Share

Chapter 7

Author: Pennieee
last update Last Updated: 2023-10-11 16:03:58

Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola.

Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay.

Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV.

"Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya.

Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko.

"Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya.

Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon?

Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya.

Una, mainitin ang ulo niya.

Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakiramdam ko kasi tine-test niya ako kung may gusto sa kaniya sa paraan na ipinapakita niya ang katawan niya.

Pangatlo, palamura siya. I heard, btch, whores, fck, ay jusko.

Pang-apat iyong mga mata niya, napakamapanuri. Pakiramdam ko ay sa tuwing titingnan niya ako nababasa niya ang nasa isip ko. Kailangan handa ako sa tuwing may itatanong siya sa akin.

At pang-lima...

'Yong authority. Pag nagsasalita siya ay mapapasunod ka na lang talaga.

Sabi ni dad mabait ito, mabuting tao lahat ng magagandang salita bago ako umalis ay sinabi niya sa akin. Hindi raw ako magsisisi na ito ang mapapangasawa ko. Pero ngayon pa lang, ang daming dahilan para ma-turn off ako sa kaniya.

Kaso, hindi ito ang maaari kong idahilan para hindi matuloy ang pagkikita namin at ang inaasam na kasal ni dad.

Masyadong mababaw ang mga dahilan na ito.

"Kung gusto mo, Tali, kumain ka na."

Napalingon ako kay manang nang magsalita ulit siya. Nasa kandungan ko ang throw pillow at hinihimas iyon. Napasandal ako at niyakpa ko ang unan.

"Eh, mukhang hindi po ako puwedeng kumain nang hindi pa rin nakakakain si sir," sagot ko.

Pero nagugutom na talaga ako.

"Baka magalit," dugtong ko.

"Hindi, hindi naman ganoon si sir, Tali. Ang totoo ay walang problema sa kaniya kung mauunang kumain ang mga katulong niya. Sabi niya noon sa akin ay kung nagugutom man kami, kumain na kami at huwag na siyang hintayin. Hindi kasi tama sa oras ang pagkain ni sir, minsan sa sobrang dami ng trabaho ay nakakalimutan na niya ang pagkain."

Umayos ako ng upo nang marinig ang sinabi ni Manang Selya. Ibinaba ko ang throw pillow na hawak ko at tumingin sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin, kinuha niya ang remote ng TV at pinatay na iyon.

"Talaga po? a-akala ko kaya hindi po kayo sumasabay ay bawal," sagot ko.

Umiling si Manang Selya at tumayo. Napatayo na rin ako at nang magsimula siyang maglakad papunta sa kusina ay sinundan ko siya.

Pero nakuha ang atensyon ko sa sinabi niyang sa sobrang dami ng trabaho ay nakakalimutan ni Rozzean kumain. Nabanggit nga ni dad na hardworking person si Rozzean. Sinabi ni dad sa akin na seryoso ito sa trabaho at kapag nasa kumpanya ay hindi ito tumatayo sa upuan hangga't hindi natatapos ang ginagawa nito.

"Hindi. Ayoko lang talaga dahil nais kong mas mauna si Rozzean. Alam naman niya iyon."

Kumuha si manang ng pinggan at naglagay doon ng kanin. Sumandok rin siya ng ulam at pagkatapos ay ibinaba ang pinggan sa lamesa. Sumunod niyang kinuha ay baso. Lumapit siya sa ref at kumuha ng fresh juice pagkatapos ay nagsalin sa baso.

Nang mailagay niya sa lamesa iyon ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Kain na, alam kong nagugutom ka na dahil kanina ko pa napapansin na tumitingin ka sa kusina. Nakumpirma ko lang nang tanungin mo ako kung hindi pa ako kakain."

Nakakahiya... observant rin pala itong si manang.

Naupo ako at ngumiti sa kaniya. Ang bait nitong si manang, kapag pinalayas ito ni Rozzean ay kukuhanin ko siyang katulong sa bahay ko talaga. Her vibe gives me a grandmother vibe. Iyong pag-aasikaso rin niya sa akin kanina.

"Salamat ng marami, manang, ang bait ninyo po."

Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain. Kinilig ako sa sarap ng tinola. Syempre ako ang nagluto. Nakatingin lang sa akin si manang hanggang sa maubos ko ang pagkain.

"Napakasaya mo naman kumain, nakakatuwa ka tuloy panoorin."

Napakamot ako sa aking batok nang marinig ang sinabi ni manang. Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian, gutom kaya't talagang natuwa ako. Isa pa ay gusto ko rin talaga ang tinola. Sino ba ang may ayaw sa tinola?

Tumayo ako at pumunta sa sink. Nagsimulang hugasan ang mga pinagkainan. Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si manang at pinanood ako. Nakatingin siya sa mga kamay ko habang naghuhugas.

"Pero, Tali, napansin ko lang. Ang gaganda ng mga daliri mo. Ang hahaba, nasabi mo na sanay na sanay ka sa pangangatulong, hindi ba? paano mo naalagaan ng ganito ang mga kamay mo?"

Napangiwi ako. Nang makatapos kong hugasan ang pinagkainan ay inilagay ko ang mga ito sa lalagyanan at pinunasan ang mga kamay ko.

"A-Ah... hindi ko nga rin po alam, manang, normal po ata iyon?" sagot ko at sinundan ko ng pagtawa.

Bigla ko tuloy naitago sa likod ko ang aking mga kamay.

Kahit may sarili akong bahay at ako ang nag-aasikaso ng mga gawain ay hindi nga tumigas ang mga kamay ko. Hindi rin nagsusugat-sugat. Katulad ng sinabi ni manang, mahahaba ang mga daliri ko. Hindi naman ako palalagay ng nail polish at hindi rin ako nagpapahaba ng kuko dahil nang minsan ginawa ko ay natusok ko ang mga anak ko.

Simula non ay hindi na ako nagpapaayos ng mga kuko.

"Ang ganda ng mga daliri mo, saka mapuputi rin. Kaya ka siguro balot na balot ay iniingatan mo ang kulay mo?" tanong ni manang ng nakangiti.

Sa loob-loob ko ay napapangiwi na ako ng ilang beses. Observant nga itong si manang, kailangan ko rin pa lang mag-ingat sa kaniya. Pero, napansin ko lang, itong si manang ay sincere naman ang mga tanong. Hindi iyong parang nagdududa siya sa katauhan ko dahil sa mga napapansin niya.

"A-Ah, naku, maputi nga po ang angkan namin, manang. Kahit na mahirap ang pamilya namin ay napagkakamalan ako noong mayaman dahil s-sa kutis ko, saka opo, kaya rin po ako nagsusuot ng mahahabang damit ay dahil iniingatan ko ang aking balat," tugon ko sa kaniya.

Tumango si manang sa akin.

"Oh, siya, hali ka na magsarado na tayo ng mga pinto at bintana at i-check natin ang mga saksakan dito sa bahay," sabi ni manang.

Tumalima agad ako nang maglakad siya. Nang umakyat kami sa third floor kumanan kami, pero nilingon ko ang silid ni Rozzean. Apat na oras na ang nakakalipas at hindi pa rin siya bumababa. Mag-aalas nuwebe na.

"Ang unang palaging pinupuntahan ko upang i-check ang mga saksak ay sa third floor, sa roof top. Madalas si sir pumunta dito kapag nais niyang uminom."

Binuksan ni manang ang isang pinto, malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang roof top na sinasabi ni manang.

Sht. Ang daming halaman! m-may mga bulaklak rin.

Napalakad ako at lumapit sa mga halaman na naroon.

"Open area, pero kapag nagbabadya ang ulan ay maaaring isara ang lugar na ito," sabi ni manang at kinuha niya ang remote sa gilid. May pinindot siya doon at bigla na lang may steel like window na lumabas sa mismong gilid. Umakyat iyon hanggang kumonekta sa bubong.

Ang hightech! puwedeng maging close area! grabe, bilyonaryo nga itong si Rozzean.

"Grabe itong bahay ni sir, manang," sabi ko at lumapit sa kaniya.

Chinecheck niya ang mga saksakan. Tumulong na rin ako. Ang linis din dito, pati ang sofa, o unan, pinalandas ko ang daliri ko sa lamesa na naroon pati sa ibang mga nakikita ko at walang alikabok na sumama sa daliri ko.

"Namangha ka ba? marami pang lugar dito sa bahay na tiyak mamamangha ka," tugon sa akin ni manang.

Mukha nga, kasi kami kahit mayaman kami at malaki ang aming bahay ay wala kaming ganito kagandang rooftop. Naku, sabi ni Rozzean bawal ako sa garden, siya lang daw ang maaari doon. Ngayon alam ko na kung saan ako madalas mamamalagi!

Hello mga flowers, grabe, iyong mga halaman niya dito kay mamahal!

May juliet rose pa siya! ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko dahil sa tuwa. Ang gaganda ng mga halaman dito.

Hindi ko napansin na matagal na akong nakatingin sa mga halaman habang nakangiti.

"Mukhang mahilig ka sa mga halaman, Tali? hindi na nawala ang tingin mo sa mga iyan."

Napatikhim ako, nahihiyang lumapit kay manang.

"K-Konti lang manang, hehe, sa ibang mga bahay rin kasi na pinasukan ko ay may mga halaman. Magaganda sila, saka... nakakatulong kapag malungkot. Tingnan mo lang sila ay gagaan na ang pakiramdam mo," sagot ko.

Naglakad si manang at sumunod ako sa kaniya. Habang paalis ng rooftop ay nakangiti at kumakaway ako sa mga halaman para magpaalam.

"Tama ka. Kaya marami talaga dito niyan, kasi mahilig sa halaman si sir. Iyan rin ang tingin kong dahilan niya kaya marami siyang halaman."

Nawala ang mga ngiti ko at napatingin ako sa likod ni manang nang sabihin niya iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Playmate   LAST CHAPTER

    After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 119

    Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 118

    Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 117

    Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 116

    Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 115

    Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status