ANASTASIA
Mahigit sampung oras din ang byahe ko bago ako makarating sa probinsya na pinplano kong puntahan. Ang sakit-sakit pa ng likod ko kakaupo sa bus. Inilapag ko muna sa gilid ko ang bag na hawak ko atsaka nagunat-unat. “Shet, nakakapagod talaga bumyahe! Buti na lang malapit lang dito ang paupahan na 'yon,” inaantok pang saad ko. Matapos magunat ay inilabas ko na muna ang bagong selpon na bili ko. Infairness, touchscreen ito, aba! Minessage ko na agad ang landlord ng paupahang bahay na napili ko habang nasa byahe ako. Sinabi ko lang naman na paparating na ako. Medyo alam ko naman na kasi ang daan, papunta 'don. At isa pa, may mga tricycle naman na pwedeng sakyan kaya for sure ay hindi ako maliligaw. “Kuya! Para po—kuya!” sigaw ko nang makakita ng tricycle na walang sakay. Tuwang-tuwa pa ang driver nang parahin ko siya. “Hi Miss Beautiful, saan punta mo?” tumataas-taas ang kilay na tanong nito. “Sa barangay Inhobol po, magkano bayad?” Kinidatan niya ako. “One-fifty pesos na lang para sa'yo,” pilyong sabi nito kaya napangiwi ako. “Hoy, kuya, alam kong malapit lang ang barangay na 'yon 'no! Mukha lang akong mayaman pero mahirap lang ako,” masungit kong sabi. Aba, gagamitan ba naman ako ng mga kupal moves. Akala yata'y hindi ko alam ang distansya ng barangay na yon sa barangay na pupuntahan ko. “Oh siya, pasok na! Kala ko pa naman maiisahan kita,” tumatawa na lang na sabi nito. 'Di naman na ako naginarte at pumasok na ako agad. Buti na lang talaga at nasa same na bayan lang din ang terminal ng bus ng bayan na plinano kong paglipatan. Kaya heto, simpleng sakay ng tricycle at dadating na ako. Mahigit bente minuto din ang byinahe namin. And finally, nakarating na rin sa barangay kung saan located ang paupahan. “Oh ayan, kuya. Buti na lang at good mood ako ngayon,” abot ko sa one thunder fifty na bayad habang nakangisi. Tuwang-tuwa naman siya at nagpasalamat. Hinatid niya naman ako ilang lakaran lang ang layo mula sa paupahan na bahay. Nilakad ko lang, at nang makarating ako ay bumungad agad sa akin ang landlady na ngiting-ngiti. Pero bakit ganon? Parang may kakaiba kasi sa ngiti niya. Napaka-awkward tignan. Pero binaliwala ko na lang dahil baka nahihiya lang sa akin. “Hello po, ako po 'yung nag-message sa inyo—” “Yes, ija! Thank you for choosing us, nako, pasok ka na. Heto ang susi ng kwarto mo, second floor room 09 ok?” Kumunot ang noo ko. “Hala, teka ate, kalma ka muna. Parang nagmamadali ka naman masyado?” nagtatakang tanong ko. Kasi halos kaladkarin niya na ako nang ibigay niya sa akin ang susi ng kwarto. Napahinto naman ito at nagpunas pa ng pawis sa noo niya. Sabay kamot sa ulo at ngiti. “Sorry n-na-excite lang,” paghingi niya ng tawad. Ngumiti na lang ako at pinaturo kung saan ba ang daan. Isinantabi ko na lang sa isip ko ang nangyari at agad nang tinahak ang daan papunta sa inupahan kong kwarto. Tatlong pinto pa ang dinaanan ko bago ako tuluyang nakarating sa room 09. Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatayo ako sa tapat ng pinto. Abot langit na naman ang ngiti dahil ang pagbukas ko ng pinto na ito ay siya ring indikasyon nang simula ng pagbabago ng buhay ko. Binuksan ko na ang kandado atsaka biglang binuksan ang pinto sabay sigaw. “I'm finally freeee—” Pero ang kasiyahan na nararamdaman ko ay agad ding natapos nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Nakaupo sa kama, nakade-cuatro at nakangisi habang nakatingin sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong gulat at... takot. “A-Anong ginagawa mo rito?!” sa wakas ay malakas na sigaw ko, nabitawan ko pa ang bag na hawak ko. Nanatiling nakaangat ang isang sulok ng labi niya. Para bang tuwang-tuwa siyang makita ang ekspresyon na nakabalatay sa mukha ko ngayon. “Ahh... what did you say again..?” Natuon ang atensyon ko sa isang maliit na papel na nilabas at ipinakita niya sa akin. Iyon ang papel na iniwan ko kahapon sa side table. Parang naputol ang dila ko, at hindi makasagot dahil naguguluhan pa ako. Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko. Walang kalayaan na mangyayari sa akin ngayon. Hindi ngayon na nasa harap ko si Kirill Yevgenyevich Ivanov. “Thanks for the money?” sambit niya sa eksaktong sinulat ko sa papel. Tinapon niya sa sahig ang papel na hawak niya. “Sadly, I don't give it for free, Ei... or should I say, Anastasia Farrales?” Nanindig ang balahibo ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Nag-play ulit ang mga eksaktong sinabi sa akin ni Kuya Jepoy kahapon. “Hindi naman alam kung anong mangyayari sa mga susunod pang bukas. Wala tayong kasiguraduhan kung hindi ba tayo babalikan ng mga taong naging biktima natin, Tasia,” Hindi na ako nakapagisip pa ng maayos. Ang naisip ko na lang ay tumakbo. Pero nang pumihit na ako paalis, ay bumungad na agad sa akin ang mga nakaitim na lalaki, nakaharang sa daanan ko. “W-Wait—” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang may braso na pumulupot sa bewang ko't may panyo pang itinakip sa bibig at ilong ko. “Hushhh... sleep for now, the play hasn't started yet, Tasia,” At ang boses ni Kirill ang huling narinig ko bago tuluyang nandilim ang paningin ko.ANASTASIA Habang sinisimulan ni Carla ang paglalagay ng primer sa mukha ko, ramdam ko ang dahan-dahang pag-ikot ng brush sa balat ko. Malamig ang gel texture, pero ang gaan sa pakiramdam. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang masusi na ekspresyon ni Carla. Para siyang isang pintor na handang gumawa ng obra maestra gamit ang mukha ko. “Ma'am, flawless ang skin texture niyo. Sana all!” biro niya habang pinapahigis heart pa ang sarili niya sa hangin. Napatawa ako, pero agad niyang sinaway. “Wag po galawin ang lips, ma'am. Baka mag-smudge.”Sa gilid naman ang ay beki na ang pangalan daw ay Shawy. Ang hairstylist na mat neon pink na undercut hair. Abala siyang inaayos ang mga gamit na gagamitin niya. May dala-dala siyang portable steamer at curling iron na mukhang high-tech. “Ma'am, since simple lang ang makeup look, suggest ko voluminous waves para balance. Para kang modern-day Maria Clara meets Hollywood royalty. Charot!” napaka-jolly na sabi niya. Natawa naman ako. “Go lang! Bas
ANASTASIA “Ayoko niyannnn!” ang malakas na sigaw ko ang dumagundong sa loob ng kwarto namin ni Kirill. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa revealing dress na hawak ni Kirill. Silk ang type 'non at talaga namang kulay pula pa! “Give me a reason,” aniya. Parang hinahamon niya ako kaya naman napangiti ako. Napamewang pa ako sa harapan ni Kirill. Ako pa talaga ang hinamon mo ha? 'Di mo yata alam na kuha ko ang kiliti mo pag dating sa akin, Kirill. Nagkunwari akong nagiisip ng malalim. Nakalapat pa ang hintuturong daliri ko sa labi ko habang ginagawa ko 'to para makadagdag ng charisma ko. “I mean... gusto kong ikaw lang ang nakakakita ng kabuuan ng katawan ko Kirill. I want my body to be exclusive for you. Ayaw mo ba 'yon?” Kunwari akong bumuntong hininga. “Gusto mo bang pinagtitinginan ng ibang lalaki ang katawan ko na dapat ay para lang sa'yo?” pagdadahilan ko pa ulit. Kitang-kita ko kung paanong nawala ang pilyong ngiti sa labi ni Kirill. Talagang dahan-dahang nandilim
ANASTASIA “Bakit hindi mo na sinagot ulit ang tawag ko?” Napalingon ako sa taong nagsalita. Dahan-dahan akong umayos nang upo at kinukusot pa ang mga mata ko dahil nakadukdok ang ulo ko kanina sa lamesa habang imiidlip. Naalimpungatan lang talaga ako dahil sa lalaking 'to. Agad na nangunot ang noo ko dahil nanlalabo ang paningin ko. “Ang tagal mo naman? Bakit ngayon ka lang?” agad na tanong ko sa kaniya. “Have some errands —”“Errands mo mukha mo.” Tinarayan ko siya. “Baka may iba ka nang kinikita—” Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko dahil tinikom ko na ang bibig ko.Gustong-gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kung ano-ano na namang sinasabi ko. “Hmm? Bakit parang nami-miss mo naman yata ako agad? Could it be that—takot kang may ibang babae akong kitain—”Malakas na hinampas ko ang lamesa. “Sinong takot?!” wala sa sariling pasigaw na sabi ko. “Hindi ako takot 'no. Nagpapanggap lang ako kunwari, umaakto na fiancé mo talaga. And you know what?” Bumuntong hininga ako at
ANASTASIA It's been a week matapos ang nangyaring trahedya sa Coto. Na ang dapat ay masaya at nakaka-enjoy na team building para kela Anya at Silvia—nauwing traumatizing.Andito ako ngayon sa loob ng office namin ni Kirill. Inaasikaso ang mga papeles na may kinalaman sa kita ng company.“Na saan na ba 'yon? Ang tagal niya naman,” bulong ko sa hangin nang dumako ang tingin ko sa table niya. Umalis kasi si Kirill. May gusto pa naman akong linawin about dito sa mga papers, kaya lang ay wala naman siya para mapagtanungan ko. Idagdag pang hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta. Umalis lang na nakangiti with matching paalam na may aasikasuhin daw pero hindi full ang details. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga papeles. Nilagyan ko 'yon ng mga pirma at iba pa, as a sign na nakita ko na. Ang need na lang ay ang pirma ni Kirill. Nasa ganoong sitwasyon ako nang bigla na lamang mag-ring ng malakas ang cellphone kong pilit na binigay sa akin ni Kirill. Inabot ko 'yon mula
ANASTASIA Naupo si Kirill sa upuang nasa gilid ng kama. Feeling ko ay nasa hospital ako. Pero feeling ko rin naman ay hindi.Hindi naman nagsalita si Kirill. Hindi niya sinimulan ang conversation namin, at hindi rin naman ako makapag-focus sa pagtatanong dahil mayroon akong naririnig na mga naguusap sa gilid. Parang mga lalaki sila, base sa mababa nilang boses. Nakaharang 'din kasi si Kirill kaya hindi ko rin naman sila makita ng direkta. “Are they bothering you?” biglang tanong niya sa akin. Nalipat ang atensyon at tingin ko sa kaniya matapos kong marinig ang sinabi niya. Nagsasalubong ang kilay niya ngayon, para bang hindi niya gustong wala sa kaniya ang atensyon ko. At hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o ano. Umiling-iling ako. “No, really. I'm fine with it,” agad na sagot ko. Humugot pa ako ng malalim na hininga, pero nanahimik na naman ako. Nire-recall ko kasi ang mga nangyari at dahilan kung paano ako nauwi sa ganitong sitwasyon. And when I finally remembered everyth
ANASTASIA “Tasia!” nagaalalang sigaw ni Silvia habang sinusubukan niyang kumawala. “No! W-Wag kang gagalaw, Silvia!” suway ko naman sa kaniya. Nakinig naman siya sa sinabi ko, kaya medyo naging kampante ako. De bale nang ako ang mapahamak, kesa sila ni Anya na wala namang kinalaman sa mga dahil kung bakit nangyayari ngayon 'to. Dahan-dahan na nila akong inatake. Gusto kong gamitin ang baril, pero masyado akong kabado kaya imbis na paputukin 'yon—ay binato ko na lang 'yon sa pinakamalapit sa akin. At hindi naman ako nagkamaling gawin 'yon dahil tinamaan siya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Wala naman akong planong iwan sina Anya at Silvia. Pero kailangan ko munang hanapin si Kirill. Dahil siya lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. “Kirill?! Letse ka, Kirill!” malakas na sigaw ko habang lumilinga-linga na sa paligid. “Where are you?! Na saan ka ngayong kailangan kita?!” malakas na sigaw ko na naman.Para na akong mababaliw dahil sa mga random na pangyayari. Gusto k