공유

Chapter 6

작가: Pennieee
last update 최신 업데이트: 2023-10-10 16:42:49

Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa?

Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya.

"Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi.

Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot?

"Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin.

"Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam.

Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko.

Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitsel at inilagay iyon sa island counter. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsunod sa akin ng tingin ni Rozzean. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa counter.

Jusko. Feeling CCTV naman siya. Mukhang sinisiguro niya na hindi ako katulad ng mga katulong na pinalayas niya.

Nang maihain ko na ang kaniyang pagkain ay tiningnan niya iyon. Naupo siya at kinuha ang kubyertos pagkatapos ay nagsimulang kumain. Ako ay nasa gilid lang at pinapanood siya. Grabe, ha?

Pakiramdam ko ay nanonood ako ng commercial ng isang restauraunt habang nakatingin sa kaniya. Iyong paraan ng pagsubo niya sa kutsara, pati iyong paglunok niya. Kahit na ang pag-inom ng juice. Wala atang pangit na anggulo ang lalakeng ito.

Nakakainis.

"Are you going to stare at me until I finish this food?"

Napadiretso ako ng tayo sa tanong niya.

"Sir?" tanong ko. Kunwari ay hindi naintindihan ang sinabi niya.

Naku, panalangin ko lang ay huwag akong sumagot kapag nagtanong siya ng sa ingles. Nakita ko na mapanuring tao itong si Rozzean. Ang klase ng mga tingin niya ay hindi basta-basta. Para bang pinag-aaralan niya ang bawat kilos at galaw ko.

"Wala," hinagod niya ang lalamunan niya at tumikhim. He also cleared his throat. Hindi kaya okay iyong timpla ko sa juice?

"Tapos na akong kumain. Humarap ka sa akin at may nais akong pag-usapan," sambit niya.

Sumunod ako at tiningnan ko siya.

"Okay ang pagkain. Sakto sa panlasa ko. Pasado ka na sa kusina," sabi niya.

Ay, hindi pa ba kanina noong sinabi niya na magluto ako?! akala ko naman ay okay na dahil inutusan niya ako na ipagluto siya.

"Sabi ko naman po sa inyo sir! maalam rin ako sa paglilinis ng bahay, saka, marunong akong mag-alaga ng mga halaman!"

Magkadikit ang mga palad ko habang sinasabi ko iyon. Hindi ko hahayaan na mapaalis ako sa bahay na ito. Kahit sigurado naman ako na hindi ako magkakagusto sa kaniya, kailangan ko pa rin na pagbutihin ang trabaho dahil baka palayasin niya ako dito kapag pumalpak ako.

"Hindi ko pinapayagang may pumuntang ibang katulong sa garden. Ako mismo ang nag-aalaga ng mga bulaklak kaya't huwag kang pupunta doon."

Ano?

Bakit? doon ko nga gustong pumunta!

Pero hindi ko inaasahan na marunong siyang mag-alaga ng halaman. Sandaling natigil ako nang marinig iyon sa kaniya. Iba ang epekto sa akin ng lalakeng mahilig sa mga halaman.

Isa na ang pagkakatulad namin.

"S-Sige po, sir."

"You can go to the pool, to the rooftop, sa lahat ng lugar sa bahay ko para maglinis maliban sa garden. Naiintindihan mo ba?"

Tumango ako. Nakakalungkot naman. Iyon sanang hardin niya na maraming bulaklak ang nais kong puntahan tapos bawal pala. Nang magpaalam siyang babalik sa kaniyang silid ay kaagad kong iniligpit ang kaniyang pinagkainan. Hinugasan ko ito at tinungo ko ang sala para maglinis.

Kinuha ko ang feather duster at nagsimulang mag-alis ng alikabok. Mukhang kahit walang katulong ang lalakeng iyon ay name-maintain ang kalinisan nitong malaking bahay niya. Pero ang tanong, makakaya ko bang linisin itong tatlong palapag na bahay niya? may garahe pa. Saka ako at si Manang Selya lang ata ang katulong.

Wala na ba siyang balak na mag-hire ng iba?

Hindi na ata ako aabutin ng dalawang buwan. Baka mamatay ako sa pagod sa paglilinis sa laki ng bahay na ito.

"Tali?"

Narinig ko ang boses ni Manang Selya. Lumapit ito sa akin, may hawak itong walis tambo.

"Nakakain na ba si sir?"

Tumango ako, "Opo, umakyat na po ulit sa silid niya."

"Oh, siya, sige. May dalawang katulong sa labas, mag-aapply daw. Papapasukin ko na at padidiretsuhin sa silid niya."

Talagang sa silid niya kinakausap ang mga katulong na nais mag-apply! Pero, ayaw naman niya ng katulong na may gusto sa kaniya kaya malabo na nakikipaglaro siya sa mga ito.

Nagpatuloy ako sa pag-lilinis. Nagpunas na rin ako ng mga vase. Nang makarinig ako ng mga yabag ay napalingon ako. Dalawang babae ang nakita kong pumasok kasama si Manang Selya. Napahinto ako sa paglilinis at tiningnan ang dalawang babae mula ulo mukhang paa.

Chariz.

Grabe, ang kakapal ng makeup nila. Tapos mag-aapply ng katulong pero naka mini skirt?! iyong isa naman naka pantalon nga pero naka crop top ng damit at litaw ang cleavage!

"Akyat na kayo, sa ikatlong palapag sa dulong bahagi ang kwarto ni sir," rinig kong sabi ni manang.

"Thanks," sabi ng isang babae at sabay na umakyat ang mga ito.

Ako naman ay nilapitan ko si manang. Hawak-hawak ko ang basahan at feather duster. Sa tingin ko ay hindi mag-aapply ng katulong ang dalawang iyon. Mga itsura pa lang!

"Manang, sigurado ka po ba na mag-aapply sila bilang katulong?" tanong ko.

Ngumiti na naman si manang. Palangiti siya, ha?

"Oo, mag-aapply ang mga iyon. Ang totoo ay sa lahat ng katulong na nag-apply dito kay sir ikaw lang ang iba ang itsura."

Napahawak ako sa dibdib ko. Kunwari ay nasaktan ako.

"Grabe ka sa akin, manang."

Tumawa si manang at tinapik ako ng mahina sa balikat.

"Biro lang, hindi ka naman mabiro. Ang ibig kong sabihin, iyong mga nag-aapply ng katulong dito ay palaging mga sexy na babae. Mga nakamakeup at magaganda ang kasuotan. Hindi naman ako naniniwala na mag-aapply sila ng katulong pero kailangan kasi ni sir ng maglilinis ng bahay na ito."

Sa laki ba naman kasi ng bahay na ito, aba'y hindi sapat ang limang katulong lang. Tapos ngayon dalawa lang kami ni Manang Selya.

Palarin kaya iyong dalawang babaeng umakyat?

"Ibig sabihin pala manang ako lang po iyong kakaiba ang itsura?" tanong ko.

Tumawa na naman si manang. Medyo naiinsulto na ako, ha?

"Oh, sa 'yo na rin nanggaling na kakaiba iyong itsura mo."

Napakamot ako sa batok.

"Siguro kaya rin nang makita ka ni sir sa guardhouse ay napansin niya iyong suot mo at itsura. Sanay na kasi siyang magaganda at sexy ang nag-aapply sa kaniya bilang katulong. At dahil palpak rin ang ibinigay na katulong ng mga agency sa kaniya, tumanggap na si sir ng mga walk in applicants," sabi ni manang.

Palpak?

"Ano pong ibig mong sabihin na palpak, manang?"

"Eh, nagnanakaw, madalas kong mahuli. Isang beses ngang nalagay sa alanganin ang buhay ko dahil nang mahuli ko ang dalawang katulong na nagnanakaw sa silid ni sir ay pinukpok nila ng vase ang ulo ko."

Ha?!

"What the hell?!" bulalas ko.

Nagulat naman si manang na tumingin sa akin. Nang mapagtanto ko na nagsalita ako ng ingles ay tumikhim ako.

"W-What the hill." Inulit ko ang mga sinabi ko at pinatigas ko ang bawat salita.

"Naririnig ko sa mga naglalaro sa computer shop iyan, manang."

Tumango-tango siya sa akin.

"Marami-rami na ring mga katulong ang nag-apply at halos lahat ay nasisante. Hiling ko nga, Tali, sana ay magtagal ka. Hindi lang kasi katulong ang kailangan ni sir sa bahay na ito."

Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi ni manang.

"Ano pa, manang? ang alam ko ay katulong ang kailangan sa paglilinis ng bahay. Kung hindi lang katulong ang kailangan niya ay ano pa?" tanong ko.

Sasagot pa lang sana si manang nang marinig namin ang baritonong boses ni boss.

"Get the fck out."

Sabay kaming naglakad ni manang, aakyat na sana kami nang makita namin si Rozzean na hawak ang dalawang babae.

"Out. I don't need btches in my house. What I need are real maids who will clean the mess, not whores."

Ang sakit naman non. Nang tumingin ako sa dalawang babae ay nakita kong inis na inis ang mga mukha nila. Padabog silang bumaba ng hagdan at tinungo ang labas ng bahay. Nang muling umangat ang tingin ko upang tingnan si Rozzean ay nakita ko siyang hinihilot ang kaniyang sintido. Napansin ko rin ang paghimas niya sa kaniyang lalamunan.

Kanina pa iyon, ah?

"Selya, huwag ka munang magpapapasok ng mga aplikante. Hintayin mo na sabihin ko kung kailan muli puwede," sabi niya kay manang.

Bago tumalikod si Rozzean ay nakita kong hinimas niya muli ang kaniyang lalamunan. I heard that he cleared his throat three times. Narinig ko rin ang pag-ubo niya.

Hmm...

Mukhang lalagnatin ang masungit na amo ko.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire’s Playmate   LAST CHAPTER

    After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 119

    Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 118

    Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 117

    Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 116

    Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali

  • The Billionaire’s Playmate   Chapter 115

    Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status