Share

CHAPTER 18

Author: JEHAN
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-14 12:27:15

ARIA POV

Napatitig ako sa sketchpad na hawak niya. Biglang pumasok ang lamig sa buong katawan ko, mula sa dulo ng mga daliri ko hanggang sa talampakan ko. Pakiramdam ko, urong ang dila ko. Kahit anong daldal o tapang ko kanina habang kaharap si Alexander, ngayon ay parang bigla akong naubusan ng hangin.

Dahan-dahang lumakad si Julian pumasok sa kwarto. Ang bawat hakbang ng mamahaling leather shoes niya sa wooden floor ay parang tunog ng paparating na hatol. Isinarado niya ang pinto sa likod niy
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 22

    ARIA POVAng lamig ng sahig ng walk-in closet ay unt-unting gumapang sa balat ko. Nakaupo pa rin ako roon sa dilim, nakasandal sa cabinet kung saan ko itinago 'yung folder na napunit at nakuha na ni Julian. Rinig na rinig ko ang pag-alis niya sa master bedroom, ang bawat yabag niya ay parang paalala kung gaano ako kawalang-kapangyarihan sa bahay na 'to.Umiiyak ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pagod na pagod na ako. Naisip ko, paano nagawa ni Julian na maging ganito kalupit? 'Yung lola ko na lang ang natitirang pamilya ko, ang tanging dahilan kung bakit tinitiis ko ang bawat gabi na nakakulong ako rito. At ngayon, tinanggalan niya pa ako ng karapatan na makita man lang siya. Ginamit niya ang buhay ni Lola para lang lalo akong itali sa kanya. Ang tanga ko rin kasi. Bakit ba naging padalos-dalos ako? Dapat pala naging mas maingat ako noong kinuha ko 'yung folder kay Leo sa library. Kung hindi ako naging kampante, sana ay napirmahan ko na 'yun at naibigay s

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 21

    JULIAN POVNagising ako dahil sa malamig na hangin na galing sa nakabukas na pinto ng banyo. Paglingon ko sa tabi ko, wala si Aria. Agad na nag-alert ang sistema ko. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko sa kalagitnaan ng gabi. Noong isang gabi lang, muntik na siyang tumakas, at hindi ko hahayaang maulit 'yun.Naisip ko kung paano ko pinunit 'yung sketchpad niya kagabi. Alam kong nagalit siya, alam kong nasaktan ko siya nang husto sa ginawa ko. Pero kailangan kong gawin 'yun. Iyon lang ang paraan para ipaalala sa kanya na bawat sulat, bawat plano, at bawat hakbang niya ay dapat na nakapailalim sa akin. Mas gusto ko nang magalit siya sa akin kaysa makita siyang naghahanap ng paraan para lumayo. Pero bakit wala siya sa kama ngayon? May tinatago ba siya? Kung may balak na naman siyang kakaiba, kailangan kong malaman bago pa maging huli ang lahat.Tumayo ako at dahan-dahang naglakad. Napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto ng walk-in closet at may kaunti

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 20

    ARIA POVSobrang bigat ng bag ko ngayon. Hindi lang dahil sa makakapal na libro para sa Archi at sa mga bagong drafting tools na ipinabili ni Julian, kundi dahil sa folder na palihim kong isiningit sa pinakailalim ng mga gamit ko. Habang umaandar ang sasakyan pabalik sa mansyon, halos hindi ako makahinga nang maayos. Nakayakap lang ako sa bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko para hindi mahalata nina Santos at Reyes na may kung ano akong itinatago.Tumingin ako sa bintana, pinapanood ang pagdaan ng mga poste ng ilaw sa highway. Parang may bomba akong bitbit. Isang maling galaw ko lang, kapag nalaman ni Julian na may nakuha akong dokumento mula sa tao ni Alexander Vyrios, sigurado akong hindi lang ang mga gamit ko ang masisira. Baka ilipat niya si Lola sa lugar na hinding-hindi ko na mapupuntahan, o mas malala, baka tuluyan na akong hindi palabasin ng mansyon. Kaya kailangan kong maging maingat. Sobrang ingat."Miss Aria, okay lang po ba kayo? Gusto niyo po

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 19

    ARIA POVAng bigat ng hangin sa loob ng kotse habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA. Tumingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga commuter na nag-aabang ng masasakyan sa ilalim ng initan. Kahit paano, naiinggit ako sa kanila. Pwede silang pumunta kung saan nila gusto nang walang dalawang higanteng bodyguard na nakabuntot sa likod nila. Samantalang ako, nakasakay nga sa komportableng Range Rover, pero parang bawat segundo rito ay unti-unting sumasakal sa akin.Naisip ko 'yung nangyari kagabi. 'Yung tunog ng napupunit na papel, 'yung mga drawing ko na pinagpuyatan ko ng ilang gabi na nagkalat lang sa sahig na parang basura. Masakit. Sobrang sakit na parang mismong pagkatao ko 'yung pinagpunit-punit ni Julian sa harap ko. Pero sa kabila ng galit, may isang bagay akong narealize. Hindi ako pwedeng maging pabaya. Masyado akong naging padalos-dalos. Inakala kong kaya kong makipagsabayan sa kanya gamit ang tahimik na pagrerebelde, pero nagkamali ako. Sa laro ni Julian, siya an

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 18

    ARIA POVNapatitig ako sa sketchpad na hawak niya. Biglang pumasok ang lamig sa buong katawan ko, mula sa dulo ng mga daliri ko hanggang sa talampakan ko. Pakiramdam ko, urong ang dila ko. Kahit anong daldal o tapang ko kanina habang kaharap si Alexander, ngayon ay parang bigla akong naubusan ng hangin.Dahan-dahang lumakad si Julian pumasok sa kwarto. Ang bawat hakbang ng mamahaling leather shoes niya sa wooden floor ay parang tunog ng paparating na hatol. Isinarado niya ang pinto sa likod niya gamit ang isang kamay. Walang tunog ng pag-lock, pero ang presensya niya pa lang ay sapat na para maramdaman kong wala na akong kawala."Ito ba ang pinagkakaabalahan mo kapag sinasabi mong nagpapahinga ka, Aria?" tanong niya. Napaka-kalmado ng boses niya, at iyon ang pinakamakakatakot na parte. Mas gusto ko pang sumigaw siya kaysa sa ganitong tono.Hindi ako nakasagot. Gusto kong lumapit at agawin ang sketchpad, pero alam kong wala akong laban sa lakas niya. Nakita ko ang dahan-dahang paglipat

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 17

    ARIA POVNapahigpit ang hawak ko sa braso ni Julian nang makita ko si Alexander. Anong ginagawa niya rito? Isang daang milyon na ang kinuha niya kay Julian noong isang araw para pakawalan ako sa kontrata, tapos ngayon, andito siya sa mansyon kasama ang board of directors niya. Tiningnan ko si Alexander, pero nanatili lang ang mapang-asar na ngiti sa mga labi niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa amin.Naramdaman ko ang biglang pagtigas ng katawan ni Julian sa tabi ko. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong nagpipigil siya ng galit. Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko, tila ba nagpapadala ng signal na hindi ko pwedeng bitawan ang braso niya kahit anong mangyari. Napatingin ako sa sahig, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Naisip ko, ano na namang laro ito? Akala ko ba tapos na ang gulo sa pagitan nilang dalawa noong binayaran ni Julian ang breach of contract ko? Pero mukhang mali ako. Ginamit lang ni Alexander ang pera para magpalakas, at ngayon, bumalik

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 4

    ARIA POVBuong gabi kong tinitigan ang calling card ni Alexander Vyrios. Itinago ko iyon sa loob ng casing ng cellphone ko, sa ilalim mismo ng pirma ko sa kontrata ni Julian na kinuha ko ng litrato sa isip ko. Alam kong delikado, pero sa mundong ito na puro pader ang nakapaligid sa akin, ang maliit

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 3

    ARIA POVIsang linggo na ang nakalipas simula noong pirmahan ko ang kontratang 'yun, pero pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas. Hindi ako pinapayagang lumabas ng mansyon nang walang bodyguards. Kahit sa school, kailangan kong mag-file ng leave dahil sabi ni Julian, "masyado pang magulo ang si

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 2

    ARIA POVHindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig lang sa kisame ng guest room—dahil hindi ako pumayag na manatili sa kwarto ni Julian. Sinubukan kong tumakas kagabi pagkapasok niya sa banyo, pero gaya ng inaasahan, naka-lock ang pinto mula sa labas. I felt like a prisoner in a h

  • The Billionaire's Property   CHAPTER 1

    ARIA POVNanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang suot kong silk dress sa harap ng salamin. It’s my 19th birthday. Dapat masaya ako, pero may kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil alam kong darating si Tito Julian.Si Julian Imperial. Ang lalaking kumupkop sa ak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status