LOGINARIA POV
Buong gabi kong tinitigan ang calling card ni Alexander Vyrios. Itinago ko iyon sa loob ng casing ng cellphone ko, sa ilalim mismo ng pirma ko sa kontrata ni Julian na kinuha ko ng litrato sa isip ko. Alam kong delikado, pero sa mundong ito na puro pader ang nakapaligid sa akin, ang maliit na papel na iyon ang tanging bintana ko sa labas.
Kinabukasan, hindi ako pinayagang lumabas ng kwarto hanggang tanghali. Nang bumukas ang pinto, hindi si Manang Rosa ang pumasok kundi si Julian. May dala siyang tray ng pagkain—something he never does.
"Eat. We need to talk," sabi niya habang inilalapag ang tray sa bedside table.
"Kailangan ba talagang naka-lock ang pinto, Julian? Hindi naman ako tatalon sa bintana," matabang kong sabi habang nauupo sa gilid ng kama.
"After what happened last night with Mark and Vyrios? Yes. You’re impulsive, Aria. I’m just making sure you don't do anything stupid." Naupo siya sa sofa sa tapat ko, ang mga mata niya ay nakatitig sa bawat galaw ko.
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko bago uminom ng tubig.
"The contract. I’m adding a new clause," direkta niyang sagot. Nilabas niya ang folder mula sa likuran niya. "Since you’re already 19, and you're no longer just my ward, I want you to start working for Imperial Holdings. Bilang assistant ko."
Natawa ako nang pait. "Assistant? Or display? Para mabantayan mo ako 24/7?"
"Both," sagot niya nang walang kurap. "And in exchange, I’ll increase the trust fund for your Lola’s aftercare. I’ll hire the best private nurses for her once she’s discharged from the ICU. Full recovery, Aria. No expenses spared."
"Bakit kailangang may kapalit lagi? Hindi ba pwedeng gawin mo 'yun dahil... dahil tao ka rin?"
Tumayo si Julian at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng kama, kinukulong ako sa gitna ng mga braso niya. "Because in my world, everything has a price. Especially something as precious as you."
Inilapit niya ang mukha niya sa akin, at sa pagkakataong ito, hindi ako umiwas. "Ano pa ang gusto mo, Julian? Nakuha mo na ang kalayaan ko. Nakuha mo na ang loyalty ko dahil kay Lola. Ano pa?"
"I want you to forget Alexander Vyrios," bulong niya. "I saw how he looked at you. And I know you still have that card he gave you."
Nanigas ako. "Paano mo—"
"I have cameras, Aria. At alam ko kung kailan ka nagsisinungaling." Inabot niya ang kamay niya sa likod ng phone ko at kinuha ang card. Sinilaban niya ito gamit ang kanyang lighter sa harap ko mismo. "He’s not your savior. He’s my rival because he wants everything I own. And right ngayon, that includes you."
"Hindi ako gamit, Julian!" sigaw ko sabay tulak sa kanya.
"Then prove it. Work for me. Be by my side. Show everyone that you belong to an Imperial," sagot niya, ang boses niya ay malamig at puno ng possessiveness.
Hindi ako nakasagot. Wala akong choice. I signed that paper, and he holds the life of the only person I love in his hands.
Pagkalipas ng dalawang oras, nasa loob na kami ng opisina niya sa Imperial Tower. Napakalaki ng building, puro glass at steel. Ang mga empleyado ay halos yumukod nang dumaan kami. Dinala niya ako sa isang desk sa loob mismo ng opisina niya—literal na ilang metro lang ang layo sa kanya.
"That's your station. Your only job today is to review these files," sabi niya sabay turo sa isang tumpok ng folders.
Habang nagbabasa ako, bumukas ang pinto ng opisina niya nang walang katok. Pumasok ang isang babae, maganda, naka-corporate attire na kulay pula, at mukhang kasing-edad ni Julian.
"Julian, we need to discuss the Vyrios merger attempt—oh, who is this?" tanong nung babae habang nakataas ang kilay sa akin.
"Aria, my new assistant. Aria, this is Monica, my COO," maikling pakilala ni Julian.
"Assistant? I thought she was the ward you’ve been hiding for years," sabi ni Monica, ang tono niya ay puno ng pang-iinsulto. Lumapit siya sa desk ko at tiningnan ang binabasa ko. "Can she even understand those files? Architecture student siya, 'di ba? Not business."
"She’ll learn," seryosong sabi ni Julian. "Monica, the files."
Habang nag-uusap silang dalawa tungkol sa mga stocks at mergers, nakaramdam ako ng matinding pagkairita. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa kung paano hawakan ni Monica ang braso ni Julian habang nagpapaliwanag. At si Julian, hinahayaan lang siya.
"Aria, get us some coffee," utos ni Julian nang hindi tumitingin.
"May sekretarya ka sa labas, 'di ba?" sagot ko, hindi napigilan ang sarili.
Huminto si Julian sa pagsasalita at tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay nagbabala. "You're my assistant, Aria. Coffee. Now."
Tumayo ako nang padabog at lumabas. Sa pantry, habang nagtitimpla ako, biglang nag-vibrate ang phone ko. Isang unknown number.
I know you're in his office. Look out the window of the 45th floor pantry.
Kinabahan ako. Dahan-dahan akong lumapit sa bintana at tumingin sa tapat na building—ang Vyrios Plaza. Sa roof deck, nakita ko ang isang pigura ng lalaki na may hawak na binoculars. Alexander. Kinuha ko ang phone ko at nag-type.
Anong kailangan mo?
I have the real records of your father's debt. Julian lied to you, Aria. He didn't just 'take over' the debts. He orchestrated them. Meet me tonight at the gala dinner. I'll show you the truth.
Binitawan ko ang kutsarang hawak ko. Kung totoo ang sinasabi ni Alexander, ibig sabihin ay buong buhay ko akong niloloko ng taong pinagkakatiwalaan ko.
"Bakit ang tagal ng kape?"
Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Julian sa likuran ko. Mabilis kong itinago ang phone ko sa bulsa.
"M-Mainit pa 'yung tubig," palusot ko habang nakatalikod.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko mula sa likod. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko, ang amoy ng sigarilyo at mint ay bumalot sa akin. "You're acting strange again, Aria. May kausap ka ba?"
"Wala. Sino namang kakausapin ko?"
Iniharap niya ako sa kanya. "Remember the contract. If I find out you're talking to Vyrios again, the surgeons in the hospital will get a call they won't like. Maliwanag ba?"
Tumango ako, kahit ang totoo ay gusto ko na siyang saktan. "Maliwanag."
"Good. Finish the coffee. We have a meeting with the board in ten minutes. I want you to sit beside me," sabi niya sabay halik sa gilid ng labi ko bago lumabas ng pantry.
Naiwan akong nakatayo doon, nanginginig ang mga kamay. Kinuha ko ulit ang phone ko at nag-reply kay Alexander.
I'll be there. Just tell me when.
Pagbalik ko sa opisina, nakita ko si Monica na nakaupo sa desk ni Julian, tumatawa. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang nakaka-asar.
"Thanks for the coffee, sweetie," sabi ni Monica habang kinukuha ang baso mula sa tray na dala ko.
Inilapag ko ang kape ni Julian sa harap niya nang walang imik. Umupo ako sa desk ko at nagkunwaring nagbabasa, pero ang isip ko ay nasa mensahe ni Alexander. Kung totoo ang sinasabi niya, kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas kay Julian bago pa ako tuluyang mabaliw sa mansyong 'yun.
"Aria, pay attention," seryosong sabi ni Julian habang tinitingnan ang isang presentation sa screen. "This merger is important. It will double our assets."
"And crush Vyrios," dagdag ni Monica habang nakatingin kay Julian.
"Exactly," sagot ni Julian.
Tumingin ako sa kanilang dalawa. Pareho silang mga mandaragit. At sa gitna nila, ako ang tanging biktima na wala pang laban. Pero hindi na magtatagal 'yun.
"I need to go to the restroom," sabi ko habang tumatayo.
"Wait for the break, Aria," utos ni Julian.
"Hindi ko na kaya, Julian. Sandali lang 'to," giit ko sabay lakad palabas bago pa siya makatanggi.
Paglabas ko ng pinto, mabilis akong naglakad patungo sa fire exit. Kailangan kong tawagan si Alexander. Kailangan kong malaman kung ano ang plano niya bago ako bumalik sa loob ng hawlang 'yun.
ARIA POVMabilis ang tibok ng puso ko habang pababa kami sa grand staircase ng Imperial Manor. Ngayong gabi ang charity ball kung saan magaganap ang merger announcement ni Julian, pero sa isip ko, ito ang gabi ng pagtakas ko. Suot ko ang isang kulay emerald na gown—masyadong magarbo para sa isang "assistant," pero saktong-sakto para sa isang fiancée."You look tense, Aria," pansin ni Julian habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan."Maraming tao, Julian. Hindi ako sanay na ipinapakita sa lahat," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya."Get used to it. After tonight, everyone will know exactly who you are to me." Sumakay siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Malamig ang mga daliri ko, pero hindi niya binitiwan.Pagdating sa venue, mas marami ang press kaysa noong nakaraang linggo. Ang flash ng mga camera ay parang kidlat na bumubulag sa akin. Sinalubong agad kami ni Monica, na mukhang handang-handa na sa kanyang role bilang COO."Julian, the board is waiting. Alexander Vyrio
ARIA POVBuong gabi kong tinitigan ang calling card ni Alexander Vyrios. Itinago ko iyon sa loob ng casing ng cellphone ko, sa ilalim mismo ng pirma ko sa kontrata ni Julian na kinuha ko ng litrato sa isip ko. Alam kong delikado, pero sa mundong ito na puro pader ang nakapaligid sa akin, ang maliit na papel na iyon ang tanging bintana ko sa labas.Kinabukasan, hindi ako pinayagang lumabas ng kwarto hanggang tanghali. Nang bumukas ang pinto, hindi si Manang Rosa ang pumasok kundi si Julian. May dala siyang tray ng pagkain—something he never does."Eat. We need to talk," sabi niya habang inilalapag ang tray sa bedside table."Kailangan ba talagang naka-lock ang pinto, Julian? Hindi naman ako tatalon sa bintana," matabang kong sabi habang nauupo sa gilid ng kama."After what happened last night with Mark and Vyrios? Yes. You’re impulsive, Aria. I’m just making sure you don't do anything stupid." Naupo siya sa sofa sa tapat ko, ang mga mata niya ay nakatitig sa bawat galaw ko."Anong gust
ARIA POVIsang linggo na ang nakalipas simula noong pirmahan ko ang kontratang 'yun, pero pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas. Hindi ako pinapayagang lumabas ng mansyon nang walang bodyguards. Kahit sa school, kailangan kong mag-file ng leave dahil sabi ni Julian, "masyado pang magulo ang sitwasyon."Pero ngayong gabi, iba ang gusto niya."Wear this," sabi ni Julian habang inilalapag ang isang paper bag mula sa isang mamahaling boutique sa ibabaw ng kama. "May charity gala sa Manila Hotel. Kailangan mong sumama.""Akala ko ba bawal akong lumabas?" tanong ko habang nakatingin sa backless black gown na nasa loob ng box."You're coming with me as my date, Aria. Not as my ward," sagot niya habang inaayos ang kanyang relo sa harap ng salamin. "And don't even think about making a scene. Maraming media doon."Nang makarating kami sa hotel, halos mabulag ako sa dami ng flash ng camera. Mahigpit ang hawak ni Julian sa bewang ko, isang pag-aangkin na hindi ko magawang iwasan dahil sa dam
ARIA POVHindi ako nakatulog nang maayos. Buong gabi akong nakatitig lang sa kisame ng guest room—dahil hindi ako pumayag na manatili sa kwarto ni Julian. Sinubukan kong tumakas kagabi pagkapasok niya sa banyo, pero gaya ng inaasahan, naka-lock ang pinto mula sa labas. I felt like a prisoner in a house I used to call home.Maaga pa lang, narinig ko na ang katok ni Manang Rosa, ang head maid namin."Aria? Pinapababa ka na ni Sir Julian. Sabay daw kayong mag-breakfast," mahinang sabi niya mula sa labas.Bumangon ako, mabigat ang pakiramdam. Namamaga ang mga mata ko at tuyo na ang luhang dumaloy kagabi. Pagbaba ko sa dining area, nandoon na siya. Nakasuot na siya ng charcoal gray suit, nagbabasa ng tablet habang humihigop ng kape. Parang walang nangyaring gulo kagabi."Maupo ka," utos niya nang hindi tumitingin.Umupo ako sa tapat niya. Walang imik kong tinitigan ang pagkain. Pancakes, bacon, at fruits—yung mga paborito ko. Pero parang wala akong gana."Kumain ka na. May kailangan tayong
ARIA POVNanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang suot kong silk dress sa harap ng salamin. It’s my 19th birthday. Dapat masaya ako, pero may kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil alam kong darating si Tito Julian.Si Julian Imperial. Ang lalaking kumupkop sa akin simula noong mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente sampung taon na ang nakakaraan. Siya ang guardian ko, ang benefactor ko, at ang taong pinaka-kinatatakutan ko sa buong mundo.“Aria, baby? Are you ready?”Napalingon ako sa pinto. Si Mark, ang boyfriend ko. Halos isang taon na rin kaming secret relationship dahil alam kong hindi papayag si Julian. Mark is simple, a working student, and the only person who makes me feel normal.“Yeah, pababa na,” sagot ko sabay pilit ng isang ngiti. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko.“You look beautiful. Happy birthday,” bulong niya bago ako hinalikan sa noo. “Don’t worry, okay? Everything’s going to be fine tonight. I have a surpris







