LOGINHuminga ako nang malalim, bahagyang nagpipigil pa rin ng tawa. Pero imbes na magpatalo, ginaya ko siya. "MGA WALANG HIYA!!!" sigaw ko nang mas malakas kaysa dati.
"Nice one!" sabi niya, halos mapatalon sa tuwa. "Isa pa! Mas malakas pa!" "MGA WALANG HIYA!!!" sabay naming sigaw, sabay tawa matapos ang bawat pagbitaw ng mga salita. Halos sumabog na ang mga boses namin sa hangin. "Grabe, parang therapy 'to!" tawa ko habang hinahabol ang hininga. "Sabi ko na eh!" ani Caleb. "Eto pa, bago 'to: MGA INUTIL KAYO!!!" sigaw niya nang malakas. Napatawa ako nang husto pero hindi nagpatalo. "MGA INUTIL KAYO!!!" sigaw ko rin, halos pumipiyok na sa lakas. Napahawak kami pareho sa tiyan sa sobrang tawa, halos mapaupo sa damuhan. "Caleb, sobra na 'to, baka may makarinig sa atin," sabi ko habang humihingal. "Wala, wala! Kahit marinig pa nila, okay lang. At least happy tayo!" sagot niya na parang wala nang bukas.Caleb POV Pagkababa ko ng kotse, agad akong sinalubong ni Ysha. Wala pang isang segundo, niyakap na niya ako nang mahigpit, parang ilang linggo kaming hindi nagkita. "Na-miss kita," bulong niya habang nakayakap pa rin. Ginantihan ko naman ang yakap niya, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang iba ang pakiramdam ko ngayon. "Na-miss din kita," sagot ko, pero may bahagyang pag-aalinlangan sa tono ko. Bumitaw siya sa yakap at tiningnan ako sa mata. "Are you okay? Parang ang tahimik mo," tanong niya, halatang may pag-aalala sa boses niya. Ngumiti ako, pilit na tinatago ang bumabagabag sa akin. "Yeah, pagod lang siguro." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay. "Come on, let's check the details for the venue. Malapit na ang big day natin, Caleb." Big day. Dapat excited ako. Dapat masaya ako. Pero bakit pa
Elara POV Napatigil si Caleb at agad na inilabas ang phone niya mula sa bulsa. Sa tahimik na paligid ng sinehan, rinig na rinig ko ang pag-ring ng cellphone niya bago niya ito sinagot. "Yes, Ysha?" sagot niya, at sa tono pa lang ng boses niya, alam kong seryoso ang usapan. Napaatras ako nang bahagya, pilit na binabalik ang focus ko sa pelikula. Pero nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. "I che-check natin ang venue now?" tanong niya, sabay sulyap sa akin. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng init na naramdaman ko kanina. Ang larong pinasok ko na may halong tuksuhan at tensyon, biglang naglaho nang marinig ko ang pangalan ni Ysha—ang babaeng totoong kasama niya sa buhay. Nakangiti ako, pero alam kong may halong pait ang ngiting ‘yon. “Go ahead,” mahina kong sabi. “Mukhang mas importante ‘yon kaysa sa pinapanood natin.” Napabuntong-hininga si Cal
Ngumisi lang siya at bahagyang lumapit sa akin. "Selos ka ba?" bulong niya pabalik, ang mainit niyang hininga ay dumampi sa tenga ko. Napaatras ako nang bahagya at sinamaan siya ng tingin. "Baliw ka? Anong selos? Bakit ako magseselos?" "Eh kasi parang naiirita ka," tukso niya, nakangiti pa rin. "Hindi ako naiirita. Nadidismaya lang ako sa mga babaeng halos matunaw ka sa titig nila," sagot ko, kunwaring walang epekto sa akin ang ginagawa niya. "Tama nga ang hinala ko," sabay kindat niya, pagkatapos ay bumaling sa cashier para kunin ang ticket. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. O baka naman naiinis ako dahil alam kong tama siya—medyo naasiwa ako sa mga babaeng nakatingin sa kanya. "Paano ba ‘yan? Para kang artista, lahat nakatingin," komento ko habang naglalakad kami papunta sa entrance ng sinehan. "Tsk. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na naiinis ka kapag may ibang babae sa paligid
Elara POV Kinabukasan, maaga akong nagising at agad na nag-ayos ng sarili. Malakas ang tibok ng puso ko sa kaba at excitement, pero hindi ko alam kung alin sa dalawa ang mas nangingibabaw. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, napansin kong wala na si Reese. Siguro umuwi na siya kagabi. Mabuti na rin ‘yon, at least wala na akong iinterrogate pa tungkol sa lakad ko ngayon. Pagkatapos kong magbihis ng simpleng fitted top at denim shorts, kinuha ko ang phone ko para i-check kung may message si Caleb. At tama nga ako—may isa siyang text. Caleb: "I'm on my way. Ready ka na ba?" Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Game na 'to, Elara. Caleb POV Nag-aayos na rin ako para sa magiging date namin ni Elara. Hindi ko alam kung bakit parang ang excited ko ngayon. Hindi naman ito first time
"Tsa nga pala," panimula niya, "nakwento ni Tita na masama raw pakiramdam mo kanina. Tapos ngayon bigla kang blooming? Hmmm..." sabay taas ng kilay niya na parang may tinutuklas. Napasimangot ako at nagkibit-balikat. "Wala 'yun. Siguro stress lang, kaya nag-decide ako na lumabas para ma-relieve." "Stress? Or Caleb-stress relief?" natatawa niyang hirit, halatang hindi pa rin tapos sa pangungulit. "Reese, seryoso ka ba? Hindi lahat ng bagay tungkol kay Caleb," sagot ko, kahit alam kong halatang-halata sa mukha ko ang pagtanggi. "Hindi raw, eh kanina pa ganyang ngiti mo, parang kinilig ng bonggang-bongga." Tumawa siya nang malakas. "Hay nako, Elara. Kung masama nga pakiramdam mo kanina, effective pala talaga 'yung date remedy ni Caleb." "Ang kulit mo," sabi ko, sabay hampas ng unan sa kaniya. "Uy, pero seryoso," biglang naging mas malumanay
Caleb POV Nakangiti ako habang hinahatid si Elara pauwi sa bahay nila. Ang tahimik ng biyahe pero hindi nakakailang—yung tipong masaya ka lang kahit walang nagsasalita. Paminsan-minsan ay sinisilip ko siya mula sa gilid ng mata ko, at napapansin kong nakangiti rin siya habang nakatingin sa bintana. "Sabi ko na nga ba, nag-eenjoy ka," biro ko, sinira ang katahimikan. Napalingon siya sa akin, nagtataas ng kilay. "Feelingero ka talaga." "Eh kasi naman, ganda ng mood mo ngayon," sagot ko, sabay ngiti. "Walang reklamo, walang sermon. Miracle ata 'to." Tumawa siya, pero pinipilit magpaka-seryoso. "Baka lang pagod lang ako kakasigaw kanina." "Or baka lang gusto mo talagang kasama ako," sabi ko na may kasamang kindat. "Kapag lumaki ulo mo kakaganito, problema ko ba 'yun?" balik niya, pero alam kong kinikilig din kahit paano. Ilang minuto pa, nasa harap na kami ng bahay nila. Huminto ako s







