เข้าสู่ระบบHabang nasa daan...Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging ugong lang ng makina ang maririnig. Nakatingin lang sa bintana si Psyche, pero ramdam niya ang bigat ng presensya ni Harrison sa tabi niya. Mahigpit ang hawak nito sa manibela, bakas ang inis sa panga nito."Bakit ang init ng dugo mo kay Brent?" bigla niyang tanong, hindi na napigilan ang sarili. "May ginawa ba siya sa'yo?"Kumunot ang noo ni Harrison. "I just don't like him. Period." Hindi lumihis ang tingin sa daan, pero mas humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel."Hindi mo siya kilala ng lubusan..." bulong ni Psyche. "Mabait siya sa'kin...""Exactly my point," malamig niyang sagot. "Guys like him, they're only good until they get what they want."Napailing si Psyche, napalingon sa kanya. "You sound like a jealous 'I don't know'."Saglit na katahimikan.Then..."Yes. I'm jealous."Parang huminto ang mundo ni Psyche sa dalawang salitang iyon. Dahan-dahan siyang humarap sa kanya. "Ha?" namumula niyang sabi. "Jealous..
INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Pagdating ni Psyche sa campus ay sinalubong kaagad siya nina Calista, Claire, Lance, at Kenshin sa waiting area malapit sa courtyard. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala.“Psy!” halos sabay nilang tawag.“Kumusta? Are you okay?” si Calista, agad hinawakan ang balikat niya.“Napagalitan ka ba ni Kuya Harrison?” sunod na tanong ni Claire, puno ng kaba.Umiling si Psyche. “Hindi ako… pero…” bigla siyang natigilan.Napakunot ang noo ni Lance. “Pero?”“The guards… and the staff… pinarusahan sila,” mahinang sagot niya. “Because I escaped.”Nanlaki agad ang mga mata ni Calista. “What?! That’s insane, Psy…”“OMG… that’s cruel,” bulalas ni Claire, halatang nainis at nabigla.Napabuntong-hininga si Kenshin, halatang seryoso.“You know how Harrison’s mind works. Hindi ka niya kayang saktan, Psy. So kapag may ginawa ka na hindi niya gusto… yung nasa paligid mo ang nagiging halimbawa. Alam niyang soft ka, lalo pagdating sa mga taong naninilbihan sa inyo.”Napa
ELLISON MANSION – GAZEBO (POOL AREA)Tahimik ang paligid ng gazebo. Tanging huni ng mga ibon at marahang pag-alon ng tubig sa pool ang maririnig. Ang bahagyang simoy ng hangin ay dumadampi sa buhok ni Psyche habang nakaupo siya sa couch, yakap ang sarili, malalim ang iniisip.Hindi niya namalayang may dumating na sa likuran niya.“What’s troubling my Princess?” mahinang tanong ni Don Ramon, puno ng lambing ang boses.Bahagyang napalingon si Psyche, agad tumayo at lumapit sa lolo. Maingat niyang hinawakan ang kamay nito at inalalayan paupo sa tabi niya. Hinalikan pa niya sa pisngi ang matanda, gaya ng madalas niyang gawin.“Lolo…” mahina niyang sambit, “nagtataka lang po ako kay Kuya Harrison. Parang… masyado na siyang mahigpit lately. Minsan, hindi ko na ma-gets kung galit ba siya sa akin, o nag-aalala.”Isang banayad na ngiti ang sumilay sa labi ni Don Ramon.“He only wants you safe, hija. Palagi kang nasa isip niya. Simula pa lang noon…” saglit siyang tumingin sa pool, tila may naaa
ELLISON MANSION — The Morning AfterKinabukasan, dahan-dahang nagmulat ng mata si Psyche. Mabigat pa rin ang ulo niya, parang may pumipintig sa sentido dulot ng hangover. Umupo muna siya sa kama, inilapat ang kamay sa noo, at ipinikit sandali ang mga mata.Bakit ako nasa mansion…?Bumalik sa alaala niya ang nagdaang gabi — ang bar, ang paghila sa kanya, ang boses ni Harrison… ang biyahe pauwi.Napabuntong-hininga siya at tumayo. Naligo siya, pinilit pawiin ang hilo at pagod. Matapos magbihis, naglakad siya papunta sa balcony upang magpahangin.Pero sa pagbukas pa lang ng pinto……namilog ang kanyang mga mata.Sa malawak na courtyard ng mansion, nakaluhod ang ilang tauhan — mga guwardiya, ilang staff, tahimik at nakayuko. Sa harap nila ay si Harrison — matuwid ang postura, malamig ang mga mata, at may hawak na latigo sa kamay.Parang bumagal ang mundo ni Psyche.Napahawak siya sa dibdib, nanginig ang kanyang mga daliri. Sa eksenang iyon, hindi niya nakita ang “Kuya” na kilala niya — kun
BACKROOM BAR, MAKATI – Rear ExitHindi namalayan ni Psyche na may ilang kalalakihan na halos hindi na umiwas ng tingin sa kanya. Sa bawat pag-indayog ng katawan niya sa saliw ng musikang bumibingi, sumasama ang mga matang malagkit, mapanuri… mapanganib.Napansin iyon ng bartender.Napansin din iyon… ni Harrison.Pero si Psyche, masyado nang nalulunod sa liwanag at ingay. Ngumiti siya sa mga kaibigan at bahagyang tumalikod.“Guys, CR lang ako. One minute,” sabi niya bago lumakad papunta sa hallway ng banyo.Paglabas niya—ang ilaw sa pasilyo ay mas madilim, mas tahimik. Isang segundo lang ang pagitan ng katahimikan at pagkagulat niya nang may biglang humawak sa kamay niya — mahigpit pero hindi masakit — at hinila siya palayo sa ingay ng bar.“Wait—!”Napahinto siya sa likod ng gusali, sa malamig na simoy ng hangin… at doon niya nakita kung sino.“Harrison…”Biglang parang naglaho ang kalasingan sa sistema niya.Nakatayo ito sa harap niya, ang mga mata’y nag-aapoy sa galit at takot na ma
INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM)Pagdating pa lang ni Psyche sa campus, ramdam na agad ang bigat ng ulo niya. Hindi pa nga siya nakakaabot sa locker, nanlalalim na ang hinga niya.“Uy, bakit naka-simangot ka agad?” tanong ni Calista habang inaayos ang ponytail ni Psyche.“Cal, nasasakal na ako.” Napalapat ang pisngi ni Psyche sa kamay niya, bagsak ang balikat.“Sobra siyang higpit. Parang wala akong freedom.”Umupo silang dalawa sa bench malapit sa fine arts building. Hinaplos ni Calista ang likod niya.“Overprotective lang talaga ang Kuya mo, Psy.”“Overprotective? Cal, noon halos invisible ako sa paningin niya.Ni hindi ako kinakausap.Ni hindi ako tinitingnan.Tapos ngayon?Parang hawk kung makatingin.”Nilapitan ni Calista ang mukha niya, nakataas isang kilay.“Psy… baka naman nagbago ’yung tingin niya sa’yo?”“Impossible.” mabilis na pag-arte ni Psyche pero namula ang pisngi niya.“At bakit siya magbabago? Ewan. Ang weird niya.”“Whatever,” ani Calista, nakangisi. “Ganito na lan







