Share

Kabanata 2 "Unfearful Lady"

[“Hindi ka na ibang tao sa akin, Reese. Kaya kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. I willl treat you as my own sister.”]

Iyan ang pangako na binitawan ko kay Reese noon. Kaya naman nang malapit na sa bingit ng kamatayan, inasahan ko na niya rin ako iiwan. Pero anong sinabi niya sakin habang nasa selda ako?

[“Alam kong hindi ikaw ang pumatay kay sir Sorren. Pero kailangan mong mawala, Harriet. Para sa kaligayahan ko, kailangang mamatay ng tunay na tagapagmana. Gagawin mo naman iyon bilang kaibigan ko, hindi ba? Nadia Wyatt. Ikaw ang tunay na Nadia Wyatt, Harriet. Pero huwag kang mag-alala. Sa oras na mawala ka, gagampanan ko ng mabuti ang posisyon mo. We’re friends after all.”]

‘Kaibigan?’

Isang kaibigan na umagaw ng posisyon ko at humiling na sana mamatay na ako?

I looked at Reese who is smiling at me while standing at the open door of my room. Suot-suot ang pang-katulong na uniporme, nakangiti siya sa akin matapos ibalitang nais ni lolo Sorren na kumain ng umagahan kasama ako.

Sa totoo lang, hindi ko parin maintindihan kung ano ang nangyayari. Kung nananaginip lang ba ako, nagbabalik tanaw bago mamatay o talagang bumalik ako sa nakaraan.

Subalit sobrang makatotohan ang nararamdaman, nakikita at naririnig ko para maging ilusyon lamang.

‘Did I really go back to the past?’

“B-Bakit ganyan ka tumingin, Harriet? May mali ba sa mukha ko?” tanong ni Reese.

Saka ko lang napansin na kanina pa ako nakatitig ng masama sa kaniya habang nakakuyom ang mga kamay.

Gustong-gusto ko siyang sampalin, sabunutan at kaladkarin palabas! Sa sobrang galit, nanakit ang aking lalamunan sa pagpipigil ng luhang nais pumatak.

I wanted to ask her why she betrayed me and why did she hide about my identity.

Pero alam kong hindi ako makakakuha ng sagot mula sa kaniya ngayon. Kahit pa umaapaw ang galit ko sa kaniya ngayon, kailangan ko munang alamin ang kalagayan ko.

Sinikap kong gawing maaliwalas ang ekspresyon ng mukha sa harap ni Reese. Nginitian ko siya habang nakaigting ang bagang at saka sumagot.

“Thank you. Gagayak na ako at pupuntahan si lolo Sorren.”

Nakahinga ng maluwag si Reese matapos marinig ang sagot ko.

Hinaplos niya ang dibdib at saka nagbigay ng tugon.

“Okay. Sasabihin ko kay sir Sorren na papunta ka na. Bye~”

Isinara ni Reese ang pinto.

Nang maisara niya ito, lahat ng lakas na tinipon ko sa mga tuhod upang manatiling nakatayo ay naglaho.

I fell on the ground, sitting while catching my breath.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili upang makapag-isip isip ng maayos subalit samu’t saring ideya ang pumapasok.

“Kanina lang… nasa selda ako,” bulong ko sa sarili. “Nakaupo na ako sa electric chair at…”

Sobrang sakit.

Naaalala ko kung gaano kasakit ang naranasan anupat parang pinig-pipiraso ang buo kong katawan ng malakas na boltahe ng kuryente.

“Pero hindi ako namatay…”

At higit sa lahat, nagising ako sa kwartong tinutuluyan sa mansyon ng Fabroa. Nakita kong muli si Reese na may suot na uniporme, at sinabi niyang…

“Ahhh!” singhap ko bago takpan ang bibig.

Si lolo Sorren.

Buhay si lolo Sorren!

Tumayo akong muli ng may luha sa mga mata. Hindi ko akalaing magkakaroon pa ng tsansa na makita ko siyang muli!

Crying, I was about to open the door when I realized something.

‘Kung pupuntahan ko si lolo ng umiiyak at kapag sinabi ko na natutuwa akong buhay siya, hindi ba’t magtataka ang lahat?’

Tinanggal ko ang kamay mula sa seradura.

Habang may luha ang mga mata, tumungo ako sa kama at umupo para makapag-isip isip.

‘Sabihin na nating bumalik nga ako sa nakaraan.’

“Paano?”

That’s a mystery that I cannot solve.

Hindi ba’t humiling ako bago mamatay na sana maparusahan ang mga taong nanakit sa akin?

“Ito ba ang sagot sa hiling ko?”

Binigyan ba ako ng langit na bumalik sa nakaraan para isakatuparan ang hinihiling?

“Na iligtas si lolo, makaiwas sa kamatayan, masabi kay Zion na inosente ako, at higit sa lahat…”

My hands clenched so hard as I think of Reese again.

‘Tama. Kailangan ni Reese pagbayaran ang lahat ng ginawa niya sa akin.’

Hindi detelyado ang impormasyon na sinabi ni Reese sa akin bago ako namatay. Pero isa ang tiyak, nagpanggap siyang si Nadia Wyatt at alam niya kung sino ang pumatay kay lolo Sorren.

I looked around my room to search for my phone.

Hindi pa nagsisimula ang pagpapanggap ni Reese bilang Nadia Wyatt dahil nandito pa siya bilang katulong ng pamilyang Fabroa. Kung ganoon, kailangan kong malaman ang eksatong araw, buwan at taon kung kailan ako bumalik.

I saw my phone above the mini cabinet. Kinuha ko ito at agad na binuksan.

May 6, 2022, Friday; iyan ang nakita ko sa screen. Sinubukan kong buksan ang cellphone subalit hindi ko ito nagawa dahil ibang lock code ang ginamit ko.

“Kung May 6, 2022 ngayon, ibig sabihin, bumalik ako isang taon pa lang ang nakalilipas.”

Kaya hindi ko na matandaan ang lock code ng cellphone ko dahil napalitan ko na ito ng ilang beses noon.

I closed my eyes and nodded my head.

Hindi bale. Ang mahalaga, may tsansa ako na mapigilan ko ang mga masasamang mangyayari sa hinaharap.

Tiyak na walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko ito sa iba, kung paanong hindi rin ako makapaniwala sa sitwasyon ko ngayon.

But for now, I need to accomplish one thing before waking up from this mysterious nightmare.

“Kailangan kong kumain ng umagahan kasama ni lolo Sorren at ang pamilya ni Zion.”

Oo nga’t hindi ko matandaan ang eksaktong petsa kung kailan kumain ako ng umagahan kasama ang pamilyang Fabroa sa unang pagkakataon. Pero tandang-tanda ko parin ang mga pangyayari ng panahon na iyon.

‘Isn’t this the time to fight back?’

Ano pa bang ikatatakot ko?

Ang mawalan ng trabaho?

Ang mapalayas sa mansyon na ito?

Ang magalit sa akin si Zion?

I am not scared at all.

I lost my job before, went on jail, had Zion cursed at me, lost my dearest Sorren, got stabbed my back by my friend and even… died.

Anuman ang mangyari, alam ko na kahit mapaalis ako sa pamamahay na ito, may lugar ako na mapupuntahan.

“Nadia Wyatt.”

Tama.

I am the real Nadia Wyatt; ang tagapagmana ng Wyatt corporation.

Tumayo ako mula sa higaan at naglakad papunta sa harap ng cabinet. Nang buksan ko ito, nakita ako ang mga damit na palaging sinusuot bilang sekretarya ni lolo Sorren at ang mga damit na iniiwasan kong suotin.

Working as secretary, I believed that I only need to wear a plain clothes. But now, let’s try to flip the table.

Kinuha ko ang barong may matingkad na kulay dilaw. Iniregalo sa akin ito ni Zion noong kaarawan ko. Pero dahil nagselos sa akin ang m*****a niyang kapatid, ni minsan ay hindi ko ito sinuot.

‘I regretted not wearing this before dying.’

Tumingin ako sa salamin, hawak hawak ang dilaw na damit.

“Let’s have a make-over, miss Nadia Wyatt,” I said to myself with a smirk.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status