Share

Chapter 85

Author: yshanggabi
last update Last Updated: 2025-10-14 09:01:56

Nang maubos ko ang gatas ay marahan kong ibinaba ang tasa sa mesa. Tumayo ako at nilapitan si Mama. "Magpapahinga lang ako, Mom," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit kumukulo pa rin ang emosyon sa dibdib ko.

Tumango siya, ngunit kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Sige, anak. Pero tandaan mo ang sinabi ko."

Hindi na ako sumagot. Tumalikod na lang ako at naglakad papunta sa hagdan. Habang tinatahak ko ang pasilyo ng mansion namin, hindi ko mapigilang mag-isip. Paano kung tama si Mama? Paano kung ang pagpipilit kong makuha si Fin ay isa nang malaking pagkakamali?

Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili na bitawan siya, ramdam kong hindi ko kaya. Mahal ko si Fin—iyon ang tanging bagay na sigurado ako ngayon. Kahit gaano kahirap, hindi ko siya basta na lang bibitawan.

Pagdating ko sa kwarto, humiga ako sa kama, nakatitig lang sa kisame. Ang bigat ng lahat ng nangyari, mula sa sampal niya hanggang sa sinabi ni Mama. Pero isa la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 97

    Nagsenyas ako sa sekretarya ko na i-lock ang pinto at walang dapat makapasok dahil alam niya na ang mangyayari. Umupo ako sa swivel chair ko at hinila si Fin paupo sa akin. "What are you doing?" Takong niya. Hindi ko na siya sinagot at hinalikan ko na siya. Halik na parang wala ng katapusan hanggang sa maipasok ko na ang kamay ko sa may damit niya. Nararamdaman kong nag-iinit ang katawan niya. Ang hininga niya ay nagiging mabilis at malalim. Naramdaman ko ang pagtugon niya sa bawat galaw ko, ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap. "Kylus," bulong niya, ang boses niya nagiging marahan at malambing. "Shhh," bulong ko pabalik, ang mga halik ko naglalakbay sa leeg niya. Naramdaman kong lalong humigpit ang kapit niya sa akin. Alam kong nararamdaman niya ang parehong bagay na nararamdaman ko, ang pagnanais, ang pagmamahal, ang kagustuhang mawala sa mundo at makasama lang siya. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 96

    Chapter 52"Masaya ako na nabigyan tayo ng pagkakataong makilala nang mas mabuti ang isa't isa, Kylus," sabi ni Celeste, ang mga mata niyang tila nagniningning sa ilalim ng malambot na ilaw. "Iba ka sa mga lalaking nakakasalamuha ko sa mundo ng negosyo."Napakunot ang noo ko. "Iba, huh? Paano naman?""Hindi ko alam," sagot niya, ang ngiti niya nagpapakita ng isang halong pagiging curious at pagiging malambing. "Mas... tunay ka. Hindi ka masyadong nagsisikap mag-impress. Ikaw lang… ikaw."Napatingin ako sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang totoo, hindi ko alam kung paano siya masasagot. Parang isang simpleng observation lang, pero may kakaibang impact iyon sa akin."Hindi pa ako nakakaroon ng ganitong usapan sa isang babae," dagdag niya, tila nagtatapat ng isang lihim. "Hindi ganito, kung saan pwede nating pag-usapan ang kahit ano, nang hindi nararamdaman na pilit o mababaw."Nag-init ang pisngi ko. Ang totoo, hindi ri

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 95

    Nagpakawala siya ng mahinang tawa bago sumagot. "Well, I manage a fashion and lifestyle brand. It started as a small boutique with just a handful of clients, pero ngayon we've expanded to multiple locations." "That's impressive," sabi ko, genuinely impressed. "What made you venture into fashion?" "I've always loved creating something unique," sagot niya, may bahagyang ningning sa mga mata. "Fashion isn't just about clothes—it's about storytelling. Each collection reflects a part of who I am or what I want others to feel." Tumango ako, na-appreciate ang passion niya. "Sounds like you're living your dream." "Trying to," biro niya. "Pero gaya mo, hindi rin glamorous lahat ng bahagi. There's pressure to innovate, stay relevant, and meet customer expectations." "I can relate to that," sabi ko. "Different industries, same stress." Napangiti siya. "Exactly." Sa kabila ng kaswal naming p

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 94

    Kylus POVNakangiti akong nagmamaneho pauwi sa Manila, ramdam ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Unti-unti nang nawala ang liwanag ng lungsod ng Cebu habang tinatahak ko ang mahabang daan. Pero hindi ko alintana ang haba ng biyahe — lalo na’t puno ng alaala ang isip ko mula kanina.Si Fin.Ang maayos niyang tindig, ang confident niyang paraan ng pagpapaliwanag sa site tour, pati na ang biglaang ulan na nagpatuyo sa suot naming damit, lahat iyon malinaw pa rin sa isipan ko. Napangiti ako nang maalala kung paano ko siya tinakpan ng suit kahit ayaw niya."Ang tigas pa rin ng ulo," mahina kong bulong sa sarili habang umiiling.Pero may bigat pa rin sa dibdib ko — isang bagay na hindi ko basta-basta mabitawan. Ang lamig ng mga galaw niya, ang pormal niyang pakikitungo, malinaw na nagpapaalala sa akin na iba na kami ngayon. May mga pader siyang itinayo, at hindi ko alam kung kaya ko pa bang gibain ang mga iyo

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 93

    Napangisi ako kahit pilit kong pinanatili ang propesyonal na ekspresyon. "In professional mode pa rin?" tanong ko, pero hindi na niya sinagot.Tumango na lang ako at bumalik sa kotse ko. Kahit pa seryoso siya, hindi ko maiwasang isipin na may kakaibang lambing sa paraan ng pag-aalala niya.Habang sinasara ni Fin ang bintana ng kotse niya, isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ko. Hindi ko napigilan ang sariling bumulong, "Sanay na akong maiwan."Sumandal ako sa upuan, pinilit tanggalin ang bigat ng alaala. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang lamat na iniwan ng mga pagkakataong hindi ko hawak.Pinisil ko ang manibela, pilit iniipon ang natitirang lakas ng loob. Kahit gaano kahirap, hindi pa rin ako susuko. "This time," sabi ko sa sarili ko, "I won't let her go without a fight."Sumakay na ako sa kotse at sinundan si Fin habang bumabagtas kami sa madilim na daan na basa pa mula sa ulan kanina. Tahimik ang paligid, tanging

  • The Billionaire's Private Tutor   Chapter 92

    Kylus POV Naabutan na kami ng gabi bago pa tuluyang huminto ang ulan. Ang malamig na simoy ng hangin ay lalong nagbigay ng kakaibang katahimikan sa paligid. Tanging ang mga tunog ng patak ng natitirang ulan mula sa mga dahon ang maririnig.Napatingin ako kay Fin na tahimik lang nakaupo sa isang gilid ng kubo. Ang liwanag mula sa nagkukulimlim na langit ay bahagyang tumama sa kanyang mukha. Kahit sa ganitong simpleng ayos niya, hindi ko mapigilang humanga sa kanya.“I think the rain’s finally stopping,” sabi ko, basag ang katahimikan.“Good,” sagot niya nang walang emosyon. “We should head back.”Tumayo siya, inaalis ang mga naiwang patak ng ulan sa kanyang damit. Agad ko namang inalok ang kamay ko para alalayan siya, pero tumanggi siya. “I can handle myself,” maikli niyang sabi.“Stubborn as always,” bulong ko, bahagyang napangiti.“Did you say something?” tanong niya, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status