공유

Chapter 166

last update 최신 업데이트: 2025-07-31 23:11:17
Nagising si Kara nang marinig ang isang musika na nagmumula sa isang violin. Napangiti siya dahil sigurado siyang may paandar na naman ang kanyang sweet na mister. Excited siyang naupo sa kama at napangiti siya nang makita ang isang pulang rosas sa night stand.

Nakapatong ang bulaklak sa isang note:

Happy 30th Birthday, my ever gorgeous wife!

I love you times more than our networth!

Love,

Hubby

Nakangiting umikot ang mga mata ni Kara. Isang bulaklak at isang sweet note ay kaya na siyang pakiligin ng asawa.

Kumunot ang noo niya nang mapansing nag-iisa siya sa kanilang silid.

“Nasaan kaya ang tatlong boys ko?” pabulong niyang tanong, kausap ang sarili.

Sinilip niya ang banyo, walang tao. Sumunod niyang sinilip ang walk-in cabinet sa pag-aakalang naroon ang tatlo at nagtatago pero wala rin sila roon. Napilitan na siyang maglinis muna ng katawan, magsipilyo at magbihis nang maayos na pambahay bago bumaba. Baka nag-aabang ang mga ito sa lanai para sa surprise breakfast.

Pagbaba niya sa ha
Lilian Alexxis

Hello Readers! Hindi na po talaga mapipigilan ang ending ng kwento nina Marco at Kara. Gusto ko lang po magpasalamat muli sa inyong pagtangkilik sa couple na ito. Alam ko pong napaiyak nila kayo pero hindi ba't ganun naman talaga ang buhay? See you po sa susunod na update para sa ending. Love, Lili

| 31
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (8)
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Thank you rin po sa suporta!
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
Malungkot na Masaya salamat sa update at sa pagrespond sa mga reader's mo kasi yung ibang author wala manlang reply sa mga good comment ng mga reader's niya. Thank you again sa Magandang story. ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Jeanette Dayson
nakakasad naman!ma tatapos na ang story ni Marco and kara .
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 179

    Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 178

    Parating pa lang ang sinasakyang school bus ni Amari sa drop off area ay napukaw na ang atensyon ng lahat sa kumpulan ng mga estudyante sa isang gilid. Kaya pagbaba ng mga sakay ng school bus ay doon lahat nagtakbuhan ang mga estudyante para makiusyoso.Napatingin sa kanyang orasan si Amari, maaga pa naman kaya nakisilip na rin ang dalagita sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah na masayang nakikipag-usap sa isang babae na nang humarap sa gawi niya ay agad niyang nakilala. Siya ang nanalong champion sa Palo Alto Junior Cooks.Parang may tumusok sa kanyang dibdib na nakikitang nag-uusap ang babae at si Noah kaya tumalikod na siya at naglakad palayo sa lugar na iyon. Nagtataka lang siya kung anong ginagawa ng babae sa ekwelahan niya dahil hindi naman sila schoolmates.Pagdating ng recess, tulad noon ay mag-isa siyang kumakain sa canteen at hindi na siya nagulat nang tabihan siya ni Noah. Inilapag ng lalaki ang isang canned juice sa kanya

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 177

    “Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 176

    Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 175

    “I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 174

    Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status