Sorry po kakauwi ko lang ng bahay.
Mas naging madalas ang pagpunta ng pamilya De Guzman sa ospital magmula ng mayroon nang mag-match na bone marrow donors para kay Kyros. Naaawa man ang mag-asawa sa pinagdaraanan ng kanilang anak ay nananampalataya pa rin sila na hindi sila pababayaan ng Diyos.“Your child will be in a much worse condition if you do not seek medical treatment for him,” sabi ni Xander para palakasin ang loob nina Marco at Kara.“We will keep that in mind,” tugon ni Marco.Inihatid ni Xander ang pamilya sa hospital lobby dahil na-discharged na si Kyros matapos ang therapy ng bata.Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Marco para kuhanin ang anak na nakaupo sa car seat habang sumunod naman si Kara ngunit napahawak ang babae sa pinto ng SUV dahil bigla na lamang umikot ang paningin niya.“Marco!” napasigaw siya sa takot.Tumutunog kasi ang tainga niya at saka umiikot ang paligid niya.Napasilip si Marco sa kabilang side ng SUV. Nang makita ang hitsura ng misis ay mabilis niyang ipinasa ang anak kay Em
“Marco, I have good news for you, but I’d prefer to tell both you and your wife at the same time,” nakangiting sabi ni Xander kay Marco bago inilipat kay Amari ang tingin. “And, of course, to Amari.”Sapat ang lakas ng boses ni Xander para marinig ni Amari ang kanyang pangalan kaya umangat ang tngin niya sa doktor at nahinto sa planong paglalakad pabalik kay Noah.“Wait, I will call Kara,” ani Marco na iginala ang paningin para hanapin si Kara. Nang hindi niya makita sa sala ang babae ay tumayo ito para silipin sa kusina ang kanyang misis.“Sure,” maiksing sagot ni Xander na sinundan nang tingin si Amari nang makita niyang naglakad ang babae paikot ng mesa at iniabot kay Noah ang salad.“Thank you, baby!” matamis na sabi ni Noah. Halos pabulong lang iyon pero narinig pa rin ni Xander dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay na katamtaman ang kapal.Hindi pinansin ni Amari si Noah at naglakad patungo sa tabi ni Xander. Walang emosyong tinitigan ng doktor ang mukha ng babae pilit k
“It’s not your fault. Umiiwas na naman siguro. Hahanapin ko na lang siya,” ani Marco na hinalikan muna sa sentido ang misis bago tumayo. Tumango si Kara. Pagkuwan ay naalala naman niya si Amari dahil mula nang magdatingan ang mga bisita ay hindi na rin niya nakita ang nakababatang kapatid ni Marco. Nag-alala siya na baka umalis na ang mag-ina. “Aunt Liv, can you look after Kyros? I have to check the kitchen,” pakiusap ng babae sa tiyahin na dumating kaninang umaga. “No problem. I missed this boy, anyway,” nakangiting sabi ni Olivia na enjoy na enjoy na pakainin ang apo. Mula rin ng dumating ang matanda ay halos hindi na mahiwalay sa kanya si Kyros na halatang na-miss ang kanyang Mamita. Nilingon ni Mitch si Kara nang mapansing tumayo magkasunod ang mag-asawa. “May problema ba, Kara?” Umiling ang babae. “Wala naman po, Mama. I-check ko lang po ang desserts.” “Do you need help?” tanong muli ni Mitch. “Hindi na po, marami namang kasambahay at waiter,” nakangiting sabi ni Kara. Ma
Nagising si Kara bago pa tumunog ang alarm niya, napatitig siya sa natutulog pa niyang mag-ama. Napailing siya dahil parehong-pareho nang pagkakadapa ang mag-ama pati na ang pagkakaangat ng kanan nilang mga tuhod.Pagkuwan ay inabot niya ang diigital clock sa night stand at in-off na niya ang alarm niya para hindi magising ang kanyang mag-ama. Hindi na niya alam kung anong oras na sila umakyat ni Marco kaninang madaling-araw dahil natulugan na niya ang mister na nakikipagkuwentuhan sa kanya habang umiinom ng wine sa lanai. It was the best and the most romantic date she ever had.Hindi na rin siya nagtaka na nagising siya sa kama dahil sigurado siyang binuhat na lamang siya ng mister kanina. Hindi siya uminom ng wine dahil maaga siyang gigising at maraming kailangang asikasuhin para sa party ng kanilang anak pero hindi pa rin niya napigilan ang antok at natulugan ang mister. Bigla siyang nahiya dahil naisip niyang mali iyon lalo na mga pangarap nila sa buhay ang pinag-uusapan nila. Tu
Nagising si Kara nang maramdamang may paulit-ulit na humahalik sa buong mukha niya na sinabayan pa nang marahang paghaplos sa kanyang mga braso.Parang naririnig niya na tinatawag siya ni Marco.Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang masilaw sa liwanag ng bukas na ilaw sa kanilang silid. Mabilis namang hinarangan ni Marco ang liwanag para hindi na masilaw ang misis. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ng lalaki sa kanya.“Gising ka muna, please?” halos pabulong nitong sabi para hindi magising ang anak.Napatingin siya sa digital clock, eksaktong alas dose na ng hatinggabi. Sabay-sabay silang nahigang tatlo kanina para matulog kaya nagtataka siya kung bakit siya ginigising ng asawa. Nilingon niya ang anak na mahimbing na natutulog.Inakala niya na maglalambing na naman ang mister kaya kahit inaantok ay naupo siya sa kama para pagbigyan ang asawa. Hinila siya ng lalaki kaya walang salitang sumunod siyang tumayo at hinayaan niyang igiya siya ng mister palabas ng kanilang silid.“Baka mag
Inilipat ni Kara ang kanyang tingin sa mukha ng mister at tipid itong napangiti nang makitang hindi na maipinta sa inis ang mukha ng lalaki.“All I can remember was there’s this one young man who visits our bookstore often and would sit beside me while I was reading on this couch beside the glass window,” kuwento ni Kara na naupo na sa kabilang dulo ng upuan. Napatitig si Marco sa painting. Maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa kanyang misis na hubo’t hubad na nakaupo sa couch at tinititigan ang lumang painting. Tumayo siya at saka mabilis na bumaba para kuhanin ang kanilang mga damit na isa-isa niyang hinubad kanina.Habang paakyat sa hagdan ay may kung ano siyang naalala. “What’s the name of your bookstore?”Nilingon siya ni Kara at saka tinanggap ang kanyang mga damit. “KB’s Bookstore.”Pagkarinig noon ay muling iginala ni Marco ang paningin sa paligid. Kumunot ang noo niya nang maalala niya ang bookstore na lagi nilang pinupuntahang mag-ama noong magdesisyon siyang samahan na an