Share

Kabanata 3 "Harriet Avellino"

“Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan nating maghintay sa isang hamak na sekretarya bago magsimulang kumain?” ang tanong ni Madell habang nakaupo sa iisang hapag-kainan kasama ang buong pamilya.

Tumingin siya sa ama at ina, kay Mr. Finn and Sherly Fabroa na kapwa napakunot ng noo  habang itinutungo ang mga mata sa spoiled brat nilang anak na babae.

“I don’t understand why do I need to wait for that b*tch,” pagpapatuloy ni Madell na may halong pag-irap pa.

Maya-maya, naramdaman ni Madell ang pag-sipa sa kaniyang paa mula sa kapatid niyang lalaki na si Zion.

“Ouch!” she winced as she looked at her brother, who’s sitting beside her.

Zion turned his head to his sister. Katulad ni Madell na may magandang mukha at kutis ng balat na waring pinaliguan ng gatas, si Zion din naman ay pinagpala ng gwapong mukha at matikas na pangangatawan.

He has a crew cut and darting eyes, Hades-black eyebrows affixed to an aesthetic face, a hawky’s nose and a shapely face. Hindi na nakakapagtaka na maraming entertaiment at nagtatanong kung may plano bang mag-artista ang isang Zion Fabroa. But he doesn’t need to be a celebrity just to be famous.

Sa gandang lalaki palang, sa pinag-aralan at sa laman ng pitaka, walang babae ang hindi nakakakilala sa bilyunaryong apo ng may-ari ng Fantell Architecture Firms.

“Why did you kick me?!” reklamo ni Madell sa nakatatandang kapatid.

Forging a cough, “Ahem,” Zion simply pointed their grandfather.

Tumungo ang mga mata ni Madell sa lolo na siyang nakaupo sa gitna ng mahabang lamesa.

He is Sorren Fabroa, ang may-ari ng Fantell Architecture Firms, at ang bilyunaryong matandang kumupkop kay Harriet Avellino noong naulila ito ng magulang.

Pinasyalan ng tingin ni Sorren ang malditang apo na walang pakundangan sa pagsasalita sa harap ng pagkain at ng mga nakatatanda.

Labag man sa kalooban, ibinukang muli ni Madell ang mga labi at humingi ng tawad sa mahinang boses, “S-Sorry. I didn’t mean to call her that, grandpa.”

Huminga ng malalim ang matanda.

Kinuha niya ang baso ng tubig sa gilid at saka humigop ng kaunti.

Ramdam ng pamilya ang kaba habang pinagmamasdan ang Chairman na umiinom ng tubig.

Ilang buwan narin kasi ang nakalipas mula ng huli silang kumain ng sama-sama. Kahit pa sa iisang mansiyon sila nakatira, napakadalang magkita-kita ng pamilyang Fabroa, lalo na sa harap ng hapag-kainan.

Kamailan lamang, narinig nila na may balak ang Chairman na magbitiw sa puwesto at ipasa na ang kompanya sa susunod na tagapag-mana. Kaya naman, naisip ng mag-asawang si Sherly at Finn na baka ito na ang araw kung kailan sasabihin ng ama ang desisyon.

Ang makakakuha kaya ng puwesto ay si Finn, o kaniyang anak na si Zion?

Siyempre, nais ni Finn at Sherly na makuha ang loob ng matanda sa pagkakataon na ito. Anupat kahit hindi pabor na kumain kasama ni Harriet Avellino, ang ampon ng pamilya, tiniis ito ng mag-asawa. Pero nasira ang maganda nilang plano dahil sa bratenelang anak na si Madell.

[“What are you doing?!”] Sherly mouthed to her daughter.

[“What? I apologized!”] Madell mouthed back.

‘Tingkkkk.’

Lumikha ng matinis na tunog ang paglapag ni Sorren ng baso sa lamesa. Muli siyang pinagmasdan ng anak, ng manugang at ng mga apo.

“Ang tagal nating hindi nagsalo-salo. Pero nakita kong hindi parin nagbabago ang paraan ng pagdidisiplina niyo sa apo kong si Madell,” ang sabi ng matanda gamit ang garalgal na boses na nahasa kasabay ng panahon.

Yumuko si Madell at sumimangot nang maramdaman ang matalim na titig ng ina.

Sa kabilang banda, hindi namang maiwasan ni Finn na mapangiti ng sarkastiko dahil sa inis. Bakit mas kinakampihan ng matanda ang ampon kaysa sa sarili nitong apo?!

Hindi lang basta pinalaki at pinag-aral ni Sorren ang ampon niyang si Harriet. Binigyan niya ito ng magandang trabaho bilang kaniyang sariling sekretarya at naglagda ng mga lupain sa pangalan ng dalaga!

Thinking about this, Finn had a bad premonition.

‘Wala naman sigurong balak si papa na gawing tagapag-mana si Harriet, hindi ba?’ pangamba ni Finn.

Ito ang unang pagkakataon na kakain sila ng umagahan kasama ni Harriet Avellino; sa mismong araw matapos nilang marinig na balak ng Chairman na magbitaw ng puwesto.

Habang pinag-iisipan ang tungkol dito, dumako ang tingin ni Finn sa anak na lalaki na si Zion.

May posibilidad na si Zion din ang sumunod na tagapag-mana. Pero wala itong interes sa kompanya kaya nakatitiyak si Finn na tatanggihan ni Zion ang alok ng lolo.

Ngayon, isa na lamang ang kinababahala niya.

‘Harriet Avellino,’ Finn told to himself while gritting his teeth. Noon pa man, inis na siya sa bata na ito. Bukod sa hindi nila ito kadugo at na mababa ang tingin niya rito, selos na selos si Finn dahil natanggap ng batang Harriet ang pagmamahal mula sa ama.

‘Ni minsan, hindi ako tinanggap ni papa. Kaya kung kay Harriet niya ibibigay ang kompanya, baka magdilim ng ng tuluyan ang paningin ko,’ ang sumpa ni Finn habang iniisip ang inosenteng si Harriet.

“Pasensya na po pa,” ang tugon ni Sherly sa sinabi ni Sorren kanina. “Stress lang po si Madell dahil marami siyang activities sa school. Right, Madell?”

Sinenyasan niya ang anak na sumang-ayon sa palusot.

Walang buhay na sumagot si Madell ng, “Yeah. Right.”

Tumango si Sorren sa narinig. “Kaya ba pinatawag siya sa guidance dahil nahuli siyang naninigarilyo sa school?”

Madell’s eyes wide opened. Sa pagkakaalam niya, ginawa na ng ina at ama ang buong makakaya para mapatahimik ang mga nakakaalam at na hindi umabot ang impormasyon sa tainga ng lolo. Kaya naman kung nalaman ito ni Sorren, isa lang ang pwede niyang pagbintangan.

“Sinumbong na naman ba ako ng s****p na si Harriet?!” sigaw ni Madell.

“Madell!” sigaw ni Sherly sa anak.

“Nanggigigil na talaga ako sa kaniya! Wala siyang karapatan na alamin ang buhay ko dahil lang sa sekretarya siya ni lolo! Anong…!”

BAM!

Napatigil ang lahat dahil kinalabog ni Sorren ang lamesa.

Sherly and Madell’s face turned pale as they looked back at the chairman. Samantalang si Zion naman ay pasimpleng natatawa sa mga nangyayari.

‘Ahhh. Kaya nga ba ayaw kong umuuwi ng bahay,’ singhap ni Zion sa sarili.

Hangga’t maaari, iniiwasan ni Zion na umuwi sa mansyon at manatili nalang sa condo unit. Pero may isang dahilan kung bakit pinipilit pa rin niyang dumalaw.

It is because of Harriet.

Alam ni Zion na sa bahay na ito, si Harriet ang pinakatampulan ng galit ng mga napakapaligid. Selos mula sa amang si Finn, panliliit mula sa inang si Sherly at pang-aapi naman mula sa kapatid na si Madell.

Matagal ng sinasabi ni Zion kay Harriet na lumipat na ng bahay. Pero hindi ito magawa ng kababata dahil nag-aalala siya sa kalusugan ng chairman.

‘What will I do to that stubborn lady?’ tanong ni Zion habang iniisip si Harriet.

“Ikaw pa talaga ang may ganang magalit, Madell,” pangaral ni Sorren sa apo.

Parang halamang makahiyang tumiklop si Madell sa kinauupuan. But this will only for a short time. Pinapangako ni Madell na gumanti kay Harriet sa oras na wala ng ibang nakakakita.

Sanay naman na si Madell na gawin ito; ang pisikal na saktan si Harriet para gumaan ang loob.

“Mali talaga ang anak ko,” ang pag-singit ni Finn sa usapan. “Pero papa, bakit kailangan nating kumain ng umagahan kasama ni Secretary Harriet?”

Isa-isang tumungo ang mga pares ng matanda sa Chairman ng Fantell. Maging ang mga katulong sa paligid na nais ding malaman ang sagot ay tumingin kay Sorren at naghintay ng sagot. Kasama sa mga katulong na nasa paligid ay si Reese, ang matalik na kaibigan ni Harriet.

Pinunasan ni Sorren ang basang labi gamit ang malinis na puting pamunas.

He cleared his throat and then answered.

“May mahalaga akong sasabihin sa lahat,” ang sabi ni Sorren.

Ito na ba ang matagal na hinihintay ni Finn at Sherly? Ang tungkol sa susunod na tagapagmana ng Fintell?

Ibinuka ng matanda ang bibig at aakma ng may sasabihin. Subalit hindi ito natuloy dahil sa pagdating ng babae na kanina pa nila hinihintay.

“Pasensiya na po. Medyo na-late po ako,” ang bati ni Harriet.

When they looked at the side where the voice came from, they saw a beautiful lady wearing a yellow dress and pink lipstick.

Alam nilang ito si Herriet Avellino. Pero ang pustura, ngiti at tindig nito ay ibang-iba sa Harriet na nakasalamuha nila kahapon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status