Share

The Billionaire's Real Daughter (Taglish)
The Billionaire's Real Daughter (Taglish)
Author: Joshicoup

Kabanata 1 "When The Dead Came Back"

Sa loob ng malamig na selda, kapos hangin akong napatingon sa posas na bakal na siyang gumagapos sa aking magkabilang mga kamay. Bagamat hindi mababakas sa aking mga mata ang takot at kaba, ang malakas na pintig ng ng aking mga pilso at panlalamig ng aking mga kamay at paa ay nagpapakitang hindi parin akong handa sa mga susunod na mangyayari.

Ilang oras na lamang bibitayin na ako sa krimeng hindi ko naman ginawa.

Poot, paghihinakit at awa sa sarili; iyan ang aking mga naramdaman habng binubulay-bulay ang mga bagay na isinakripisyo ko pa sa mga taong humusga sa akin.

Wala akong inagrabyado.

Pinagsilbihan ko ng buong puso ang pamilyang Fabroa.

Kaya bakit?

Bakit kailangan kong mamatay kung wala naman akong kasalanan?

“Dahil walang naniwala. Walang maniniwala,” ang natatawa kong sambit sa sarili.

Sa kabila ng ipinakita kong pagmamahal kay lolo Sorren, walang naniwala na hindi ako ang pumatay sa kaniya.

Ipinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim.

Ayaw ko mang maalala, sumariwa sa aking isipan ang imahe ni Zion Fabroa.

Malinaw kong naaalala ang matalim niyang titig habang umiiyak, maging ang masakit niyang salita na dumurog ng aking puso. Tinignan niya ako na para bang pinagtaksilan siya ng langit at lupa, at na handa niyang kitilin ang aking buhay ng mga panahon na iyon.

Siya na lamang sana ang bukod tanging magbibigay sa akin ng pag-asa na mapawalang sala sa maling paratang.

Because he knows I love him. Alam niya kung gaano ko siya minahal kaya’t hindi ko magagawang saktan ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Mahihinang hikbi ang kumawala sa aking mga labi. Habang nalulunod sa pagdadalamhati, narinig ko ang pagbukas ng selda.

Nanginig ang mga kalamnan ko, at tumagaktak ang malalapot na pawis sa aking noo. Pagbukas ng mga mata, napahinga ako ng malalim nang nakita ko ang isang kaibigan na naging karamay ko noon.

‘Tama! Siya nalang ang pag-asa ko! Siya nalang ang makakatulong sa akin!’

“Reese! Reese!”

Gumapang ako sa sahig papunta sa kaniya. Mabilis kong hinablot ang mga kamay niya habang nakaluhod.

“Tulungan mo ko! Please! Hindi talaga ako ang pumatay kay lolo Sorren! Alam mo kung gaano ko siya kamahal! Paano ko magagawang patayin ang itinuring kong magulang na nagpalaki sa akin! Please, Reese! I can’t die like this! Nakikusap ako!”

“Nadia Wyatt,” ang kalmadong tugon ni Reese.

Inangat ko ang paningin sa aking kaibigan.

“Ang pangalan ko ay Nadia Wyatt. Hindi Reese.”

Nadia Wyatt; ang nawawalang anak ng bilyunaryong si Mr. Astell Wyatt na nagmamay-ari sa Wyatt Corporation. Nagtatrabaho lang noon si Reese sa pamilyang Fabroa bilang katulong. Iyon ang dahilan kung bakit kami naging malapit na magkaibigan, dahil nagsisilbi rin ako bilang sekretarya naman ni Chairman Sorren Fabroa, ang nagpalaki at nagpa-aral sa akin. Pero nang mapag-alamang si Reese pala ang nawawalang anak ni Mr. Astell, kagyat na gumanda at guminhawa ang buhay nito bilang ang kaisa-isang tagapagmana ng malaking organisasyon.

Hindi lang iyon. Bilang Nadia Wyatt, itinakda rin siyang ikasal kay Zion Frabroa, ang lalaking minahal ko ng higit sa aking sarili.

Sa kabila noon, naging masaya ako para sa aking kaibigan at sinuportahan ko pa ang kanilang relasyon.

Kaya kung mayroon akong mahihingan ng tulong sa mga panahong ito, alam kong si Reese ang sagot ng Maykapal. Mayaman siya at maimpluwensiya. Tiyak na pumunta siya rito para iligtas ako.

“Nadia! Nadia! Tutulungan mo akong hindi ba? ‘Di ba?!”

Ibinitaw ni Reese ang mga kamay ko mula sa kaniya. Pagkatapos, narinig ko siyang tumawa ng mahina.

“Nadia,” bulong niya. “Nakakatawang marinig ang pangalan na ito sa mismong may-ari.”

‘Sa mismong may-ari? Anong ibig niyang sabihin?’

“Hindi ako pumunta rito para iligtas ka. Wala ng paraan upang ibahin ang sintensya.”

Alam ko. Alam ko ito pero… Pero…

“Kung ganoon, dumalaw ka ba para makita ako bago mamatay?”

Nagtamang muli ang aming mga mata, kasabay ng paglaho ng ngiti sa kaniyang mga labi.

Naramdaman ko ang pagsitaasan ng aking balahibo habang pinagmamasdan ang kaniyang titig, waring nandidiri sa akin.

Dahan-dahang lumuhod si Reese sa gawing harapan at saka hinaplos ng marahan ang aking mga kamay na nakatanikala.

My eyes looked at her hands which are caressing mine.

Hindi ito ang haplos ng isang kaibigang nalulungkot para sakin.

Hindi.

Nang tignan siyang muli, tumambad sa akin ang mapag-larong ngisi sa kaniyang mga labi.

“Alam kong hindi ikaw ang pumatay kay sir Sorren. Pero kailangan mong mawala, Harriet. Para sa kaligayahan ko, kailangang mamatay ng tunay na tagapagmana.”

Inilapit niya ang labi sa aking tainga at bumulong.

“Gagawin mo naman iyon bilang kaibigan ko, hindi ba? Nadia Wyatt.”

Waring tumigil ang ikot ng mundo.

Tinignan ko ang babae na tumawag sa aking Nadia.

“Ikaw ang tunay na Nadia Wyatt, Harriet,” dagdag niya na saglit na nagpatigil sa aking paghinga. “Pero huwag kang mag-alala. Sa oras na mawala ka, gagampanan ko ng mabuti ang posisyon mo. We’re friends after all.”

Binitiwan niya ako at tumayo.

My mind went blank. Hindi ko maintindihan. Ibig bang sabihin, ako ang tunay na… ang tunay na…

“Ahhh, one more thing,” Reese added as she looked back.

Tinignan ko siyang muli habang walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha.

“Ikakasal na kami ni Zion sa sususnod na buwan. May gusto ka sa kaniya, right? But as your impostor, I will try my best to love him as much as you did. Kaya matulog ka lang nga mahimbing… magpakailanman.”

Tumalikod siya at niliban ang malamig na selda ng hindi man lumilingon ng pabalik, na parang wala siyang ni katiting na pag-sisisi.

Labis na nag-init ang buo kong katawan sa galit; poot para sa mga umiwan at nagtraydor, sa mga umapi at tumapak sa aking pagkatao, at sa kaibigan na umagaw ng pangalan ko at ng aking minamahal.

Pero wala ng akong magagawa. Wala na akong magagawa kung hindi kimkimin ang pagnanais na maghiganti at dalhin ito hanggang sa ilalim ng lupa.

Matapos ibuhos lahat ng luha, ‘di na nakakapagtaka na naging manhid na ang aking pakiramdam habang nakaupo sa upuan kung saano ako mamatay.

Nakagapos ako sa electric chair, naghihintay sa huling yugto ng aking buhay.

‘Ito na ang huli. Pagkatapos nito, mawawala na ang sakit, galit at lungkot.’

Kung may isa man akong hihilingin bago mamatay, ito ay sana magdusa ang mga taong nanakit sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata kasabay ng pag-andar ng elektronikong makina.

I felt the pain and how my heart stopped.

‘Tapos na dapat ang lahat.’

Then why do I feel my heart beating again?

Idinilat ko ang mga mata. Ang kauna-unahan kong nakita ay hindi ang lugar kung saan ako pinahirapan hanggang mamatay, kung hindi sa aking kuwarto.

‘Nananaginip ba ko?’

Pero namatay na ko kanina ha.

Kisap mata akong bumangon mula sa pagkakahiga at nagmasid sa paligid.

‘This is my room in Fabroa’s mansion.’

Bakit? Bakit ako nandito?

Tumayo ako at tumungo sa harapan ng salamin.

I looked at myself in front of the mirror; at my eyes and my hands.

‘I’m alive.’

“Anong nangyari? Paano ako…?”

‘Tok tok!’

Mayroong kumatok kaya’t napatingin ako sa direksyon ng bumukas na pinto. Namilog ang aking mga mata ng makita si Reese!

Parang ilang oras lamang ang nakakaraan mula ng dalawin niya ako sa selda, pero heto siya ngayon, nakangiti habang suot-suot ang uniporme ng pang-katulong.

“Harriet! Gusto raw ni sir Sorren na makasama kang kumain ng umagahan! Alam mo ba, nandito rin si sir Zion! Kaya magbihis ka ng maganda, okay?”

Nang marinig ko ang mga sinabi niya, doon ko lamang naintindihan ang posibleng nangyari.

‘Bumalik ako sa nakaraan.

Bumalik ako upang bawiin ang dapat ay sa akin.’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status