Nakatanggap ng mensahe si Victor mula sa inupahan niyang tao para manmanan ang galaw ni Kara. Ayon dito ay ibinigay lahat ng babae ang kanyang mga damit na gawa ng Deschanel sa isang kumbento sa Palo Alto. Hindi niya masisisi ang dating kasintahan kung ganoon na lamang ang galit sa kanya, ngunit gagawin niya ang lahat para mabawi ito kahit na anong mangyari.Muling tumunog ang kanyang cellphone at isang link ang ipinadala ng kanyang kausap. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang mga alahas na ibinigay kay Kara. Naka-post na ito sa social media ng isang auction house sa Palo Alto. Parang batang nagmaktol si Victor sa inis at ibinato ang hawak na cellphone sa pinto ng kanyang opisina. Eksaktong bumukas ang pinto at nasapul ang noo ni Allona.Napahawak si Allona sa kanyang ulo dahil sa pagkahilo. Sa takot na napuruhan ang babae ay napatakbo si Victor para damputin ang cellphone bago dinaluhan ang fiancee na napasandal na sa dingding.โItโs not intended for you!โ pangangatwiran ni
Pinindot ni Marco ang power button ng kanyang phone para bumukas ang screen at saka muling ibinalik ang atensyon sa presentation ng staff na kasama sa binuong team ni Axel para sa pagsasalba sa RBs Publishing House. Panlimang ulit na niyang binabalik-balikan ang kanyang cellphone kung may mensahe ang asawa mula nang magsimula ang meeting mag-iisang oras na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.Pasado alas-nueve na siya nagising kanina at kung hindi siya tinawagan ni Enrique para sa naka-schedule na 11:00 am meeting ay posibleng tulog pa rin siya sa tabi ni Kara. At mula nang umalis siya ng bahay ay wala pa siyang natatanggap kahit isang update mula sa asawa.Napatango siya bilang pagsang-ayon nang marinig ang marketing plans na inilatag ng grupo. Hati man ang atensyon sa pag-iisip kay Kara ay hindi nakaligtas sa pandinig ng CEO ang mungkahing tanggalin ang matatanda nang empleyado at mag-hire ng mga bata para makatipid sa pagpapasahod. Sumama ang mukha nito at itininaa
Hinaplos ang puso ni Marco sa narinig. Nag-aaral magluto ang kanyang misis ng kung anong putahe para sa kanya. Ang inis na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. โMs. Kara, your husband is here,โ pabulong na sabi ni Harper kay Kara dahilan para magtaka ang babae sa narinig na impormasyon. Ang buong akala kasi ni Kara ay umalis na naman ang kanyang asawa ng walang pasabi. Napalingon sina Liv at Kara sa pintuan at agad nakita ang bulto ng lalaki na nakatayo roon. Agad in-off ni Liv ang kalan at hinatak na si Harper patungo sa isang daan palabas ng kusina para hindi maka-istorbo sa mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Kara kay Marco. Nagsimulang tumambol ang puso ng lalaki at lumalakas ito habang papalapit si Kara sa kanya. Hindi niya napigilang bahagyang kumunot ang noo na sinabyan pa ng paghaba ng kanyang nguso dahil sa hindi maintindihang kaba. Bago nakalapit si Kara sa asawa ay huminto siya sa paper towels para punasan muna ang mukha at mga kamay. Nag-alala siyang
Natiim ni Marco ang kanyang bagang. Kung babalikan ang nasabing araw ni Kara, iyon ay ang araw na iniwan niya ang babae nang walang pasabi matapos nilang magniig ng gabi ng kanilang kasal.Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Marco para ikubli ang biglang pagbigat ng kanyang pakiramdam sa nakitang lungkot sa mga mata ng kanyang asawa. โCan I try the soup now?โ pagkuwan ay nasabi niya at saka dinampot ang spoon soup sa kanyang kanan.Pipigilan sana siya ni Kara sa takot na hindi masarap ang niluto niya ngunit mabilis na humigop ng sabaw ang lalaki. Pumikit pa ito bago ngumiti. โMasarap!โLumiwanag ang mukha nina Reginald, Liv at Harper. Excited na humigop din ng sabaw ang tatlo.Nakita ni Kara na muling humigop ng sabaw si Marco kung kayaโt inobserbahan niya ang reaksiyon ng mukha ng lalaki. โItโs really good!โ pagkumpirma ni Reginald matapos humigop ng sabaw at ngayon ay kumukuha na ng kanin.Napatingin si Marco kay Kara na tahimik pa rin siyang pinagmamasdan. Isang tipid na ngit
Naalimpungatan si Kara sa hindi pamilyar na ringing tone ng cellphone. Ibinaling niya sa kabilang panig ang kanyang katawan sa pag-aakalang mawawala rin iyon. Maya-maya ay narinig niya ang patakbong yabag sa loob ng kanilang silid. โFuck!โ pabulong na mura ni Marco nang makitang gumalaw ang mga mata ng natutulog pang asawa at umiba ng puwesto.Agad niyang sinagot ang tawag at saka lumabas ng kanilang silid.Nangamoy ang pabango ni Marco sa kuwarto dahilan para mas lalong magising ang diwa ni Kara. Sandali pa niyang inamoy-amoy ang paligid bago nagdesisyong tumayo at sinimulang ligpitin ang pinaghigaan nilang mag-asawa. Eksakto namang pumasok muli ang lalaki.โItโs still early, go back to sleep,โ pangungumbinsi nito sa asawa.Isang tipid na ngiti ang pinawalan ni Kara at saka ibinalik ang atensyon sa inaayos na mga unan. โIts okay.โNilapitan siya ni Marco at saka niyakap. โIโm sorry. I forgot to mute my phone.โInamoy pa nito ang kanyang bumbunan bago bumitaw at saka pumasok sa walk-
Inisa-isa ni Kara ang mga naiwang damit sa kanyang walk-in closet sa bahay ng kanyang ama. Naghahanap siya ng akmang damit na isusuot para sa gaganaping Diamonds Gala and Auction Night bukas. Formal ang nakalagay na attire at ayaw naman niyang gumastos para lamang mag-attend ng naturang event.Kung ang babae nga lang ang masusunod ay ayaw na sana niyang dumalo tutal naman ay hindi na siya interesado sa kung sino ang makakabili ng kanyang mga alahas, ang importante ay hindi mapupunta sa wala ang mga iyon pero walang magawa si Kara dahil ang sabi ni Leah ay mismong board directors ng auction house ang nagpa-invite sa kanya.Nang makapili ng dalawang klase ay inilagay na niya ang mga iyon sa garment bag at saka bumaba para makipagkulitan muna sa kanyang tiya. Kinumbinse rin siya ng huli na doon na maghapunan na hindi na niya kinontra dahil miss na miss na rin naman niya ang kanyang ama at Auntie Liv.Pag-uwi niya ng apartment nila ni Marco. Nagulat si Kara nang makita na nakaupo sa labas
Sinipat pang muli ni Kara ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay dinampot na niya ang kanyang party clutch na kulay silver. Inilagay na niya doon kanina ang kanyang cellphone, credit card at isang maliit na spray alcohol.Pagbaba niya sa basement parking ay nakaantabay na ang driver ni Marco na si Samuel. Nakasuot ng itim na tuxedo ang lalaki dahil ibinilin ni Marco na samahan si Kara sa loob ng hall at siguruhing ligtas ang asawa.Dahil para sa charity ang gala at auction na iyon, ang venue ng event ay sa Royal Club House ng isa sa pinakasikat na subdibisyon sa Palo Alto kung saan matatagpuan ang bahay ng mga De Guzman.Pagdating nina Kara sa venue ay iniabot na lamang ni Samuel ang susi sa valet parking upang hindi malubayan ng kanyang mga mata ang babaeng amo. Nakasunod lamang ang lalaki kay Kara at hindi lumalayo nang hihigit sa isang dipa.Bago pumasok sa mismong pagdadausan ng auction, kailangan dumaan sa red carpet kung saan naroon ang mga miyembro ng press at isa-isang inii
Niyakag na nina Luciana at Mrs. Z si Kara papunta sa auction venue. Hindi mawari ni Kara ang nararamdaman nang umapak sila sa pintuan ng hall. Sa tantiya niya ay nasa isang daan o higit pa ang naroon. โOur table is in front,โ ani Luciana na nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod naman sina Mrs. Z, Kara at Samuel.Sa bandang likuran, umuwang ang mga labi ni Victor nang makitang papasok ng hall ang dating nobya. Lalong tumingkad ang puti ng babae at kitang-kita ang makinis nitong balat sa suot na midnight blue gown. Nakalugay lamang ang bahagyang kinulot na mahaba nitong buhok na pinarisan ng simpleng make-up lamang. Napansin niya ang mga kalalakihan sa hall na hindi maiwasang humanga sa babae kahit pa may mga kasamang asawa at nobya. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor nang makitang may nakasunod na lalaki kay Kara. Sa pagkakakilala ng lalaki sa babae ay hindi ito basta-basta nagpapalapit sa lalaki kahit pa manliligaw na niya ito. Kaya nagtataka siya na may lalaking nakasunod s
Mahigit isang oras na ngunit nakatayo pa rin si Victor sa loob ng restaurant. Nakaharap lamang siya sa glass wall na para bang patuloy na pinapanood ang ilang ulit na pagbabago ng kulay ng kalangitan dahil sa papalubog na araw. Napabuntong hininga ang lalaki nang maisip kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon. Paborito ni Kara ang mga ganoong tanawin kaya nang mapabalita na may bagong bukas na seven star hotel sa Palo Alto at isa sa ipinagmamalaki nito ay ang magandang view ng sunset mula sa kanilang restaurant ay agad na lumipad si Victor mula sa Paris patungong Palo Alto.Kararating lamang niya kanina at sa mismong hotel na siya nag-check in. Excited niyang pinuntahan ang restaurant para tingnan ang sinasabing magandang spot bago yayayain sana si Kara doon para maghapunan. Ngunit hindi niya inaasahang madaratnat doon si Kara. Noong una ay inakala pa niya na namamalkmata lamang siya o โdi kaya naman ay dala na iyon ng sobrang pangungulila sa dating kasintahan na pinagsisisihan ni
Napasinghap ang mga tao sa restaurant at pinagtinginan ang dibdib ni Allona. Maging si Victor na hindi tinatapunan ng tingin ang katawan ng babae ay napilitan na ring tingnan iyon. Napakunot ang noo niya nang maalala na ganoon na ganoon nga ang hitsura at puwesto ng nunal sa dibdib ng babaeng nasa video na kamukha ni Kara. Nakuyom niya ang kanyang kamao sa galit. Iniisip na niyang umalis sa restaurant na iyon dahil unti-unti siyang nakararamdam ng kahihiyan para sa kanyang katangahan. Nilingon niya si Kara na tahimik at walang emosyong nagmamasid sa kanilang lahat. Tumawa nang napakalakas si Allona dahilan para lumipat ang atensiyon ng mga tao sa kanyang mukha.โYouโre bluffing!โ sagot ng babae kay Marco.Walang emosyong hinarap ni Marco si Allona. Lalo naman kumunot ang noo ni Victor. โAre you saying that heโs lying?โโWhat else? He knows you cannot debunk his claim because you were never intimate with Kara when you were together. He can easily divert the attention to me because
Isinuot ni Kara ang isang simpleng set diamond earrings and necklace na ipinares niya sa off shoulder dark blue dress. Binili nila iyon ni Marco last week sa mall para sa pupuntahan nilang dinner sa bagong bukas na seven-star hotel sa Palo Alto. Gustong subukan ng lalaki ang mga pagkain doon dahil ayon sa review ay magaling daw ang chef ng restaurant.Paglabas ni Kara sa kanilang unit ay naghihintay na si Samuel. Manggagaling pa kasi si Marco sa San Francisco dahil nag-attend ito ng pagpupulong ng mga businessman sa buong California. Pagdating nila sa main lobby ng Rosewood Resorts and Casino, dumiretso sila sa elevator.โWhat time is their ETA?โ tanong ni Kara kay Samuel habang paakyat ang elevator sa floor kung nasaan ang restaurant.โThey are expected to arrive in ten minutes,โ magalang na sagot ni Samuel.Tumango lamang si Kara. Pagdating sa tamang floor ay sinamahan siya ni Samuel hanggang sa makaupo sa pina-reserve na spot ni Marco bago nagpaalam na magpupunta sa restroom.Napa
โBakit gumising ka na? Go back to sleep,โ malambing na utos ni Marco kay Kara nang makitang nagliligpit na ng kanilang kama.โNaiinip na ako dito sa bahay, puwede ba ako tumulong kay Dad sa publishing house?โ Isang alanganing ngiti ang pinawalan ni Kara. Nag-aalala siyang hindi payagan ng asawa.Bahagyang kumunot ang noo ni Marco, tila nag-iisip kung pagbibigyan ba ang asawa. Nilapitan siya ni Kara.โPlease? Naisip ko lang na sayang naman ang napag-aralan ko kung hindi ko magagamit,โ pakiusap ng babae at saka nito niyakap sa baywang ang lalaki. Sinubukan pa niyang magpa-cute.โHindi mo naman kailangang magtrabaho. Puwede mong bilhin lahat ng gusto mo, ubusin mo yung laman ng binigay ko sa iyong debit card, ikaskas mo pa ang black card,โ mahabang litanya ni Marco para kontrahin ang hinihiling ng asawa.Bumitaw sa pagkakayakap ang babae at humaba na ang nguso. โHindi naman pera at shopping ang gusto ko kaya ako magtatrabaho.โMasama ang loob na iniwan niya ang asawa at pumasok sa loob n
Nang masigurong tama ang sukat ng rubber shoes sa kanilang mga paa, hindi na pinahubad ni Marco ang bagong sapatos at binayaran na ang mga iyon. Hindi na rin ito kinontra ni Kara dahil nakita niya ang kakaibang saya sa mukha ng lalaki. Ipinabalot na lamang niya ang suot nila kaninang mga sapatos. Nang iabot sa kanya ng saleslady ang dalawang paperbag ay mabilis itong kinuha ni Samuel sa kanila para bitbitin.โAre you comfortable with your new shoes?โ nakangiting tanong ni Marco habang naglalakad sila palabas ng boutique.โYeah. How about you?โ paniniguro rin ni Kara sa lalaki.โComfortable as this,โ ani Marco na biglang huminto sa labas ng boutique saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Kara at marahang pinatakan ng halik ang labi ng babae bago ito niyakap nang mahigpit.Napangiti si Kara sa pagiging sweet ng kanyang asawa. Napalingon sila nang humagikgik ang dalawang babaeng teenager na napadaan at halatang kinikilig sa kanilang dalawa.Nagkatinginan silang dalawa at nginitian ang
Umuwang ang mga labi ni Kara sa tinuran ng asawa. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Gusto niyang mainis sa ginawa ni Marco pero namamangha rin siya na nagawa nilang dalawa iyon sa loob ng sasakyan. Naisip tuloy niya kung ano pa ba ang kayang gawin ng asawa sa kanya.Napapikit siya sa naisip, gusto niyang kastiguhin ang sarili. Hindi naman kasi siya malibog na babae kaya nagtataka siya sa nagagawa sa kanya ni Marco. Hindi tuloy niya maiwasang maikumpara ang kanyang naging relasyon kay Victor, sa lalaking nagsumikap na mapaamo siya. Ilang beses ipinadama sa kanya ng dati niyang kasintahan na mahal siya ngunit nagawa siyang ipagpalit sa mana at ngayoโy ikakasal sa babaeng halos kapatid na ang kanyang turing.Habang si Marco na madali siyang nakuha sa one night stand, pinakasalan siya dahil sa kagustuhan ng mga magulang at ngayon ay tinuruan siya ng kakaibang pakiramdam. Bigla siyang nakaramdam ng takot, paano kung dumating ang araw na mas maha
Simpleng maong at white eyelet blouse lamang ang isinuot ni Kara na pinarisan naman ni Marco ng puti ring long sleeves polo at denim pants. Pagbaba nila sa basement parking ay nakahanda na ang silver na sports car ni Marco. Iniabot ni Samuel ang susi kay Marco.โThanks, Sam!โ ani Marco na sinagot lamang nang bahagyang pagyuko ng driver/bodyguard. Natigilan si Kara nang pagbuksan siya ng pinto ni Marco. Ikalawang beses na iyong ginawa ni Marco ngunit hindi pa rin masanay si Kara sa gawi ng lalaki. Hinintay pa ni Marco na nakaupo na nang maayos ang kanyang asawa bago isinara ang pinto at saka umikot para sumakay sa kotse. Dahil namamangha si Kara na obserbahan ang asawa, napapikit siya nang lumapit si Marco sa kanya sa pag-aakalang hahalikan siya ng lalaki ngunit hinila lang pala ng lalaki ang kanyang seatbelt, bago pa ito i-lock ni Marco ay mabilis siyang nagnakaw ng halik sa labi ng kanyang misis na hindi naitago ang gulat.โI know youโre waiting for that,โ pilyong sabi ni Marco ha
โIโm sorry,โ mahinang sabi ni Kara at saka ipinulupot ang dalawang braso sa katawan ni Marco.โShhhhh,โ pagsuway ni Marco sa babae. โThatโs not your fault.โโHindi na lang sana ako nagtanong,โ malungkot na sabi ni Kara.Hinawakan ni Marco ang baba ni Kara at iniangat ang tingin nito sa kanya. โPuwede mo akong tanungin ng mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa akin at sa iba pang bagay basta kaya kong sagutin.โTinitigan lamang ni Kara sa mga mata si Marco. Nababasa pa rin niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki. Isiniksik niyang muli ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at dibdib nito. Rinig na rinig niya ang malakas na tambol ng puso ni Marco.Pagkuwan ay inilipat ni Marco sa kanyang leeg ang mga kamay ng asawa. Hinawakan niya ang puwitan para buhatin at saka iniyakap ang mahabang legs ng babae sa kanyang baywang. โHmmmm. This feels better,โ pilyang sabi ni Kara at saka parang bata na isiniksik muli sa leeg ng asawa ang mukha. Sininghot pa niya ang mabangong leeg nito.Seryoso lama
โJust sit there and relax. Iโll prepare our breakfast,โ malambing na utos ni Marco kay Kara habang pinauupo sa isa sa mga stool sa kitchen counter.Alanganing napangiti sa kanyang asawa si Kara. Hindi niya alam ang sasabihin at nangangapa siya sa dapat maging reaksiyon. Kinurot pa niya ang sarili para masigurong hindi siya nananaginip.Kumuha ng mug si Marco at sinalinan iyon ng gatas. Ininit pa muna niya iyon sa microwave bago inabot sa asawang tahimik na pinapanood ang kanyang bawat galaw.โFrom now on, heat your milk first before drinking,โ malambing na bilin ni Marco na pinatakan pa ng halik sa buhok ang misis bago muling bumalik sa tapat refrigerator.โOkay, sir!โ natatawang sagot ni Kara.Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Marco sa asawa bago binuksan muli ang refrigerator, kinuha ng lalaki ang wheat bread. Hinanap pa muna nito ang expiration date bago isinalang sa toaster ang ilang pirasong tinapay. Pagkuwan ay pinahiran niya iyon ng cream cheese at saka inihain sa harap ni