kabilang side ng table na nasa harapan nila, at tumawa ito. They are sitting calmly on a sofa, C-shape sofa, at nasa gitna ang table na sinasabi ko. While me, on the other hand are clenching my fist while looking at her. “Come here, ija—” “What the fuck did you say, ma'am?” pilit kalmado kong sabi habang masama ang tingin sa kaniya. Nakangiti siya sa akin ngayon—ngiting-ngiti na para bang isang baliw na natutuwa sa mga ekspresyon na bumabalatay sa mukha ko. “Calm down, will you? Hindi ka ba nahihiya sa mga bisita natin?” panggi-guilt trip niya sa akin. Hindi makapaniwalang tumawa naman ako. “Bisita mo, I am not even part of your whole damn family, ma'am!” singhal ko. And this time, ay naagaw ng sinabi ko ang atensyon ng dalawang lalaki na kanina ay prente lang nakaupo. Tumingin ang

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 166: Here Comes The...?

    ANASTASIA“Don't tell me sa dulo ng pilipinas tayo pupunta?” tanong ko kay Nier. Huminto na naman kami sa isang convenience store na nasa gilid lang ng main road. Hindi ko na alam kung saang parte na kami ng Pilipinas. All I know was we've been traveling for two whole days! And now, gabi na naman. Imagine? Ngalay na ngalay na ako sa kakaupo sa motor, dalawang araw na akong walang bihis—actually pareha kami. Ni hindi man lang kami humihinto sa mga hotel para matulog. As in dere-deretso at sobrang lutang na ng utak ko dahil halos wala akong tulog. Wala kaming tulog! Nakaupo ako ngayon sa isang upuan na nasa labas ng store, habang si Nier ay kakalabas lang at dala-dala ang cup noodles na mayroon ng ininit tubig. Nilapag niya 'yon sa tabi ko at naupo na rin. Pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya dahil gusto kong marinig ang sagot na hinihintay ko kanina pa. “Ano? 'Di ka talaga sasagot? Jusko! Dalawang araw na tayong nasa bumabyahe, ni hindi ko man lang alam kung saan ba talaga

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 165: Fake Kindness

    ANASTASIA Mabilis ang takbo ng motor, kaya naman ay kapit na kapit talaga ako kay Nier. Labag pa mga sa loob ko ang paghawak sa bewang niya, pero kung hindi ko 'yon gagawin ay baka tumilapon ako.Daig pa kasi namin ang nakasalang sa isang racing contest dahil sa sobrang bilis ng takbo. Grabe din ang pagsingit at overtake na ginagawa niya. Ako na ang natatakot dahil parang babangga kami. But I guess... isang pro ang lalaking 'to. It is essential to know how to drive with death when you're at their line of work after all. At sigurado ginagawa niya ito ngayon, para masiguro na hindi kami maaabutan ni Kirill o nang mga tauhan niya. Every minute na dumadaan ay palakas at pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko. Hindi kasi maiwasan ng utak ko na magisip kung ano nga ba ang sitwasyon na mangyayari mamaya o sa kung paanong paraan nila ako kailangan. More importantly... bakit andito sila sa Pilipinas ngayon? What happened to their life on United States? Bakit dito? Bakit andito na naman

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 164: Abduction

    ANASTASIA “Wala po ba?” tanong ko sa tindera. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil ilang minuto na akong naghihintay dito sa harap niya. Ngumiti naman siya sa akin. “Wait lang po ma'am, pasensya na po sa paghihintay at hinahanap pa po kasi 'yung natitirang stock.”Tumango na lang naman ako atsaka nilingon ang labas ng pharmacy. Andon pa rin naman ang guard na kasama ko, kaya hindi ako masyadong kinakabahan na lumabas ako ngayon. Ang kinakatakot ko lang ay maunahan pa ako nila Kirill na makabalik sa cottage. Imbis na surprise, baka masermunnan pa ako! Bumalik ulit ang tingin ko sa cashier. “Wala pa rin po?” tanong ko na naman, halata na ang pagmamadali sa boses ko. Akmang sasagot na siya nang bumalik na ang kasama niyang pumasok sa bodega para hanapin ang stock nila ng pregnancy test. Pawis na pawis ito pero nakangiti pa rin habang hawak-hawak ang isang box ng PT. Nakaginhawa naman ako at napangiti na. “Hay salamat!” usal ko pa na ikinatawa nilang dalawa. “Pasensya na

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 163: Sana

    ANASTASIA I felt so anxious. Hindi ako mapakali pagkagising ko sa umaga. Nagising ako na wala sa tabi ko Kirill. Ang naabutan ko lang sa first floor ay si Valya na kasalukuyang nagluluto ng umagahan.“Val, where are they?” tanong ko habang humihikab pa't nakaupo lang sa tapat ng dining table.Walang lingon-lingon na sinagot niya naman ang tanong ko. “Out there, trying the scuba diving.” Bakas sa boses niya ang pagkairita. Mukhang masama ang loob na hindi siya nakapag-scuba diving. Napangiwi naman ako. “Bakit feeling ko nakanguso ka ngayon?” pabiro kong tanong. This time, ay pumihit naman na siya paharap sa akin. Kaya kitang-kita ko kung paanong nakanguso nga siya at magkasalubong pa ang kilay.Parang umakyat ang tuwa sa ulo ko't napahagalpak ako ng tawa. Tumayo pa ako atsaka agad na lumapit kay Val at kinurot ang magkabila niyang pisngi. “Ang cute-cute mo naman, Val!” nanggigil na sabi ko habang patuloy sa pagkurot ng pisngi niya. “Ouchhh! Dahan-dahan namannn...” cute pa rin na p

  • The Billionaire's Perfect Thief    Kabanata 162: Fun Night

    ANASTASIA I told them everything about me. How each events that was happening now connects to who I am. Sa bawat sandali na nagkukwento ay tahimik lang si Kirill habang hawak ang isang kamay ko at pinipisil 'yon sa tuwing basag na ang boses ko.I wanted to be open to them. Hindi ko rin gusto na mayroon akong nililihim kay Valya. Lalo na't open na open siya sa akin. I wanted her to trust me fully too. I wanted to be fair, at hindi na rin ako matatakot na makilala nila ako sa kung sino ako. “And that's it! Wanted ako dito, but Kirill cleaned up my mess. At 'yon rin ang dahilan kung bakit nagsimula sa isang kontrata ang relasyon naming dalawa.” Bumaling ako kay Kirill. Nakangisi siya habang nakatingin din sa akin. “She believes that she owes me the money and her life. Well—I guess, this is how I wanted it to turns out?” natatawang sabi pa niya. Siniko ko naman siya habang tumatawa na rin. Nang bumaling ako kay Valya ay napangiwi na lang ako nang makita na patuloy sa pagtulo sa pisngi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status