ANASTASIA
“Hmm, hmm, hmm,” masayang humming ko habang naglalakad palabas ng hideout. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Pinagtitinginan na nga rin ako ng iilan na nagpupunta din para magbayad ng utang nila. “Aba? Abot hanggang langit na ang ngiti mo ah!” salubong ng pamilyar na boses, si Kuya Jepoy. “Kuya Jepoy!” Nakipag-fist bump ako sa kaniya. “Paanong hindi aabot sa langit ang ngiti ko? 'Eh makalipas ang tatlong taon, ay malaya na rin ako sa wakas!” tuwang-tuwa ko pang saad. Nagtinginan na rin sa akin ang iba at nagsimulang magbulungan. Tuwang-tuwang nitong ginulo ang buhok ko. “Mabuti naman, pwede ka nang magsimula ng panibagong buhay. Mukhang sinuwerte ka sa last na misyon mo?” Napangiwi ako matapos marinig ang salitang ‘misyon’. Bigla ba naman kasing nag-pop up ang mukha ni Kirill sa isipan ko. Agad akong umiling-iling. “Ayon, simpleng nakawan lang ulit. May pinakuha lang na item, aba shempre'y dinamay ko na rin pati pera. Alangan naman hindi ko pa lubos-lubusin diba?” pilyo kong saad kaya naman natawa na rin siya. Kaya naman hindi ko inaasahan ang biglang pagseryoso ng mukha niya, bago ay hinawakan niya ang balikat ko. “Tasia, ngayong malaya ka na. Magpakalayo-layo ka na. Hindi por que malaya ka na dito sa grupo, ay ligtas ka na.” Bumuntong hininga siya. “Hindi naman alam kung anong mangyayari sa mga susunod pang bukas. Wala tayong kasiguraduhan kung hindi ba tayo babalikan ng mga taong naging biktima natin, Tasia,” paalala niya sa akin. Napalunok ako. Bigla na namang lumabas ang imahe ng nakangising mukha ni Kirill sa isipan ko. Hindi ko naman siya iniisip, bigla-bigla na lang siyang lumalabas. Idinaan ko na lang sa tawa ang lahat para mawala ang mabigat na atmosphere sa pagitan namin ni Kuya Jepoy. Matamis akong ngumiti. “Huwag kang magalala Kuya Jepoy, hasler yata sa taguan to?!” proud ko pang saad habang tinuturo ang sarili ko. Natawa na lang din siya at kalaunan ay nagpaalam na sa akin. Ako naman ay tuluyan na ring umalis sa hideout. Tinignan ko pa ito para sa ikahuling beses. Tatlong taon. Halos tatlong taon akong nagtiis na magpagbalik-balik sa lugar na ito. Tatlong taon akong binabangunot ng mga nabiktima ko. Pero sa wakas, makakalaya na rin ako sa puno't-dulo ng lahat. Naglakad na ako palayo atsaka tinatanaw pa ang kulay orange na langit. Hapon na kasi at papalubog na ang araw. Malapit na ring madilim. Maglalakad lang naman ako papunta sa inuupahan kong bahay dahil medyo malapit-lapit lang din naman. Habang naglalakad ako, ay parang nagpe-play sa isipan ko ang lahat ng paghihirap na pinagdaan ko para lang mabayaran ang utang ng hudyo kong ex. Kumuyom pa ang kamao ko habang hawak-hawak ang sobre na naglalaman ng sobrang pera na kinita ko kanina. “Lintek ka, sana nilamon ka na ng impyerno,” malutong na sambit ko habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Kunot na kunot pa ang noo ko't ani mo'y mayroong kaaway. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao, pero wala akong paki-alam. Hindi matutumbasan ng hiya ang tuwa na nararamdaman ko ngayong malaya na ako. — “Thank you so much po sa mahigit limang buwan na pagtitiis niyo sa akin, Ate Mila,” pasasalamat ko sa matandang babae sa harapan ko na mayroong matamis na ngiti. “Ano ka ba, ija, wala 'yon. Parang anak na rin naman ng turing ko sa iyo,” nahihiyang sabi niya naman. Bitbit ko na ngayon ang isang malaking bag na naglalaman ng iilan sa importanteng mga gamit ko. Agad na kasi akong nagimpake paguwi ko pagkatapos ay heto at katatapos lang bayaran ang upa ko. Napakamot ako sa ulo ko. “Nako, alam ko pong konsimesyon ako sa inyo! I mean, puro na lang kasi delay ang bayad ko,” nahihiya ko lang saad. Pero tinawanan niya lang naman ako. At gaya ni Kuya Jepoy, ginulo niya lang din ang buhok ko habang may matamis na ngiti sa labi. “Saan naman ang punta mo ngayon?” tanong niya. “Hindi ko pa alam, siguro sa probinsya ako ngayon,” hindi sigurado ko namang sagot sa kaniya. Sandali pa kaming nagkwentuhan ni Aling Mila. Napasarap pa ang kwentuhan at hindi na halos namalayan na madilim na pala. Kaya naman nang magpunta ako sa terminal ng bus, ay halos alas ocho na ng gabi. “Ang tagal naman,” reklamo ko nang makita na sobrang bagal umusad ng pila para sa bus ticket. Tanging pagbuntong-hininga na lang ang nagawa ko hanggang sa wakas ay makasakay na ako sa bus. Ang totoo, ay mayroon na talaga akong destinasyon. Actually, noon pa lang ay pinagpaplanuhan ko na talaga kung saan ako pupunta kung sakali na makalaya na ako mula sa utang ko. At tulad nga ng sabi ko, isang probinsya 'yon. Malawak na probinsya, to be exact. At 'don ako pinunta ngayon! May plano rin akong magpalit ng pangalan, hairstyle at iba pa. Parang magpapalit ng katauhan kumbaga, para hindi ako matunton sakali ng mga nabiktima kong may plano na hanapina ako. I still have a long way to go. But for sure, ay magiging ayos din ang lahat. Dahil siguro naman sapat na ang tatlong taon na paghihirap at pagsubok na binigay sa akin ni Lord. Siguro naman, oras na para maging masaya ako diba? Iyong normal na buhay lang ang meron... buhay na tahimik at malayo sa krimen.ANASTASIA “This will be your room.” Sumimangot ako. “Pwede bang makahingi ng map ng buong mansyon? Sobrang lawak, feeling ko maliligaw ako,” Pumihit naman siya paharap sa akin. Sinasalubong ko lang ang bawat titig niya, hanggang sa unti-unting dumukwang siya pababa at palapit sa mukha ko. Halos isang dangkal na naman ng layo ng mukha niya sa akin. “Don't do anything stupid, woman. Pagsisisihan mo,” babala niya sa akin. Inirapan ko naman siya atsaka tinulak ang dibdib niya. “Oo na, lumayo ka naman. 'Di tayo close!” masungit kong saad. Anong akala niya? Akala niya ba madadala niya ako sa mala-Greek God niyang hitsura? Sus! Sinadya ko naman talagang ibigay ang virginity ko sa kaniya para lang matapos ang plano ko. Hindi dahil na-attract ako sa kaniya. Kumislap na naman ang black diamond niyang lip piercing, dahil sa pagngisi niya. “Hindi close? Perhaps not emotionally, but physically we were undeniably connected. Do you remember the hot intensity that night—how you moan lo
ANASTASIA “Stab me with a knife instead, hindi ako kayang patayin ng matatalim na titig mo.” Bumuga na naman ako ng malakas na hininga. Kulang na lang talaga ay saksakin ko na ang lalaking nasa harapan ko dahil malapit na akong mabaliw. “Pakawalan mo na ako, Kirill. Wala kang makukuha mula sa akin,” frustrated na pagpupumilit ko. Magkaharap kami ngayon sa lamesa na nasa loob ng dining area—nasa kabilang side lang siya. “Yung pera at singsing na kinuha ko mula sa'yo—wala na, kahit anong gawin mo ay hindi ko na 'yon maibabalik pa,” pilit kalmadong paliwanag ko pa sa kaniya. Pero ang lintek na blonde na lalaking 'to, ay tinaasan lang ako ng kilay habang nakahalumbaba siya. Nakapatong ang siko sa lamesang nasa harapan namin. “I see, you've done well. You even know my name.“ Kumislap ang lip piercing nito. “Pero hindi mo man lang nagawang alamin ang buong katauhan ko, Tasia.” Kin
ANASTASIA “Pakawalan mo 'ko! Baliw ka ba?! Kidnapping 'to, Kirill!” malakas na sigaw ko habang tinutulak ako ng mga nakaitim na lalaki. Pababa kami ng yate, nakagapos ang mga kamay ko sa likuran ko. Ang suot ko ngayon ay ang suot ko pa rin noong kinidnap nila ako. Hindi ko alam kung ilang araw na ang nakalipas. Pero sa pagkakaalala ko ay dapit hapon noong dumating ako sa barangay Inhobol. At ngayon naman ay papalubog na din ulit ang araw. Ibig sabihin ba nito ay halos isang araw na ang nakalipas magmula nang kidnapin nila ako? Kaya siguro kumakalam ang sikmura ko ngayon dahil halos isang araw akong walang kain! Sobrang sama ng tingin ko sa likod ni Kirill. Kung nakakabutas lang ang titig ay baka kanina pa butas ang katawan niya. “Bilisan mo—” Natigil sa pagsasalita ang lalaking nasa likod ko nang lingunin ko agad ito at sinamaan ng tingin. “Kidnapping 'to!
ANASTASIA Akala ko ay nakaayon na sa plano ko ang lahat. Akala ko ay magagawa ko nang magsimula ng panibagong buhay na kung saan ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa mga taong ginagamit lang ang kahinaan ko. Akala ko ay malaya na ako. Pero mukhang, hanggang pangarap na lang ang kalayaan na 'yon. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng dagat na nakapalibot sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa malamig at bakal na railing ng yateng kinalalagyan ko. Parang sumasabay pa sa kabadong paglunok ko ang bawat hampas ng alon sa yate. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.Ramdam ko ang titig niya—no, kitang-kita ko kung sa paanong paraan niya ako tignan. Pakiramdam ko'y hinahagod ng tingin niya ang bawat parte ng katawan ko. Parang ang kabuuan ko ngayon na nasa harapan niya ay nagbibigay ng kaligayahan sa buong sistema niya. Marahil dahil nasa harap niya na ang babaeng pinaikot siya't ninakawan pa? Tingin pa lang ay nakakapanindig balahibo na. Idagdag pa ang pagtawa n
ANASTASIA Mahigit sampung oras din ang byahe ko bago ako makarating sa probinsya na pinplano kong puntahan. Ang sakit-sakit pa ng likod ko kakaupo sa bus. Inilapag ko muna sa gilid ko ang bag na hawak ko atsaka nagunat-unat. “Shet, nakakapagod talaga bumyahe! Buti na lang malapit lang dito ang paupahan na 'yon,” inaantok pang saad ko. Matapos magunat ay inilabas ko na muna ang bagong selpon na bili ko. Infairness, touchscreen ito, aba! Minessage ko na agad ang landlord ng paupahang bahay na napili ko habang nasa byahe ako. Sinabi ko lang naman na paparating na ako. Medyo alam ko naman na kasi ang daan, papunta 'don. At isa pa, may mga tricycle naman na pwedeng sakyan kaya for sure ay hindi ako maliligaw. “Kuya! Para po—kuya!” sigaw ko nang makakita ng tricycle na walang sakay. Tuwang-tuwa pa ang driver nang parahin ko siya. “Hi Miss Beautiful, saan punta mo?” tumataas-taas ang kilay na tan
ANASTASIA “Hmm, hmm, hmm,” masayang humming ko habang naglalakad palabas ng hideout. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Pinagtitinginan na nga rin ako ng iilan na nagpupunta din para magbayad ng utang nila. “Aba? Abot hanggang langit na ang ngiti mo ah!” salubong ng pamilyar na boses, si Kuya Jepoy. “Kuya Jepoy!” Nakipag-fist bump ako sa kaniya. “Paanong hindi aabot sa langit ang ngiti ko? 'Eh makalipas ang tatlong taon, ay malaya na rin ako sa wakas!” tuwang-tuwa ko pang saad. Nagtinginan na rin sa akin ang iba at nagsimulang magbulungan. Tuwang-tuwang nitong ginulo ang buhok ko. “Mabuti naman, pwede ka nang magsimula ng panibagong buhay. Mukhang sinuwerte ka sa last na misyon mo?” Napangiwi ako matapos marinig ang salitang ‘misyon’. Bigla ba naman kasing nag-pop up ang mukha ni Kirill sa isipan ko. Agad akong umiling-iling. “Ayon, simpl